You are on page 1of 1

Pangalan:________________________________________Baitang at Seksyon: _______________

Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 8 Guro: _____________________________Iskor: ______


Aralin : Unang Markahan, Unang Linggo, LAS 1
Pamagat ng Aralin : Heograpiya at Limang Tema, bigyang kahulugan!
Layunin : Nabibigyang-kahulugan ang heograpiya at naiisa-isa ang limang tema nito
Sanggunian : MELC (AP8HSK-Id-4), SLM Araling Panlipunan 8
Manunulat : Aileen Rose C. Baldo
HEOGRAPIYA AT LIMANG TEMA NITO
HEOGRAPIYA – nagmula sa salitang Greek na geo o “mundo” at graphein o sumulat/ilarawan).
Samakatuwid, ang heograpiya ay ang pagsulat o paglalarawan ng mundo.
DALAWANG SANGAY NG HEOGRAPIYA: heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag
ng distribusyon ng mga anyong lupa ng mundo at itinatakda ang mga rehiyon na patuloy na
naapektuhan ng mga pwersa at proseso ng kalikasan; at heograpiyang pantao ay nauukol sa
distribusyon ng mga tao, ang kanilang kultura at kanilang mga gawain sa ibabaw ng mundo.
LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
1. Lokasyon – tumutukoy sa kinaroroonan ng lugar sa daigdig.
a. Lokasyong Absolute - na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at
longitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa
eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig;
b. Relatibong Lokasyon - na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito.
2. Lugar - Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa isang pook.
a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman;
b. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao,
kultura, at mga sistemang pulitikal.
3. Rehiyon. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.
4. Interaksyon ng Tao at Kapaligiran. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang
taglay ng kanyang kinaroroonan – ang kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao
5. Paggalaw. Ito ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar;
a. (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?
b. (Time) Gaano katagal ang paglalakbay?
c. (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar?
HEOGRAPIYA AT LIMANG TEMA, BIGYANG-KAHULUGAN! Panuto: Basahin mabuti ang
sumusunod na tanong at sagutan ito sa isang malinis na papel. Ang rubriks sa magiging basehan sa
pagmamarka ng papel. (Rubriks: Nilalaman – 3pts, Pag-organisa ng Kaisipan – 2 pts = 5 pts bawat
tanong)
1. Saan nanggaling ang salitang heograpiya? Ibigay ang kahulugan nito.
2. Ibigay ang limang tema ng heograpiya at bigyang-kahulugan ito base sa iyong pag-unawa.
3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa?

This space is
for the QR
Code

You might also like