You are on page 1of 1

EPEKTO NG TSISMIS NA NAGDULOT NG TRAHEDYA NOONG TAONG 1820

Ano sa palagay ninyo ang nagtulak kung bakit nagawa ito ng mga Pilipino noon sa mga
banyaga?
- Sa aking palagay base sa napanood kong bidyo para paksang ito, ang nagtulak sa mga Pilipino
para mag rebelde o pumatay ng mga Pranses at tsino (na walang kinalaman sa mga
pangyayaring iyon) ay dahil sa takot at panik. Ang dalawang emosyon na ito ay kayang
makontrol o ma-i-pokus sa isipan mo na lahat ng iniisip mo ay tama, sinamahan nang walang
basehan na tsismis na umiikot sa paligid nila. Takot, dahil may posibilidad na sila na ang
susunod na magkakasakit at sila’y mamatay. Panic, dahil wala paring lunas na nilalabas para
sa sakit na iyon.
Anong mahalagang aral ang inihatid nito sa atin maliban sa huwag basta maniniwala sa mga
usap-usapan?
- Ang iba pang mahalagang aral ukol sa paksang ito ay ang paghahanap ng ebidensya,
katunayan, o basehan na ang mga usap-usapan na umiikot sa paligid mo ay makatotohanan.
Ang pagiging kalmado sa mga situwasyon ay nakakatulong na maiwasan ang hindi pagkaka-
unawaan at maling impormasyong kumakalat.

You might also like