You are on page 1of 11

URI AT ANYO NG

KOMUNIKASYON
GROUP 2:
SHANE PIOQUINTO
CHESTER ALCANTARA
MARLON TRINIDAD
SEAN ROXETTE ALFONSO
JACKELYN DE ASIS SARINO
PRINCESS GIEN AREVALO
PAUL HANAPIN
1. Berbal na Komunikasyon
Ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog at sa pamamagitan ng
pagsalita. Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe o ideya
sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga kaisipan.

Denotatibo- Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita.


Konotatibo- Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng
emosyon o pansaloobin. Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng
karagdagan o kahulugang literal.
Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Verbal
*Referent– mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita,
tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon at ugnayan ng bagay sa
ibang bagay.
*Komong Referens– tumutukoy sa parehong kahulugang ibinigay
ng mga tao.
*Kontekstong Berbal– ang kahulugan ng isang salita na
matutukoy ayon sa kaugnayan nito sa ibang salita.
*Paralanguage– magbigay ng kahulugang konotatibo.
2. Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng kilosng
katawan at ang tinig na iniaangkop na sa mensahe.

Kinesics– tumutukoy sa kilos at galaw ng katawan sapagkat may


ibinibigay na kahulugan ito.
*Expresyon ng Mukha– nagpapakita ng emosyon.
*Galaw ng Mata– nagpapakita ng katapatan ng isang tao.
*Kumpas– tumutukoy sa galaw ng kamay, maari itong regulatibo,
deskriptibo o empatiko.
*Tindig o Postura – ito ay nagpapakita kung anong klaseng taong ito
na nag-uusap sa iyo.
Proksemika– tumutukoy sa komunikasyon gamit ang distansya.
*Intimate – hanggang sa 1 – 1/2 ft.
*Publiko – 12 ft. o higit pa.
*Sosyal – 4 -12 ft.
*Personal 1 1/2 – 4 ft.
Kronemika – tumutukoy sa oras.
*Teknikal – ang oras na ginagamit para sa laboratoryo.
*Pormal – kung paano binibigyan ang kahulugang kultura at paano itinuturo.
*Impormal – ito naman ay medyo maluwag dahil hindi eksakto.
*Sikolohikal – ang kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan
Haptiks– ang pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. Nagpapahiwatig ito ng positibong
emosyon.
Katahimikan– nagbibigay ng oras na mag-isip ang tagapagsalita.
Kapaligiran– ang lugar na gagamitin sa anumang pulong.
Simbolo– ang mga makikita sa paligid na nagsasaad ng mensahe.
Kulay– nagpapahiwatig ng emosyon.
Bagay– ang paggamit ng bagay sa pakikipagtalastasan
MAKRONG KASANAYAN
1. PAKIKINIG
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil
nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa
ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng
tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling
bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin
ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay
dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na
tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na
nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumăraan să auditory
nerve patungo sa utak.
KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng
impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-
unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
MGA URI NG PAKIKINIG
Deskriminatibo
Matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.
Binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang
nagsasalita.
Komprehensibo
Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
Paglilibang
Upang malibang o aliwin ang sarili.
Ginagawa para sa sariling kasiyahan.
Paggamot
Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig
sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.
Kritikal
Gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig.
Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan.
1. Pagtanggap ng Mensahe
Ang taong marunong makinig ay kadalasang nakakapagbigay ng reaksyon. Ang
reaksyong ito ay nakabatay sa uri ng kanyang pakikinig. Kailangan maging
positibo tayo sa pakikinig upang maiwasan ang negatibong pagtanggap ng
mensahe.
2. Pagbibigay konsentrasyon sa mensahe
Ang pagbibigay konsentrasyon sa detalye na sinasabi ng nagsasalita ay nag-iiwan
ng kakintalan sa isipan ng tagapakinig kung kaya't may pagkakataon na maaalala
niya ang mahalagang mensaheng iniwan nito sa tagapakinig.
3. Pagtanda ng Napakinggan
Dapat tandaan ang mahalagang detalye na sinasabi ng tagapagsalita. Maaring
magsilbing baon ang mahahalagang kaalamang ito na pwedeng magamit bilang
kaalaman. Kung may kahinaan sa pagsasaulo ng napakinggan, ang pagtatala ng
mga detalye ay isang mabisang paraan at kasangkapan.
4. Reaksyon
Ito ay mahalagang gampanin dahil dito nasusukat kung anong uri ka ng
tagapakinig. Sa tamang pakikinig, dapat natin tandaan na mahalagang nakatuon
tayo sa pinag-uusapan hindi sa pagkatao ng nagsasalita.
MGA HADLANG SA PAKIKINIG PAMAMARAAN SA MABISANG
1. Pagbuo ng maling kaisipan - may pagkakataon na tayo ay
nakikipag-usap sa ating sariling isipan habang nakikinig at sa PAKIKINIG
pamamagitan nito, ang nabubuo ay kung ano ang nabuong Alamin ang layunin sa pakikinig.
kaisipan natin at hindi ang kabuuang nilalaman ng ating
pinakikinggan. Magtuon ng matamang pansin sa
2. Pagkiling sa sariling opinyon - nakabubuo tayo ng sarili pinakikinggan.
nating kaisipan habang nakikinig sa isang nagsasalita mula sa
sarili nating opinyon na wala namang matibay na basehan. Alamin ang pangunahing kaisipan sa
3. Pagkakaiba-iba ng pakahulugan - ang nabubuo nating pinakikinggan.
interpretasyon sa ating narinig ay maaaring iba sa pakahulugan
ng nagsasalita kaya kailangan dito ang paglilinaw sa Maging isang aktibong kalahok.
pamamagitan ng pagtatanong sa tagapagsalita kung anong Iwasang magbigay ng maagang
kaisipan o ideya ang narinig na gustong linawin.
4. Pisikal na dahilan - isa rin sa hadlang sa pakikinig ang epekto paghuhusga sa kakayahan ng
ng kapaligiran. tagapagsalita.
5. Pagkakaiba ng kultura - posibleng mangyari na hindi natin
matanggap ang mensaheng ipinadala ng tagapagsalita dahil sa Iwasan ang mga tugong emosyunal sa
kaibahan ng kultura. naririnig.
6. Suliraning pansarili - hindi natin gaanong mauunawaan ang
ating pinakikinggan kung namamayani ang ating pinakikinggan Tandaan ang mga bagay na nakita at
at umuukilkil sa ating isipan ang ating sariling problema napakinggan.
sapagkat nakapokus tayo sa problema at hindi sa ating
pinakikinggan.
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa
pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng
guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.

45% ay nagagamit sa pakikinig


30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat

You might also like