You are on page 1of 17

Department of Education

SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN

Pag-asa St., Malhacan, City of Meycauayan, Bulacan

Activity Sheet 10
sa
FILIPINO
Unang Markahan - Ikatlong Linggo
Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula
na naglalahad ng katotohanan, kabutihan
at kagandahang-asal F10PN-Ib-c-63
Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang
akda gamit ang mga ibinigay na tanong at binasang mitolohiya
F10PB – Ib – c – 63
Nabibigyang-puna ang istilo ng may-akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda at ang bisa ng paggamit ng mga
salitang nagpapahayag ng matinding damdamin. ( F10PT-Ib-C-62)
Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay ( pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng
mga pangyayari at pangwakas. ( F10WG-Ib-C-58)
LAYUNIN
• Nakakasulat ng tuntunin kung paano magiging isang huwarang
kabataan sa daigdig.
• Nasusuri ang akdang binasa upang makita ang katotohanan,
kabutihan at kagandahang-asal.

PAGTALAKAY

Alam mo ba na : Ang parabula ay

maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang
moral na karaniwang batayan ng mga kwento
ay nasa Banal na Kasalutan. Realistiko ang
banghay at ang mga tauhan ay tao.
Ito ay isang maikling kwentong may aral
na kalimitang hinahango sa Bibliya. Nanggaling
sa English word na parable na nanggaling
naman sa Greek word na parabole na ang ibig
sabihin ay maiksing sanay tungkol sa buhay na maaaring mangyari o
nangyari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang
asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang
mamili o magdesisyon.

GAWAIN 1
PANUTO : Basahin at unawain ang akda at itala sa kasunod na
talahanayan ang bahaging para sa iyo ay naglahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang-asal ng isang tao.

2
ANG TUSONG KATIWALA

May isang katiwala na naglulustay ng ari-arian ng kanyang amo , Sa di

kalaunan ay nalaman ng kanyang amo ang kanyang panglulustay na
ginagawa, Sinabihan siya ng kanyang amo na aalisin na sa kanyang
posisyon ngunit bago siya umalis ay kaylangan muna niyang gumawa ng
pag-uulat tungkol sa kanyang pangangasiwa.Naging problema iyon ng
katiwala sa dahilang totoo ang panglulustay na ginawa niya sa ari-arian
ng kanyang amo.mawawalan siya ng trabaho at ang tanging trabaho
lamang na gusto niya ay ang maging katiwala ayaw na niyang bumalik sa
pagbubungkal ng lupa. Kaya naman nakaisip siya ng tusong paraan.
Nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyang amo at pinapirma ng
kasulatan na nakasaad na ang kanilang utang sa mas maliit kaysa sa
aktwal na utang nila upang kung sakali man na masesante siya ay
mayroon man lamang na tatanggap at magpapatuloy sa kaniya.At natuwa
naman ang amo sa ulat na ginawa ng katiwala.

Katotohanan Kabutihan Kagandahang-Asal

3
GAWAIN 2

PANUTO : Piliin sa Hanay B ang kaisipang angkop sa Hanay A upang

mabuo ang diwa. Pagkatapos tukuyin kung ito ay nagpapahayag ng
Katotohan, Kabutihan, o Kagandahang-asal.

HANAY A HANAY B
____ 1. Iwasan nating masangkot sa a. palibhasa’y pinalaki sa layaw
anumang maling gawain
____ 2. Siya’y tumangging maghandog b. datapwat malakas ang
ng tulong impluwensiya ng barkada
____ 3. Ibig niyang magpakatino c. anupa’t nagawa mo pa silang
lokohin
____ 4. Napakabuti ng kanilang d. ngunit sinira ng inggit at
pagkakaibigan karupukan
____ 5. Kapag nasunod mo ang e. o kaguluhan na magbubulid
kagustuhan ng iyong mga magulang sa atin sa kasamaan
ng iyong mga magulang
____ 6. Ang kabutihan ay nagmumula f. kung gayon isapuso natin
sa puso ang lahat ng mga gawain na
nangangailan ng pag-unawa
____ 7. May katigasan ang kanyang ulo g. o anumang bagay na
nagdudulot sa ating kapwa
ng kalungkutan at
kahirapan
____ 8. Sinunod ng iyong magulang ang h. paano’y nadarama mo na
lahat ng iyong maibigan ikaw ay may puwang sa
kanilang puso’t isipan
____ 9. Sa batas ng buhay, ang mahalaga’y i. kung gayon huwag nating
ang kagandahang-asal hayaang mabahiran ito
ng anumang katiwalian

4
____ 10. Walang puwang sa puso ng ilang j. gayon man may mga tao pa
Kristiyano ang kasamaan nakalilimot ring sa tunay na
diwa nito

1. _____________________ 6. ______________________
2. _____________________ 7. ______________________
3. _____________________ 8. ______________________
4. _____________________ 9. ______________________
5. _____________________ 10. _____________________

GAWAIN 3

PANUTO : Sumulat ng isang talataan tungkol sa Batas ng Kagandahang-

asal na nais mong makita sa inyong kapwa mag-aaral.

________BATAS NG KAGANDAHANG-ASAL________
Pamagat
___________________________________________________________________

5

• Natutukoy at nasusuri ang mahahalagang elemento ng akda gamit
ang mga pantulong na grapikong presentatsyon at mga pantulong
na tanong mula sa akda.
• Naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa kasalukuyang
pangyayari sa lipunan.

PAGTALAKAY

Alam mo ba na : Ang pagsusuri ng akda

ay isang paglalarawan, kritikal na analisis at
ebalwasyon sa kalidad, kahulugan, at
katuturan ng isang babasahin.
Hindi ito pagkukwentong muli kung ano
ang akda. Nararapat itong magpokus sa
layuning nilalaman at estilo ng pagkakasulat
ng akda.
Mga Layunin ng Pagsusuri :

6
1. Upang matukoy ang hindi nakamit o nagawa ng manunulat at
nararapat na solusyon dito.
2. Upang matuklasan ang mahalagang aspekto ng kaugnay nap ag-
aaral.
3. Upang makakalap ng bagong perspektibo.
4. Upang matukoy ang relasyon ng bawat ideya at konsepto.
5. Upang mapaunlad ang bokabularyo at kahusayan sa gramatika.
6. Upang maging bihasa sa pagsusuri at pagiging matapat sa
ebalwasyon at hatol.
7. Upang maging kritikong mapagbuo.

Paraan ng Pagsusuri :
a. Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan, at banghay.
b. Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob dito.
c. Suriin ang kwento ayon sa uri.

GAWAIN 1
PANUTO : Suriin ang mga pangyayari sa parabula ( Ang Tusong Katiwala )
batay sa nilalaman, kakanyahan, at elemento nito, gamit ang grapikong
presentasyon. Gamitin ang espasyo sa ibaba sa pagsagot.

Ang Tusong
Nilalaman Elemento Kakanyahan
Katiwala

7
GAWAIN 2

PANUTO : Ugnayang Pangyayari: Punan ang tsart. Isulat ang mga

pangyayari na maaaring iugnay sa sariling karanasan o tunay na buhay.

Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa Sariling

Karanasan

8
GAWAIN 3

PANUTO : Basahin at unawain ang akda, pagkatapos ay suriin ang

nilalaman, elento, at kakanyan ng akda batay sa mga ibinigay na tanong.

ANG TUSONG KATIWALA

(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong

mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay
nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at
tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3)
Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako
ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin!
Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa
kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo.

Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot
ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng
katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’
Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang
tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-
Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.

9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa

inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti

9
sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman
kayo sa tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit
na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya
sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung
hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino
ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng
talagang para sa inyo?

13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang

panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa,
paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo
maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang
marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa
salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid
sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga
puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-
suklam sa paningin ng Diyos.
Mga Gabay na Tanong :
1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.
_________________________________________________________

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang
ng mga taong may obligasyon sa kanyang amo?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

10
3. Kung ikaw ang may-ari ng megosyo, kukunin mo ba ang ganitong
uri ng katiwala para sa iyong negosyo?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga
pangyayari sa kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong
nalulugi ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
7. Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga mensaheng ibig
ipahatid ng binasang parabula?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

8. Saang bahagi ng ng parabula mababatid ang mensahe?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

11
__________________________________________________________
9. Paano nakatutulong ang bawat bahagi ng parabula sa
pagpapalutang ng mensahe nito? Patunayan.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
10. Ano ang katangian ng parabulang binasa sa ibang akdang
pampanitikan? Gawan ito ng diyagram sa pagsagot.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

LAYUNIN
❖ Nabibigyang-puna ang istilo ng may-akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda at ang bisa ng paggamit ng mga
salitang nagpapahayag ng matinding damdamin.

PAGTALAKAY

PAGTUKOY SA DAMDAMIN ISANG TEKSTO

DAMDAMIN
Ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaraing
nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman
ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang
pangyayari o paksa.

12

GAWAIN 1

PANUTO : Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at

ekspresyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala sa damdaming
ipnahahayag. Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa
pahayag.

1. “ May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa

kaniyang nilulustay nito ang ang kaniyang ari-arian.”
2. “ Ano bai tong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalinh na kita sa iyoong
tungkulin.”
3. “ Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya
akong magpalimos,”
4. “ Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin nyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa nang Mabuti sa iong mag kapwa upang
kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanan na
walang hanggan.”
5. “ At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba,
sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

a. Lungkot b. galit c. panghihinayang

b. pagtataka e. pagkaawa f. pag-aalinlangan

GAWAIN 2
Panuto : Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa puwang na
nakalaan ang damdaming ipinahihiwatig ng mga pangungusap.

__________ 1.Humimbing kang mapayapa,mabuhay kang nangangarap.

__________ 2.kalayaan! Malaya ka,oo na nga,bakit hindi? Sa patak ng
iyong luha'y malaya kang mamighati!
__________ 3.Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili,lipi't angkan,sa bayan mong dumarating!
__________ 4.Ang galing-galing mong magsaulo ng tula.
__________ 5.Ang husay ng mga taga-egypt sa kanilang sining,di ba?
__________ 6.Talagang galit na galit ang makata nang isulat niya ang tula.
__________ 7.Wala na tayong pag-asa kung patuloy tayong magpapaalipin.

13
__________ 8.Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa!
__________ 9.Wow! May pag-asa pa tayong umunlad!
__________ 10.Pasensiya na,wala na akong magagawa.

GAWAIN 3
Panuto : Anong damdaming ang maaaring mamayani sa iyo sa
sumusunod na sitwasyon. Ipaliwanag ang iyong kasagutan

1. Pagkalat ng corona virus sa Pilipinas

2. Pagsuporta ng gobyerno sa mga Pilipinong naapektuhan ng
pandemya.

LAYUNIN
❖ Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng
mga pangyayari at pangwakas.

PAGTALAKAY

Ang mga panandang Pandiskurso ay nagbibigay-linaw at nag-uugnay ng

mga kaisipang inilalahad sa isang teksto o diskurso. Maaring maghudyat
ito ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o di kaya ay maghimaton
tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Karaniwan ng ito’y kinakatawan ng
mga pang-ugnay o pangatnig. (Badayos.2006)
Ginagamit ang mga panandang pandiskurso para ipakita ang pagbabago
ng paksa, pagtitiyak, pagbibigay halimbawa, opinyon, at
paglalahat. Hinahati nito ang mga bahagi ng pahayag at ipinapakita ang
relasyon ng mga ito. Ito ay kilala rin bilang panghudyat na salita. (Abad,
2004)

Ginagamit ang mga pananda bilang hudyat sa mga sumusunod na

sitwasyon o ayos ng paglalahad. ( Abad, 2004)

14
• Mga salita o pariralang naghuhudyat at nagpapakita ng pagkakasunod--
sunod ng salaysay.
• Maaaring nagpapahayag ito ng simula, daloy ng pangyayari, at wakas ng
isang salaysay.
• Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, habang, at, sa
huli, at iba pa

GAWAIN 1
PANUTO: Punan ng wastong panandang Pandiskurso ang mga
sumusunod n a pangungusap upang mabuo ang ideya.

1. ________________________ ni Jen na huwag nang maulit ang pagkalason

ng pagtagas ng mga langis sa malalking bapor.
2. Kami ay ________________________ na masikhay na ipatutupad ang mga
probisyon sa Clean Air Act.
3. ______________________________ , maging seryoso tayo sa pamamahala sa
basura.
4. ______________________________ niya mula pa noon ang tumulong sa
pagpaparami ng mga hayop na nanganagnib nng tuluyang maglaho sa
mundo.
5. _____________________________ iwasan natin ang paggamit ng mga bagay
na nakapipinsala sa mundo.
6. Mas maraming oras ang inilaan ni Roselle sa panonood ng TV,
___________________ , hindi niya malaman kung paano niya maipasa ang
mahabang pagsusulit ngayong lingo.
7. Hindi naman kaitiman ang kulay ng maraming Pipipino. Malayung-
malayo rin sa puti ng mga karaniwang Amerikano o Europeo. Ang kulay
nila nila ____________________________ kayumanggi, kayumangging
kaligatan.
8. ________________ patuloy na sisirain at dudungisan ang mundo, darating
sa puntong napakahirap nang ibalik ito sa dating kaanyuan.
9. Naghanda ba kayo sa pagsusulit natin? Kailangan nating galingan dahil
ito na ang huling markahan. _______________________________, mag-iisang
lingo nang liban si Ronnie ah. Ano na kaya ang nangyari sa kanya.
10. Nag-iisa akong tagapagmana, kaya’t sa isip ko, kayang kaya kong
magliwaliw at maglibang. Kahit araw-araw. Bilhin ang anumang
magustuhan. __________ dumating ang puntong natauhan ako, ano ba
talaga ang puntong natauhan ako, ano ba talaga ang saysay ng buhay ko?

15
Kaya hangad niya pero noon pa man
Hanggat maaari noon pa man nais sana
Kung sa pangkalahatan maiba ako umaasam

GAWAIN 2

PANUTO : Punan ng angkop na panandang diskurso upang mabuo ang

kaisipan na ipinahahayag ng pangungusap.

1. ___________, patuloy na ang pagsulong ng mataas na antas ng

edukasyon sa Asya.
2. Magiging maayos ang Sistema ng edukasyon ____________palaging
sinasanay ang mga guro sa makabagong kaalaman.
3. _____________ na maiangkop ng mga bansang Asyano ang
makabagong teknolohiya, tiyak na nabibilang na rin sila sa mga
industriyadong bansa.
4. Ang Japan ___________ United States sa pagkakaroon ng mataas na
antas ng teknolohiya.
5. Ang bagong kurikulum ay _______ lalo pang magpapataas ng antas
ng karunungan.

GAWAIN 3

PANUTO : Basahin ang bahagi ng binasang parabula at piliin sa loob

ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang

katiwala ang kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala
at tinanong. 2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na
isandaang tapayang langis. 3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng
limampu ang kasulatan. 4. (Gayon din, dahil sa) ang ginawa sa isa pa.
Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo. 5. (Dahil sa,
upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

16
All Rights Reserved
2020

ACKNOWLEDGEMENT

CAROLINA S. VIOLETA EdD

Schools Division Superintendent

JERRY D. CRUZ, PhD, CESE

Asst. Schools Division Superintendent

DOMINADOR M. CABRERA PhD

Chief, Curriculum Implementation Division

EDWARD C. JIMENEZ PhD

Education Program Supervisor- LR Manager

NENITA J. BARRO
Education Program Supervisor-Filipino, MTB

Content/Language/Layout Evaluator

MA. THERESA R. PINEDA- MNHS ANNEX

EDERLYN N. RODELA- UHS
Developer/Writer - MNHS

17

You might also like