You are on page 1of 12

KABANATA I

ANTAS, PRINSIPYO, MODELO, ELEMENTO AT PROSESO

KOMUNIKASYON - salitang latin na “COMMUNIS” na nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat”.


Ang komunikasyon ay isang interaktibong proseso o paraan ng pagpapalitan ng impormasyon, damdamin, ideya at
pangangailangan sa pamamagitan ng simbolo.

Bernales, et al., 2002 - Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na
maaaring berbal o di-berbal.

Tanawan, et al., 2004 - Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at pasulat.

Hernandez (1989) - itinuturing niya ang komunikasyon bilang isang cooperative enterprise. Sa isang cooperative
enterprise may 2 o higit pang tao na nagbibigayan at kung gayon, ang bawat isa sa kanila ay nakapagdedebelop ng 2
kakayahan--- ang makinig at magsalita nang mahusay.

Dale (1969) - “Pagbabahagi ng ideya atdamdamin sa estado ng pagkakaunawaan.”

Berelson at Steiner (1964) - “Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali, o damdamin at kasanayan… sa
paggamit ng mga simbolo”

Theodorson (1969) - Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali, o damdamin mula sa isang tao o pangkat ng
mga tao patungo sa kanyang kapwa… karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng mga simbolo.

A. MGA ANTAS AT PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON


1. Intrapersonal – komunikasyong pansarili. Sangkot ditto ang pag-iisip,pag-alala at pagdama, mga prosesong
nagaganap sa internal nating katauhan.
2. Interpersonal – nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang mga tao, o sa isang tao at isang maliit na
pangkat.
3. Pampubliko – nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinig.
4. Pangmasa o Pangmadla – nagaganap sa pagitan ng malawakang media, tulad ng radio, TV, Internet,
pahayagan, atbp.
5. Pang-organisasyon – organisado at nakatutok sa isang hangarin o adhikain.
6. Pangkaunlaran – aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinag-uusapan sa antas na ito.

1. Ang komunikasyon ay isang proseso. Isang proseso ng komunikasyon na kinapapalooban ng marami pang
proseso. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe.
2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko. Minsang nangyari, hindi na mauulit. Ulitin man nating muli ang
mga salitang una nating tinuran, nag-iiba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon. Kasi, ano mang
komunikasyon ay naiimpluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso, kung
kaya’t ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil sa impluwensya ng pagbabago ng mga ito.
3. Ang komunikasyon ay komplikado. Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil sa paraan ng
pagtingin ng mga sangkot sa komunikasyon sa isa’t isa.Ito ang tinatawag na persepsyon na hindi lagging pare-
pareho.
4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala/natatanggap sa komunikasyon. Kapag nagpadala ang isang
tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita,halimbawa, maaari itong magkaroon ng iba’t ibang kahulugan.
Paano’y ang pagpapakahulugan sa mga mensahe ay nakasalalay sa tumatanggap nito.
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon. Kahit pa tayo’y hindi magsalita, nakikipagtalastasan tayo sa
ating kapwa.
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon. Ang mensaheng ito ay maaaring
mauring: a) mensaheng pangnilalaman o mensaheng panglinggwistika at b) mensaheng relasyonal o mensaheng
‘di berbal na nagpapahiwatig ng iyong damdamin o pagtingin sa kausap.

B. MGA MODELO, ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON


1. MODELO NI ARISTOTLE ng pag-eenkowd ng mensahe
Aristotle – Nakasentro sa tagapagsalita tungo sa maraming tagapakinig. Ito ay pinaunlad nang husto ng mga
Edukador sa Roma noong 33-39 AD.
2. MODELO NI SCHRAMM Schramm (1954)
- Nagsimulang pag-aralan ni Wilbur Schramm ang komunikasyon bilang isang hiwalay na disiplina o
larangan. Lumikha siya ng mga modelo ng komunikasyon na tutugon sa iba’t ibang uri ng katanungan.
- Sa modelong ito ni Scramm naimungkahi ang pagsasama ng tugon o feedback mula sa tagatanggap ng
mensahe sa proseso ng komunikasyon. Nagkakaroon ng tuluy- tuloy na proseso ng komunikasyon sa
pamamagitan nito, at hinahayaan ang pagkakaroon ng interaksyon sa bawat isa.
3. MODELO NI LASWELL
Laswell – Gumawa ng modelo ng komunikasyon ang Political Scientist na si Harold Laswell noong 1948.
Ipinapakita sa modelong ito ang mga katanungang “sino ang nagsabi ng anong mensahe, sa anong daluyan
at ano ang naging epekto nito?” Sa kanyang modelo makikita ang iba’t ibang sangkap na dapat na isaalang-
alang upang matiyak ang maaaring maging impak o maidudulot nito.
4. MODELO NI BERLO
Berlo (1960) - ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag- ugnayan. At ang prosesong ito ay
bumubuo ng interaksyon at ang bawat elemento/sangkot sa komunikasyon ay nakakaapekto sa isa’t isa.

Tagapaghatid/Enkowder/Pinagmulan – tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong pinanggagalingan ng mensahe.

Mensahe – pangnilalaman o panglinggwistika at mensaheng relasyonal o di-berbal.

Midyum – Berbal at di-berbal.

Tsanel/Daluyan – maaaring ito ay sensori o kaya naman ay institusyonal.

Tagatanggap/Resiber/Audience – siya ang nagbibigay-pakahulugan sa mensaheng ipinadala ng enkowder o


tagapaghatid.
Tugon/feedback – ang pagtugon ng tagatanggap sa mensaheng natanggap ay mauuri sa tatlo; tuwirang tugon, di-
tuwirang tugon, at naantalang tugon.

Sistema – nangangahulugan sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso ng komunikasyon

MGA POTENSYAL NA SAGABAL SA KOMUNIKASYON

Semantikong Sagabal/pagpapakahulugan ng mga salita – matatagpuan sa salita o pangungusap. May mga salita na
maaaring hindi lamang iisa ang kahulugan. Halimbawa: tubo – pipe(daluyan ng tubig) , sugar cane, income o kaya’y
pagsibol.

Pisikal na sagabal/daluyan o daanan ng komunikasyon – ito ang mga ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning
teknikal(sound system), hindi komportableng kalagayan ng nagsasalita o ng nakikinig.

Pisyolohikal na Sagabal – matatagpuan ito sa katawan ng nagdadala o tumatanggap ng mensahe tulad ng kapansanan
sa pagsasalita, pandinig o kaya’y paningin.

Sikolohikal na sagabal – ang pagkakaiba-iba ng kultura at kinalakhan ng tao ay nagiging sanhi ng pagkakaiba-iba ng
paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Ito ang nagdudulot ng biases at prejudices na maaaring magbunga ng mis-
interpretasyon sa mensahe.

Edad – mahalagang makilala ang tagapakinig o tagatanggap upang maiangkop ang wikang gagamitin.

Pinag-aralan- kilalanin ang tagatanggap ng mensahe o tagapakinig kung itoy mga pangkat ng propesyonal gaya ng
akademya, mangangalakal atbp.

Hanapbuhay – mahalagang malaman ng tagapagsalita ang kinabibilangang hanapbuhay ng mga tagapakinig.

Kalagayang sosyal – nagkakaroon ng suliranin dito lalo na sa mga katawagan na ginagamit ng mga tao sa kanilang
antas ng buhay na kanilang kinabibilangan.

KABANATA II
ANYO, KONTEKSTO, KONSIDERASYON AT ETIKA NG KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay maaaring gawin sa anyong berbal, ‘di berbal, o kombinasyon ng dalawa.

Berbal - pasalita o pasulat. *karaniwan nang ipagkamali ng marami ang pasulat na komunikasyon bilang ‘di berbal na
komunikasyon. Berbal ang komunikasyon kung ang mga participant ay gumagamit ng simbolong tunog (tinatawag na
ponema sa Linggwistika) o kaya’y ng titik o letra. Obviously, ang tunog ay ginagamit sa pagsasalita, samantalang ang
titik ay ginagamit sa pagsulat.
‘Di berbal na komunikasyon ay marami at iba-iba maliban sa paraang pasulat (bagama’t may paralanguage at
vocalics, tatalakayin kalaunan). Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa
pamamagitan ng kilos o galaw.

Komunikasyong Biswal - Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa
pamamagitan ng larawan, o simbolo na maaaring kumatawan sa salita.

A. ANYO NG KOMUNIKASYON: BERBAL AT ‘DI BERBAL

Simbolisasyon - proseso ng pagtutumbas ng ideya, pangyayari, lugar o bagay.


Simbolik na prosesong ito ay maaaring sa pamamagitan ng berbal na simbolo, ‘di berbal na simbolo o sa
magkasabay o kumbinasyonal na paggamit ng dalawa.

Anyo ng Komunikasyong Berbal


1. Referent ang tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita. Tumutukoy rin ito sa isang partikular na
aksyon, katangian ng mga aksyon at relasyon ng bagay sa iba pa.
2. Common Reference - parehong kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkot sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon. Samakatwid, mahalagang magkaroon ng komong pagpapakahulugan ang mga nagpapadala
at tumatanggap ng mensahe upang maging epektibo ang komunikasyon.
3. Kontekstong berbal - kahulugan ng isang salita na makukuha batay sa ugnayan nito sa iba pang salita sa loob
ng isang pahayag.
4. Paraan ng pagbigkas o Manner of Utterance ay maaari ring magbigay ng kahulugang konotatibo. Sa pag-aaral
ng komunikasyong ‘di berbal, higit itong

Mahalaga ang ‘di berbal na komunikasyon sapagkat:


1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao.
2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe
3. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.

May iba’t ibang anyo ng komunikasyong ‘di berbal.


1. Chronemics. Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng oras, kung
gayon, ay maaaring
kaakibatan ng mensahe. Halimbawa, ang pagdating nang huli sa isang job interview ay maaaring iinterpret na
kakulangan ng disiplina. Samantala, ang pagdating naman nang maaga sa isang salu-salo maaaring makainsulto
sa magbibigay ng salu-salo dahil maari niya iyong ikataranta sa paghahanda.
2. Proxemics. Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang
tao. May iba’t ibang uri ng proxemic distance tayong ginagawa sa iba’t ibang pagkakataon at ang distansyang ito
ay maaaring mangahulugang intimate, personal, social o public.
3. Kinesics. Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating
bibig. Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language.
Ang ating tindig at kilos ay maaari ring magsalita pra sa atin.
Maaaring ang kumpas ay regulative katulad ng kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan sa
daan o kumpas ng isang guro sa pagpapatahimik ng mga bata. Mayroon din tayong tinatawag na descriptive na
kumpas na maaaring maglarawan ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay. Ang mga kumpas naman na
nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ng kamay sa mesa, sabay ng pagtaas ng dalawang kamay,
pagkuyom ng mga palad at pakikipagkamay at tinatawag na mga kumpas na emphatic.
4. Haptics. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe. Sa ating wika, may iba-
iba tayong tawag sa paraan ng paghawak sa ibang tao o bagay at bawat paraan ay may kanya-kanyang
kahulugan. hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.
5. Iconics. Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo o icons na may malinaw na mensahe.
6. Colorics. Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Sadya ngang ang kulay ng mga
bagay-bagay ay madalas nating nilalapatan ng kahulugan.
7. Paralanguage. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita. Ang salitang oo, halimbawa, ay
maaaring mangahulugan ng pagsuko, pagsang-ayon, galit, kawalan ng interes o paghamon, depende kung
paano iyon binigkas. Nakapaloob din dito ang pagbibigaydiin sa mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob
ng pangungusap, lakas ng boses at taginting ng tinig.
8. Oculesics. Tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe. pamumungay, pagkindat, panlalaki
at panlilisik ng mga mata
9. Objectics. Paggamit ito ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe. Paano mo ipapahayag ang galit gamit ang
tsinelas o sinturon? Paano mo ipapahayag ang pag-ibig gamit ang bulaklak?
10. Olfactorics. Nakatuon naman ito sa pang-amoy. Isipin na lang, bakit nagpapabango si misis bago dumating si
mister mula sa opisina?
11. Pictics. Sa mukha, maaaring makita kung ang isang tao ay Masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala, natatakot,
may suliranin, nahihirapan, galit o di kaya’y nag-iisip.

12. Vocalics. Paggamit ito ng tunog, liban sa pasalitang tunog. Halimbawa nito ay ang pagsutsot sa pagtawag ng
pansin ng isang tao. Ilan pang halimbawa nito ay pag-ehem, pag-tsk-tsk, at pagbuntong-hininga.

B. MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON


Sa unang kabanata, nabanggit na ang wika ay hindi lamang pinipili. Upang maging mabisa ang komunikasyon, kailangan
din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika.
Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang ang ilang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang
komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa sumusunod na talata.

1. Setting (Saan nag-uusap?) Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging
katulad ng pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa
komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan.

2. Participants (Sino ang nag-uusap?) Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o kinakausap.
Dapat ding magbago-bago ang paraan ng ating pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating
harapan o kaya’y sinusulatan. Halimabawa, maaari mong sabihing Pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong
kaibigan, ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama.

3. Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?) Ano ang layunin ng isang taong mangungutang? Makakamit ba niya
ang kanyang layunin kung ang sasabihin niya’y Hoy! Pautang nga ng isanlibo! Sa paggamit ng wika, kailangan
munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap.

4. Act Sequence (Paano dumadaloy ang usapan?) ito ang pagkakasunud-sunod na pangyayari habang
nagaganap ang komunikasyon.

5. Keys (Kabuuang tono o kaanyuan ng Pagsasalita) Hindi kapani-paniwala sa isang nagagalit ang nakangiti
habang nagpapahayag ng saloobin. Kinakailangang bumagay sa tono ng pananalita ang mga katagang
lumalabas sa bibig. Kinakailangan ang katanggap-tanggap at akmang mga kilos, pananamit at tono ng
pagsasalita sa bawat okasyon.

6. Instrumentalities (Anyo at istilo ng pananalita) Sa usapang pangmedisina, may mga angkop na register ng
wika na dapat na gamitin gayundin sa usaping legal o kaya’y teknikal.
Halimbawa na lamang ang salitang ‘jumper’ computer - maigsing kable
Pananamit - ito ay walang manggas na damit na karaniwang ipinapatong sa pantaas

7. Norm (Pinakaangkop o pinakakatanggap-tanggap na kilos o gawi sa paksang pinag-uusapan) kung


pambabae ang usapin, hindi kinakailangang makisawsaw ang mga lalaki, gayundin, ang mga bata ay hindi dapat
nakikisabat sa usapan ng mga matatanda. Dapat lamang na umakto nang naaayon sa paksa at katayuang
ginagampanan sa bawat usapin.

8. Genre (Uri ng Pagpapahayag) Umiikot sa apat na genre ang anumang uri ng pagpapahayag. Maaaring ito ay
nagsasalaysay, naglalarawan, naglalahad o kaya’y nangangatwiran.

Etika – ay isang sistemang kinapapalooban ng pagpapahalagang - moral - sosyal - kultural ng isang lipunan.

Samakatwid, bawat tao, bago pa man siya magpasya ay maraming isinasaalang – alang gaya ng
• Epekto ng Desisyon
• Damdamin
• Panlipunang pananaw
• Relihiyon
• Paniniwala

Ang etika ay nag-uugat sa pagpapahalagang natatamo ng tao…

1. Personal na Etika- Ito ang pagpapahalagang natatamo ng tao mula sa pamilya, kultura at pananampalataya
mayroon siya.
2. Panlipunang Etika- Ito ay nagmumula sa batas at mga pagpapahalagang panlipunan na kinalakhan ng isang
tao. Ito ay karaniwang makikita sa pakikihalubilo natin sa ating pamayanan.

Apat na kategorisasyon kaugnay sa Panlipunang Etika

Karapatan- Pangunahing aspekto na nakakabit sa tao simula ng siya ay isilang

Hustisya- Tumutukoy sa pagbibigay ng patas na pagtingin

Epekto- tinatanaw nito ang interes ng nakararami kaysa sa interes ng iilan

Pagkalinga- tumutukoy ito sa mas nararapat na pagpapairal ng pagiging mapangalaga.

Mga Pamantayan sa Komunikasyong Etikal

1. Malinaw na ipaalam at ipaunawa sa mambabasa ang lahat ng impormasyong dapat nilang mabatid.
2. Ilahad ang katotohanansa pasulat na paraan.
3. Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipahahatid sa mga mambabasa.
4. Kung may alinlangan, isangguni ito sa tamang tao o eksperto para sa angkop na payo.
5. Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon lalo’t higit kung makakaapekto ito sa impormasyong tatanggapin ng
mambabasa.

KABANATA III
KOMUNIKASYON AT GLOBALISASYON

Sa telekomunikasyon, nangyari sa pinakaunang transatlantic na pamamahayag gamit ang twoway radio noong 25 Hulyo
1940.

Bumabalangkas ang teknolohiya, kailangan pati communication protocol din


Komunikasyon – latin word “communicare”
Romano ang unang gumawa ng tunay na sulat o sistemang koreo

Isang mahalagang usapin sa komunikasyong gamit ang kompyuter ang virtual management.

ANO ANG GLOBALISASYON?


globalisasyon
- ang proseso ng interaksyon at integrasyon ng mga tao, kompanya at gobyerno ng iba-ibang bansa; isang prosesong
hatid ng internasyonal na kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng impormasyong teknolohiya.
- ang prosesong ito ay mga epekto sa kapaligiran, kultura, sistemang politikal, kaunlarang ekonomiko at sa pisikal na
kalagayan ng mga lipunan sa libot ng mundo.
Heywood (2013) - ang globalisasyon ay isang madugo at mailap na konsepto. Sa kabila ng umiigting na interes sa
phenomenon ng globalisasyon noon pang dekada ’80, ang terminong ito ay ginagamit parin upang tukuyin ang proseso,
polisiya, estratehiyang pampamilihan, isang predikamento o kahit pa isang ideolohiya.

IMPAK NG GLOBALISASYON SA KOMUNIKASYON

The Impact of Globalization on Communication Skills Development


David Ingram - ang paglinang ng kasanayang pangkomunikasyon ay mahalagang salik sa tagumpay ng negosyo,
ngunit ang impluwensya ng globalisasyon at kros-kultural na interaksyon nitong mga nakalipas na dekada ay nakaapekto
nang lubos sa uri ng kasanayang pangkomunikasyong kailangan.

1. BIRTWAL NA INTERAKSYON. Ipinakilala ng globalisasyon ang birtwal na komunikasyon at kolaborasyon, ang


pangunahing bahagi ng akademiko at pantrabahong daynamiks.Kailangang maunawaan ang kalakasan at limitasyon
ng iba’t ibang midyang pangkomunikasyon, at kung paano magagamit ang bawat midyum tungo sa maksimum na
epekto.
2. KAMALAYANG KULTURAL SA PANANALITA. Ang pangangailangan ng kultural na kamalayan ay isang
pangunahing impak ng globalisasyon sa mga kailangang set ng kasanayan tungo sa epektibong komunikasyon, na
nagresulta sa obolusyon ng mga programang lumilinang sa mga kasanayang pangkomunikasyon
3. KAMALAYANG KULTURAL SA LENGGWAHE NG KATAWAN. Ay maaaring kasinghalaga ng pananarinari sa
pananalita. Ito ang dahilan kung bakit itinuturo sa mga paaralan ang katanggap-tanggap na distansya sa pakikipag-
usap, kontak ng mata at postyur sa iba’t ibang kultura, upang matanggap na ang isang ekspresyong pisikal sa isang
kultura ay maaaring hindi unibersal na katanggap-tanggap.
4. PAGKAKAIBA SA ORAS. Ang pagsilang ng global na kolaborasyon ay nagpakilala ng bagong daynamik sa
kasanayang pangkomunikasyon - ang pangangailangang makipagkomyunikeyt at magbahagi ng impormasyon sa
mga taong nasa lugar na may ibang sona ng oras.

IMPAK NG GLOBALISASYON SA GLOBAL NA KOMUNIKASYON


Daney (2017) - tatlong mahahalagang impak ng globalisasyon sa global na komunikasyon at tinukoy niya ang
pangunahing problema:
1. ABEYLABILITI NG IMPORMASYON. Ipinahayag ng World Health Organization (WHO) sa kanilang mga gawaing
nakatuon sa kultural na dimension ng globalisasyon na bumaba na ang gastos sa impormasyong teknolohiya dahil sa
pagdami ng mga negosyong nagdedeliber ng Internet, satellite na telebisyon at mga serbisyong mobile.
2. PAGSASAGAWA NG BISNES.
- Naimpluwensyahan sa pamamagitan ng pag-iimplement ng mga bagong teknik para sa business conduct
ng mga manggagawa sa mga internasyonal na korporasyon.
- Hindi na kailangan maglakabay nang malayo, video conference na lamang
3. KAMALAYANG PANLIPUNAN.
- humantong sa mataas na kamalayang panlipunan ng mga tao sa mundo.
- Dahil sa teknolohiya, nakapagbabahagi sila ng kanilang mga opinion at pananaw, at nakapagtatrabaho
sa mga proyekto at pananaliksik sa iba-ibang larangan.
ANG PROBLEMA. Sa kabila ng mabilis, malawakan at patuloy na pag-unlad, hindi pa rin nararating ng global na
komunikasyon ang mayorya ng mga tao sa lahat ng kontinente. Ayon nga sa WHO, humigit-kumulang sa 70 porsyento ng
mga tao sa Africa ang hindi nakatatawag sa telepono o nakakagamit ng Internet.

KABANATA IV
KOMUNIKASYONG LOKAL AT GLOBAL SA MULTIKULTURAL NA KONTEKSTO
MGA BARAYTI AT REHISTRO NG PASALITA AT PASULAT NA WIKA

Magkakatulad(Homogeneous) - dahil sa taglay na komonalidad o pagkakatulad sa wika, kaasalan, pagpapahalagang


panlipunan, at iba pa.

Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito. (Paz, et.al.2003).

Di Magkakatulad(Heterogeneous) -ang isang lingguwistikong komunidad kung ito ay isang kadluan o melting pot. Ibig
sabihin, dito nagtatagpo o nakikipamuhay sa isa’t isa ang mga taong nagmula sa iba’t ibang komunidad wika. Dahil sa
likas na magkakaiba, kakikitaan ito ng lawak ng baryasyong masasalamin sa paraan ng paggamit ng wika ng mga taong
kabilang dito.

Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming
baryasyon na wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng magkakaibang kontent o elemento.
heteros – nangangahulugang magkaiba
genos – nangangahulugang uri o lahi.

BARAYTI NG WIKA
Dayalek/Dayalekto
- wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan,
rehiyon at bayan.
- nalilikha ng dimensyong heograpiko.
- Hal; pakiurong (Bulacan- hugasan; Manila – iusog)

Idyolek - ito ay pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan o istilo sa pagsasalita.


- Hal: tagalog – bakit? ; Batangas – bakit ga?

Sosyolek - nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan, antas o sa pangkat na kanyang
kinabibilangang panlipunan.
- Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat
panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa.
- Hal: Wika ng mag-aaral - Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang crush ko! Tapos nakasabay ko pa
s'yang mag-lib! ; Wika ng matanda - Ano ikamo, wala pa ang tatay n'yo diyan?
Iba’t Ibang Sosyolek
1. Gay Lingo – Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang
tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa: Churchill para sa sosyal.
2. Coňo - tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa
Filipino kaya nagkaroon ng coede switching.
Halimbawa: Let’s make kain na…
3. Jejemon o Jejespeak – ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon na
pokemon.
- Wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may
magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin.
Halimbawa: 3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw? - Hello po, kumusta po kayo?
4. Jargon - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang propesyon, artikula na
trabaho, o gawain ng tao. Halimbawa: abogado – exhibit, appeal, complainant

Etnolek – ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo. Ang salitang ito ay nagmula sa pinagsamang
etniko at dialek.
- pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Halimbawa: Bulanon – full moon

Register – kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap.
b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon.
c. Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse) – pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin
batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.
Halimbawa: Paggamit ng pormal na wika sa simbahan, talumpati, pagpupulong at pagsulat ng aklat pangwika o
pampanitikan o pormal na sanaysay.

Ekolek - karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. Taglay nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit
nauunawaan ng mga gumagamit nito. Halimbawa: Mamita

Pidgin - ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native Language o katutubong wikang di
pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng dalawang taong parehong may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng makeshift language

Creole - ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized) na ng mga batang isinilang
sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon hanggang sa magkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod
na ng karamihan. Halimbawa: ang wikang Chavacano

MAKRONG KASANAYAN SA PASALITA


Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
- naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
- nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
- nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
- naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang
magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita


Kaalaman
Kasanayan
Tiwala sa Sarili

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita


- Tinig
- Bigkas
- Tindig
- Kumpas
- kilos

Limang Kasanayan sa Pagsasalita


- Pakikipag-usap
- Pakikipanayam
- pagkatang talakayan
- pagtatalumpati
- pakikipagdebate

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT


Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
- makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon
- Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay
- pagbibigay ng ulat
- pagtatala ng resultang mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay
bahaging pananagumpay
- Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas
pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo,umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga
kliyente at marami pang iba.

KABANATA V
PAG-EEBALWEYT NG MGA MENSAHE AT IMAHEN
MENSAHE
- elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng tagatanggap ng mensahe. Maaari itong
berbal at di- berbal na mensahe.
- may kaugnayan sa pagpapahayag na may iba’t ibang anyo ng kung saan ang mga anyong ito ng
pagbasa, pagsulat, at pagsasalita ng pagpapahayag na nag-uudyok ng ating damdamin at kaisipan
upang maipahayag ang mga bagay na inaakala ng manunulat at mambibigkas na binibigyang pansin.

Layunin ng Mensahe
1. Ang paglalahad ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin ng tao sa pangaraw-araw niyang
pakikipagtalastasan sa kanyang komunidad.

Di naman kasama chap5 kaya di ko na tinapos

You might also like