You are on page 1of 5

Modyul 6 Araling Panlipunan 10 Pahina 1 ng 5 na pahina

CN: ______ Pangalan: __________________________________________________________


Taon at Seksyon: ______________________________

Mga Aralin sa Modyulna ito:


Ikalawang Markahan
Kahulugan ng Migrasyon
Modyul 6: Isyu ng Migrasyon 

 Dahilan ng Migrasyon

 Refugee Crises

Mga Layunin:
Pagkatapos ng mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 naipaliliwanag ang konsepto ng migrasyon;
 nauuri ang mga kategorya ng migrasyon;
 natatalakay ang mga sanhi o dahilan ng migrasyon; at
 naipaliliwanag ang mga Refugee crises na hinaharap ng mundo ngayon.

Paghahanda:
Bago simulan ang aralin na ito, panuorin ang
bidyo na may pamagat na, “Differences between
Immigrate, Emigrate and Migrate | English
Vocabulary.” Pagkatapos panuorin ay sagutan
ang iyong Gawain 1.

Mag-aral Tayo!
Kahulugan ng Migrasyon

Ang isyu ng migrasyon ay isa sa mga mabibigat na isyu na hinaharap ng mundo ngayon.
Ito ay dahil sa pagtaas ng bilang ng mga taong lumilikas mula sa kanilang bansa patungo sa
iba para sa mas maginhawang buhay o para takasan ang mga mapapait na kaganapan na
nangyayari sa kanilang sariling bansa. Sa modyul na ito, papag-aralan natin ang kahulugan
at mga dahilan ng migrasyon, at iba’t ibang mga refugee crises na kinahaharap ng mundo
sa kontemporaneong panahon.

Magsimula tayo!
-Para sa pagpapaliwanag ng paksang ito, panuorin ang inihandang bidyo na may
pamagat na “Isyu ng Migrasyon.”

Kahulugan:
 Nagmula ang salitang migrasyon sa salitang Latin na migrationem na
nangangahulugan ng pagbabago ng tirahan.
 Ito ang paglipat ng isang tao mula sa isang bansa o komunidad papunta sa iba dahil
sa mahalagang kadahilanan.

Mga Kategorya ng Migrasyon

1. Emigrasyon (Emigration)
-ang pagkilos ng pag-alis (act of leaving) ng isang tao o pangkat ng mga tao mula sa isang
bansa upang manirahan sa ibang bansa. Halimbawa ay ang permanenteng pag-alis mula
rito sa Pilipinas upang manirahan sa ibang bansa.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing,
distributing, photocopying, recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form
and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected
to any forms of consequences.
Modyul 6 Araling Panlipunan 10 Pahina 2 ng 5 na pahina

2. Imigrasyon (Immigration)
-ay ang pagpasok (act of entering) ng isang tao o pangkat ng mga tao sa isang dayuhang
bansa mula sa dating bansa upang doon ay permanenteng manirahan. Halimbawa ay
ang pagpasok sa bansang Canada upang maging mamamayan ng bansang ito.

3. Pandaigdigang migrasyon (international migration)


- permanenteng pagkilos o paglipat mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa.
- Mauuri ito sa dalawa: boluntaryo (Voluntary) at sapilitan (forced and induced).

4. Panloob na migrasyon (internal migration)


-permanenteng pagkilos sa loob ng iisa o parehong bansa.
- Mauuri ito sa dalawa: interregional migration at intraregional migration.

Mga kategorya ng mga taong nagsasagawa ng migrasyon


-Sa pangkalahatan, tinatawag na migrante (migrant) ang isang taong lumikas mula sa isang
bansa sa ibang bansa o lugar.

Mahahati ang malawak na kategorya ng migrants sa tatlong subdibisyon:


 Refugees
-mga migrant na naninirahan sa labas ng kanilang
bansa na hindi magawang makabalik sa kanilang Asylum-isang proteksiyon
sariling bansa dahil sa mga dokumentadong kaso ng na iginagawad ng isang
persekusyon, matinding alitan o gulo, tagsalat (famine), bansa sa isang asylum-
natural disasters, at opresyong politikal, ekonomiko, at seeker na takot bumalik
panrelihiyon. sa kanilang bansa dahil
-Ang mga refugee na nagtatangkang makakuha ng sa persekusyon at iba pa.
permanenteng panirahan sa mga bansang kanilang
nilipatan ay tinatawag na “asylum seekers”

 Internally Displaced Persons


-mga taong napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan dahil sa karahasan,
matinding gulo, natural disasters subalit hindi makatawid sa padaigdigang hanggahan
(international border), at samakatwid nasa loob parin sila ng bansa. Halimbawa nito ay
ang mga evacuees.

 Immigrant
-Sinumang tao na nagtungo sa isang dayuhang bansa para maging permanenteng
residente nito.

Syrian Refugees Filipino Evacuees Immigrants

Mga Dahilan o Sanhi ng Migrasyon

Ano-ano nga ba ang nagtutulak sa mga tao na lumikas sa kanilang sariling mga bansa at
lumipat sa iba? Sa aralin na ito, tutukuyin natin ang iba’t ibang posibleng dahilan kung bakit
umaalis ang mga tao sa kanilang mga lugar at papunta sa iba.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing,
distributing, photocopying, recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form
and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected
to any forms of consequences.
Modyul 6 Araling Panlipunan 10 Pahina 3 ng 5 na pahina

Para sa pagpapaliwanag ng paksang ito, panuorin ang inihandang bidyo na may


pamagat na “Mga Dahilan o Sanhi ng Migrasyon.”

Simulan natin ang leksiyon!

Push at Pull Factors


 Push factors ay tumutukoy sa mga negatibong pangyayari na nagtutulak sa mga tao
na lisanin ang kanilang lugar at tumungo sa iba.
 Pull factors naman ang tawag sa mga positibong mga pangyayari sa isang lugar na
humihikayat sa mga tao na sa lugar na ito pumunta.

Unahin muna nating magbigay ng iba’t ibang halimbawa ng mga Push factors:

Sosyo-ekonomikong Push Pangkapaligirang Push Politikal na Push Factors


Factors: Factors:

-Economic Recession. Natural calamities tulad ng: -Matinding karahasan

-Kawalan o kakulangan ng -Baha -Kawalan ng katatagang


oportunidad sa trabaho. political
-Lindol
-Malalang kahirapan at -Matinding Kaguluhan o
kagutuman. -Bagyo digmaan

-Kakulangan ng serbisyong -Tagtuyot -Mataas na antas ng


panlipunan. kriminalidad
-Crop Failure
-Pang-aabuso sa karapatang
pantao

-Persekusyon sa mga minorya

Tignan naman natin ang iba’t ibang halimbawa ng mga Pull Factors

Sosyo-ekonomikong Pull Pangkapaligirang Pusll Politikal na Pull Factors


Factors: Factors:

-Mas magandang -Kaaya-ayang klima. -Katatagang Politikal.


oportunidad na pang-
ekonomiya -Matabang lupain. -Mas mababang antas ng
kriminalidad.
-Higit na mabuting serbisyong -Saganang likas na yaman.
panlipunan -Higit na mataas na antas ng
-Mababang panganib sa kapayaaan.
-Mas maraming trabaho na mga natural hazard.
akma sa kasanayan at -Kalayaan at higit
na
natapos na larangan paggalang sa mga
paniniwala at karapatang
-Higit na oportunidad na pantao.
mapaangat ang napiling
karera.

Sa paksang ito, masasabi natin na maraming dahilan kung bakit linilisan ng mga tao ang
kanilang sariling lugar at nakikipagsapalaran sa ibang lugar. Ang mga push factors ay dapat
magsilbing alala sa bawat gobyerno na ayusin ang mga ito para na rin sa kapakanan ng
mga mamamayan.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing,
distributing, photocopying, recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form
and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected
to any forms of consequences.
Modyul 6 Araling Panlipunan 10 Pahina 4 ng 5 na pahina

Refugee Crises
(Syrian, Venezuelan, at Rohingyan Crises)

Syrian Refugee Crisis


-Para sa pagpapaliwanag ng paksang ito, panuorin ang
inihandang bidyo na may pamagat na “Syrian Refugee
Crisis”.
-Panuorin din ang bidyong may pamagat na
“Migration to Europe-why now? BBC News” para
maintindihan kung bakit marami sa kanila ang
nagpunyagi makarating lamang sa Europa.
-Para magkaroon ng sulyap sa mga pinagdaanan ng
mga refugees, panuorin din ang bidyong, “Syrian
Refugees: A Human Crisis Revealed in a Powerful Short
Film | Short Film Showcase”.

Venezuelan Migration Crisis


-Para sa paksang ito, panuorin ang inihandang bidyo
para sa pagpapaliwanag.
-Panuorin din ang bidyong, “Venezuela crisis: Why has
7% of the population fled the country? BBC News” para
sa karagdagang impormasyon.
-Para malaman ang pinagdaanan ng mga taga-
Venezuela, panuorin ang bidyong “Refugees flee from
Venezuela crisis”.

Rohingyan Refugee Crisis


-Para sa usaping ito, panuorin ang bidyong “Rohingyan
Crisis”. Panuorin din ang bidyong “The Rohingya Crisis in
90 Seconds” para sa karagdagang impormasyon.

Afghan Refugee Crisis


-Para sa araling ito, panuorin ang inihandang bidyo na
may pamagat na “Afghan Refugee Crisis.”

Pagkatapos pag-aralan ang mga paksa,


pumunta sa pahina 6 ng modyul na ito at
sagutan ang iyong Gawain 2: Quiz.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing,
distributing, photocopying, recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form
and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected
to any forms of consequences.
Modyul 6 Araling Panlipunan 10 Pahina 5 ng 5 na pahina

Mga Pinagkunan:
Mga Larawan:
https://foreignpolicy.com/2016/02/26/china-host-syrian-islam-refugee-crisis-
migrant/https://interaksyon.philstar.com/trends-spotlights/2020/11/13/180426/how-the-
robredo-outspoken-personalities-responded-to-typhoon-
ulysses/https://www.compareremit.com/money-transfer-guide/money-transfer-for-new-
immigrants/
https://globalpolicyinsights.org/analysis-of-key-structures.php
https://www.hias.org/hias-response-syrian-refugee-crisis
https://www.undispatch.com/venezuela-is-a-refugee-crisis/
https://www.unhcr.org/news/briefing/2018/8/5b7fc7174/rohingya-emergency-year-asias-
recent-refugee-crisis-warrants-international.html

Mga aralin:
Website:
https://www.bbc.com/news/world-middle-east-35806229
https://www.bbc.com/news/world-asia-41566561
https://www.theguardian.com/world/2018/nov/23/aung-san-suu-kyi-fall-from-grace-
myanmar

Mga Libro:
Mactal, Ronaldo B. (2017). Mga Kontemporaneong Isyu. Phoenix Publishing House, Inc.
Sarenas, Diana Lyn R. (2017). Mga Kontemporaneong Isyu. Sibs Publishing House, Inc.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing,
distributing, photocopying, recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form
and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected
to any forms of consequences.

You might also like