Sa aming pananaliksik, napakaraming ibat ibang suliraning pang ekonomiya ang
kinakaharap ng bawat bansa kung saan ito ay labis na naka aapekto sa pamumuhay ng mga tao. Ang bawat isyung tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ang isyung aming itatalakay sa analysis na ito ay patungkol sa migrasyon nagaganap sa bawat bansa kung saan ito ay nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao.
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag alis o pag lipat ng tao
mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o pang matalagan. Nakalahas dito kung bakit nga ba ang migrasyon ay isa sa halimbawa ng isyu o suliraning pang ekonomiya. Bawat bahagi ng analysis na ito ay may kaakibat na datos o impormasyon patungkol sa migrasyon. Kalakip ng paksa, nakatala ang : karagdagang kahulungan ng migrasyon, ang pagkakaiba ng flow ay stockfigures, ang iba't ibang uri ng migrasyon (temporary migrants, permanent migrants, irregular migrants.) ang mga salik na dahilan kung bakit nag mamigrate ang mga mamamayan ay ang mga isyung kalakip ng migrasyon. Sa mga sumusunod pang datos, nakalahad dito ang mga kakulang impormasyon tungkol sa migrasyon kung saan nakatutulong sa pag alam ukol sa paksa. Makikilala din ang ibat ibang organisasyon kung saan ito ang mga nananaliksik sa kaukulang porsiyanto ng mga mamamayang nasasangkot sa nasabing migrasyon. Nakalahad din ang mga porsiyento ng mga taong naabuso dahilan ng migrasyon. Masusuri din ang paglaganap ng migration transition at kung ano ang ibig sabihin nito. Nakasaad din sa pagsusurimh ito ang mga positibo at negatibong epekto ng migrasyon sa Pilipinas maging sa ekonomiya, pilitika, edukasyon at karapatang pantao, Nakapaloob dito ang mga perspektibo at pananaw. Sa pag aaral na ito, malalaman nating ang mga dapat gawin at solusyon upang masugpo ang migrasyon sa suliraning pangekonomiya tungo sa pambansang kaunlaran.