Professional Documents
Culture Documents
Si Ama
Si Ama
usapan. At sa mga usapan tungkol sa kanya na narinig ko — narinig ko mula kay Ina, mula sa
mga kapatid ni Ama, mula sa mga kapitbahay, mula kung kani-kanino — ay para ko na ring
nasaksihan ang buhay niya na hindi ko nasaksihan.
Nalaman ko halimbawa, na si Ama ay nakatapos ng pitong grado, i^ang katangiang
maipagmamalaki na kung iisiping siya'y nag-aral sa panahong bihirang-bihira ang may hilig mag-
aral. (Ipinanganak siya nang taong si Rizal ay barilin sa Luneta.) Alam ko pati ang
pagkakapangasawahan nila ni Ina.
Labindalawang taon ang katandaan ni Ama kay Ina. Ay wan ko kung bakit sa kabila ng malaking
katandaan niya kay Ina ay nagustuhan siya ni Ina, ngunit alam ko kung bakit lumagpas siya sa
akmang gulang ng pag-aasawa; panganay siya sa pitong magkakapatid, maaga silang naulila sa
ama, at natural, mangyari pa, na siya ang magdala ng pamilya. Nang may kumikita na sa mga
kapatid niya ay saka pa lamang siya nakaisip mag-asawa.
Nahuhukot si Ama ay gumigiray naman ang luma naming bahay. "Sa edad
n'yong 'yan e di na kayo dapat magtrabaho," sinasabi namin sa kanya. "At anong gusto n'yo,
mamatay ako nang nakatunganga?"
Bunga ng katandaan ay malimit nang dapuan ng sakit si Ama. Kayat nang isang araw ay
lumuwas ang isa naming pinsan at ibinalitang patay na si Ama, naiyak kami ngunit ang balita'y
hindi naging kagulat-gulat sa amin. Gumayak kami sa madaliang pag-uwi, kasama ang pami-
pamilya.
At bago kami nagkanya-kanyang uwi, si Kuya Selmo ay nakasama ko sa pagbili ng korona.
"Pihong aasahan sa atin ang malakihang libing at isang malakihang lamayan," sabi ni Kuya
Selmo. "Kahiya-hiya sa baryo natin at sa mga kamag-anak natin kung sa ating kalagayang ito'y
hindi natin maibigay iyon sa Ama."
"Ano'ng mainam na gawin natin?" tanong ko. "Gastahan natin nang todo ang Ama. Antalahin
natin ang libing para maipagpagawa natin siya ng libingang marmol. Ibili natin siya ng maganda
at mahal na ataul. Kumasundo tayo ng musiko. Umarkila tayo ng mga dalawampung karitela
para walang maglakad sa mga makikipaglibing. Sa lamayan, ibigay natin ang kaya nilang kainin."
"Tama," sabi ko. "Tutal, ngayon lamang naman natin pagkakagastahan ang Ama "
Sa luma naming bahay nang dumating kami, ang mga nakikiramay ay nagpapayok ng galyetas
na ipinaaanod sa matabang na kape. Wala ni isang manok na pinapatay sa kusina. Sa duluhan
ng bakuran ay tatlong karpintero ang gumagawa ng ataul. (Sa aming bayan ang mayayaman
lamang ang kapag namatayan ay bumibili ng yari nang ataul). Si Ama ay nakaunat sa papag.
Alam kong siya'y patay na ngunit aywan ko kung bakit pilit kong isinasaisip na siya'y natutulog
lamang. Ibig kong huwag umiyak pagkat lalaki ako, ngunit sa gayong pagkakataon pala ang
lalaki'y nawawala sa kanyang pagkalalaki.
Ang napag-usapan namin ni Kuya Selmo ay sinang-ayunan nina Djkong Ige at Ate Maring.
Malakihang lamayan. Kontri-kontribusyon kami ng tig-sasandaang piso kay Ate Maring na
sasamahan niya ng sandaan din bago ibigay kay Ina. "Para sa'n 'to?" tanong ni Ina nang ibigay
na sa kanya ni Ate Maring ang pera. At ang aming napagkayarian ay inilahad namin kay Ina.
"Magpabili na agad kayo ng baboy, saka maraming manok," sabi ni Dikong Ige. "Patigilin na n'yo
ang gumagawa ng ataul at bumili na lang tayo ng yari," sabi ni Kuya Selmo.
Ngunit hindi nasunod ang aming nais pagkat tumutol si Ina. "Hindi ko magagawa 'yon sa ama
n'yo," sabi ni Ina. "Lalo na ngayong nanahimik na siya." At sa paliwanag ni Ina ay lumitaw na si
Ama pala ay nag-ipon ng perang pampalibing sa sarili nito. Kaunti lamang ang natipon ni Ama,
ngunit sasapat na sa isang aba, payak na libing, na umano'y siyang ibig ni Ama.
Nais ko sanang sabihin kay Ina na anuman ang gawin namin sa libing ni Ama ay maaari pagkat
wala na si Ama upang tumutol. Ngunit naisip ko na isang malaking kalapastanganan kung
magsasamantala kami sa sandaling si Ama ay hindi na makapagtanggol. Puntod lamang ang
pinaglibingan kay Ama, ngunit damang-dama ko ang dangal at katapatan ng libing na iyon.
Hanggang sa huling hantungan ay dala ni Ama ang kawalan ng pagkukunwari.