You are on page 1of 5

KEVIN RUSSELLE Q.

ENTIA (MGA KABANATA) 12/06/2021

10-1 MATALINGHAGANG PAHAYAG G.VIRGILIO SIA

Kabanata IV Kabesang Tales

A. Matalinghagang Pahayag
1. “Papalagay mo na lang na natalo sa sugal o nahulog sa tubig o kinain ng buwaya ang salaping
ibinayad mo (Kabesang Tales)
2. “Nakakaramdam na parang may pataw na mabigat sa puso” TANDANG SELO
3. “Hubad tayong ipinanganak, kaya hubad ddin tayong mamamatay” KABESANG TALES
B. Paliwanag :
1. Ang pera ay pansamantala lamang at napapalitan kaya huwag masyadong isipin..
2. Mabigat ang damdamin o may puot na dinaranas
3. Kung ano ang katayuan natin noong tayo ay isinilang, ganoon din tayo mamamatay.
C. Aral o Mensahe
Ang pera o salapi sa ating buhay ay pansamantalang ligaya at pangangailangan
ngunit ang tunay na silbi natin sa mundo ay gamitin ng maayos ang ating dignidad kahit saan
tayo magpunta.

Kabanata VII Si Simoun

A.Matalinghagang Pahayag

1. “Ang sakit ng katawan ay balewala kung sakit ng kalooban ang pag-uusapan.” SIMOUN

2. “Sa halip na makagawa kayo ng kwintas ng rosas, ang pinanday niyo’y kadenang matigas pa sa
brilyante. SIMOUN

3. “Katulad ko rin ay mayroon kang mga pautang na dapat singilin sa lipunan.” SIMOUN

B. Paliwanag :

1. Hindi nararamdaman ang bawat sakit o sugat kung mayroong sama ng loob na dinadala ang
isang tao.

2. Maraming mga bagay ang mas mahalaga kaysa sinasayang ang oras sa walang katuturan.

3. Ang pahayag ay nagsasabing ang sinasaabihan ni Simoun na si Basilio ay may kasalanan


sakanila ang lipunan na dapat nilang bawian.

C. Aral o Mensahe

Bata pa lamang ay dapat alam na kung ano ang mas mahalagang gawin sa mga bagay at
kung ano ang dapat gawin kapag inaapi kahit ano pa ang katayuan sa buhay.
Kabanata X Kayamanan at Karalitaan

A. Matalinghagang Pahayag
1. “Ang kawawang batang iyan ay lumaki ritong tila kabuting itinanim ng tikbalang!”
MANANG
2. “ Sa wakas natagpuan ko rin ang aking tauhan” SIMOUN
3. “ Ipagpatawad po ninyo na sa sarili kong tahanan ay pinagnakawan ko kayo ngunit
pangangailangan ang siyang nag-udyok sa akin” KABESANG TALES
B. Paliwanag:
1. Ang bata ay walang kaalam alam o makakalimutin
2. Ang hinahanap ni Siomun na agnos ay natagpuan na niya
3. Humingi ng kapatawaran si Kabesang Tales dahil sa pagnanakaw para lamang sa kanyang
pangangailangan
C. Aral o Mensahe
Huwag sumuko agad sa gustong makuha sa buhay at ito ay darating din sa atin. Kahit ano
pa an gating pangangailangan ay sumunod tayo sa ating kaonsensya na wag mabuhay sa
kasamaan

Kabanata XIII Ang Klase sa Pisika

A Matalinghagang Pahayag

1. “Mailalagay po ninyo ang lahat ng guhit na ibig ninyong ilagay ngunit wala kayong
karapatan laitin ako”
2. “Labinlimang ulit na kusang di pagpasok sa klase anupat kulang nalang ng isa at
makakapagliwaliw ka na”
3. “Pinaniniwalaan mong ang nasa likod ay nagbibigay ng halaga sa nasa harapan?”

B. Paliwanag

1. Ang tao ay walang karapatan manlait dahil lahat tayo ay pantay,

2. Isang pagliban nalang sa klase ay hindi na siya tatanggapin

3. Ang bawat bagay ay magkakapantay-pantay lamang kaya wag malinlang.

C. Aral o Mensahe

Ang pag-aapi ay kamalian na dapat nating tinatama sa lipunan at nilalabanan. Huwag


natin gawin sa iba ang ayaw nating gawin sa atin,

Kabanata XIV Sa Bahay ng mga Estudyante

A. Matalinghagang Pahayag
1. “Huwag ninyong daanin sa biro,ang pinag-uusapan ay mahalaga”
2. “Iwasan natin ang mga pagtatalong walang katuturan,ang mga salitang walang
kabuluhan at tumungo tayo sa mga pangyayari”
3. “Unahin muna natin ang mga paraang di mahalay”
B. Paliwanag
1. Kapag ang pinaguusapan ay importante , tayo ay magpokus at wag magsabi ng mga
biro.
2. Huwag bigyan ng pansin ang mga away na wala namang kwenta at mas bigyan ng
pansin ang mga pangyayari,
3. Gawin muna ang mga gawain na hindi nakakasakit.
C. Aral o Mensahe
Mas bigyan ng pansin ang mga mahahalagang bagay at makinig sa opinion ng iba upang
mas gumanda ang pang-unawa sa pangyayari,

Kabanata XV Ginoong Pasta


A. Matalinghagang Pahayag
1. “Iniukol ko ang aking buhay sa ikabubuti ng lahat”
2. “Sapagkat sila ay tao.maaring magkamali at hindi na nararapat ipagwalang
bahala ang mga palagay kuro-kuro ng kapwa”
3. “Maniniwala ka at matatandaan mo ako at sasabihin mong tama ako pa gang
buhok mo ay kasimputi na ng sa akin”
B. Paliwanag
1. Ibinuwis ko ang aking buhay para sa bayan kahit ako pa ang kapalit.
2. Ang bawat tao ay nagkakamali kaya intindihin na lamang.
3. Sinusumpa ko sayo na ang aking mgasinabi ay tama at malalaman mo ito kapag
tumanda ka na.
C. Aral o Mensahe
Intindihin ang pagkakamali ng iba at gawin itong sandata para sa ating buhay. Ang
mga pinagdaanan din ng mga nakakatanda ay mahalaga upang gamitin din na gabay.

Kabanata XVI Ang Kasawian ng Isang Intsik


A. Matalinghagang Pahayag
1. “Bakit sila bibigyan pa ng sapatos ay ipananganak naman silang wala yan”
2. “Upang maging masunurin ang isang bayan ay walang paraang gaya ng
duhagihin at ipakilala sa kanya ang sariling kabayanan”
3. Matutuhan ninyong pag-aralan kung bakit ang ibang mga bansa ay umuunlad at tularan
ninyong gawin ang kanilang ginagawa”
B. Paliwanag
1. Ang mga manggagawa na may pag-ibig sa kanilang ginagawa ay wala ng
katumbas pa kahit na bigyan pa sila kung saan sila komportable.
2. Ang baya n ay mapapasunod lamang kung makikilala niya ito.
3. Ang gayahin ang paraan ng ibang bansa ay makabubuti sapagkat subok na
ito.
C. Aral o Mensahe
Ang mga taong nakikilala natin sa buhay ay may dalang aral sa atin na
makukuha na atin upang maprotektahan an gating sarili at mapaunlad ito.

Kabanata XIX Ang Mitsa

A. Matalinghagang Pahayag
1. “Ibig kong maging Malaya,mabuhay ng Malaya!”
2. “Ipakilala mo sa lahat ng kabataang iyan na mayroon kang karangalan.”
3. “Ang Gawain ay magtatapos na at ang kaniyang tagumpay ang magbibigay ng katwiran
sa akin.”
B. Paliwanag
1. Gusto niyang mabuhay na ng Malaya at walang sinusunod.
2. Ipakita mo sa kanila na ikaw ay may napatunayan na.
3. Ang opinyon ng ibang tao ay naka salalay sa iyong mga napatunayan.
C. Aral o Mensahe
Magpatuloy tayo sa pagsungkit sa ating mga pangarap upang tingalain tayo ngunit wag
tayong maging mayabang.

Kabanata XXVII Ang Prayle at ang Pilipino


A. Matalinghagang Pahayag
1. “Lalong mabuti.kung gayoy’y tinatanggap at pangatawanan ninyo ang magiging
bunga ng inyong ginawa”
2. “Ang karunungan ay para lamang sa may mga malinis na kalooban at mabuting asal
upang ito ay magkaroon ng kabuluhan at hindi masayang “
3. “Hindi ninyo masisisi ang mga mag-aaral,Padre,kung maging ganoon sila sa inyo
dahil iyan ang itinuturo sa kanila”
B. Paliwanag
1. An gating mga ginagawa tama man o mali ay may idinudulot kung kaya’t maging
handa tayong ito’y tanggapin
2. Ang taong masama ang ugali ay walang saysay ang buhay kahit na matalino pa
3. Ang natututunan ng isang tao ay siya nitong kinikilos
C. Aral o Mensahe
Hindi sapat na tayo ay matalino lamang,higit na mas pinapahalagahan ang kagandahang
asal.

Kabanata XXXI Ang Mataas na Kawani


A. Matalinghagang Pahayag
1. “Eh ano?Ang bayan,ano sa akin ang bayan?May pinirmahan ba akong
kompromiso sa kanya?Utang ko ba sa kanya ang tungkulin ko ? Siya ba ang
humirang sa akin ?”
2. “Alam ba ninyo kung kalian aalis ang koreo?”
3. “Kailangang isakripisyo ang isa para sa kabutihan ng marami”
B. Paliwanag
1. Ang katapatan sa bayan ay lubos at hindi sinasamba ang mas nakakataas sa
kanya.
2. Ninanais na ng Kapitan Heneral na umalis ang Kawani sa kanyang tungkulin.
3. Para sa ikabubuti ng lahat ay magpaparaya ang isa
C. Aral o Mensahe
Ang pagiging tapat sa bayan ay higit na mas mahalaga kaysa sa hinalal na kawani at
dapat sinusunod ang taong bayan kaysa sa diktador na namumuno.

Kabanata XXXIII Ang Huling Matuwid


A. Matalinghagang Pahayag
1. “Sa mga imbi ko natagpuan ang aking mga katulong”
2. “Ang pagbabago ng lahi ay hindi pagwawasak kundi
pagbubuo,paglikha,pagpapabunga,pagpapaunlad,pagbibigay-buhay!”
3. “Kailangang baguhin ang lahi.”
B. Paliwanag
1. Ang tulong na nakuha ni Simoun ay galing din sa mga prayle at mga traydor.
2. Ang pagbabago ay hindi lagi masama ang dulot bagkus ito ay ang bbagong
simula o bagong pag-asa sa bayan.
3. Ang pagwasak ng lahi ay kailangan baguhin upang ang bawat tao ay
makapagsimula ulit na mas matatag at mas uunlad.
C. Aral o Mensahe
Ang pagbabago ay hindi massama kung mas uunlad tayo sa susubukan nating ulit
na bagong lahi at ang pagkitil ng buhay ay hindi rason para sa kagustuhan nating
pagbabago.

Kabanata XXXIX Ang Katapusan


A. Matalinghagang Pahayag
1. “Kung ano ang Panginoon,gayon din ang alipin.Kung ano ang
pamahalaan ay gayon din ang bayan.”
2. “Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat,ang kasama ng
mga korales at mga perlas sa walang katapusang dagat,Kung sa isang
banal at dakilang layunin ay kakailanganin ka ng tao.Samantala,diyan ay
hindi ka na maghahasik ng kasamaan hindi mo ililiko ang katuwiran at
hindi ka mag-uudyog ng kasakiman.
3. “Tanging pag-ibig ang nakakalikha ng kahanga-hanga”
B. Paliwanag
1. Kung ano ang paraan ng pamumuno ay repleksyon ito sa kanyang bayan
2. Ang kaluluwa ng namatay ay matahimik n asana at ‘di na magambala pa
3. Ang pag-ibig ay nagaalis ng sakit sa atin at binibigay nito ang kasiyahan
na hindi natin alam na makukuha natin.
C. Aral o Mensahe
Ang tanging layunin natin sa ating buhay ay gumawa ng kabutihan. Ang
pamumuno kahit na sa bahay pa ay dapat maayos ang itinuturo upang ang
repleksyon nito sa tinuturuan ay maayos at maganda.

You might also like