You are on page 1of 5

ALAMAT NI MARIANG SINUKUAN

Sa kalagitnaan Luzon ay may kaisa-isang bundok, ito ay ang bundok ng Arayat. Mala-maharlika ang tindig

ng bundok na ito. Dito nagmula ang magandang alamat ni Mariang Sinukuan.

Noong unang panahon, sagana sa bungang kahoy at malulusog na hayop ang bundok ng Arayat. Sa

paligid nito ay mayabong ang mga halaman at masagana ang ani.

Ang may-ari ng bundok na ito ay si Maria. Siya ay ubod ng ganda, kayumanggi, mahaba ang buhok,

matangos ang ilong ngunit mahiwagang babae. Marami siyang alagang hayop tulad ng manok, ibon,

baboy, kambing at iba pa. Siya ay matulungin sa mga tao. Sa tulong ni Maria ang mga tao doon ay

masayang namumuhay. Paminsan-minsan, makikita ng mga taga Arayat at karatig pook si Maria na

namamasyal kung hatinggabi. Madalas, kapag may kinakapos ng pagkain, nagigisnan na lang nila ito sa

kanilang punong hagdan.

Isang araw, may mga sakim at mga tamad na tao ang nangahas na manguha ng prutas at manghuli ng

hayop sa bundok ni Maria. Malalaking supot at sako ang kanilang dala. Kumain sila ng maraming prutas,

Dumating si Maria at nagwikang “Sige, kumain kayo ng magugustuhan ninyo, nguni’t huwag kayong mag-

uuwi.”

Pagkaraan ng isang oras, akala ng masasamang-loob ay umalis na si Maria. Nanghuli sila ng mga hayop

at pinuno nila ng prutas ang mga supot. May natakot na baka magalit sa kanila si Maria nguni’t dala ng

kasamaan ay nakisama na rin sa pangungulimbat. Hindi nagtagal at napuno na ang kanilang mga

lalagyan at dali-daling lumisan sa pook na iyon. Ni hindi nila pinansin si Maria na noon ay dumarating

bagkus ay binilisan pa nila ang kanilang mga hakbang.

Hindi nila namamalayan na pabigat nang pabigat ang kanilang mga dalahin at nang ito ay kanilang

buksan, wala silang makita kungdi mga bato.

Nakita sila ng isang matanda, “Aanuhin ninyo ang mga batong iyan?” Napag-alaman niya na galing sila sa

bundok. “Uli-uli huwag kayong kukuha ng hindi sa inyo at lalong masama kung walang pahintulot. Kung

sabagay mabait si Maria, hindi nga kayo sasaktan. Igalang naman sana natin siya. Marami na siyang

nagawang kabutihan sa atin.”


Marami pa ang sumunod na nagtangkang magnakaw kay Maria. Dahil dito, nagtampo at nagalit na si

Maria. Dumating ang panahon na hindi na siya nakikita ng mga tao. Hindi na rin siya tumutulong sa mga

tao. Unti-unting humina ang mga hayop, ang mga halaman ay nalalanta. Ang mga tao ay kinapos at

nagutom.

Nagtipun-tipon ang lahat at napagkaisahan nilang sumuko na kay Miria. Kailangan nilang humingi ng

tawad sa mabait na mahiwagang babae. Nguni’t ang lahat ng kanilang pagsisikap na makahingi ng tawad

kay Maria ay balewala nang lahat pagka’t ang kanilang sinukuan ay hindi na nagbalik pa. Kaya, kinailangan

na nilang magpatulo ng maraming pawis upang sila ay mabuhay.

You might also like