You are on page 1of 1

Baybayin ang Matigol Falls!

Nais mo bang bisitahin ang Matigol Falls? Nagbabalak ka bang maglakbay sa Matigol Falls
ngunit di mo alam kung anong unang pupuntahan? Kung gayon, hayaan mo kaming gabayan ka
sa pamamagitan ng paghahayag namin ng aming mga karanasan.Napagkasunduan ng aking
pamilya na pumunta sa Arakan noong Disyembre 13-14, 2017 para maglibang at ipagdiwang
ang kaarawan ng aking nanay. Nagkita-kita muna kami ng mga alas-4 sa Jollibee para kumain at
sabay-sabay na pumunta sa Arakan. Tatlo ang ginamit naming kotse. Nagkaroon kami ng stop-
over sa isang gasolinahan upang magpagasulina at magmeryenda. Makalipas ang dalawang oras
na byahe nakarating na kami sa probinsya ng Arakan. Pinuntahan agad namin ang Matigol Falls.
Akala ko madali lamang ang lalakarin naming ngunit ako ay nagkakamali. Napadulas at maputik
ang aming nilkabay na daan. Makalipas ang isang oras, narating na namin ang waterfalls at
napakaganda nito. Ang aming pagod ay lumipas na dahil sa kagandahan ng lugar. Naligo kami
sa malamig na tubig at iyong araw ay naging napakasaya dahil kasama ang pamilya.

You might also like