You are on page 1of 3

Kung Bakit Mukhang Kulay Bughaw ang Langit

(Why the Sky Is Blue)

ni: Sir James Jeans

Salin sa Filipino ni: Teresita B. Antalan

Guni-gunihin mo na tayo ay nakatayo sa alinmang karaniwang daungan sa tabing-dagat at


minamasdan ang mga along gumugulong at humahampas sa haliging bakal ng daungan. Halos hindi
pansin ng malalaking alon ang mga haligi - sila ay nahahawi sa kaliwa at sa kanan at nagsasama-sama
pagkatapos mapadaan sa bawat haligi, tulad ng pagkahawi ng isang rehimyento ng mga sundalo kung
may punongkahoy sa kanilang daraanan; tila wala roon ang mga haligi. Subalit ang maiigsing alon at
onda ay higit na naaabala ng mga haligi ng daungan na para sa kanila ay higit na mahirap na sagwil. Sa
tuwing tatama ang maiigsing alon sa mga haligi, sila ay napapabalik at nagiging mga bago at mumunting
onda na lumalaganap sa lahat ng dako. Kung gagamitan ng katawagang tekniko, sasabihing sila ay
"nakakalat." Ang sagwil na dulot ng mga haliging bakal ay bahagya nang nakaaapekto sa mahahaba at
malalaking alon, subalit kinalat naman nito ang maiikling onda.

Minamasdan natin ang isang uri ng gumaganang modelo ng kung paano nagpupunyaging
tumagos ang sinag-araw sa atmospera ng mundo. Sa pagitan natin, na nasa mundo at ng kalawakan, ang
atmospera ay nagpapapasok ng di-mabilang na mga sagwil na nasa pormang molekula ng hangin, maliliit
na patak ng tubig, at mumunting butil ng alikabok. Ang mga ito ay kumakatawan sa mga haligi ng
daungan.

Ang mga alon sa dagat ay kumakatawan naman sa sinag-araw. Alam natin na ang sinag-araw ay
isang halo ng mga liwanag na iba't iba ang kulay gaya ng napatutunayan natin mismo sa pamamagitan
ng pagpapatagos nito sa prisma o kahit sa isang pitsel ng tubig, o gaya ng ipinakikita sa atin ng kalikasan
tuwing patatagusin niya ito sa mga patak ng ambon sa tag-araw at sa gayo'y nakalilikha ng isang
bahaghari. Alam din natin na ang liwanag ay binubuo ng mga alon, at ang iba't ibang kulay ng liwanag ay
gawa ng mga alon na may iba't ibang haba: gawa ng mahahabang alon ang pulang liwanag at gawa ng
maiigsing alon ang bughaw na liwanag. Ang halu-halong mga alon na siyang bumubuo ng sinag-araw ay
kailangang magpumilit na makaraan sa mga sagwil na kanyang matatagpuan sa atmospera, gaya ng
pagpupumilit ng sama-samang mga alon sa may tabing-dagat na malampasan ang mga haligi ng
daungan. At ang lahat ng mga sagwil na ito ay humahadlang sa mga along-liwanag gaya ng paghadlang
ng mga daungan diyan sa mga along nang maapektuhan, subalit ang maiigsing alon na bumubuo ng
bughaw na dagat. Ang mahahabang alon na bumubuo ng pulang liwanag ay bahagya liwanag ay
napapakalat sa lahat ng dako.

Samakatwid, ang iba't ibang bumubuo ng sinag-araw ay hinahadlangan sa iba't ibang paraan
samantalang nagpupumilit tumagos sa atmospera ng mundo. Ang alon ng bughaw na liwanag ay
maaaring ikalat ng isang butil ng alikabok, at mag-iba ng direksiyon nito, at ganoon nang ganoon,
hanggang sa makapasok ito sa ating mga mata sa pamamagitan ng paliku-likong daan na tulad ng kidlat.

Kaya ang bughaw na mga alon ng sinag-araw ay pumapasok sa ating mga mata mula sa iba't
ibang direksiyon. At ito ang dahilan kung bakit mukhang kulay bughaw ang langit.
1. Ano ang nangyayari sa mga alon at onda na humahampas sa mga bakal na haligi ng mga
daungan?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Ayon sa teksto, saan maihahalintulad ang ganoong pangyayari sa onda at alon na namamasdan
ng tao?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Ano ang mga kumakatawan sa mga haligi ng daungan ayon sa teksto?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4. Ano ang pinasimpleng paliwanag ng teksto sa sinag-araw?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5. Ano ang liwanag? Bakit nabanggit ang halaga ng alon sa nabubuong iba't ibang liwanag?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
6. Paghambingin ang mahahabang alon at maiigsing alon ayon sa nagiging epekto nito.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
7. Bakit kaya mahalaga na makaranas ng sagwil ang alon at ang sinag-araw? Ano ang kahulugang
siyentipiko ng karanasan ng alon at sinag-araw?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
8. Bakit mukhang kulay bughaw ang langit ayon sa siyentipikong paliwanag ng manunulat?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
9. Ano ang halaga ng tinalakay ng may-akda sa iba pang isyung pangkalikasan ng mundo?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Basahin ang Panandang Pandiskurso.pptx at sagutan ang mga sumusunod.

Bilugan ang mga ginamit na panandang pandiskurso sa bawat pangungusap. Sa patlang na inilaan sa
bawat dulo ng pangungusap, isulat ang gamit o tungkulin ng natukoy na pananda.

1. Bunga ng sinabi ni Chuang Tzu, nagmamadaling umalis ang dalawang opisyal ng


gobyerno.__________________
2. Inubos ng bunsong anak ang kaniyang minanang salapi, maliban pa rito, nagpalubog siya sa mga
bisyo. __________________
3. Pagkatapos ng mahabang paglalakbay, narating din ni Prinsipe Juan ang Piedras Platas.
______________
4. Hindi lang ang tinapay ni Prinsipe Juan ang kinuha ni Prinsipe Pedro pati na rin ang kaniyang
baong tubig. __________________
5. Kung nagduda sa kabutihan ng kaniyang ama ang bunsong anak, hindi ito magpapasyang
magbalik sa kanilang tahanan. __________________

You might also like