You are on page 1of 9

 

  Grade&section: 10-Dove

.PAG-UNAWA SA BINASA

1. Bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kaniyang asawa?

• Hindi masaya si Mathilde pagkat hindi  maibigay ng kaniyang asawa ang


kaniyang mga inaasam na materyal na luho.

2.  Ano ang hangarin niya sa buhay? Makatuwiran ba ito sa kaniyang kalagayan?
Ipaliwanag.

•Hangarin niya na makapangasawa ng mayaman at maibigay nito ang


mga inaasam asam niyang mga materyal na bagay. Sa palagay ko 
naman ay ito ay makatwiran sa paraan na  ang tao ay may  kalayaan
naman tayong mamili ng mga katangian ng ating gustong 
mappangasawa . Hindi ito makatuwiran kung ito ay hahaluan niya ng
bahid ng panloloko at maging parasitiko sa relasyon tulad ng ginawa ni
Mathilde na paghahangad ng higit sa kayang ibigay ng kaniyang asawa
naa halata naman na hindi angkop sa buhay at kalagayan nila.

 
3. Maituturing bang pagsubok sa buhay ang naranasan ni Mathilde? Ipaliwanag.

•Ito ay maituturing na pagsubok sa buhay pagkat binigyan nito ng leksyon si


Mathilde.

4. Sa kasalukuyang panahon, may mga katulad pa ba ni Mathilde na iyong


nakikita? Patunayan.

•Hindi ko ito masasagot pagkat ako ay walang karapatan na manghusga


ng mga tao dahil hindi ko naman nararanasan na maglakad sa kanilang
paa.

5.     Bigyang-patunay na ang pag-uugali ng mga pangunahing tauhan sa akda


ay masasalamin sa kung anong pag-uugali mayroon ang mga tao sa France na
pinagmulan ng akda / maikling kuwento.

•Ang mga Pranses ay masasabi kong mga taong elegante at batid doon ang
caste system na naghihiwalay sa mayaman at mahirap na komunidad.

       

  
   

     6.  Ano ang mensaheng nais iparating ng maikling kuwento?

•Nais iparating ng kwento na kinakailangan ay maging makuntento ka sa kung  ano ang


meron ka pagkat ang paghahangad  ng bagay ng dahil lamang sa nakikita mo ito saa
karamihan at ipilit ito kahit hindi angkop sa antas ng iyong buhay at kalagayan sa
kasalukuyan ay maaring magdulot pa ito sayo ng mas malaking problema.Lahat ng
kagustuhan ng tao ay darating sa tamang panahon hindi masama ang mag asam
ngunit alamin mo dapat ang iyong limitasyon at maghintay sa nararapat na panahon 
upang makamit  ito.

 
     

  7. Ano kaya sa tingin mo ang maaaring dahilan kung bakit hindi nakukuntento sa  
            buhay ang isang tao? Paano malulunasan ang ganitong suliranin?

•Ayon sa isang artikulo ng website na psychologenie, ang pagiging di


kuntento ay parte ng ating sistematikong ebolusyon bilang mga organismo.
Dapat ay sumusulong tayo paharap upang di mapag-iwanan at maging talunan
ayon sa teorya ng “natural selection” ni Charles Darwin. Ang taong
nakakaranas lamang nito ang may kakayahang lunasan ito pagkat nakasalalay
sa kaniya ang kaniyang damdamin at kung paano niya ito titignan sa mas
mmaliwanag na paraan.
 

  8. Nangyayari rin ba ito sa ating bansa? Magbigay ng mga pangyayaring


magpapatunay dito.

•Ito ay nangyayari pagkat tao rin ang Pilipino at wasto ang natural na batas na
ito sa atin. Ihahalintulad ko na lamang ito sa aking sariling karanasan,bilang
isang kabataan sa panahon na to aaminin ko na may mga bagay na gusto ko
rin na mayroon ako laking pasasalamat ko na lang at nakakayan ko na
kontrolin ang aking sarili.
  9. Gumuhit ng tatlong hugis ng kuwintas ( o kahit na anong shapes ) para sa iyong sagot sa
mga sumusunod na tanong. Anong katangian ni Mathilde ang gusto mong baguhin? Isulat ito sa
unang kuwintas. Anong magandang katangiang taglay naman niya? Isulat ito sa ikalawang
kuwintas. Anong natutuhan ni Mathilde sa kaniyang naging karanasan? Isulat ito sa ikatlong.
Kaalaman sa Maikling Kuwento
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Lagyan ng tsek ( √ ) kung ang
pahayag ay tumutugma sa katangian ng isang  maikling  kuwento  ng  tauhan  at ekis (
X ) naman kung hindi. 
 

√ 1. Ang maikling kuwento ng tauhan ay higit na nagbibigay-pokus sa kilos

o galaw, pananalita at kaisipan ng pangunahing tauhan.

   X     Higit na binibigyang-pansin sa kuwento ang ganapan o tagpuan ng mga


2. pangyayari.

√ 3. Nailalarawan ng may-akda ang pagkatao ng pangunahing tauhan sa


pamamagitan ng kaniyang panloob na anyo.

   X 4. Ang panloob na anyo ng pangunahing tauhan ay nababatay sa kaniyang


kilos at pananalita.

√ 5. Malaking tulong din ang usapan ng iba pang mga tauhan upang maipakilala
ang pangunahing tauhan sa ganitong uri ng kuwento.

You might also like