You are on page 1of 9

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: Araling Panlipunan Grade: 10 Quarter: II Week: 7 - 8

Name __________________________ Section ____________ Date ____________

School __________________________ District _______________________________

I. MELC
Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon

II. OBJECTIVES
1. natutukoy ang mga epekto ng globalisasyon
2. nasusuri ang positibo at negatibong epekto ng globalisasyon sa mga aspeto
ng lipunan
3. nakagagawa ng isang reflection paper na naglalaman ng saloobin tungkol sa
epekto ng globalisasyon
III. SUBJECT MATTER
EPEKTO NG GLOBALISASYON

IV. PROCEDURE

A. READING/DISCUSSIONS

EPEKTO NG GLOBALISASYON
Mayroong positibo at negatibong epekto ang integrasyon ng mga bansa sa mundo. Sa
ibaba, ating malalaman kung ano nga ba ang maidudulot ng globalisasyon sa politika,
ekonomiya, teknolohiya at kultura ng isang bansa.

Positibong Epekto ng Globalisasyon


Politika Ekonomiya Kultura Teknolohiya
 nagkakaroon ng  nagkakaroon ng  mas naintindihan  napapabilis
pagkakaisa ang malayang natin ang mundo ang
mga bansa sa kalakalan at  pagtanggap sa komunikasyon
pamamagitan masiglang kultura ng iba sa
ng ASEAN, kompetisyon sa pamamagitan
APEC at UN pagitan ng mga ng internet at
 pagkakaroon ng bansa social media
demokrasya sa  mas napapabilis  napapabilis
mga ang kalakalan o ang daloy ng
komunistang ang pagpapalitan transportasyon
bansa ng mga produkto  paglago ng
at serbisyo iba’t ibang
 paglaki ng bilang sangay ng
ng export at agham na
import sa isang nakakatulong
bansa sa pagtuklas
 pakikipagsundo ng iba’t ibang
ng mga bansa gamot sa sakit
tungkol sa isyu ng gaya ng
kalikasan genetic
 paglaki ng engineering
oportunidad para
makapagtrabaho
 malayang
nakapaghahanap
ng trabaho ang
mga tao
 maiiwasan ang
monopoly
 pagtaas ng
pamumuhunan
(investment)
 pagtaas ng
produksyon sa
bansa
 paglaganap ng
mga bagong
pamamaraan sa
paggawa at
kalakalan katulad
ng multinational
corporations, call
centers, at export
processing zones

Negatibong Epekto ng Globalisasyon


Politika Ekonomiya Kultura Teknolohiya
 paglaganap ng  Global warming at  nawawala ang  paglikha ng
iba’t ibang uri pagkasira ng pagkakakilanlan mga
ng terorismo ozone layer dulot ng kultura ng makabagong
tulad ng ng bansa pamamaraan
pambobomba industriyalisasyon ng pagpatay
sa World Trade,  mabilis na katulad ng
Suicide pagkaubos ng chemicals at
Bombing sa likas na yaman biological
Europa at ang  naiiwan o weapons
impluwensiyang nahuhuli ang mga  pagsulpot ng
terorismo bansang mga
katulad ng nasa papaunlad pa panibagong
Marawi lamang makamamatay
 kahirapang dulot na sakit
ng paglawak ng katulad ng
agwat ng AIDS, SARS
mayayaman at at Drug
mahihirap (social Addiction
inequality)
 malalaking
kumpanya ay
ginagamit ang
globalisasyon sa
kanilang sariling
interes

B. EXERCISES FOR SKILLS USING HOTS FOR CONTENT SUBJECTS

EXERCISE 1

Directions:
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang


kompanya,produkto at paggawa sa bansa.Ayon sa ulat DTI noong 2010 may
pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung saan ang nanguna ang
industriya ng BPO. Sa kabilang dako patuloy naman bumaba ang paglago ng sektor ng
agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Mababa ang pagpapasweldo,pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang
lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa mga Pilipino.
B. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling
makasabay ang mga Pilipino sa mga serbisyong on-line.
C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
D. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa
BPO.
2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa
B. Migrasyon
C. Ekonomiya
D. Globalisasyon
3. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng
mura at flexible labor.Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng
mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa
pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na mababang panahon at paglilimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa .
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamunuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng manggagawa.
4. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang
kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa
paggawa sa bansa .Ano ang iskemang subcontracting?
A. sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon
B. iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor ng isang
kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo
C. pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa
loob ng 6 na buwan
D. pagkuha sa isang ahensya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob
ng mas mahabang panahon
5. Ano ang migrasyon?
A. tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
D. tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari
sa lugar na pinagmulan
6. Suriin ang sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na interpretasyon. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
Ekonomikal

GLOBALISASYON
Sosyo-kultural Politikal

A. Magkakaugnay ang ekonomiya,politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.


B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.
7. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at
dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto
nito ay ang sumusunod:
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino
II. Nabago ang dinamiko(oras,sistema ,Istruktura)ng paggawa sa maraming kompanya
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namasukan partikular ang
mga call center agents
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino
Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?
A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
8. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod
maliban sa isa. Ano ito?
A.Hanapbuhay
B.Turismo
C.Edukasyon
D.Tirahan
9. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng
globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino “?
A. pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino
B. pagdagsa ng mga business process outsourcing (bpo) sa bansa
C. paghuhulog ,pagbabayad at pag wiwithdraw gamit ang mga automatic teller
machine(atm)
D. pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
10. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon
ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito sa
bansa?
A. pag-iwas ang mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang
krisis
B. maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa
C. makabuo ng maraming trabaho para sa mga mangagawang Pilipino
D. maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang
kalakalan

EXERCISE 2

Directions:

Sa ibaba ay matatagpuan ang mga larawan na nagtatampok ng mga epekto ng globalisasyon.


Tukuyin ko sa aling aspeto ng lipunan ito nabibilang, Isulat sa sagutang papel kung ito ay
epekto sa Politika, Ekonomiya, Teknolohiya o Kultura.

1. 2. 3. 4.

malayang kalakalan pagtangkilik sa produkto pagpapabilis ng


pagkakaisa ng mga bansa
ng ibang bansa komunikasyon

5. 6. 7. 8.

pagpapabilis ng paglaganap ng pagbibigay ng maraming pagsulpot ng mga


transportasyon demokrasya trabaho panibagong
nakamamatay na sakit
9.
10.
pandaigdigang paglala ng polusyon paglaganap ng terorismo
at global warming
EXERCISE 3

Directions:

Basahin ang artikulo na nasa pahina 10 hanggang 12 ng modyul.

Sagutan ang mga katanungan tungkol sa artikulong binasa. Isulat ang mga sagot sa sagutang
papel.

1. Ang COVID-19 ay isang pandemyang laganap pa rin sa buong mundo. Dulot nito,
pansamantalang isinara ang mga hangganan ng mga bansa at pinagbawalan ang mga
paglalakbay. Sa ganitong sitwasyon, nawakasan ba ng pandemya ang paglaganap ng
globalisasyon? Oo o Hindi? Bakit?

2. Hindi maikakailang ang COVID-19 ay nagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga


tao sa kasalukuyan. Paano nakaapekto ang pandemyang ito sa globalisasyon?

3. Ayon sa artikulo, ano ang patunay na maging ang siyensya at teknolohiya ay hindi
magtatagumpay kung walang globalisasyon?

4. Ipaliwanag ang pahayag mula sa artikulo na “…globalization could gradually become


dangerous, infectious and hard to control”. May kaugnayan ba ito sa COVID-19?
Patunayan.

5. Bilang isang mag-aaral sa new normal, ano ang naging partisipasyon mo sa pagpapanatili
ng kaayusan at kaligtasan sa inyong komunidad sa kabila ng kinakaharap na pandemya na
naging epekto ng globalisasyon?

EXERCISE 4

Directions:

Sagutin ang mga katanungan batay sa tinalakay na paksa. Isulat ang mga sagot sa sagutang
papel.

1. Maraming naging positibo at negatibong naidulot ang globalisasyon sa lipunan lalo na sa


ekonomiya, politika, teknolohiya at kultura. Sa mga epektong naitala, pumili nga tatlo na sa
palagay mo ay nakatulong o makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral.

2. Kapag ang globalisasyon ay ginamit sa di-mabuting pamamaraan, ano sa tingin mo ang


magiging epekto nito sa mga bansang kasapi, at ano ang maaaring solusyon sa problemang
ito?

3. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ni Milton Friedman nang ipahayag niya ang mga
sumusunod na kataga, “The internet is the most effective instrument we have for globalization”?
Sang-ayon ka ba sa tinuran niyang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
C. OUTPUT

Directions:

Sumulat ng isang reflection paper na naglalaman ng iyon saloobin sa mga epekto ng


globalisasyon. Gawing gabay ang pamantayan o rubrics sa pagsulat. Isulat ang iyong reflection
paper sa isang bond paper.

Pamantayan sa Paggawa ng Reflection Paper

Eksperto Mahusay Nagsisimula Baguhan


(4) (3) (2) (1)
Kalinawan at Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
komprehensibo reflection paper reflection paper reflection reflection
ng ideya ay lubos na ay nakapagpa- paper ay hindi paper ay
nakapag- hayag ng malinaw na walang
pahayag ng malinaw na nakapagpa- naipahayag
malinaw at ideya at hayag ng na ideya at
komprehen- konsepto na malinaw na konsepto na
sibong ideya at nagdala ng ideya at magdadala
konsepto na pagkaunawa konsepto na sana sa
nagdala ng sa bumabasa nagdala sana pagkaunawa
pagkaunawa nito. sa sa bumabasa
sa bumabasa pagkaunawa nito.
nito. sa bumabasa
nito.
Paglalahad at Maayos at Maayos na Nakapaglahad Walang
pagsusuri ng sistematikong nailahad ang ng datos at nailahad na
datos nailahad ang mga kaugnay impormasyon datos at
mga kaugnay (relevant) na tungkol sa impormasyon
(relevant) na datos at paksang tungkol sa
datos at impormasyon sinuri. paksang
impormasyon tungkol sa sinuri.
tungkol sa paksang sinuri.
paksang sinuri.
Komprehensibo Komprehensibo Komprehensibo Nakabuo ng Walang
at lohikal na at lohikal ang ang nabuong konklusyon. konklusyong
konklusyon nabuong konklusyon. nabuo.
konklusyon.

D. ASSESSMENT

Directions:
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra
lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao,bagay impormasyon at produkto sa iba’t
ibang direksyon na nanaranasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
B. malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.
C. pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.
D. mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga
bansa sa mundo.
2. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. naapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga
malalaking industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya.
B. tuwiran nitong binago,binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial’’ na
institusyon matagal ng naitatag
C. nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan ,ekonomikal at pulitikal na aspekto
D. patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
3. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Dahil sa globalisasyon ang mabilis na tumutugon ang mga mabilis na tumutugon ang
mga bansa sa mga banta na nagdudulot ng kapinsalaan
B. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa.
C. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig
D. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
4. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga
manggagawa,binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa
sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang dayuhang
kompanya,produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class
workers.
B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t
kinakailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga
lokal na manggagawa.
C. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t
kinakailangang pagbabain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
D. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa
mababang pagpapasweldo at pangonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
5. Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng globalisasyon sa ekonomiya maliban sa ___.
A. paglaganap ng mga bagong pamamaraan sa paggawa at kalakalan katulad ng
multinational corporations, call centers, at export processing zones
B. paglikha ng mga makabagong pamamaraan ng pagpatay katulad ng chemicals at
biological weapons
C. nagkakaroon ng malayang kalakalan at masiglang kompetisyon sa pagitan ng mga
bansa
D. malayang nakapaghahanap ng trabaho ang mga tao
E. ENRICHMENT

Directions:
Magsaliksik ng news article na naglalaman ng temang epekto ng globalisasyon. Gupitin ang
news article at idikit sa isang short bondpaper. Suriin ang balita at tukuyin kung saang aspeto
ng lipunan nakaapekto ang nasaliksik na isyu. Isulat ang maikling deskripsyon at ang iyong
komento tungkol sa nilalaman ng news article.

References:
 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan, Araling Panlipunan 10 Learner’s Material
 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan, Araling Panlipunan 10 Teacher’s Guide
 Bitmoji app google play store

Websites
Epekto at Sanhi ng Globalisasyon
https://www.youtube.com/watch?v=CSDoAwFDuE8
Mga Epekto ng Globalisasyon
https://www.youtube.com/watch?v=25jZdk0UKBU
Coronavirus Won't Kill Globalization. But It Will Look Different After the Pandemic
https://time-com.cdn.ampproject.org/v/s/time.com/5838751/globalization-coronavirus/
Effects of Globalization
https://www.slideshare.net/simyouheng/the-effect-of-globalization1

Globalisasyon
https://www.slideshare.net/joelbalenres/globalisasyon

Mga larawan:
https://sheakes19.wixsite.com/scomaniuk/single-post/2016/07/03/Free-Trade-The-Path-to-Global-Prosperity
https://www.rappler.com/nation/duterte-arrives-singapore-asean-summit-november-12-2018
https://www.slideshare.net/kellybillar-what-is-globalization
https://www.google.com/amp/s/dailytimes.com.pk/652020/the-evolving-democracy-of-pakistan/amp/
https://www.google.com/search?q=maraming+trabaho
https://www.google.com/amp/s/amp.theguardian.com/commentisfree/2020/mar/08/the-coronavirus-outbreak-shows-
us-that-no-one-can-take-on-this-enemy-alone
https://climate.nasa.gov/solutions/adaptation-mitigation/
https://tl.weblogographic.com/difference-between-terrorism-and-hate-crime-2095
https://www.uopeople.edu/blog/how-social-media-affected-communication/
https://www.cactus-tech.com/resources/blog/details/advantages-of-industrial-flash-storage-for-transportation-industry/
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/men-and-women-characters-communication-via-vector-26897715

Prepared by: Edited by:

MARY CRIS D. CARAOS


SST-2

Reviewed by:

You might also like