You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN 10

Reviewer para sa Pangalawang Markahang Pagsusulit

I. Globalisasyon
Ang globalisasyon ay tumutukoy sa mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang bahagi
ng mundo sa pamamagitan ng pag-usbong ng teknolohiya. Maaari itong ibahagi sa ilang mga
dimensyon o aspekto: (1) paglalakbay; (2) sosyo-kultural; (3) komunikasyon; (4) pang-
ekonomiya; (5) pampulitika. Ang bawat isang dimensyon ng globalisasyon ay mayroong mga
kaakibat na epekto.

Paglalakbay Sosyo-Kultural Komunikasyon Ekonomiya Politika


1) Pagdami ng 1) Paglaganap ng 1) Paglawak 1) Pagbaba ng 1) Pag-usbong
mga migrante impluwensiya ng ng Internet presyo ng ilang ng mga
(hal. sa lokal na mga dayuhang (hal. web produkto internasyonal
konteksto, mga bansa (hal. Sa browsers) na ahensya (hal.
OFWs) aspektong musika: 2) Pagdami ng WTO, ASEAN,
KPop, mga kantang 2) Pag-usbong mga pagpipiliang UN, EU, WB,
2) Paglawak ng Amerikano) ng mga produkto NAFTA)
turismo cellular
2) Paglaganap ng devices 3) Free Trade 2) Pakikiisa ng
3) Pagkalat ng mga dayuhang Agreement mga nasyon
mga sakit pelikuha (hal. 3) Paggamit ng upang tugunan
Hollywood, social media 4) Pagsulpot ng ang mga
4) Pag-usbong Bollywood) mga pandaigdigang
ng iba’t ibang 4) Paglaganap multinasyonal na suliranin (hal.
wika 3) Paglaganap ng ng mga kumpanya climate change)
mga dayuhan internasyonal (MNCs)
pananamit at na radio
kagamitan stations

Mula sa mga aspektong ito, ilan sa mga pangunahing salik o dahilan ng globalisasyon ay ang
mga sumusunod:
1. Pag-unlad ng Komunikasyon at Teknolohiya – nagagamit ang teknolohiya bilang
“marketing strategies” ng mga malalaking kumpanya. Mula rito, napapalakas ang
marketing information system sa daigdig
2. Trade Liberalization – tumutukoy ito sa pag-alis ng mga hadlang sa malayang kalakalan
tulad ng mataas na buwis, gastusin, at kota. Bagaman napapalakas nito ang relasyon ng
mga nasyon, ito’y nagdudulot sa kabiguan ng mga maliliit o lokal na negosyo:

ANALOHIYA NG FREE TRADE:


Mababang buwis = Maraming inaangkat na produkto
Maraming inaangkat na produkto = Pagkalugi ng mga lokal na negosyo

3. Makabagong Transportasyon – sa pamamagitan ng mga sistemang ito’y napapabilis ang


kalakalan at pagkalat ng impormasyon at produkto

Hal. (1) Freight transportation tulad ng steam locomotive at jet engine; (2) Pagbaba ng
cargo costs

4. Paglago ng mga Multinasyonal na Korporasyon – tumutukoy sa pagsakop ng mga


malalaking kumpanya sa pandaigdigang saklaw. Ngunit, tandaan na mas malaki ang
impluwensiya, kapangyarihan, at customer base ng mga korporasyong ito, na muling
nagdudulot sa paghina ng mga lokal na negosyo

Hal. Pepsi, McDo, Apple

Narito ang mga positibo at negatibong epekto ng globalisasyon:


Positibong Epekto ng Globalisasyon Negatibong Epekto ng Globalisasyon
• Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng • Pagbaba ng kapital ng mga lokal na
mga bansa industriya na hindi kompetitibo dahil
• Paglago ng pandaigdigang sa pagtanggal ng mga patakarang
transaksyon sa pananalapi nagbibigay-proteksiyon sa mga ito
• Paglaki ng pamumuhunan ng mga • Pagtaas ng kahirapan dahil sa mataas
banyagang mangangalakal na na antas ng kawalan ng trabaho at
nakapagbibigay ng trabaho sa mga kompetisyon sa job market
mamamayan; paglaki ng produksiyon • Pagdami ng mga taong walang trabaho
na makakatugon sa mga dahil sa pagsara ng mga maliliit na
pangangailangan ng tao negosyo
• Paglaganap ng teknolohiya • Pagbaba ng sahod ng mga
• Pagtatag ng demokrasya sa mga manggagawa
nakaraang komunistang bansa • Paghihigpit sa mga patakaran sa
• Pakikiisa ng mga nasyon sa paggawa
pamamagitan ng mga nabuuong
ahensya
• Pag-unlad ng pamamaraan sa paggawa • Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na
sa pamamagitan ng teknolohiya kompanyang hindi kompetitibo sa
• Paglago ng ilang sanga ng agham na pandaigdigang kompetisyon
makakatugon sa paggawa ng mga • Brain drain at brawn drain
medisina’t gamot • Pagbubuo ng mga maliliit na
• Pag-usbong ng mga korporasyon armadong grupong may basbas sa
multinasyonal na nangangalaga sa ilang malalakas na armadong grupo sa
pandaigdigang kalakalan at pananalapi ibang bansa
• Pagbilis ng pagtugon sa mga nasyong • Paglaganap ng mga biological
nasasalanta ng mga kalamidad weapons
• Pagdali ng pamamahagi sa iba’t ibang • Pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi
lugar maayos na paggamit ng mga likas na
• Pagtaas ng antas ng kaunlaran sa yaman na pinagkukunan ng mga
pamamagitan ng pagbibigay ng mga sangkap sa paggawa at polusyong
oportunidad para sa mga trabaho sa dulot ng industriyalisasyon
ibang bansa • Pagkawala ng mga indigenous na
• Pagdami ng mga edukado mula sa kultura dahil sa pagpasok ng mga
ibang bansa dayuhang impluwensiya at kultura
• Sinisikap na pabutihin ng mga lokal • Pagtaas ng dependency rate ng mga
na kumpanya ang kanilang mga umuunlad na bansa sa mga mauunlad
presyo at kalidad upang maging na bansa dahil sila ang nagsisilbing
mainam na kakumpitensya ang mga merkado ng duty free na mga produkto
MNCs at mababang pasahod sa empleyo
• Pagpasok at pagkalat ng mga sakit sa
iba’t ibang bahagi ng mundo
• Pagkakaroon ng mga suliranin may
kaugnayan sa ugnayang panlabas
bunsod ng patuloy na paghahanap ng
mga likas na yamang makakatulong sa
kanilang ekonomiya

II. Lakas Paggawa (Labor Force)


Ang lakas paggawa ay tumutukoy ay grupo o bilang ng mga taong mayroong man o walang
trabaho ay kabilang sa mga kaakibat na salik ng paghahanapbuhay.
Ito ay nahahati sa tatlong pangunahing sektor, at sila ang mga sumusunod:

1. Sektor ng Agrikultura – tumutukoy sa pagtanim at pag-ani ng mga natural na produktong


kadalasang bunga ng pagsasaka

Hal. (1) Panananim/pagsasaka; (2) Livestock; (3) Pangingisda


2. Sektor ng Industriya – tumutukoy sa mga makinang nagpoproseso ng mga hilaw na
sangkap mula sa agirkultura; napapasigla nito ang ekonomiya ng bansa, gayundin ang
pagpapadagdag nito sa kita.

Hal. (1) Kontruksyon; (2) Mga pabrika; (3) Pagmamanapaktura; (4) Pagmimina

3. Sektor ng Paglilingkod – tumutukoy sa probisyon ng mga serbisyo sa halip na mga


produkto ang nagiging bunga

Hal. (1) Information Technology; (2) Media; (3) Transportasyon

Ang mga ito ay mayroong kalakip na mga suliranin/isyu sa paggawa na dulot ng globalisasyon:

1. Kontraktwalisasyon – tumutukoy sa paghahanapbuhay ng isang trabahador sa limitadong


panahon lamang; hindi na sila muling makakabalik sa kanilang pinasukang kumpanya
pagkatapos ng kanilang kontrata

2. Subcontracting – ito ay nababahagi sa dalawang uri: (1) Job contracting; (2) Labor-only
contracting. Narito ang kanilang bawat paliwanag:
a. Job contracting: ang subcontractor ay mayroong alam kaya makakapagbigay sila
ng mga benepisyo sa mga manggagawa
b. Labor-only contracting: ang mga utos ay direktang manggagaling sa kumpanya
dahil walang alam ang subcontractor; ang mga manggagawa ay hindi magiging
empleyado ng kumpanya mismo, at mula rito’y wala silang matatanggap na
benepisyo

3. Job & Skills Mismatch – tumutukoy sa kawalan ng pagtugma ng kakayahan ng isang


manggagawa sa kanyang pinapasukang trabaho dahil sa mga salik tulad ng kakulangan sa
mga oportunidad, mababang pasahod ng ninanais na pasukang hanapbuhay; nagdudulot
sa pagtaas ng unemployment rate

4. Mura at Flexible Labor – tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng kumpanya sa kanilang


pagpasok o pag-alis ng mga empleyado, pagdaloy ng mga benepisyo, at oras ng
pagtatrabaho; karaniwang ginagamit ito ng mga kapitalista o kung sino man ang
mayroong kapangyarihan o kontrata

5. Unemployment/Underemployment – tumutukoy sa kawalan ng trabaho (unemployment) o


ang pagkakaroon ng trabaho ngunit limitado lamang ang natatanggap
(underemployment); napipilitan ang mga manggagawang maghanap ng iba pang mga
trabaho
III. Migrasyon
Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat o pag-alis ng isang mamamayan mula sa kanyang
pinanggagalingang bansa dahil sa mga posibleng oportunidad mula sa ibang mga bansa, o ang
paglaganap ng mga isyu sa kanilang pinanggagalingan na kailangan nilang linlangin.
Ang mga dahilan ng migrasyon na nahahati sa dalawang uri ng salik, na matatagpuan sa mga
sumusunod:

1. Push factors – tumutukoy sa mga salik ng isang bansa na nagiging dahilan upang alisan
ng mga mamamayan
Hal. (1) Kakulangan sa mga oportunidad; (2) Mahinang ekonomiya; (3) Masamang
kalamidad; (4) Dahas at karahasan

2. Pull factors – tumutukoy sa mga salik ng isang bansa na nagiging dahilan upang
patunguhan ng mga mamamayan mula sa kanilang pinanggagalingang bansa
Hal. (1) Laganap na mga benepisyo mula sa pamahalaan; (2) Magandang klima; (3)
Mataas na antas ng edukasyon; (4) Maraming mga oportunidad

Samakatuwid, narito ang iba’t ibang uri ng migrasyon na mayroong indibidwal na mga dahilan:

1. Chain migration – tumutukoy sa pagsunod ng isang migrante sa kanyang mga


kapamilyang naninirahan sa dayuhang bansa; isa sa mga dahilan nito ay upang maibahagi
sa mas maliit na halaga ang kanilang mga yaman

2. Cyclical migration – tumutukoy sa proseso ng muling pagbalik at muling pag-alis ng


isang migrante mula sa pinanggalingang bansa at pinatutunguhang bansa

3. Economic migration – tumutukoy sa paglipat ng isang migrante upang makatagpo ng mas


naaangkop o sapat na hanapbuhay upang mapataas ang kanilang antas ng kabuhayan

4. Environmental migration – tumutukoy sa pag-alis mula sa isang bansa dahil sa mga


negatibong salik ng kalamidad o kalikasan nito

5. External migration – tumutukoy sa paglipat sa ibang territoryo, labas sa isang bansa


6. Forced migration – tumutukoy sa pag-alis ng isang migrante na labag sa kanyang
kalooban; karaniwang nagaganap upang linlangin ang karahasan o mga kalamidad na
nagaganap sa kanilang pinanggagalingang bansa

7. Internal migration – tumutukoy sa paglipat lamang sa ibang bahagi ng parehas na bansa o


territoryo

8. Interregional migration – isang uri ng internal na migrasyon na tumutukoy sa paglipat


mula sa isang rehiyon papuntang ibang rehiyon na nakapaloob pa rin sa isang bansa

9. Intraregional migration – isang uri ng internal na migrasyon na tumutukoy sa paglipat sa


isang bahaging nakapaloob sa parehas o iisang rehiyon lamang

10. Step migration – tumutukoy sa uri ng migrasyon na mayroong mga hakbang bago
makamit o mapuntahan ang pinatutunguhang lugar; halimbawa nito ay ang paglipat muna
sa mga probinsya bago lumipat sa mga urban na bahagi ng bansa

11. Transnational migration – tumutukoy sa paglipat sa ibang bansa ngunit mayroong


koneksyon pa rin sa pinanggalingang bansa (home country); nagaganap upang balikan ng
isang migrante ang kanyang pamilya o upang magpadala ng salapi

12. Voluntary migration – tumutukoy sa kusang pag-alis ng isang mamamayan mula sa


kanyang bansa; kabaligtaran ng forced migration

Muli, ang migrasyon ay kapwa may mabubuti at masasamang epekto sa ating bansa sa aspektong
pampolitika, panlipunan, o pang-ekonomiya. Narito ang ilan sa mga epekto ng migrasyong
nagaganap hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo:

1. Pagbabago ng Populasyon – mayroong tuwirang epekto ang pagkakaroon ng napakataas


at napakababang populasyon sa migrasyon. Sa mga bansang mahihirap, mabilis tumaas
ang kanilang populasyon, at dahil dito, ang ipinapataw na mga buwis sa mga panlipunang
larangan ay itinataas, kaya mas pili nilang mangibang bansa, at malugod naman silang
tinatanggap ng mga bansang bumababa ang populasyon o pagtanda ng populasyon, na
kadalasang nakikita sa mga bansang mayayaman. Sa kabilang dako, ang mga nililipatang
bansa ay nakakaranas ng malalaking porsyento ng migrante, at hindi kayang suportahan ng
pamahalaan ang bawat mamamayan, lalong lalo na at nakaaapekto rin ang mga populasyon
sa iba’t ibang larangan ng lipunan, tulad ng ekonomiya. Kaya sapilitang pinababalik ang
mga migrante muli sa kanilang bansa, tulad noong 1983 sa mga milyong migrante ng
Ghana sa Nigeria.
2. Kaligtasan at Karapatang Pantao – Hindi natatakasan ng mga migrante ang mga
mapanganib na sitwasyon na mayroon sila sa anumang lugar na kanilang nilipatan, dahil
laganap pa rin ang pagkakaroon ng pang-aabuso, ilegal na mga recruiter at smuggler,
mahihirap na kondisyon ng pamumuhay, at kawalan ng suporta sa pagtapak sa ibang
lupain. Gayundin, mataas din ang kaso ang mga pang-aabuso sa kababaihang migrante, na
nakahaharap ng maraming sexual exploitation, violence, assault, at human trafficking,
kaysa sa mga lalaki na nakahaharap din ng mga isyung ito. Ngunit, sa pagdami ng mga
migrante Pilipino o OFW, mas nasusuportahan nila ang kapwa kababayan, at nagsisilbing
pag-asa para sa kanila sa gitna ng mga nadaraos na pagbabanta sa kanilang karapatang
pantao, lalong lalo na sa mga OFW na nagbibigay scholarships at donasyon sa mga
mahihirap.

3. Pamilya at Pamayanan – Sa pangingibang bansa ng mga OFW, labis na naaapektuhan


ang kanilang mga pamilya, sapagkat sila ay naiiwan sa Pilipinas kasama ang kanilang
extended family. Kadalasan ang ama ang siyang nagtatrabaho, ngunit pati na rin ang mga
nanay ay nagiging migrante upang sustentuhan ang kanilang pamilya, kaya kung sinuman
ang naiiwang maybahay, siya ang tagataguyod at mayroong mahalagang gampanin para
sa kanilang pamilya.

4. Pag-unlad ng Ekonomiya – sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang naitutulong ng mga OFW


sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. Mula sa kanilang ipinapadalang remittance
para sa kanilang pamilya ay ito’y nagagamit upang maging kapital para sa pagpapatayo ng
negosyo. Marami ring mga OFW na nakapag-ahon ng kanilang mga pamilya sa kahirapan,
na humahantong sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kanilang mga anak.

5. Brain Drain – ito ay tumutukoy sa pangingibang-bansa ng mga mamamayang mayroong


matataas na antas ng kahusayan, edukasyon, o mga kasanayan na ginagamit para sa
banyagang hanapbuhay sa halip na sila’y tutulong upang iparaos ang pinanggagalingang
bansa. Ang suliraning ito’y laganap sa konteksto ng Pilipinas, kung saan ito’y isang bansa
na kinakailangan ng mga eksperto at mga manggagawang mayroong sapat na kasanayan
upang maisulong ang sariling ekonomiya.

6. Paghina ng Lokal na Industriya – dahil sa pagdepende ng mga migranteng manggagawa


sa kanilang mga remittance ay nakakaligtaan na ang pagsuporta at pagtangkilik sa lokal na
mga industriya. Mula sa pag-usbong ng mga banyagang hanapbuhay at trabaho ay tuluyang
humihina ang mga lokal na sektor ng isang bansa tulad ng kanilang agrikultura,
manufacturing sector, at export sectors. Dahil dito, kumukonti rin ang mga lokal na
trabahong maaaring pasukan ng mga mamamayan. Sapagkat tumataas ang kita at kalidad
ng buhay ng mga migranteng manggagawa, marami namang patuloy na naghihirap dahil
sa kawalan ng maayos na hanapbuhay
7. Integrasyon at Multiculturalism – mula sa pagdagsa ng mga migrante sa ibang bansa, ang
mga tumatanggap na lugar o nasyon na nahahamon ng integrasyon. Isang halimbawa nito
ay ang pagdagsa ng mga migranteng Pilipino sa bansang Italya, na kung saan ay
nakakagawa sila ng mga polisiyang ukol dito. Bukod rito, ayon sa isang pag-aaral ng
Oxford, ang multiculturalism ay maaaring magsama-sama ng iba’t ibang kultura sa
mapayapang at pantay na paraan. Binibigyang-diin dito ang kahalagahan ng pakikiisa ng
mga migrante sa mga institusyon ng banyagang lipunan, kabilang dito ang labor market
at edukasyon, habang malaya nilang tinatamasa ang karapatang magamit ang sariling
wika, maipagpatuloy ang relihiyon, at makabuo ng mga komunidad.

Good luck on the AP trimestral exam!


______________________________________________________________________________

You might also like