You are on page 1of 4

PANGALAN: EUNICE DIMPLE B.

CALIWAG DALUMAT FIL-3

III. PAUNANG-PAGSASANAY
Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Ang pagiging _____ ang kinakailangan ng wastong paghanay ng mga ideya. Ang mga
salitang gagamitin ay pili ayon sa hinihingi ng paksa.
a. MAINGAT b. MASUSI c. SISTEMATIKO d. MAPANURI 

2. Ang _____ ay may sinusunod na batayan o proseso sa pagsulat, nakakaiwas sa mga


maling pahayag, pasya, at pagsisiwalat.
a. MAINGAT b. MASUSI c. SISTEMATIKO d. MAPANURI 

3. Dapat _____ sa bawat detalye, datos, pahayag, o katwiran ay nililinaw at pinag-


aaralang mabuti bago gumawa ng isang pasya.
a. MAINGAT b. MASUSI c. SISTEMATIKO d. MAPANURI 

4. Dahil ang bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang, sinusuri, at tinataya.


a. MAINGAT b. MASUSI c. SISTEMATIKO d. MAPANURI 

5. Bawat hakbang ay nakaplano. Walang puwang ang kilhang isip at mga panghuhua.
a. TIYAK b. KONTROLADO c. SISTEMATIKO d. MAPANURI

MGA SAGOT:

1. A. MAINGAT
2. C. SISTEMATIKO
3. B. MASUSI
4. D. MAPANURI
5. B. KONTROLADO
V. PAGIINSANYO (20 puntos)
Gumawa ng ACROSTIC POEM tungkol sa MANANALIKSIK

M apagpahalaga sa mga gawaing pananaliksik


A ktibo
N angingilatis
A lerto sa lahat ng mga nangyayari sa paligid
N agtataglay ng katalinuhan
mAkatwiran sa mga bagay-bagay at sitwasyon
maLawak ang pag-iisip at pang-unawa
RELIHIYOSO
walang Kinikilingan
nagbibigay ng mga Solusyon sa mga suliranin
nag-Iisip at lumilikha
May sapat na Kaalaman at kakayahan

VI. PAGPAPAYAMAN
Sabihin kung anong katangian ng isang mananaliksik ang ipinapakita sa bawat bilang.

1. Hindi siya nagpapatangay sa sinasabi lamang ng iba, inaalam niya ang katotohanan saa
bawat pahayag.
2. Nakaayos ang lahat ng mga gagawin, takot siyang magkamali pagkat lagi siyang may
sinusundan na batayan.
3. Para sa kaniya, mahalaga ang bawat oras at panahon. Hindi siya nagpapadalos-dalos ng
gawain.
4. Ang lahat ng mga gawa ay nangangailangan ng kasiguraduhan. Sa bawat patunay ay
kailangan may mapagbantayan.
5. Hawak ng sumusulat ang anumang gawaing makapagpapaganda ng kaniyang likhang
sulatin.

MGA SAGOT:
1. MAPANURI O KRITIKAL
2. SISTEMATIKO
3. MAINGAT
4. TIYAK
5. MAYAMAN SA GINAGAMIT NA DATOS
VII. EBALWASYON
A. Pag-aralan ang mag sumusunod na sitawasyon, at tukuyin kung ano ang maaaring
nilabag na tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik.

1. Si Don ay anak ng mayaman. Lahat ng kaniyang mga proyekto ay ipinapagawa niya


sa iba at binabayaran na lamang niya. May pagkakataon na bumili na lamang siya ng
mga yaring tesis o term paper sa Recto. Ano ang nilabag ni Don na tungkulin at
responsibilidad ng isang mananaliksik?
2. Matalinong estudyante si Kim, palabasa at laman ng laybrari. Subalit, sa tuwing
mapagpapasahan na ng sulating pananaliksik ay lagi siyang nahuhuli sa
pagsusumite. Ano ang problema ni kim bilang isang mananaliksik?
3. Sa tuwing magreresearch si Nikki ay umuubos siya ng maraming oras sa laybrari.
Halos
ang buong laman ng aklat ay kaniyang naisusulat sa kaniyang kwaderno. Makailang
ulit na rin siyang bumili ng bolpen at nowtbuk. Ano ang kulang kay Nikki?
4. Nang ipasa ni Pat ang kaniyang sulating pananaliksik, maraming mali sa inilahad na
mga datos. Hindi nagtutugma ang mga ginawang tala sa ibinigay na interpretasyon.
Bakit nagkaganoon ang kaniyang ginawa?
5. Hindi inakala ni Bb. Santiago na walang maghahabol sa ginawa niyang sulating
pananaliksik nang walang paalam ni dokumentasyon sa kinuhang artikulo. Anong
tungkulin o responsibilidad ang nalimutan ni Bb. Santiago?

MGA SAGOT:
1. Ang nilabag ni Don na tungkulin at responsibilidad ng isang mananaliksik ay ang
pagiging PAGKAMATIYAGA. Tungkulin at responsibilidad ng isang mananaliksik ang
maghirap at magtiyaga sa iba’t ibang mapagkukunan ng mga impormasyon. Si Don ay
hindi naghihirap at nagtitiyaga.
2. Ang problema ni Kim bilang mananaliksik ay ang PAGKASISTEMA SA GAWAIN.
Mabisang paraan ang paggawa ng iskedyul upang matapos sa tamang oras ang lahat
ng gawain.
3. Ang kulang kay Nikki ay ang PAGKASISTEMA SA GAWAIN. Importanteng mga
detalye at impormasyon lamang ang dapat kuhain ni Nikki. Siya dapat ay maging
maparaan sa mga Gawain upang mas mapadali ang kaniyang ginagawa.
4. Nagkaganoon ang ginawa ni Pat dahil siya ay kulang sa PAGKAMAINGAT sa mga
datos at impormasyon na kaniyang kinakalap. Dapat maging maingat sa mga
impormasyon na ating inilalagay sa ating pananaliksik.
5. Ang responsibilidad na nakalimutan ni Bb. Santiago ay ang PAGKAMATAPAT. Hindi
dapat angkinin ng sinoman ang gawa ng iba ng walang anumang pahintulot.
B. Gamit ang sarili mong salita, isulat ang sarili mong pagkakaintindi sa kahulugan ng
pananaliksik. Ipahayag ang iyong kasagutan sa isang maikling talata. Ang sanaysay
ay binubuo ng 15 – 30 salita lamang.

Base sa aking sariling ideya at pagkakaintindi, ang kahulugan ng pananaliksik ay:

Isang gawain na binubuo ng maingat na pagtuklas sa tiyak na problema o suliranin sa


pamamagitan ng pangangalap ng kaalaman, pag- aanalisa, pag-interpreta ng mga
datos upang mas gumaan ang ating pamumuhay sa daigdig. Isinasagawa ang isang
pananaliksik upang tayo ay makakuha ng mga solusyon na nais nating malaman sa
isang suliranin.

You might also like