You are on page 1of 4

Filipino 9

IKATLONG MARKAHAN
Pangalan: _________________________________ Taon at Seksyon________ Petsa___________ Iskor______

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/tanong. Matalinong


sagutin ang bawat aytem at isulat sa sagutang papel.

I. Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.
1.”Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa”, ano ang ipinapahiwatig ng
may akda?
A. nagpapaalala B.nagpapayo C. nangungutya D.nangyayamot
2. Ano ang naramdaman ng batang banga ng niyaya siya ng poerselanang banga para maligo sa
ilog?
A. malungkot B.masaya C. nadismaya D.nagdadalamhati
3. Ano ang nangyari sa batang banga pagkatapos maligo sa ilog?
A. nakauwi sa bahay C. nakahandusay
B. nawasak ng alon D. naging porselana
4. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan sa “Ang talinghagang tungkol sa May-ari ng Ubasan”,
pare-pareho rin ba ang isasahod mo sa manggagawa na iba-iba ang haba ng oras na ginugol
sataniman?
A. Oo, dahil lahat sila ay nagtrabaho
B. Hindi, dahil maghapon nagtrabaho ang iba
C. Oo, dahil nagkaroon ng kasunduan
D. hindi, dahil isang oras lang nagtrabaho ang iba.
5. Anong kaisipan ang nais ipabatid ng may akda sa sanaysay na “ Hindi Ako Magiging Adik”?
A. Iwasan ang masamang impluwensiya ng barkada
B. Sundin ang utos ng magulang para hindi mapariwara ang buhay.
C. Mag-aral nang mabuti
D. Masamang dulot ng paggamit ng bawal na gamot
6. Sa akdang “Tilamsik at Sining ....Kapayaan”, sa paanong paraan ipinakita ni Gat. Jose Rizal
ang pagmamahal sa sariling bayan?
A. gumamit ng dahas
B. gumamit ng talino
C. gumamit ng talas ng dila
D.gumamit ng baril
7. Ang mga kaisipang nakapaloob dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng
tao.
A. tula B. dula C. pabula D. parabula
8. Elemento ng sanaysay na karaniwan sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang akda?”.
A. ideya B. tono C. tagpuan D. paksa
9. Ano ang tawag sa nangingibabaw na damdamin ng may-akda sa sanaysay?
A. persona B. tono C. kaisipan D. paksa
10. Nakapaloob dito ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa.
A. ideya B. tono C. kaisipan D. paksa
11. Sa parabula na “Ang talinghagang tungkol sa May-ari ng Ubasan”, sino ang tinutukoy na
may-ari ng Ubasan?
A. Mga manggagawa B. Si Jesus C. Si Joseph D. Si Mary
12. Anong uri ang pagkatao ang ipinakita ng babae sa nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi”?
A. mapanglinlang B. mabait C. mapusok D. masungit
13. Sino ang persona sa tulang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”?
A. nakababatang kapatid B. nanay C. tatay D. Kuya
14.Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong sa ibaba?

Malungkot na lumisan ang tag-araw


Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
Elehiya sa kamatayan ni Kuya -Pat V. Villafuerte
A.

nanunudyo B.nasasaktan C. Naghihinayang D. Nangungulila

15. Anong pag-uugali ang ipinakita ng batang banga sa “Parabula ng Banga”?


A. masunurin B. suwail C. mabait D. mapagmalaki
Mula sa unang himno:
Matamis na Virgeng pinaghahandugan,
Cami nangangaco naman pong mag-alay
Nang isang guirnalda bawat isang araw
At ang magdudulot yaring murang camay.

16.Ano ang nais ipabatid ng may akda sa tulang “Ang mga Dalit kay Maria”?
A. Ang pagwawalang bahala
B. Papuri at pagpapasalamat kay Ina
C. Makakatha ng isang kanta
D. Makapagbigay saya
“Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap”

17. Anong kaisipan ang ipinahahatid sa tulang “Elehiya para kay Kuya”?
A. Pag-alala sa namayapa
B. Pagdamay sa namatayan
C. Paglabas ng emosyon
D. Pagdadalamhati
Marahil, hindi nga mawawasak nang biglaan ng droga ang buhay mo kung
paunti-unti mo lamang tinitikman ito. (Ngunit may mga taong
nagkukumbinasyon ng droga sa isang maramihang gamit, at ito’y
nakamamatay agad.) Sa paggamit ng illegal na droga, inilalantad mo ang iyong
sarili sa panganib. Malapit ang aksidente sa mga taong nasa impluwensiya nito
dahil nawawala sila sa tamang katinuan ng isip at tamang pagpapasiya.
Hango sa sanaysay na “Hindi ako magiging Adik”.

18. Sa sanaysay na “Hindi ako Magiging Adik”, ano ang nais ipinapahiwatig ng may-akda sa mga
mambabasa?
A. Lahat ng tao ay magiging adik
B. Lahat ng kabataan ay sumubok ng droga
C. Umiwas sa paggamit ng droga
D. Umiwas sa maimpluwensiyang barkada
19. Ano ang kinahatungan ng batang banga sa pagsuway sa utos ng kanyang ina?
A. Naging maayos ang buhay
B. Napahamak at nawasak
C. Naging porselana
D. Napagalitan ng ina
20. Sa nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi”, ano ang nag-udyok sa babae para linlangin ang mga
taong hiningian niya ng tulong?
A. Para mapalaya ang kanyang lalaking iniibig
B. Para makapangasawa ng mayaman
C. Para magkaroon ng pera
D. Para may makasama sa buhay

II. PAGSUSUNOD-SUNOD.
A. Isaayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa( “Parabula ng Banga”).Isulat ang
bilang na 1-5 ayon sa tamang ayos ng bilang.

21.Pumunta ang Lupang banga at porselanang banga sa ilog.


22. Pinayuhan ng inang banga ang anak na wag makisalamuha sa kapwa banga at
baka mapahamak ito.
23. Niyaya ng porselanang banga ang lupang banga.
24. Nawasak ng alon ang lupang banga
25. Masayang naligo at nasarapan sa malamig na tubig ng lawa ang dalawang
banga.

B. Isaayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobelang “Isang Libo’t Isang


Gabi).Isulat ang bilang na 1-5 ayon sa tamang ayos ng bilang.

26. Pumunta ang babaeng mangangalakal sa pulisya.


27. Nakalaya ang kanyang iniibig at nagpakalayo-layo silang dalawa.
28.Ang bawat lalaking pinangakuan niya ng pag-ibig ay pumunta sa kanyang
bahay at dumating ito sa takdang araw at oras na kanyang binigay.
29. Nakiusap siya sa Hepe, kay Cadi,sa mahal na Hari, Vizier,at ang karpentero na
palayain ang kanyang kapatid.
30. Sinampahan ng reklamo ang iniibig ng babaeng mangangalakal at
ipinakulong ito .

III. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang salita na may salungguhit sa bawat
pangungusap. Piliin ang sagot sa ibaba. (36-50)

IPANANUKALA INIWAN NAKAKULONG MALUPIT


LAYON TUYO NAGBUNGA KALAYAAN
BARIL BITAK BINTANG NAPANIWALA
HAMAKIN KALUNGKUTAN UPUAN

31. Ang mamamayan ng Israel ay iminungkahi na magkaroon ng pagbabago sa kanilang


bansa.
32. Ang pakay ng mga manggagawa sa ubasan ay magkaroon ng salapi.
33. Ang kanyang puso’t isipan ay nakapiit samga alaala ng kanyang minamahal.
34. Mamad na ang labi ng Inang Banga sa kakapayo sa kanyang anak na Banga.
35. Maagang nilisan ng mga manggagawa ang gawain sa Ubasan.
36. Nagbuko ng kapahamakan sa kabataan ang paggamit ng droga.
37. Isang masaklap pangyayayari ang naranasan ng batang Banga.
38. Sa bansang Israel, karamihan sa mga tao ay gumagamit ng punglo.
39. Nagkaroon ng lamat ang pagsasamahan natin.
40. Ang paratang sa pamahalaan ay sadyang makatotohanan.
41. Ang kailangan ng bansang Israel ay ang kasarinlan ng bawat isa.
42. Labis ang kanyang kalumbayan ng pumanaw ang kanyang anak.
43. Tahimik siyang nakaupo sa kinagawiang niyang likmuan sa pagsusulat
44. Nakumbinsi ng porselanang banga ang ng bangang yari sa lupa na pumunta sa
ilog.
45. Ang buhay ni Ashaan ay laging nakakaranas ng pulaan.

V. IPALIWANAG. Ibigay ang hinihinging sa tanong. (5pts)

Sa pamamagitan ng dalawa o higit pang pangungusap, ilahad/ibigay ang iyong


argumento hinggil sa ginawa ng babaeng mangangalakal sa mga lalaking kanyang
nalinlang. (Isang Libo’t Isang Gabi)

“ Sa lahat ang Diyos ay papurihan!”

Inihanda ni:

Lezel Enly Ll. Abril


BSED 3-O

You might also like