You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Migrasyon: Sanhi Dulot ng
Golbalisasyon

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angel P. Aying


Editor: Florence S. Gallemit
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Name of illustrator/Photographer
Tagalapat: Peter Alavanza, Name of layout artist
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Dr. Eugenio B. Penales

Alamin Sonia D. Gonzales


Dr. Ella Grace M. Tagupa

Magandang umaga mga mag-aaral. Welcome sa bagong aralin sa Araling


Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Panlipunan 10. Ang modyul ay inihanda para sa pagkatoto at pagkaunawa ng Sanhi ng
Name of District Supervisor/PICD
Migrasyon DulotName
ng ofGlobalisasyon.
School Principal

Pagkatapos mong mabasa at masagot ang modyul:

Ø Nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

Balikan
1. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong 1992 at 1997 mas
dumarami na ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontraktuwal kaysa
sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working
arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sektor ng
serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?

A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa


pagpili ng mga manggagawa upang maging regular.
B. Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang
kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.
C. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag
sa iskemang subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming
dayuang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.
D. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura
at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong
kompanya na gawing kaswal ang mga manggagawang Pilipino.
2. Ang globalisasyon ay may mabuti at di-mabuting epekto sa pamumuhay ng mga tao.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mabuting dulot ng globalisasyon?

A. Pagpapalala sa problemang pang-ekonomiya


B. Lumalala ang pagitan sa mahihirap at mayayaman
C. Nakapaglilikha ng maraming trabaho at mga opurtunidad
D. Higit na pinalalaki ang agwat sa pagitan ng mga bansa sa mundo
3. Bakit maraming sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?
A. dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay
B. dahil nais nilang makarating sa ibang bansa at magliwaliw
C. dahil nais nilang makakakita ng dayuhang magaganda at gwapo
D. dahil nais nilang mabisita ang mga kamag-anak nila sa ibang bansa
4. Malaki ang porsyento ng mga manggagawa na bumubuo sa lakas paggawa ay mga
kababaihan. Kung ikaw ang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE),
paano ka makakatulong sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan?

A. Makisali sa mga rally na nagtataguyod sa mga karapatan ng mga kababaihan


B. Gumawa ng isang action plan na magtatampok ng mga programang magprotekta at
mag-aala sa mga sa kababaihan
C. Ibilin ang mga kababaihan sa mga kalalakihang manggagawa upang maalagaan
silang mabuti
D. Gumawa ng isang panayam sa mga kababaihang manggagawa sa ibang sektor ng
lipunan
5. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema
ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto
ng mura at flexible labor?

A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa


sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo
sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo
sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon
ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo
sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.
Aralin Migrasyon: Konsepto at Dahilan dulot ng
Globalisasyon
5

Tuklasin
Basahin at unawain ang tula na tungkol sa mga OFW.

Sa Gitna ng Disyerto
ni Noel Malicdem
Bayani kung ituring ng gobyerno
Wala naman magawa kapag kami’y inaabuso
Baka masira daw relasyon sa bansang kinalalagyan ko
Magtiis na lang hanggang matapos kontrata ko.

Mayroon nga tayong konsulado


Mga nakatalaga naman dito mga abusado
Walang pakialam kung ano kalagayan mo
Baka mas malala pa kapag napadpad ka rito

Isa lang akong saksi buhay dito sa disyerto


Na kung tawagin lupa ng pera piraso
Dahil kung hindi huli limang buwang walang sweldo
Walang pakialam magutom man ang pamilya mo.

Tama na sa akin ang tawaging OFW


Na umalis ng bayan para sa kinabukasan ng pamilya ko
Ang kaligayahan pansamantalang kinalimutan ko
Mapunta sa bansang lungkot ang karamay mo.

Di ko pinagsisihan ang pagpunta rito


Bahagi lang ito ng pakikibaka sa buhay ko
Hindi ang maging saksi sa mga mapagsamantalang politiko
Na lalo lang nagpapahirap pagnakaupo na sa puwesto.
Ang hiling lang namin tunay na pagbabago
Magbigyan pansin mga karaingan naming OFW
Dahil bahagi rin kami ng pag-unlad kahit kami’y malayo
Isigaw sa buong mundo, mabuhay ang Pilipino.
Gawain 2: Suri Tula!
Suriin ang tula ayon sa hinihingi ng bawat colom/hanay isulat ang sagot sa loob ng
talahanayan.

Mahalagang ideya Mga ideya nararanasan Mga ideyang nagkaroon


sa awit ng iyong pamilya o ng pagbabago at lagyan
kakilalang OFW ng patunay

Suriin

Magaling! Ipinakita mo ang iyong interest sa panibagong leksyon. Nandito


ang mga mahalagang terminolohiya na dapat mong pansinin.

Migrasyon - ay tumutukoy sa paglipat ng tao sa ibang lugar upang doon manirahan.


Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang
maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa disiplinang ito. Una na rito
ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures.

Flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa


isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong
gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.

Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo.


Nandarayuhan ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly qualified specialists,
entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya.

Stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang


nilipatan.
Dahilan / Sanhi ng Migrasyon
• hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na
inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay;
• paghahanap ng ligtas na tirahan;
• panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na
matagal nang naninirahan sa ibang bansa;
• pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman
partikular sa mga bansang industriyalisado.
• Pag-iwas sa malaking gutom sanhi ng kalamidad
• Suliranin sa unemployment rate o kawalan ng hanapbuhay sa bansang tinitirhan
• Globalisasyon

MGA SANHI NG MIGRASYON


Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang bansa ay
tinatawag na economic migrants o iyong naghahanap ng mas magandang
pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang grupong
ito ng mga migrante ay mabilis na dumarami sa kasalukuyang panahon.
Dahil sa globalisasyon, mas madali na ngayong makahanap ng trabaho
sa ibang bansa. Dahil ang mga mayayamang bansa ay nakakaranas
ngayon ng pagbaba ng populasyon kaya’t naghahanap sila ng mga
mangagawa mula sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang
pambansang ekonomiya.

Bahagi rin sa mga migrante sa buong mundo ay mga refugee na


lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan,
prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad.
Migrasyon ng mga Pilipino

Taong 2013 umabot ng 10 milyong Pilipino ang naghahanap-buhay sa mahigit


190 bansa sa daigdig. Mayroon ding Overseas Flipino Workers (OFW) o temporary
migrants na nagtatrabaho sa bansang tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates,
Kuwait, Hongkong, Japan, Italy at Espanya.

Malaking tulong sa bansa ang OFW dahil sa ipinadala nitong pera para sa
kanilang pamilya na tinawag na remittance. Samantala umaabot naman sa 800,000 ang
mga migranteng walang papeles. Karaniwan sa mga nangibang bansa ay mga
kababaihan o peminismo.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit maraming nag-migrante sa bansang napabilang third world countries?


Magbigay ng mga dahilan:
______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Mula sa mga dahilan ng migrasyon, alin dito ang nangngunang sanhi na nangyayari
inyong komunidad? Bakit?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
3. Paano nagkakaiba ang flow at stockfigures sa migrasyon? Ano ang kaugnayan ng
dalawa sa globalisasyon? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
4. Bakit itinuturing na bayani ang mga OFW?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
5. Naniniwala ba kayo na ang pinakadahilan ng migrasyon ay ang globalisasyon?
Ipaliwanag ang sagot.
_____________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

Sa ibaba mayroong pagkalahatang obserbasyon ng migrasyon:

Gawain 2: Venn Diagram


Pumili ng tatlong pangkalahatang obserbasyon ng suriin ang pagkakatulad at
pagkakaiba nito.

Pagkakatulad ng Pagkakatulad ng tatlo


Dalawa

Pangkalahatang Obserbasyon ng Migrasyon


1. Globalisasyon ng migrasyon
Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New
Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay
nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Karaniwan na
dumadagsa ay mula sa Asya, Latin Amerika at Africa.

2. Mabilisang Paglaki ng Migrasyon


Malaki ang implikasyon nito sa batas at polisiya sa bansa.
3. Pagkaiba-iba ng uri ng Migrasyon
- labour migration, refugees at maging permanenteng migrante
Irregular migration - nagtungo sa ibang bansa na walang permit magtrabaho at
overstaying sa ibang bansa.

Temporary migration - tawag sa taong nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang


permit at papeles sa pagtrabaho nang may kaukulang takdang panahon.

Permanent migration - layunin ng migrante ang pagtatrabaho at paninirahan sa


piniling puntahang bansa kalakip ang pagkuha ng pagkamamamayan o citizenship

Dalawang Uri ng Migrasyon


A. Panloob na Migrasyon
- nangyayari ang paglipat sa loob ng bansa
B. Panlabas na Migrasyon
- paglipat ng tao sa ibang bansa upang manirahan o mamalagi sa matagal na
panahon.

4.Pagturing sa migrasyon bilang isyung politika


Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang
polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.

5.Paglaganap ng ‘migration transition’


Ang migrationtransition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular dito ang nararanasan ng
South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.

6.Peminisasyon ng migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa
kasalukuyan dahil karamihan sa migrante ay kababaihan.

Pagyamanin

Panuto: Isulat sa patlang ang hinihingi ng sumusunod.

______________________ 1. Tumutukoy sa paglipat ng tao sa isang lugar

______________________ 2. Tawag sa mga migrante na lumikas para umiwas sa labanan o


pagkagutom
______________________ 3. Karaniwang dahilan ng migrasyon ng mga Pilipino

______________________ 4. Kontribusyon ng OFW sa ekonomiya ng bansa

______________________ 5. Tawag sa taong migrante na permanenteng naninirahan sa

ibang bansa.

______________________ 6. Pagkakaroon ng demand ng maraming trabaho sa paglago ng

kalakalan.

______________________ 7. Tawag sa mga migrante naghahanapbuhay sa ibang bansa.

______________________8. Pangunahing problema ng isang bansa maraming nangibang

bansa sa paghahanap-buhay.

______________________ 9. Karaniwang nangingibang bansa sa Pilipinas.

______________________10. Tumutukoy sa paglipat ng tao sa ibang lugar upang doon


manirahan.

Gawain

Gawain 3: Spider Web


Magtala ng isang dahilan sa migrasyon dulot ng globalisasyon sa bilog at ilagay naman
sa kahon ang mga kaugnayang dahilan sa pagmigrate.

Gawain 4: Timbangin Mo!


Suriin mula sa sanhi ng migrasyon kung alin ang nangunguna at kasunod ayon
sa inyong pag-aanalisa sa daloy ng ekonomiya ng bansa.Isulat sa loob ng tatlong maliit
na kahon at sa malaking kahon ay ipaliwanag ang pagkakahanay.

Paliwanag:

Gawain 5: Burger Organizer


Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa burger organizer.

Paksa: Globalisasyon ba’y pangunahing sanhi ng migrasyon?

Mahalagang Punto#1:

Pansuportang detalye:

Mahalagang Punto# 2:
Pansuportang detalye:

Konklusyon:

Isaisip
Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang bago ang numero.

HANAY A HANAY B
1. Pinagmulan migrasyon ngunit a. Pag-aaral sa ibang bansa daungan na
ngayon pinupuntahan na turista

2. Exchange student si Ana b. migrationtransition


sa Chicago, USA.
3. Pagpasok ng maraming tao sa ibang c. Panloob na Migrasyon
Bansa kada taon maaring trabaho o negosyo
4. Tumutukoy sa loob nagtrabaho d. Flow
Sa Cebu
5. Ipinapadalang pera ng OFW sa bansa e. Hanapbuhay
6. Madaling nakapunta sa iba’t ibang bahagi f. Remittance
ng daigdig ang mga tao, ideya, kaalaman at
produkto
7. Pangunahing sanhi sa pangingibang bansa g. Globalisasyon
na mga Pilipino
8. Migranteng naiipit sa kaguluhan h. Australia
9. Maunlad na bansang pipuntahan ng mga i. refugee
migrante
10. Bansang pinagmulan ng migrante j. Africa

Tayahin

Panuto: Piliin ang letrang tamang sagot sa sumusunod na tanong.


1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar. Alin sa ibaba ang
pinakadahilan ng migrasyon?
A. Paglipat ng tirahan
B. Mapalapit sa malaking siyudad
C. Makapag-aral sa sikat na paaralan.
D. Paghahanapbuhay para mapaunlad ang kabuhayan
2. Pataas na pataas ang mga taong nagsipaglikas sa kanilang bayan tinitirhan lalo na dito sa
lugar ng Midanao. Ano ang tawag sa mga taong lumikas na biktima ng bakbakan?
A. Refugee C. Migrante
B. Immigrant D. Naghanapbuhay
3. Mula sa sitwasyon sa itaas, ano ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar sa parehong
bansa dahil sa pagnenegosyo?
A. Pandarayuhan
B. Panlabas na Migrante
C. Panloob na Migrante
D. Pangingabang bansa
4. Ano ang tawag sa mga bansang dating pinagmulan ng mga migrante ngunit ngayon ay naging
distination ng migransyon?
A. Migrationtransition C. Peminisasyon
B. Globalisasyon D. Refugees
5. Alin sa ibaba ang hindi kabilang sa dahilan ng migrasyon?
A. Globalisasyon
B. Paghahanapnuhay para kumita ng malaki
C. Pamamasyal ng pamilya sa ibang bansa
D. Paglikasa dahil sa laban at gutom ng lugar.
6. Bakit lalong umunlad ang migrasyon sa mga nagdaang panahon?
A. Dahil sa kahirapang dinanas ng mga bansang mahirap.
B. Dahil kawalan ng kaunlaran sa mga liblib na lugar.
C. Dahil sa paglakas ng globalisasyon ng buong mundo.
D. Dahil nais ng mga magulang na makapagtapos ang anak sa pag-aaral.
7. Ano ang tawag sa galaw ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon na kadalasan ay kada taon?
A. Flow B. Stocks
C. Entrepreneur D. Manwal
8. Sa bahagi sa Mindanao lalo sa Julu Sulu nakaranas kahirapan. Ano ang
pangunahing sanhi sa pangingibang lungsod ng mga mamamayan?
A. Kabuhayan B. Kaligtasan
C. Pag-aaral D. Pagnenegosyo
9. Alin sa mga dahilan/sanhi ang hindi kabilang sa migrasyon dulot ng globalisasyon?
A. Paghahanap ng kabuhayan sa malaking siyudad.
B. Paglipat ng tirahan sa U.S para makaahon ang pamilya.
C. Pag-aaral sa paghasa sa kasanayan bilang entrepreneur.
D. Pagbibili ng mga pangunahing pangangailangan sa bahay.
10. Bakit malaking ang impluwensya ng globalisasyon sa migrasyon ng mga tao?
A. Dahil sa pangunahing pangangailangan ng tao.
B. Dahil sa nais ng tao na mabuhay at makabili ng luho.
C. Dahil sa globalisasyon nagmumura ang mga bilihin sa merkado.
D. Dahil sa globalisasyon lumalawak ang maraming oportunidad sa
trabaho at negosyo.

Karagdagang Gawain
Panuto :
1. Gumawa ng jingle song sa epekto ng ekonomiya sa pagdami ng OFW sa iba’t ibang bahagi
ng mundo.
2. Subukang maipresenta sa video ang nabuong jingle song.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG JINGE SONG


1. Angkop sa nilalaman 7
2. Nakapanghihikayat sa nakikinign 6
3. Orihinalidad 6
4. Creativity 6

Kabuuan 25

Susi sa Pagwawasto
10.Migrasyon

9. Kababaihan

8. Unemployment rate

7. Economic Migrants

6. Globalisasyon

5. Permanent Migrant

4. Remittance

3. Paghanapbuhay

2. Refugees

1. Migrasyon

Pagyamanin

5.B 10. D

9. D 4.A

8. A 3.C

2.A 7. A

1.D 6. C

Tayain Mo
5.f

4.C

3.D

2.A

1.B

Isaisip
Balikan

4. D
3. A
1. C

2. C

5. C

10. j

9. h

8. i

7. e

6. g
Sanggunian:
MGA KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN - Rehiyon IX – Zamboanga
Peninsula, pahina: 220-240

Evanlgeline M. Dallo, Eleanor D. Antonio, Consuelo M. Imperial, Maria Carmelita B.


Samson, Celia D. Soriano; KAYAMANAN mga Kontemporayong Isyu ,pp.96-100
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like