You are on page 1of 40

EPP

4 AGRICULTURE

LEARNER`S MATERIAL
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring
kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing


impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning
Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman,
konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to
12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
worksheets/activity sheets na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o
mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba
pang mga paraan ng paghahatid kaalaman tulad ng Radio-based at
TV-based Instruction o RBI/TVI).
CLMD CALABARZON

PIVOT 4A CALABARZON
EPP
Agriculture
Ikaapat na Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape, Jr.,


Romyr L. Lazo, Ferdinand V. Marquez, Fe M. Ong-Ongowan, Lhovie A.
Cauilan, Ephraim L. Gibas

May-Akda: Aileen D. Huerto


Tagasuri: Nilo D. Sumagui
Division Office Management and Development Team: Celedonio B. Balde-
ras Jr., Bernadette T. Luna, Gemma G. Cortez, Leylanie V. Adao, and Joel D.
Salazar,

EPP (Agriculture) Ikaapat na Baitang


PIVOT IV-A Learner’s Material
Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes

PIVOT 4A CALABARZON
Gabay sa Paggamit ng PIVOT Learner’s Material

Para sa tagapagpadaloy
Ang Modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutunan ang mga aralin sa asignaturang EPP. Ang
mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa mga ibinigay na
layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa pagbibigay sa ating mga mag-aaral ng
tamang paraan ng paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag -unlad
nila sa pag-unawa sa pagpapakita ng kakayahan ng may tiwala sa sarili na
kanilang magiging gabay sa mga sumusunod na aralin.

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Inaasahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at


sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang


pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON
Mga Bahagi ng PIVOT Modyul

Bahagi ng LM Nilalaman
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at
Alamin ninanais na outcome ng pagkatuto para sa araw o
Panimula

lingo, layunin ng aralin, pangunahing nilalaman at


mga kaugnay na halimbawa para makita ng
Suriin mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa
nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin.
Ang bahaging ito ay naghahanap ng mga aktibidad,
Subukin gawain, nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
mag-aaral, karamihan sa mga gawain ay umiinog
Pagpapaunlad

Tuklasin lamang sa mga konseptong magpapaunlad at


magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC lalo na
ang bahaging ito ay nagbibigay ng oras para makita
Pagyamanin ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam
at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan.
Ang bahaging ito ay may iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kailangang Knowledge
Skills and Attitude (KSA). Pinahihintulutan ng guro
Isagawa ang mga mag-aaral na makisali sa iba’t ibang
gawain at oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga
Pakikipagpalihan

KSA upang makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang


kanilang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain
sa D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang
totoong sitwasyon/gawain ng buhay na
Linangin
magpapasidhi ng kaniyang interes upang
matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang
Iangkop kanilang pagganap o lumikha ng isang produkto o
gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga
kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay nagtuturo sa mag-aaral ng
proseso na maipakikita nila ang mga ideya,
Isaisip interpretasyon, pananaw, o pagpapahalaga at
makalikha ng mga piraso ng impormasyon na
Paglalapat

magiging bahagi ng kanilang kaalaman sa


pagbibigay ng repleksiyon, pag-uugnay o paggamit
nang epektibong nito sa alinmang sitwasyon o
konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mga
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang
konseptuwal na nagbibigay sa kanila ng
pagkakataong pagsamahin ang mga bago at
lumang natutuhan.

PIVOT 4A CALABARZON
WEEKS
Ang Halamang Ornamental
1-2 I
Aralin 1

Magandang araw mga bata! Ngayon ay maglalakbay tayo sa daigdig


ng mga halamang ornamental. Bibisitahin natin ang iba’t ibang hardin
kung saan makikita ninyo ang mga naggagandahang bulaklak at mga
puno. Sa inyong paglalakbay dapat ay mabigyan nyo ng pansin at
matutunan ang mga sumusunod:
Mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang
ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain
Mga pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa
pamilya at pamayanan
Gawain sa Pagkatuto 1: Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang
pangalan ng halamang ornamental na makikita sa bawat larawan.

1. G_MA_E_A

2. R_SA_

3. OR_HI_S

4. S_N F_AN_IS_O

5. D_M_ DE N_CH_

PIVOT 4A CALABARZON
6
D
Ang Halamang Ornamental
Bago tayo magismula sa ating aralin tungkol sa mga halamang
ornamental, tingnan at pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba.

Ano ang mga halaman na nasa itaas?


Ito ay halimbawa ng mga halamang ornamental. Ang halamang
ornamental ay ang mga halaman na pinatutubo at ginagamit bilang
palamuti o pampapaganda ng lugar. Dahil sa taglay na ganda ng mga
bulaklak at dahon ng mga halamang ornamental, ito ay kalimitang
itinatamin at pinalalago sa mga hardin o kaya naman sa mga tanawin
(landscapes) upang magbigay ng dagdag ganda sa isang lugar o tanawin.

Mga Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental


Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang ornamental? May makukuha
ba tayong kapakinabangan mula dito? Ano ang naitutulong ng pagtatanim
ng mga halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
Maraming kapakinabangang naidudulot sa mga mag-anak at
pamayanan ang pagtatanim ng halamang ornamental. Isa na rito ang
pagpapaganda ng mga bakuran dahil sa mga bulaklak at dahon nito na
nagtataglay ng magagandang kulay. Nililinis ng mga puno ang
maruruming hangin na nagiging sanhi ng polusyon at ginagawa nitong
sariwa ang hangin sa kapaligiran. Higit sa lahat kung ito ay magiging isang
gawaing pangkabuhayan, makatutustos ito sa mga pang araw araw na
gastusin ng pamilya.
1. Nakapipigil sa Pagguho ng Lupa at Baha

Kumakapit ang mga ugat ng mga punong orna-


mental sa lupang taniman kaya nakakaiwas sa
landslide o pagguho ng lupa. Ang mga punong
ornamental ay nakatutulong din sa pagingat sa
pagbaha dahil sa tulong ng mga ugat nito.

PIVOT 4A CALABARZON
7
Sa gamit ng mga halaman/ punong ornamental,
nakakaiwas sa polusyon ang pamayanan sa
maruruming hangin na nagmumula sa mga usok ng
sasakyan, sinigaang basura, masasamang amoy na
kung saan nalilinis ang hangin na ating nilalanghap.

2. Naiwasan ang Polusyon


May mga matataas at mayayabong na halamang
ornamental gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine
tree, fire tree, at marami pang iba na maaaring
itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng isang lugar na
puwedeng masilungan ng mga tao. Bukod pa rito
sinasala pa ng mga punong ito ang maruruming
hangin sanhi ng usok ng tambutso, pagsusunog at
napapalitan ng malinis na oksiheno (oxygen) na siya
nating nilalanghap.

3. Nagbibigay ng lilim at sariwang hangin


Maaaring maibenta ang mga halamang
ornamental na hindi naitanim o magpunla o
magtanim sa paso sa mga itim na plastik bag o lata
ng mga halamang ornamental na puwedeng ibenta.
Ito ay nagiging pera para panustos sa pang araw-
araw na gastusin

4. Napagkakakitaan

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga


halamang ornamental sa paligid ng tahanan,
parke, hotel, mall, at iba pang lugar, ito ay
nakatatawag ng pansin sa mga dumadaan na tao
lalo na kung ang mga ito ay namumulaklak at ma-
halimuyak.

5. Nakakapagpaganda ng Kapaligiran

PIVOT 4A CALABARZON
8
Gawain sa Pagkatuto 2: Pag-aralan ang mga larawan at sagutan ang
mga katanungan sa ibaba.

Mga katanungan:
1. Base sa mga lawaran sa itaas, saan saan natin ginagamit ang
halaman?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Nakakapagapaganda ba ng ating kapaligiran ang mga halaman?
Patunayan ang iyong sagot.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Ano pa ang pwedeng pakinabang ng halaman bukod sa maari
nating gamiting palamuti sa ating tahanan at ibenta upang
mapagkakitaan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

PIVOT 4A CALABARZON
9
E
Gawain sa Pagkatuto 3: Gamit ang magazines at iba pang babasahin,
gumupit o gumuhit at mag collage ng mga halamang ornamental na
maaaring itanim sa isang landscape garden. Ang iyong collage ay
mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics sa ibaba.

Pamantayan Deskripsyon Puntos


Nilalaman Naipapakita ng collage ang 8
ibat-ibang pagpipiliang hala-
mang ornamental na maaring
gamitin sa isang landscape
garden

Pagkamalikhain Ang collage ay naisagawa ng 8


maayos na nakikita ang bawat
larawan
Pamamahala ng oras Naipasa sa takdang oras ang 4
gawain
Kabuuan 20

Pangalan: _______________________ Guro:_________________________


Baitang at Seksyon: _______________ Petsa: ________________________

PIVOT 4A CALABARZON
10
A
A. Suriin ang mga pangungusap. Piliin ang Tama kung ang pangungusap
ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi katotohanan.
_______1.Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong
sa pagbibigay ng malinis na hangin.
_______2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti
sa pamilya at ibang tao sa pamayanan.
_______3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na halamang ornamental.
_______4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang
pagtatanim ng mga halamang ornamental.
_______5.Nakasisira ng kapaligiran ang halamang ornamental
B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang
ornamental sa pamilya at pamayanan?
A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. Lahat ng mga sagot sa itaas
D. Nagpapaunlad ng pamayanan.
7. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga hala-
mang ornamental maliban sa isa?
A. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran
B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
D. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.
8. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng mga
halamang ornamental?
A. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating
pamilya ang maruming hangin sa kapaligiran.
B. Lahat ay tamang sagot
C. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
D. Naiiwasan nito ang pagguho ng lupa at pagbaha.

PIVOT 4A CALABARZON
11
9. Ang mga halaman sa ibaba ay ginagamit bilang palamuti sa loob ng
ating tahanan, maliban sa isa?
A. Fortune Plant
B. Rosas
C. Narra
D. Sampaguita
10. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong hindi lamang sa atin
kundi sa ating kapaligiran. Alin sa mga ito ang mabuting
naidudulot ng halamang ornamental?
A. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
B. nakadadagdag ng polusyon ang halamang ornamental
C. Nakasisira ito ng lupa
D. Nakatutulong ito sa paglala ng baha.

PIVOT 4A CALABARZON
12
Wastong Pamamaraan ng Pagtatanim at
WEEKS
Pagpapatubo ng Halamang Ornamental
I Aralin 2
3-5
Mga bata matapos nyong lakbayin ang iba’t ibang hardin ng mga
halamang ornamental ay natutunan ninyo ang mga pakinabang natin sa
kanila , mga pakinabang hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa
ating pamilya at pamayanan. Ngayon naman ay dadako tayo sa isa pang
bahagi ng pag-aaral tungkol sa mga halamang ornamental. Inaasahan ko
na pagkatapos ng modyul ito ay matututunan nyo ang mga sumusunod :
Maipakita ninyo ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo /
pagtatanim ng halamang ornamental
Pagpili ng itatanim
Paggawa/paghahanda ng taniman
Pagtatanim ayon sa wastong pamamaraan
Gawain sa Pagkatuto 1: Bago tayo tumungo sa susunod na aralin tayo
muna ay magbalik-aral. Maaari nyo bang sagutan ang mga sumusunod
na katanungan?
1.May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental gaya ng sumusunod. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
A. napagkakakitaan
B. nagpapaganda ng kapaligiran
C. nagbibigay ng liwanag
D. naglilinis ng maruming hangin
2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang
ornamental
A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. Nagbibigay ng liwanag
D. Lahat ng sagot ay tama
3. Paano makakatulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng hala-
mang ornamental
A. Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran
B. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pami-
lya ang maruming hangin sa kapalihiran
C. Nakakatulong ito sap ag-iwas sa pagbaha
D. a at b
Sanggunian: http://pilipinomirror.com/simpleng-design-na-maaaring-subukan-nang-sumaya-ang-isang-tahanan/

PIVOT 4A CALABARZON
13
D
Pagpili ng Itatanim na Halamnag Ornamental
Ang mga halamang ornamental ay may iba’t ibang katangian. May
mga halaman/punong ornamental na mataas ,may mababa, may
namumulaklak at di-namumulaklak, may madaling palaguin, may
mahirap palaguin, may nabubuhay sa lupa at may nabubuhay sa
tubig. Kaya mahalagang piliin ang itatanim na halamang ornamental
na angkop sa lugar na pagtataniman.

Mga bagay na Dapat Isaalang-alang sa Pagtatanim ng Halamang


Ornamental:
1. Kalagayan ng Lugar
2. sibli ng halaman sa Kapaligiran
3. Kaangkupan sa Panahon
4. Kalagayan ng Lupang Taniman

Mga paalala sa magsasagawa ng pagtatanim ng mga halaman/


punong ornamental sa bakuran o tahanan:
1. Ang mga punong ornamental na matataas ay itinatanim sa gilid,
sa kanto, o sa gitna ng ibang mababang halaman.
2. Ang mga halamang ornamental na mababa ay itinatanim sa mga
panabi o paligid ng tahanan, maaari sa bakod, sa gilid o daanan o
pathway.
3. Ang mga namumulaklak na halaman/punong ornamental ay
inihahalo o isinasama sa mga halamang di namumulaklak.
4. Ang mga halaman/punong ornamental na madaling palaguin ay
maaring itanim kahit saan ngunit ang mahirap palaguin ay
itinatanim sa lugar na maalagaan itong mabuti.
5. Ang mga halamang ornamental na lumalago sa lupa ay maaaring
itanim sa tamang makakasama nito at ang mga halamang lumalago
sa tubig ay maari sa babasaging sisidlan sa loob ng tahanan oa fish
pond sa halamanan.

PIVOT 4A CALABARZON
14
Paggawa/ Paghahanda ng Taniman
Kung ang inyong bakuran ay matagal ng may tanim na mga
halaman at puno, maari pa ba itong baguhin? Ano-anong mga
kasangkapan ang gagamitin upang maging maayos ang lugar na
pagtataniman?
Mas magiging maayos at mapalamuti ang inyong bakuran kung
may kaalaman ang gagawa ng simpleng landscape gardening. Alamin
muna ang anyo ng lupang taniman, kung sakaling hindi maganda ang
dating mga tanim, maaring dagdagan ng lupang mataba o anumang
organikong bagay na maaaring ihalo. Hindi lalago nang maayos ang
mga panamin kapag tuyo, matigas, at bitak bitak ang lupa. Ganito rin
ang mangyayari kapag malagkit at sobrang basa ang lupa.
Ano ang dapat mong gawin kapag ang uri ng lupa na pagtataniman
ay tuyo, matigas, at bitak-bitak, kung ito ay malagkit at sobrang basa?
Matapos Makita ang lugar na pagtataniman, pag-aralan muna kung
anong uri ng lupang taniman ito.
1. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitakbitak, nararapat na haluan
ito ng mga organikong bagay gaya ng binulok (decomposed) na mga
halaman tulad ng dayami, tinabas na damo, mga tuyong dahon at mga
dumi ng hayop upang maging mabuhaghag ang lupang tataniman.
2. Kapag malagkit at sobrang basa, haluan din ito ng compost upang
lumuwag ang lupa.
Anu-anong kasangkapan ang gagamitin upang maayos ang lugar na
pagtataniman?

PIVOT 4A CALABARZON
15
IBA’T IBANG KASANGKAPANG GINAGAMIT SA PAGHAHALAMAN
Asarol Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang
ito ay mabuhaghag.

Kalaykay Ginagamit ito sa paglilinis ng bakuran. Tinitipon


nito ang mga kalat sa halaman tulad ng mg dahong
tuyo, tuyong damo, at iba pang kalat. Maaari din
itong gamitin sa pag-aalis ng malalaki at matitigas
na tipak ng lupa at bato sa taniman.

Piko Ito ay ginagamit upang durugin at pinuhin ang


mga malalaking tipak na bato.

Dulos Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa


paligid ng halaman. Mahusay rin itong gamitin sa
paglilipat ng mga punla.

Regadera Ginagamit ito sa pagdidilig. Ito’y may mahabang


lagusan ng tubig na may maliit na butas sa dulo

Pala Ito’y ginagamit sa paglilipat ng lupa. Ginagamit


din ito sa paghuhukay ng butas o kanal sa lupa at
pagsasaayos ng lupa sa tamang taniman

PIVOT 4A CALABARZON
16
Itak Pamutol sa mga sanga at puno ng malalaking
halaman

Tulos at Pi- Ang mga ito ay ginagamit na gabay sa paggawa


si ng mga hanay sa tamang taniman sa pagbubungkal
ng lupa. Tinutusok ang may tulos sa apat na sulok
ng lupa at tinalian ng pisi upang sundin bilang
gabay.

Pagtatanim ayon sa wastong pamamaraan


Sa pagpili ng mga halaman/punong ornamental na itatanim,
dapat isaalang-alang ang lahat ng mga bagay na makakatulong sa
ikauunlad ng gagawing proyekto. Maging mapanuri sa lahat ng
mga bagay na dapat gawin.
Kapag naayos na ang lupang taniman, pwede na itong
bungkalin gamit ang asarol at piko. Tanggalin ang mga bato,
matitigas na ugat at mga di kailangang bagay ng halaman sa
lupang tataniman habang nagbubungkal. Kapag nabungkal na
ang lupang taniman, lagyan ito ng organikong pataba gaya ng
kompos o humus at patagin ito gamit ang kalaykay (rake).
Pagkatapos mabungkal at mapatag ang lupang taniman, maaari
na itong taniman ng mga halaman o punong ornamental.
Sa paghahanda ng taniman para
sa mga halamang ornamental, ma-
ganda ang disenyo kapag may
nakaangat na lupa at may iba’t
Pergola Fishpond
ibang hugis ng bato sa panabi ng
taniman. Sa malalawak na lugar,
maaring maglagay ng pergola, fish-
pond, garden set at grotto at sa di
gaanong malalawak, simpleng Grotto

kaayusan lamang ang nararapat gaya ng mga palamuting banga o


porselanang sisdlan ang ilagay.

PIVOT 4A CALABARZON
17
Gawain sa Pagkatuto 2: Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan.
Gamiting gabay ang checklist na nasa ibaba upang masagutan ang mga
katanungan

Larawan A Larawan B Larawan C

Larawan Larawan Larawan


A B C
Ang lupang ito ay hindi matigas at hindi
mabato
Ang lupang ito ay buhaghag at maganda
para sa mga tanim
Ang lupang ito ay madaling taniman

Ang lupang ito ay mainam sa pagpapatubo


ng ibat-ibang uri ng halaman

Mga Katanungan:

1. Alin sa mga larawan ang pinakamainam upang taniman ng hala-


man?

2. Anu-ano ang katangian ng isang matabang lupa na mainam sa pag-


tatanim?

3. Ano ang mangyayari sa binhi kung ito ay itatanim sa mabatong lu-


pa? Matigas at tuyong lupa?
4. Base sa resulta ng checklist, anong uri ng lupa ang pinakamainam
na taniman ng halamang ornamental? Bakit?

PIVOT 4A CALABARZON
18
E
Gawain sa Pagkatuto 3: Ang paghahalaman ay nangangailangan ng
masusing pagpaplano upang maging matagumpay. Gamit ang inyong
natutunan sa paggagawa ng disenyo ng halamang ornamental, gumawa
ng plano ng taniman ng halamang ornamental
Narito ang isang halimbawa ng disenyo ng taniman. Maaari mo itong
maging modelo sa iyong gagawin. Ang iyong ginawa ay mamarkahan
gamit ang rubriks na nasa susunod na pahina.

Name: Teacher:
Grade and Section:

Plano sa Pagpapatubo ng Halamang Ornamental

PIVOT 4A CALABARZON
19
Bahagi 5 4 3 2 1
Nilalaman Ang dis- Ang dis- Ang dis- Ang dis- Ang dis-
enyo ay enyo ay enyo ay enyo ay enyo ay di
naglala- naglalamn naglala- naglala- naglala-
man ng ng ibat- man ng man ng man ng
maraming ibang uri iilang uri halong halamang
uri ng ng hala- ng hala- halamang ornamen-
halamang mang or- mang or- ornamen- tal
ornamen- namental namental tal at hin-
tal di hala-
mang or-
namental
Kahusayan Ang dis- Ang dis- Ang dis- Ang dis- Ang dis-
enyo ay enyo ay enyo ay enyo ay enyo ay
ginawa ng ginawa ng ginawa ng ginawa ng ginawa ng
maayos at may ka- may mabilisan walang
may ka- husayan kaina- kahusa-
husayan man yan at
mabilisan

Kalinawan Ang Ang bawat Ang bawat Ang bawat Ang


bawat iginuhit iginuhit iginuhit bawat
iginuhit ay ay medyo ay hindi iginuhit
ay nakikita maayos gaanoon ay walng
nakikita ng maay- kalinaw at linaw at
ng ma- os at nai- mahirap hindi
linaw at intindihan intindihin maintindi
mdaling han
intindihin
Pagkama- Ang dis- Ang dis- Ang dis- Ang dis- Ang dis-
likhain enyo ay enyo ay enyo ay enyo ay enyo ay
iniayos ng may orihi- hango sa may ginaya
may orhi- nalidad ibat ibang pagka- lamang sa
nalidad at halimba- katuladsa gabay
pinaggug- wa ng dis- gabay na
ulan ng enyo ng ibinigay
oras halamang
taniman

PIVOT 4A CALABARZON
20
A
Gawain sa Pagkatuto 4: Magaling mga bata. Bilang pagtatapos, nais
kong magtanim kayo ng kahit anong halamang ornamental na mayroon
sa inyong bakuran sa pamamagitan ng pagsunod sa wastong
pamamaraan ng pagtatanim. Kuhanan ng larawan habang kayo ay
nagtatanim at igawa ito ng scrapbook. Ang inyong proyeko ay
mamarkahan sa pamamagitan ng rubric na nasa ibaba.

Bahagi 5 4 3 2 1

Nilalaman

Kahusayan

Kalinawan
Dunong

PIVOT 4A CALABARZON
21
WEEKS
Masistemang Pag-aalaga, Pag-aani, at
6-8 Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental
Aralin
I
Sa mga nakaraang aralin, natutunan ninyo ang mga pakinabang
natin sa kanila pati na ang pamamaraan ng pagpapadami at
pagpapatubo. Ngayon naman ay dadako tayo sa isa pang bahagi ng
pag-aaral tungkol sa mga halamang ornamental. Inaasahan ko na
pagkatapos ng araling ito ay matututunan nyo ang masistemang
pangangalaga ng tanim at ang tamang pagsasapamilihan ng mga
inaning halamang ornamental. Bago tayo tumungo sa susunod na
aralin tayo muna ay magbalik-aral. Maaari nyo bang sagutan ang
mga sumusunod na katanungan?

Gawain sa Pagkatuto 1: Basahing mabuti ang mga sumusunod na


pangunbgusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng mga
halamang ornamental gaya ng sumusunod. Alin ang hindi kabilang
sa grupo?
A. napagkakakitaan
B.nagpapaganda ng kapaligiran
C. nagbibigay ng liwanag
D. naglilinis ng maruming hangin
2. Karamihan sa halamang ornamental ay napapatubo sa
pamamagitan ng
A. buto B. sanga C. usbong D. ugat
3. Ang sangang pipiliin upang mapatubo muli sa panibagong
halaman ay dapat _
A. magulang B. mura C. walang ugat D. bagong usbong

PIVOT 4A CALABARZON
22
D
Masisitemang pangangalaga sa tanim
Pagdidilig ng halaman
 Diligan ang mga halaman araw-araw sa
hapon o sa umagang-umaga
 Ingatan ang pagdidilig para hindi masira
ang mga tanim na halaman
 Iwasang malunod ang mga halaman, lalo
na yaong mga bagong lipat na punla
 Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig
 Kung ang gamit mo ay regadera, kailangan
iyong maliit lamang ang butas
 Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, dilgan din ang lupang
nakapaligid sa mga tanim.

Kahalagahan ng Pagbubungkal ng Lupa


 Madaling dadami ang mga ugat ng tanim.
 Madaling mararating ng tubig ang mga
ugat. Higit na lululusog ang halaman kapag
maraming ugat.
 Maluwag na makakapasok ang hangin sa
halaman
 Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-
masa. Ito ay ginagawa kung hapon o kaya sa umaga. Gawing
katamtaman ang bagbubungkal. Dapat bungkalin ng mababaw
lamang ang mga halamang ornamental.
Kahalagahan ng Paglalagay ng Abono

Ang abono o pataba ay


mahalaga sa mga pananim.
Pinagyayaman nito ang lupa
upang maging sapat ang
sustansyag taglay ng lupa na
kailangan ng mga ugat ng

PIVOT 4A CALABARZON
23
pananim. Bagamat may mga di-organikong pataba ay higit na
iminungkahi dahil ligtas at mura.
Ngunit hindi lamang basta maglalagay ng abono ang kailangan
upang lumaki ng malusog ang mga halaman. Kailangan din ang
wastong kaalaman sa pagpili ng pataba at ang paggamit nito.
Ang patabang galling sa mga bagay na buhay ay inihahalo sa lupa.
Ang paraan ng paglalagay ng patabang galling sa mga bagay na
walang buhay ay nakasulat sa pakete ng pataba.
Kailan dapat maglagay ng abono?
Ang pataba ay maaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim
o pagkatapos magtanim. Ngunit ang pinakamagandang panahon ng
paglalagay ng pataba ay habang maliit pa nag tanim bago ito
mamunga. Sa panahong ito, kailangan ng tanim ang sustansya mula
sa lupa.

Paggawa ng Organikong Pataba (Compost Pit)


1. Pumili ng angkop na lugar
a. Patag at tuyo ang lupa
b. May kalayuan sa bahay
c. Malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa.
2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro
ang lalim at dalawang metro ang lapad. Patagin ang
loob ng hukay at hayaang makabilad sa araw upang
hindi mabuhay ang anumang uri ng mikrobyo.
3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng
tuyong damo, dahon mga balat ng prutas at iba pa.
Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang
umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1 hang-
gang 2 kilo ng abono urea ang inilagay na basura sa
hukay.
4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang uma-
bot ng 15 sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lu-
pa, abo o apog. Gawain ito ng paulit-ulit hanggang
mapuno ang hukay.

PIVOT 4A CALABARZON
24
5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa
pamamagitan ng pagdilig araw-araw. Tiyakin hindi
ito babahain kung panahon nanamn ng tagulan,
makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng ilang
piraso ng dahon ng saging upang hindi bahain.

6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang


buko at may butas sa gilid. Itusok ito sa
nagawang compost pit upang makapasok ang
hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng
mga basura.

7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas


ng tatlong linggo. Haluing mabuti ang mga
pinagsama-samang kalat at lupa. Pagkalipas ng
dalawang buwang o higit pa ay maaari na itong
gamiting pataba ayon sa mabilis na pagkakabulok
ng mga basurang ginamit.

Paggawa ng Basket Compost


1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na
sapat ang laki at haba. May isang metro ang
lalim.

2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na


tuyong dahoon, dayami, pinagbalatan ng gulay at
prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost
pit hanggang mapuno ang sisidlan.

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang


kawayan upang mabulok kaagad ang basura.

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan


upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.

PIVOT 4A CALABARZON
25
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang
laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at
nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang
buwan.
Mga Katanungan:
1. Ano ang kahalagahan ng wastong pamamaraan ng paggdidilig ng
halaman?
2. Bakit kailangang bungkalin ang lupa?
3. Ano ang mangyayari sa halaman na nilagyan ng abono?
4. Posible bang gumawa ng sariling abono? Patunayan ang inyong
sagot.

Wastong Pag-aani at Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental


Ang pagsasapamilihan ng mga halamang
ornamental ay isang gawaing dapat mong
malaman bilang isang mag-aaral.
Mahalagang malaman ang mga tamang
paraan ng pag-aani at pag sasapamilihan sa
mga ito. Dapat ding alamin ang mga halamang madaling maipagbili.
Ang halamang ornamental lalo na yung mga namumulaklak ay
maaring ipagbili kung ang mga ito ay may bulakalak na. Maaaring
mabili ang mga halamang may bulaklak sapagkat ito ay mapang-akit
sa mga mata ng mga tao.
Ang halaga o presyo ng mga halamang ornamental
ay ibinabatay sa kanilang laki, uri, at haba ng pag-
aalaga.

Ipinagbibili ang halamang ornamental nang


nakapaso o nakaplastik at minsan sanga o tangkay.

Mahalaga ang kaalaman sa pagtutuos upang


malaman kung kumikita o nalulugi ang paghahala-
man.

PIVOT 4A CALABARZON
26
Sa mga nag-aalaga ng halamang ornamental na namumulaklak at di
namumulaklak, may mga palatandaan na tinitingnan kung ito ay dapat ng
ipagbili. Kadalasan, ang mga ito ay matataas, malalago at magaganda ang
mga dahon. Ang tamang pagkuha ng mga bulaklak ay kung ito ay malapit
ng bumuka at bumukadkad. Tinatanggal ang ibang dahon at tinatali sa
isang malilim na lugar. Ang paglalagay sa timba na may tubig ay
nagpapatagal sa kanilang kasariwaan.

PIVOT 4A CALABARZON
27
Gawain sa Pagkatuto 3: Panuto: Suriing mabuti ang larawang nasa
ibaba. Gumawa ng talata ayon sa larawang nakita. Ang inyong talata ay
dapat hindi bababa sa 10 pangungusap at hindi naman lalampas ng 20
pangungusap. Tingnan ang gabay na katanungan sa ibaba.

Mga gabay na katanungan:


1. Base sa larawan na nasa itaas, alin sa tatlo ang nagpapakita ng
tamang dami ng pagdidilig sa halaman?
2. Ano ang nangyayari sa halaman na kulang ang tubig na idinilig?
3. Ano ang nangyayari sa halaman na sobra ang tubig na idinilig ?
4. Bakit mahalaga na naaayon at wasto ang dami ng tubig na idinidilig
natin sa ating mga halaman?
5. Mayroon ka bang mga halaman sa bahay? Madalas mo ba itong
dinidiligan? Masasabi mo ba na sapat lang ang tubig na ibibigay mo sa
halaman? Patunayan
Gawain sa Pagkatuto 4: Nalalapit na ang kaarawan ng isa sa inyong
mahal sa buhay, alin sa mga halamang ornamental ang
pinakamagandang ibigay sa inyong ina? Ibahagi ang iyong kasagutan sa
iyong mga kaklase sa pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay at
sabihin kung bakit sa tingin mo ay iyon ang pinakamagandang
halamang ornamental na mainam ibigay sa inyong ina sa nalalapit na
Araw ng mga Ina.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PIVOT 4A CALABARZON
28
E
Gawain sa Pagkatuto 5: (Masistemang pag-aalaga sa tanim)
Ang organikong pataba ay isang mahusay na pampataba ng
ating mga halaman. Gamit ang iyong natutunan sa araling ito,
gumawa ng organikong pataba gamit ang mga kitchen waste sa
inyong bahay. Kuhanan ng larawan ang iyong paggagawa at
gumawa ng scrap book tungkol dito.

Scarpbook sa Paggawa ng Organikong Pataba


Name: _____________________________ Date:___________________________

Section: ____________________________ Teacher: ________________________

PIVOT 4A CALABARZON
29
A
Gawain sa Pagkatuto 6: Basahin at unawaing mabuti ang mga
sumusunod na pangungusap.Isulat ang titik T kung tama ang sagot at
M kung ito ay mali. Titik lamang ng tamang sagot ang isusulat sa
patlang.
_________1. May dalawang uri ng abono, ang organiko at di organikong
pataba.
_________2. Ang organikong pataba ay mga abonong galing sa
nabubulok na prutas,dumi ng hayop,mga nabubulok na dahoon at iba
pa.
_________3. Maaaring gumamit ng lata ng gatas na binutasan sa
pagdidilig
_________4. Kailingang malusog na ang mga halaman bago anihin.
_________5. Mas maganda ang pag-aani kung mura sa palengke ang
mga ito
_________6. Mainam na isipin kung kalian, saan at paano mabebenta
ang mga produkto.
_________7. Hindi na kailangang isaalang alang ang panahon kung
kailan maaaring magbenta ang mga produkto.
_________8. Magtanim ng mga halaman na ordinary lamang.
_________9. Hindi na kailangan ng halaman ang tubig.
_________10. Lahat ng uri ng halaman ay maaaring paramihin sa
paraang pagpuputol

PIVOT 4A CALABARZON
30
Pag-aalaga ng Hayop
Aralin
I
Magandang araw mga bata. Kayo ba ay may alagang hayop sa inyong
bahay? Anu- ano ang inyong mga alaga? Sa palagay nyo may mga
kabutihan kayang naidudulot ang pag-aalaga ng hayop. Sa aralin natin
ngayon aalamin natin ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa inyong mga
alagang hayop. Pagkatapos ng ating aralin inaasahan ko na matututunan
nyo ang mga sumusunod:
 Kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan
 Mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan
 Wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop

Gawain sa Pagkatuto 1: Bilang pasimula sa ating aralin pag-aralan ang


mga larawan na nasa ibaba at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Mga Katanungan:
1. Ano ano ang mga hayop na nasa itaas?
2. Saan kalimitan inaalagaan ang mga hayop na ito? Bakit?
3. Ano ang pakinabang ng pag-aalaga ng mga hayop na ito?
4. Bakit mahalagang may alaga tayong hayop sa ating tahanan?
5. Paano nakatutulong sa atin ang mga alaga nating hayop?

PIVOT 4A CALABARZON
31
D
Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Hayop sa Tahanan
Sa araling ito, lubos nating mauunawaan ang mga kahalagahan ng pag-
aalaga ng hayop sa tahanan na maaring libangan at mapagkakakitaan. Ang
kabutihang naidudulot nito sa tao at sa kabuhayan ng pamilya. Matatalakay
din sa aralin ang maaring dulot ng pag-aalaga ng hayop mabuti man o masama
sa kalusugan. Tutukuyin din ang mga hayop na maaaring alagaan at ang mga
katangian nito.
1. Aso
Ang pag-aalaga ng hayop sa bahay ay mayroong
maraming dulot na kabutihan. Tulad ng pag-aalaga ng
aso sa bahay, ito ay nakatatanggal ng stress at ayon sa
mga pag-aaral ito rin ay nakapagpapababa ng dugo. Sila
ay nakakasama sa pag-eehiersisyo at ibang libangan. Ang
aso ay tinatawag na pinakamatalik na kaibigan ng tao. Maraming pagkakataon
nang napatunayan ang katapatan ng aso bilang kaibigan.
Mainam itong alagaan. Nakatutulong ito bilang gabay sa paglalakad at maging
bantay ng tahanan. Ngunit nakakatakot kapag sinaktan dahil ito ay lumalaban.
2. Pusa
Ang pusa ay isa ring hayop na mainam alagaan.
Maraming tao ang nagsasabi na ang pag-aalaga rin ng pusa
ay nakakatanggal ng stress at nakapagpababa ng dugo.
Ang pusa ay mahusay ding alagaan dahil bukod sa ito’y taga-
huli ng daga mabait din itong kalaro ng mga bata.
3. Ibon
Ang mga ibon bilang alagang hayop sa bahay ay
madaling maturuan. May mga uri ng ibon na maaring mat-
utong magsalita Sila rin ay natututong gumawa ng ibat-
ibang antics kaya maraming tao ang nahuhumaling mag-
alaga ng ibon. Sila ay madaling alagaan. Maliban sa naka-
pagdudulot ng kasiyahan sa nag-aalaga, ito rin ay maaaring pagkakitaan.
4. Kuneho
Ang kuneho ay isa ring magandang alagaan sa bahay
dahil sila ay eco-friendly animals. Isang hayop na mainam
alagaan dahil mabait at nagbibigay ito ng masustansyang
karne at hindi madaling dapuan ng sakit. Ang pagkain ng
kuneho ay maaring itanim sa ating mga bakuran dahil
sila ay kumakain ng halamang dahon tulad ng letsugas, kangkong at repolyo.
Hindi sila maselan sa pagkain, maari mong bigyan ng butil ng mais o giniling
PIVOT 4A CALABARZON
32
na munggo.
Ang dumi ng kuneho ay maaaring ipunin at gawing pataba sa ornamental na
halaman dahil ito ay mayaman sa nitrogen at phosphorus. Ang mga patapong
bagay tulad ng old towels, mga lumang kwaderno at iba pa ang gustong laruan
ng mga kuneho.

Mga Hayop na Maaaring Alagaan sa Loob ng Tahanan


1. Aso
mainamn itong alagaan – nakatutulong ito sa paglalakad at
maging bantay ng tahanan, Ngunit nakatatakot kapag
sinaktan dahil ito ay lumalaban.
Ang aso ay isa sa mga hayop na mainam alagaan. Sa katuna-
yan, maraming mag-anak ang naggugugol ng panahon sa pag-
aalaga nito.
2. Pusa
Ang pusa ay mahusay din alagaan dahil bukod sa ito’y taga-
huli ng daga, mabait din itong kalaro ng mga bata.
3. Manok
Hindi gaanong mahirap alagaan ang manok dahil hindi ito
nangangagat, sa halip ito ay nagbibigay ng itlog at karne. Kina-
kailangan ang ibayong ingat sa pag-aalaga ng manok dahil may
pagkakataon kung saan nagkakaroon ito ng sakit. Maari itong
mamatay dahil sa hindi inaasahang pagdapo ng sakit o peste.
4. Kuneho
Isa itong maliliit na hayop ngunit mainam itong alagaan
dahil mabait at nagbibigay ito ng masustansyang karne at
hindi madaling dapuan ng sakit. Hindi ito maselan sa
pagkain, maari mo itong bigyan ng butil ng mais o giniling
na monggo. Mainam alagaan ang kuneho dahil hindi ito
gaanong dinadapuan ng sakit. Ang mga berdeng damo at
iba pang labis na gulay sa kusina at mga tumutubo sa tabi ng halamanan ang
nagsisilbing pagkain nila.
TAMANG PARAAN SA PAG- AALAGA NG HAYOP
Ang araling ito ay magbibigay sa atin ng kaalaman tungkol sa wastong pag-
aalaga ng ating mga hayop upang sila ay lumaki ng maayos at hind maging sa-
kitin.
Tatalakayin dito ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop na
tinukoy natin sa nakaraang aralin. Malalaman natin kung paano sila pala-
lakihin sa pamamaraang wasto at maka-agham.

PIVOT 4A CALABARZON
33
Malalaman natin dito ang mga dapat gawin at ibigay sa kanila (mga alagang
hayop) upang sa gayon sila ay makakapagdulot ng kung ano ang maasahan natin
mula sa kanila.
Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain. Naka-
katulong ito upang maalis ang ating stress at gumanda ang ating kalusugan.
Madadagdagan din ang kita ng mag-anak kung ito ay mapaparami at maipag-
bibili. Kaya dapat nating malalaman ang maayos na pamamaraan ng pag-aalaga
upang lubos na mapakinabangan at masiyahan sa gawaing ito.

Basahin ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop. Tandaan at isaalang


alang ang lahat ng ito dahil nakasalalay ang ikauunlad ng pag-aalaga sa mga
hayop at ang kapakinabangan nito.
a. Wastong Pag-aalaga ng Aso at Pusa
1. Panatilihing malinis ang kulungan ng aso o pusa
2. Dapat magkaroon ng sapat na bentilasyon ang kulungan ng aso o pusa
3. Bigyan ang aso o pusa ng gamot kontra bulate makalipas ang isa o dalawang
lingo.
4. Bigyan ng sapat at malinis na tubig na maiinom ang alagang aso o pusa
5. Dalhin sa malapit na Beterinaryo upang maturukan ng anti-rabies.

b.Wastong Pag-aalaga ng Kalapati


1. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa upang hindi mapasukan ng
daga. Ito ay dapat maluwag, mahangin, tuyo at nasisikatan ng araw. Kung
maaari, itayo sa mga punong kahoy.
2. Gumawa ng pugad sa bawat isang inahin sapagkat mabilis silang mangitlog.
Ang pugad ay maaring yari sa dayami, tuyong dahon ng kugon o pinagkataman.
Ang kahon ay dapat magkaroon ng taas n a72 sentimetro at lapad na 90 senti-
metro.
3. Ang kalapati ay dapat pakaiinin ng palay, mais, munggo, tinapay at buto ng
mirasol. Kailangan din silang bigyan ng pinaghalu-halo at dinurog na kabibi at
uling na tinimplahan ng asin.
4. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pagkain, pagpapatuka sa lu-
pa, sa palad o paglalagay ng patuka sa isang lagayanng malanday. Halu-halo at
dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin.
5. Bigyan din ng sapat at malinis na tubig na inumin. Kailangang panatilihin ang
kalinisan upang hindi magkasakit at dapuan ng mga peste ang mga ibon. Linisin
ang kanilang bahay at pinagkakainan araw-araw.

PIVOT 4A CALABARZON
34
E
Gawain sa Pagkatuto 2: Upang maging organisado ang mga bagay
na dapat gawin sa pag-aalaga ng hayop, mainam na magkaroon ng
skedyul upang hindi makaligtaan ang mga nakatakdang gawain sa
loob ng isang araw o isang lingo. Gamit ang inyong natutunan, guma-
wa ng pansariling skedyul at pang mag-anak na skedyul sa pag-
aalaga ng hayop. Maaring magdagdag ng hanay kung kinakailangan.

Hayop na inaalagaan:
_________________________________________________
a. Pansariling Iskedyul

Lunes Martes Miyerku Huwe- Biyernes Sabado Linggo


les bes

b. Pangmag-anak na Iskedyul

Gawain Kasambahay na gaganap sa Araw

PIVOT 4A CALABARZON
35
A
Gawain sa Pagkatuto 3: Basahing mabuti ang mga katanungan. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga ito ang hindi inaalagaan sa loob o sa likod ng bahay?
a. baka b. manok c. pusa d. kuneho
2. Ano ang pakinabangang makukuha ng mga mag-anak sa pag-aalaga ng
hayop?
a, Nagbibigay ng karne at itlog sa mag-anak
b.Nagbibigay ng dagdag na kita sa mag-anak
c. Nagbibigay ng kasiyahan sa mag-anak
d. Lahat ay tama
3. Ito ay isang hayop na maaaring alagaan sa tahanan . Nakakatulong ito
sa paglalakad at nagiging bantay sa tahanan ngunit nakakatakot kapag
sinaktan dahil ito ay lumalaban.
a. Aso b. Pusa c. Kuneho d. isda
4. Ito ay mahusay ding alagaan dahil sa bukod sa ito ay tagahuli ng daga,
mabait din itong kalaro ng mga bata.
a. Aso b. Pusa c. Kuneho d. Isda
5. Alin sa mga ito ang hindi katangian ng isang maayos na bahay ng mga
alagang hayop?
a. Malawak at malinis na kapaligiram
b. May sapat at malinis na tubig
c. Nasisikatan ng araw
d. Maliit at marupok ang bubong
6. Ang mga sumusunod na pangungusap ay kabutihang dulot ng malawak
at malinis na lugar ng mga hayop maliban sa:
a. Mainit at masikip ang pakiramdam ng mga hayop
b. Ligtas sa sakit ang mga hayop
c. Maiiwasan ang pagsisiksikan ng mga ito
d. Laging sariwa ang kanilang pakiramdam

PIVOT 4A CALABARZON
36
7. Bakit kailangang bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga alagang hayop?
a. Upang maging malusog
b. Upang may panlaban sa sakit
c. Upang madaling lumaki
d. Lahat ng nabanggit
8. Anong hayop sa tahanan ang maaaring paramihin?
a. Aso b. Kalabaw c. Bayawak D. Palaka
9. Ano ang kahalagahan ng plano sa pagpaparami ng hayop?
a. Matitiyak ang paraan ng pagpaparami ng hayop
b. Maibebenta kaagad ang mga alagang hayop
c. Makakakain ng marami ang mga alagang hayop
d. Mapapaglaruan ng mga bata ang mga alagang hayop

10. Alin ang dapat tandaan sa paggawa ng plano sa pagpaparami ng


alagang hayop upang kumita?
a. Uri ng produkto na maaaring ibigay ng alagang hayop
b. Kulay ng alagang hayop
c. Kalagayan ng pamumuhay
d. Uri ng hayop na aalagaan

PIVOT 4A CALABARZON
37
38
PIVOT 4A CALABARZON
1. C
1. A 2. A 1. TAMA
2. D 3. A 2. MALI
3. A 3. TAMA
4. B 1. A 4. TAMA
5. D 2. D 5. MALI
6. A 3. A 6. A
7. D 4. B 7. D
8.A 5. D 8. C
9. A 6. A 9. C
10. D 7. D 10.A
8. A
9. A
10.D
Aralin 4 Aralin 3 Aralin 1
Mga Sagot
Mga Sanggunian

 IDEA PARADIGM
 MELC
 EPP Curriculum Guide
 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
For comments and suggestions, please contact:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta Rizal

Landline: 02-8682-5773 local 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

You might also like