You are on page 1of 1

“Sino…kailan…bakit…”, “Sino kaya siya? Kailan ba siya darating sa buhay ko?

Tila bang
maayos naman lahat ng bagay sa paligid ko maliban lamang sa usaping pang-puso?”, ito ang
mga katanungang hindi mapigilang pag-isipan ng ibang tao. Kung ikaw ay isa sa mga
nakaramdan nito, huwag kang mag-alala dahil sa pamamagitan ng talumpating ito, maiintindihan
mo rin kung bakit hinayaan kang maghintay at mapagtatanto mo rin ang katuturan ng lahat.
Ang paghihintay ay isang bagay na hindi nakasanayan ng marami kung kaya’t napapadpad sila
sa maling landas. Maaring makakasalubong ka ng isang taong labis na magkakagusto sa iyo.
Ngunit maaaring hindi kaya ng taong iyon na makapaglaan ng oras para maghintay, lalong-lalo
na kung ika’y hindi pa handang magmahal.
Mahalaga ang paghihintay sapagkat ang lahat ng mabubuting bagay ay nagmumula rito. Pero
ang tanong ay paano mo malalaman kung kailan nga ba ang tamang oras? Sandaling
pagmumunihan mo: sa palagay mo, minamadali mo ba ang iyong sarili? Nadala ka lang ba sa
bugso ng kalungkutan? Kung “oo” ang sagot mo sa mga katanungan, marahil hindi ka pa handa.
Mga kapatid, ito’y nangangailangan ng oras. Hindi ito dumadaan sa proseso ng dugo at pawis.
Dahil kung sa gayon, madali lang natin mapapatupad ang mga hangarin ng ating puso. Ang
paghihintay, salungat sa pinaniniwalaan ng iba, ay hindi nakakasawa. Sa katunayan, ito’y
nagpapakilos sa atin at nagbibigay ng lakas ng loob upang may aasahan tayong darating sa
hinaharap.
Balang araw, biglang hihinto ang mundo mo at sa sandaling iyon, ang mga nagniningning na
mga bituin ay maghahanay-hanay at sa wakas, ay direktang tutungo sa taong matagal mo nang
ipinagdarasal. Ang taong iyon ang magsisilbing sagot sa lahat ng iyong pagkabalisa. At ang
taong ding yun ang makakapagpatanto sa iyo kung bakit kailangan mo maghintay, kung bakit ka
dumaan sa mga samu’t saring problema, at bakit hindi ka ipinaglaban ng iba.
Huwag mag-alala kung ang iyong paghihintay ay mas mahaba kaysa sa ibang tao, hindi ito
nangangahulugang hindi siya darating. Ang lahat ng bagay ay aabot din sa kani-kanilang lugar,
kailangan mo lamang ito bigyan ito ng kaunting oras. At habang nandoon ka, pagtiyagain mo na
maging pinakamahusay na bersyon ng iyong sarili. Sabi nga ng Kawikaan 4:23, “Ingatan mo ang
iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ito ng buhay”. Hanggang sa araw na iyon,
manatili tayong maging matiyaga at tapat para masasabi natin sa huli na sulit ang ating
paghihintay.

Jishelle – fenk
Josh – Bleck
Chloevel - orenji

You might also like