You are on page 1of 1

Pangalan: Francisco, Shiela Mae U.

Ipinasa noong: 2/12/22


BSED 2-B

Panuto: Makipanayam sa mga nakaabot ng Komiks.


1. Anu-anong mga komiks ang iyong binabasa noon?
Ayon sa aking pakikipagpanayam sa aking ina, madalas niyang basahin ang komiks sa
Wakasan Komiks noon tulad ng “Nang Sumanib ang Tubig at Langis”, ang “Dyesebel” at “Darna”
ni Mars Ravelo, at “Zuma”. Madalas siyang nag-aarkila ng komiks noon, kasama ng aking mga tiya,
sa babaeng nagngangalang Tiya Lydia. Noon, ang halaga ng bawat komiks na nirerentahan nila ay
nagkakahalaga ng bente singko hanggang singkwenta sentimos.

2. Anong kwento ng komiks ang iyong sinubaybayan?


Ayon sa aking ina, paborito niya ang komiks na pinamagatang Zuma at ito ang lagi niyang
binabasa at sinusubaybayan.

3. Isalaysay ang buod ng kwentong iyong sinubaybayan.


Kuwento ng aking ina, ang komiks ay tungkol sa isang lalaking kalahating diyos at
kalahating tao na may nakausling dalawang ahas sa magkabila nitong balikat na nagngangalang
Zuma. Berde ang kulay ng balat niya at siya ay kalbo. Ginagamit niya ang dalawang ahas sa
magkabilang balikat niya upang talunin ang kaniyang mga kalaban.
Nagsimula ang kuwento nang umahon sa mundo ng mga tao si Zuma matapos nitong matulog
nang mahabang panahon. Kumikitil siya ng mga tao lalo na ng mga babaeng birhen. Kinukuha at
kinakain niya ang puso ng kaniyang mga biktima na pinanggagalingan ng kaniyang lakas. Subalit,
nakilala ni Zuma ang isang babae at ginawa niya itong asawa hangang sa sila ay magka-anak, si
Galema. Nagkaroon din si Zuma ng isa pang anak, si Dino. Si Galema at Dino ay kapuwa naman
namana ang pagiging kalahating diyos at kalahating tao ni Zuma. Si Galema ay lumaki sa
pangangalaga ng mga tao at mayroon ding dalawang ahas sa kaniyang balikat tulad ni Zuma,
samantalang si Dino ay may ulo ng isang dinosaur at may katawan ng tao. Noong una ay kampi si
Dino sa kaniyang ama ngunit hindi nagtagal ay pinili niyang umibig sa isang tao.
Hindi sigurado ang aking ina sa kinahinatnan ng kuwento dahil matagal na panahon na nang
huli niya itong nabasa, ngunit ayon sa kaniyang pagkaka-alala, namatay si Zuma dahil tinuklaw siya
ng mga ahas ni Galema na isa palang malaking banta sa buhay niya.

You might also like