You are on page 1of 31

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan

Gawaing Pampagkatuto
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE

Gawaing Pampagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao


(Baitang 6)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary
for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the
Curriculum and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational
purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an
edited version, an enhancement of supplementary work are permitted provided all original works
are acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for
commercial purposes and profit.

Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, PhD., CESO V
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD., CESO V
Schools Division Superintendent : ALFREDO B. GUMARU, JR., EdD., CESO
VI Asst. Schools Division Superintendent(s): MARITES L. LLANES, CESE
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : RUBY B. MAUR, EdD.

Development Team
Writers : SHIELA ABAYA-UY
MIA ANGELA V. BAYUBAY

Content Editor : WILROSE D. DALLUAY, Cauayan North Central School


SDO Cauayan City
Regional Quality Assurance Team: LUISA OLAYA, MARJORIE YASTO, MAYLYN BATALLONES

Language Editor : ESTRELLA P. FAJARDO, Cauayan South Central School,


SDO Cauayan City
Illustrator and
Layout Artist : MIA ANGELA V. BAYUBAY, Cauayan North Central
School, SDO Cauayan City

Focal Persons : JOEL V. VALDEZ, Division Learning Area Supervisor


CHERRY GRACE D. AMIN, Division LRMS Supervisor
RICHARD O. PONHAGBAN, Regional Learning Area Supervisor
RIZALINO G. CARONAN, Regional LRMS Supervisor

Printed by: DepEd Regional Office No. 02


Regional Center, Carig Sur, Tuguegarao City
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Kompetensi Page No.
1. Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa
kapwa: (EsP6P-IIa-c-30) 1

1.1 Pangako o pinagkasunduan;


1.2 Pagpapanatili ng mabuting pagkakaibigan;
1.3 Pagiging matapat

2. Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestyon ng


Kapwa (EsP6P-IId-i-31) 14
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:
GAWAING
PAGKATUTO
Pagkamapanagutan

Panimula

Ang pagkamapanagutan ay ang pagiging responsable sa kapwa. Ito ay mahalaga


upang maging matiwasay at maayos ang ating araw-araw na pamumuhay at pakikipag-
ugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na ating nakakasalamuha.
Nararapat na maging maingat at responsable sa mga bagay na ating iniisip, sinasabi o
inihahayag at ginagawa sapagkat maaaring magdulot ito ng ikabubuti o ikasasama ng ating
kapwa.
Magiging higit na kaaya-aya ang komunidad kung ang bawat mamamayan ay
ginagampanan ang kanikanilang responsibilidad. Ito ay naipakikita sa iba’t ibang paraan.
Halimbawa na lamang ay pagtupad sa pangako o pinagkasunduan, pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan, at pagiging matapat.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa`


(Esp6P-IIa-c-30)

Gawain 1
Panuto: Awitin at isapuso ang popular na awitin sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan nang may katapatan.
Pananagutan
(Jamie Rivera)

Walang sinuman ang nabubuhay


Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling Niya
Sa ating pagmamahalan at paglilingkod
Sa kanino man
Tayo ay magdadala ng balita ng kaligtasan
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling Niya.
Sabay-sabay mag-aawitan
Ang mga bansa
Tayo’y tinuring ng Panginoon bilang mga anak
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling Niya

Tama o Mali: Gumuhit ng sa kahon kung para sa iyo ay TAMA ang

pangungusap, at kung MALI.


1. Nais ng Panginoon na magmalasakit tayo sa isa’t isa, sapagkat lahat tayo ay
magkakapatid sa Diyos.

2. Bago ko iisipin ang iba ay uunahin ko muna ang aking sarili dahil mahirap ang
maghanapbuhay.

3. Sa panahong may COVID-19, may gobyerno na siyang bahala sa lahat ng


pangangailangan ng ating bansa, kaya pananagutan lamang ni Pangulong
Duterte kung maraming magkasakit at magutom.

4. Mas mapadadali ang paglutas sa bawat suliranin, kapag may pagmamahal at


paglilingkod sa aking pamilya lamang.

5. May pananagutan man sa akin ang aking kapwa, ay nararapat lamang na hindi
ko iasa sa iba ang aking pamumuhay at kahihinatnan.

Gawain 2

Naniniwala ka ba na may pananagutan tayo sa bawat isa?


Sa gitna ng sakuna o pandemiya ay sinusubok ang ating pagiging matatag at matibay
bilang isang bansa.
Bilang isang mag-aaral, ibahagi kung paano mo maipakikita ang kahalagahan ng
pagiging responsable sa mga sumusunod na miyembro ng lipunan. Sagutin ang bawat bilang
sa loob ng 2-3 pangungusap lamang.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


_

Rubrik

Pangwakas

Natutunan ko sa araling ito na

Mga Sanggunian:
Curriculum Guide in Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Susi sa Pagwawasto: Gawain 1
1. 2. 3. 4. 5.

Inihanda ni:

SHEILA ABAYA-UY
May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagkamapanagutan: Pangako o Pinagkasunduan

Panimula

Ang pagtupad sa ipinangako ay isang ugaling hangad natin na taglay ng bawat taong
makasasalamuha natin. Ito ay dahil alam natin na ang pagtatagal at ikagaganda ng bawat
ugnayan sa pagitan ng mga tao ay nakasalalay sa tiwalang ipinagkaloob ng bawat isa. Kung
kaya’t napakahalaga ng sinsero at totoong pakikipagkapwa at ng matapat na paggawa ng
kasunduan. Kapag may pagdududa ka sa pagiging may isang salita ng iyong kasama at hindi
ka sigurado sa kanyang katapatan, malamang na ganoon din ang pakikitungo niya sa iyo. Ang
isang ugnayan na walang tiwala sa isa’t isa ay tiyak na hindi magtatagumpay sa layunin nito.
Tinutupad mo ba ang mga ipinangangako mo? Masasabi mo ba na “Ako ay may isang
salita?” Mapanghahawakan kaya ng mga tao ang iyong sinabi?
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa:


Pangako o pinagkasunduan (Esp6P-IIa-c-30)

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga sumusunod at tukuyin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalapat ng
mga titik upang mabuo ang kasagutan.

Pababa P P
1. Salita o bagay na sinumpaang gagawin.
2. Responsibilidad na kailangang gawin T
ng isang tao, institusyon o grupo.
3. Pakikitungo at pakikipag-ugnayan ng maayos
sa ibang tao.

Pahalang:
4. Pagiging sinsero at totoo sa mga
iniisip, sinasabi at ikinikilos o
ginagawa. T
5. Ito ay ang pinag-usapan ng
dalawang magkaibang panig na K
napagdesisyonang isakatuparan. K S N

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 4


Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

1. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na magvivideo call kayo


gamit ang Zoom App upang pag-usapan ang inyong mga takdang-aralin. Itinakda
ninyo ito ng ika-6 ng gabi. Biglang nagkaroon ng pagbabago at nais ninyong isagawa
ito ng mas maaga na lamang ngunit isang kaibigan ninyo ang hindi nakakaalam
sapagkat hindi na siya online. Ano ang nararapat niyong gawin?
a. Susundin namin ang ika-6 ng gabi sapagkat iyon ang napagkasunduan naming lahat.
b. Itutuloy namin ang bagong iskedyul at sasabihan na lang namin siya kung ano ang
aming natalakay kapag nakaonline na sya.
c. Magbotohan na lamang kami kung ano ang masusunod na iskedyul.
2. Humiram ka ng aklat ng kaibigan mo sa Matematika, Ipinangako
mong isasauli iyon pagkaraan ng dalawang oras. Matagal siyang naghintay pero hindi
mo naibalik. Ano ang gagawin mo?
a. Isasauli ko na lang kinabukasan at sasabihin kong katatapos ko lang magbasa.
b. Ililibre ko na lamang siya ng miryenda bilang kabayaran sa hindi ko pagtupad sa
aking pangako.
c. Magpapaliwanag ako sa kanya at hihingi ako ng tawad upang di masira ang tiwala
niya sa akin.
3. Nais mong bumili ng milktea sa SM ngunit ubos na ang iyong baon.
Nakita mo ang inyong ingat-yaman na maraming koleksiyon. Ano ang gagawin mo?
a. Uutang ako at mangangakong ibabayad ko naman ang baon ko sa dalawang araw.
b. Hindi ako mangungutang dahil mahirap mangako nang walang kasiguraduhan.
c. Uutang ako pero hindi na lang ako mangangako dahil hindi mabuti kapag hindi rin
naman matutupad. Makikiusap na lang ako na babayaran ko paunti-unti.

Pangwakas
Ang pangako o kasunduan ay dapat lamang na tuparin. Hindi na ito kailangan pang
sambitin upang tayo ay magkaroon ng ‘palabra de honor’. Sapat na ang mga pahayag upang
tayo ay tumupad sa ating mga binibitawang salita.
“Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag na kayong manumpa. Huwag ninyong
sabihin “Saksi ko ang langit o saksi ko ang lupa”, o “Saksi ko ang ano pa man”. Sapat nang
sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.”
(James 5:12)

Mga Sanggunian:
Ang Bagong Tipan ng Biblia
Curriculum Guide in Esp 6
Peralta, Gloria A. EdD, Ylarde, Zenaida R. (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon.
Quezon City: Vibal Group, Inc.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1: 1. Pangako 2. Pananagutan 3. Pakikipagkapwa 4. Matapat 5. Kasunduan
Gawain 2: 1. A 2. C 3. B

Inihanda ni:
SHEILA ABAYA-UY
May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 5


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan:
Seksiyon: Lebel:
Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagkamapanagutan: Pagpapanatili ng Mabuting Pagkakaibigan

Panimula

Alam mo ba ang sikreto upang magkaroon ng maraming kaibigan at kung paano


mapapanatiling mabuti ang inyong samahan?
Ang kaibigan ay para na ring kapamilya. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi natin sila
kadugo. Sa katunayan, sinasabing ito ang may pinakamataas na antas ng pagmamahal na
kung tawagin ay ‘Platonic love’. Ito ay pagmamahal sa kapwa na walang hinihingi o
hinihintay na kapalit. Ganon pa man, mahal man tayo ng ating mga kaibigan nang walang
hinihintay na kapalit, nararapat lamang na sila ay suklian ng pagpapahalaga at ng pagiging
responsableng kaibigan din. Sa pagpapahalaga sa isa’t isa ay magiging mas malalim at
magtatagal ang samahan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa:


Pagpapanatili ng mabuting pagkakaibigan (Esp6P-IIa-c-30)

Gawain 1
Panuto: Ano-ano ang mga katangiang kaya mong ibigay sa iyong kaibigan upang manatiling
mabuti ang inyong samahan?

May 10 katangian ng isang mabuting kaibigan sa loob ng word box hanapin


ang mga ito at guhitan. Maaaring nasa anyong pababa, pataas, pahalang,
pabalik, o pahilis ang mga ito.

T M J N U D M D C Y M X J G H Z L E R N V I A C B L Z J M A A S T J P

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 6


Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Bakante sa iskedyul ng klase niyo kaya ikaw at ang iyong 3 kaibigan ay


pinahintulutan ng inyong guro na gumamit ng kanyang laptop at internet para sa
pagsasaliksik ng inyong takdang-aralin. Binigyan niya lamang kayo ng 30 minuto na
magsaliksik habang siya naman ay nagrerecess. Narinig kayo ng isa niyong kaklase kaya
nakiusap siya sa inyong magkakaibigan na makigamit din kahit ilang minuto lamang.

Mga Tanong:
1. Ano ang inyong gagawin, pagbibiyan niyo ba ang inyong kaklase? Bakit?
Sagot:

2. Kung patas ang hatian, tag-iilang minuto dapat kayong magkakaibigan sa paggamit ng
laptop?
Sagot: minuto.
3. Kung pagbibigyan niyo ang inyong kaklase na makigamit din ng laptop, ilang minuto
ang dapat niyong ibigay sa kanya upang magkaroon kayong magkakaibigan ng tag-7
minuto?
Sagot: minuto.
4. Napagdesisyonan niyong magkakaibigan na maging patas na lamang sa inyong
kaklase ukol sa hatian ng oras. Kung gayon, mayroon na kayong tag-iilang minuto?
Sagot: minuto.
5. Sa palagay mo, ano kaya ang magiging reaksiyon ng inyong kaklase kapag
pinagbigyan niyo at naging patas kayo sa kanya?
Sagot:

Pangwakas
“Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita’y kapatid
na tumutulong.” (Mga Kawikaan 17:17)
Mga Sanggunian:
Curriculum Guide in Esp 6
Ang Bagong Tipan ng Biblia

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 7


Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1

T M J N U D M D C Y M X J G H Z L E R N V I A C B L Z J M A A S T J P

Gawain
Gawain 2
1. (Answers vary).
2. 7.5 minuto
3. 2 minuto
4. 6 minuto
5. (Answers vary).

Inihanda ni:

SHEILA ABAYA-UY
May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 8


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:
GAWAING PAGKATUTO
Pagkamapanagutan: Pagiging Matapat

Panimula

Katapatan sa Salita at Gawa


(Totoo ba Talaga?)

Nakaranas ka na bang lumikha ng kwento o kasinungalingan sa harap ng iyong mga


kaibigan?
Habang ibinabahagi mo ito sa kanila, marahil, labis ang nadarama mong kagalakan
dahil nakikita mong naniniwala sila sa lahat ng iyong sinasabi. Nakukuha mo ang kanilang
pansin. Ang mga ganitong pangyayari ang patuloy na nagtutulak sa iyo upang gawin ito ng
paulit-ulit.
Isa itong hindi magandang palatandaan. Ang hindi pagsasabi ng totoo o panloloko ng
kapwa ay parang isang bisyo. Kapag ito ay paulit-ulit na isinasagawa, nagiging bahagi na ito
ng pang-araw-araw na buhay. Ito ay isang halimbawa ng sitwasyon na madalas mangyari lalo
sa mga kabataan sa kasalukuyan.
Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay na
hindi niya pag-aari, at hindi manlilinlang o manloloko ng kanyang kapwa sa anumang paraan.
Ito ay ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan.
Mahalaga na sa lahat ng ating iniisip, sinasabi at ginagawa, malaking bagay man ito o
maliit, lagi nating sinisiguro na ito ay yumayakap sa katotohanan. Magagawa natin ito sa
pamamagitan ng pagsisimula sa maliliit na bagay.
Ang pagyakap sa lahat ng mga ito ang maglalayo sa iyo sa sitwasyon na
kakailanganin mong gumawa ng bagay na labag sa katotohanan para lamang pagtakpan ang
iyong mga pagkakamali. Kailangang sa simula pa lamang ay gabay mo na ang mga ito upang
makapamuhay ka ng puno ng katapatan.
Laging tandaan na ang katotohanan ay hindi nilikha ng tao, nag-iisa lamang ito at
hindi mababago ng panahon o lugar.
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasabi ng totoo:

☺ Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat


ang tunay na mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang
hindi pagkakaunawaan, kalituhan at hindi pagkakasundo.
☺ Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa mga
inosenteng tao na may kinasasangkutan. Nangyayari ito sa mga
pagkakataong ginagamit ang isang tao upang mailigtas ang sarili sa
kaparusahan.
☺ Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa kapwa upang matuto ng aral
sa mga pangyayari.
☺ Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 9


☺ Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa
katotohanan.
☺ Ang pagsasabi ng tototo lamang ang magtutulak sa iyo upang
makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa:


Pagiging matapat (Esp6P-IIa-c-30)

Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang senaryo sa ibaba. Pagkatapos ay gumawa ng maiksing
iskrip na magpapakita kung ano ang reaksiyon at gagawin mo sa sitwasyon.

Oras ng recess, nag-uunahan patungong kantina ang mga mag-aaral sa ikalimang


baitang. Sa pagmamadali ni Ana, nahulog niya ang kaniyang pera. Nakita mong pinulot ito ng
iyong matalik na kaibigan na si Llex, na nagkataon na nasa kaniyang likuran lamang. Dali-
dali itong inilagay ni Llex sa kaniyang bulsa habang palinga-linga pang tumingin sa paligid
na tila naghahanap ng sinumang nakakita sa kaniyang ginawa. Alam mong wala siyang pera
at baon ng mga panahong iyon. Nakita mong ang perang kaniyang napulot ang ipinambili
niya ng baon sa kantina.
Kung ikaw ang bata sa senaryo, sasabihin mo ba kay Ana ang iyong nakita? Bakit?
Alam mo na kapag isinumbong mo si Llex kay Ana ay tiyak na magagalit siya sa iyo.
Ano ang gagawin mo?

Pamagat:
Mga Tauhan:
Pinangyarihan:

(Isulat sa kolum na ito ang (Isulat sa kolum na ito ang diyalogo ng bawat tauhan.)
pangalan ng bawat
tauhang magsasalita).

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


RUBRIK SA PAGSULAT NG ISKRIP NG DIYALOGO
Nangangaila-ngan
Kraytirya Napakahusay Mahusay Limitado pa ng Pag-unlad
20 15 10 5
Lubhang substansyal Substansyal ang Hindi gaanong Kulang ang mga
at makabuluhan ang mga substansyal ang impormasyong
mga impormasyong impormasyong mga inilahad ukol sa
inilahad ukol sa inilahad ukol sa impormasyong paksa. Hindi
Nilalaman paksa. Naipamalas paksa. Naipamalas inilahad. Limitado maayos na
ang lubos na ang ang naipahayag na naipahayag ang
40% pagkamalikhain sa pagkamalikhain sa nilalaman/mensahe nilalaman/
pagpapahayag ng pagpapahayag ng ng paksang napili. mensahe ng
nilalaman/mensahe nilalaman/mensahe paksang napili.
ng paksang napili. ng paksang napili.
8 6 4 2
Mahusay na pinag- Mahusay na pinag- May ilang bahagi Naghatid ng
Impak isipan. Nakapaghatid isipan. na nakalilito sa kaguluhan at
ng Nakapaghatid ng diwang nais kalituhan sa
40% napakamakabuluhang makabuluhang ipabatid. diwang nais
diwa sa mambabasa. diwa sa ipabatid sa
mambabasa. mambabasa.
8 6 4 2
Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at
Mekaniks sa gamit ng mga pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
(Ispeling at salita, kapitalisasyon, gamit ng mga gamit ng mga mga pagkakamali
Paggamit pagbabaybay at salita, salita, sa gamit ng mga
ng Salita) pagbabantas. kapitalisasyon, kapitalisasyon, salita,
pagbabaybay at pagbabaybay at kapitalisasyon,
20% pagbabantas. pagbabantas. pagbabaybay at
4 3 2 pagbabantas.
1
Pangwakas
Punan ang mga patlang upang makabuo ng isang panata tungkol sa pagiging matapat.

Ako si ay nangangako na

Tulungan nawa ako ng Maykapal.

Mga Sanggunian:

Curriculum Guide in Esp 6


https://depedligaocity.net/EsP_5_Activity_Sheets_v1.0.pdf
https://www.slideshare.net/meglauryn23/modyul-12katapatansasalitaatsagawa
https://www.academia.edu/40334876/Rubrik_sa_Pagsulat_ng_Iskrip_ng_Monologo?auto=do
wnload

Inihanda
ni SHEILA ABAYA-UY
May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan:
Seksiyon: Lebel:
Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagkamapanagutan: Pangako o Pinagkasunduan
Panimula

Sa mga nagdaang araw ay nadagdagan ang kaalaman mo tungkol sa kahalagahan ng


pagkamapanagutan o pagiging responsable partikular na sa tatlong subtopiko: ang pangako o
pinagkasunduan, pagpapanatili ng mabuting pagkakaibigan, at ang pagkamatapat.
Ang mga ito ay magkakaakibat sa pagkakaroon ng responsableng pakikipagkapwa-
tao. Ito ay mahahalagang elemento upang magkaroon ng matiwasay at masayang pamumuhay
sa araw-araw na pakikisalamuha sa iba’t ibang uri at antas ng tao sa lipunan. Kung bawat isa
ay responsable sa isa’t isa, magiging madali ang pagharap sa mga pagsubok o ano pa mang
sitwasyong kakaharapin at lahat ng ito ay mapagtatagumpayan nang walang naaapakang tao.
Ang pagiging mapamanagutan o responsable ay walang pinipiling edad, kasarian,
antas ng kabuhayan o katayuan sa lipunan. Ang pagiging responsableng tao ay isang behikulo
upang marating natin ang ating mga minimithi. Higit pa sa kayamanan, ito ang
magpapakinang sa iyong pagkatao.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa


(Esp6P-IIa-c-30):

2.1 Pangako o pinagkasunduan;


2.2 Pagpapanatili ng mabuting pagkakaibigan;
2.3 Pagkamatapat

Gawain 1
Panuto: Sumulat ng islogan tungkol sa kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


1. Ang mga maaaring gamitin lamang ay ang mga sumusunod:
long bond paper, lapis, marker, ruler at mga krayon
2. Ang iyong islogan ay hindi dapat bababa sa 8 salita at di lalampas sa 12 salita. Hindi
kasali sa bilang ang mga pang-ukol at pangatnig.
3. Huwag guguhit ng anumang larawan sa iyong islogan.
4. Ipasa ito sa araw na itinakda ng iyong guro.

Kaugnayan sa paksa Pagkamalikhain


30% Pagkaorihinal Pangkalahatang anyo
30%
30%
10%
100%

Pangwakas
Panuto: Natatandaan mo pa ba ang mga napag-aralan mo sa linggong ito?
Punan ang bawat talulot ng bulaklak ng mga bagay na natutunan mo sa bawat
araw na nakasulat. Gawin ito sa inyong sagutang kwaderno.

Mga Sanggunian:
Curriculum Guide in EsP
6 Inihanda ni:
SHEILA ABAYA-UY
May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Suhestiyon ng Aking Kapuwa, Iginagalang Ko

Panimula
Ang paggalang sa suhestiyon ng bawat isa ay nagpapakita ng pagiging
pagkamagalang. Ito ay nagbubunga ng magandang pakikitungo sa kapwa. Ito ay may
palaging kaakibat na paggalang na nagbibigay ng magandang ugnayan sa kapwa. Naipapakita
natin o naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isip sa pagpapasya para sa sarili at sa
kapuwa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa (EsP6P-IId-i-31)
Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang masayang mukha ( ☺ ) kung ito
nagpapakita ng paggalang suhestiyon at malungkot naman ( ) kung hindi.
1. Hinikayat ni Melissa ang kaniyang kamag-aral na makilahok sa pagpupulong tungkol
sa bagong proyekto na isasagawa sa kanilang paaralan.
2. Itinanong ni Jade sa kaniyang mga kasama kung handa na ang lahat bago sinimulan
ang pag-uulat sa klase ni Gng. Mateo.
3. Pinalitan nina Jose at Marco ang suhestiyon ni Angela ukol sa gagamiting kagamitan
sa pagbuo ng dyornal ng walang paalam.
4. Lumipat sa ibang grupo si Danny dahil hindi niya gusto ang suhestiyon ni Janela na
ipagbigay alam ang kanilang plano na pupunta sa parke.
5. Nakiisa ang mga magsasaka ng lungsod ng Cauayan sa programang inilunsad ng
gobernador sa lalawigan.
6. Inayunan ni G. Martinez ang ideya ni Maria na isali ang mga mag-aaral sa ika-anim
na baitang sa paglilinis tuwing Biyernes sa mga hardin sa paaralan.
7. Nagpakita ng galit si Berto nang malaman niya na ang kaniyang kasama sa proyekto
sa Filipino ay si Janice.
8. Naisipang alamin ng aming kapitan ang pangkalahatang pananaw ng mga nakatatanda
at nakababata bago simulan ang programa sa barangay.
9. Iniwan ni Dave ang mga nakababatang kalahok at nagtago sa isang silid upang ilihim
ang kaniyang nalalaman sa pagpipinta.
10.Tinanggap ni Juan ng maluwag sa kalooban na hindi maisasakatuparan ang kaniyang
mungkahi patungkol sa pagbuo ng mga gawain na makakatulong sa kalinisan ng paaralan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Gawain 2
A. Panuto: Umisip ng isang sitwasyon na kung saan naipakita mo ang paggalang sa
suhestiyon ng iyong kapwa. Isulat ang impormasyong kinakailangan sa ibaba. Bawat
sa sagot ay may katumbas na 2 puntos.

1. Patungkol saan ang suhestiyon?

2. Kanino galing ang suhestiyon?

3. Kailan ito nangyari?

4. Ano ang iyong naramdaman at paano mo ito tinanggap?

Pangwakas
Magaling! Natapos mo na rin ang iyong mga gawain sa araw na ito. Laging tatandaan
na ang pakikipagkapwa-tao ay isang natatanging katangian ng mga Pilipino. Mahalagang
taglayin ito ng bawat isa upang maipakita natin ang paggalang sa kapwa. Ang pakikinig sa
suhestiyon ng ibang tao ay pagpapakita ng pagkamagalang.
Bilang responsableng tao kinakailangan din natin sumunod sa pangakong ating
binibitawan tanda ng ating pagkamapanagutan dahil ito ay nagbibigay ng magandang
ugnayan sa ating kapwa.

Mga Sanggunian:
Aklat:
Ylarde, Zenaida. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon.VICARISH Publication and
Trading, Inc.
Susi sa Pagwawasto
1. ☺ 2. ☺ 3.  4.  5. ☺ 6. ☺ 7.  8. ☺ 9.  10. ☺

Inihanda ni:

MIA ANGELA V. BAYUBAY


May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Suhestiyon ng Aking Kapuwa, Iginagalang Ko

Panimula
Magandang araw sa iyo. Isa sa mga mga gawain mo ngayon ay pagbuo ng isang komiks.
Alam mo ba kung ano ang komiks?
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaring maglaman ito ng kaunting
salita at binubo ng isa o higit pang mga larawan, na maaring makapagbigay ideya.
Sa iyong pagbuo ng komiks, kinakailangan na maipakita sa istrips ang ideya ng
paggalang sa suhestiyon ng bawat isa. Ito ay nagpapakita ng pagiging pagkamagalang na
nagdudulot ng magandang pakikitungo sa kapwa. Naipapakita natin o naisasabuahay ang
pagkakaroon ng bukas na isip sa pagpapasya para sa sarili at sa kapuwa.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa
(EsP6P-IId-i-31)

Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek ( ̸ ) kung ang pahayag ay nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon at
pagkamapanagutan.

1. Opinyon mo, mahalaga. 2 2. Dahil sa mga suhestiyon, may mga solusyon.

3. 4. 4.
Kapwa ko, igagalang ko. Totoo man o hindi, dapat ipapahayag ko.

5.
Pangako ko, tutuparin ko.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Gawain 2
Panuto: Bumuo ng isang komiks strips na may mga diyalogo patungkol sa gawain na
nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon ng kapwa. Gamitin ang mga kahon sa ibaba na
magsisilbing komiks strips. Lagyan ito ng inyong sariling pamagat batay sa topiko o paksa na
ibinigay. Kulayan upang maipakita ang ganda at disenyo nito.

Pamagat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Rubrik sa Pagpupuntos:

Pinagkuhanan:http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2018/06/rubric-sa-pagbuo-ng-
komikistrip.html
Pangwakas
Mahusay! Naisagawa mo ang mga gawain sa araw na ito. Laging tatandaan ang
pakikipagkapuwa ay dapat natin taglayin upang maipakita natin ang paggalang sa kapwa.
Igalang natin ang sinumang nagbibigay suhestyon o ideya dahil ito ay tandaan ng ating
paggalang sa bawat isa. Kinakailangan din natin panagutan ang pangakong ating binibitawan
upang tayo ay paniwalaan ng ating kapwa.
Mga Sanggunian:
Aklat:
Ylarde, Zenaida. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon.VICARISH Publication and
Trading, Inc.
http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2018/06/rubric-sa-pagbuo-ng-komik-istrip.html
https://www.scribd.com/document/397780298/Rubriks-Sa-Pagsulat-Ng-Sanaysay

Susi sa Pagwawasto
1. /
2. /
3. /
4. x
5. /

Inihanda ni:

MIA ANGELA V. BAYUBAY


May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Suhestiyon ng Aking Kapuwa, Iginagalang Ko

Panimula
Magandang araw. Ikaw ba ay may mga kaibigan? Nasubukan mo na bang tumulong
sa isang kaibigan sa kaniyang problema? Bilang isang kaibigan ano-ano ang maibibigay
mong payo sa kanya?
Bawat tao sa mundo ay may itinuturing na kaibigan. Ang kaibigan ay nagsisilbing
kaagapay at kasama sa panahon ng kasiyahan o kalungkutan. Siya o sila ang mga taong
mahalaga, mapagkakatiwalaan at handang sumuporta ng walang hinihinging kapalit; sila ay
malapit sa puso at damdamin ng isang tao.
Sa araw na ito may ipapakita mo sa iyong mga gawain ang paggalang sa suhestiyon
ng kaibigan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapawa (EsP6P-IId-i-31)

Gawain 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat sa patlang ang TAMA kung ito ay
nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon at MALI kung hindi.
1. “Ano ba iyan! laging ikaw na lang ang nagsasalita!
2. “Salamat sa iyong pakikilahok sa ating pagpupulong.”
3. “Hindi ko gusto ang iyong payo! malayo itong mangyari.”
4. “Magaling! Sino pa ang may opinyon tungkol sa paksa?”
5. “Maari ka bang magbigay ng iyong saloobin?”
6. “Marami na siyang ibinigay na ideya, hindi ko na kailangan
ang sa iyo”
7. “Tama ang iyong sinabi, magagamit natin iyan sa susunod
na gawain”
8. “Kulang ang aming balangkas, maari mo ba
kaming tulungan?”
9. “Isalang-alang natin ang opinyon ng mas nakatatanda sa
atin para tayo ay magabayan.”
10. “Sa susunod iwasan mo ang magsalita!”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Gawain 2
Panuto: Punan ang patlang ng mga salita upang mabuo and ideya na nais ipahiwatig ng talata
sa ibaba. Piliin ang mga sagot sa kahon.

tao gawaing sapagkat makinig


suhestiyon bukas labis maisakatuparan

Ang paghingi ng ukol sa isang sisimulan ay nakatutulong


upang ito. Mainam na sa suhestyon ng ibang upang
maging
ang isip sa mga ideya na ibinibigay nila.
Gawain 3
Panuto: Kumpletuhin ang isang diyalogo na inihanda sa ibaba. Punan ang mga patlang upang
mabuo ito.
Kaibigan ko, karamay ko
Mga Tauhan: Magkakaibigan
Tagpuan: Sa silid-aralan
Isang umaga sa loob ng silid-aralan ng ika-anim na baitng…
Edrian: Napansin ko na malungkot si Abigail habang siya ay nakaupo sa kaniyang silya.
Siguro ay

Andrea: Ano kaya kung lapitan natin siya? Sa aking palagay kailangan niya ng tulong. Ano
kaya kung

Denise: Tara

Abigail: Nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung ako ba ay makakapasa sa ating pagsusulit.
Gusto kong kausapin ang ating guro kung ano ang maari kong gawin upang makapasa.
Ano kaya sa
palagay niyo

Denise: Tama ka sa iyong pasya. Puntahan natin si Gng. Reyes at ipagbigay-alam ang iyong
suliranin. Tayo na sasamahan ka
namin

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Abigail: Maraming salamat sa iyong tulong. Nais ko

Rubrik sa Pagpupuntos:
Pamantayan Pinakamataas na puntos Iskor
Malinaw na nailahad ang usapan 5 puntos
o diyalogo
Angkop ang mga salitang 5 puntos
ginamit
Maayos ang nabuong kwento 5 puntos
Orihinal ang binuong diyalogo 5 puntos
Kabuuan:

Pangwakas
Binabati kita. Mahusay! Naisagawa mo lahat ang iyong gawain sa araw na ito. Muli,
laging tatandaan na maari tayong magbigay ng suhestiyon o ideya sa ating mga kaibigan
upang sila ay ating matulungan. Tiyakin lamang natin kung ito ay nakabubuti sa kapwa.

Mga Sanggunian:
Aklat:
Ylarde, Zenaida. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon.VICARISH Publication and
Trading, Inc.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Mali 6. Mali
2. Tama 7. Tama
3. Mali 8. Tama
4. Tama 9. Tama
5. Tama 10. Mali

Gawain 2
1. suhestiyon
2. gawaing
3. maikasatuparan
4. makinig
5. tao
6. bukas

Inihanda ni:

MIA ANGELA V. BAYUBAY


May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Suhestiyon ng Aking Kapuwa, Iginagalang Ko

Panimula
Nasubukan mo na bang sumulat ng isang liham? Para kanino ang liham na iyong
ginawa? Ano ang isang liham?

Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao
patungo sa isa pang tao o grupo ng tao na kadalasan ay nasa ibang lugar. Ito ay binubuo ng
pamuhatan, bating panimula, katawan ng liham, bating pangwakas at ang iyong lagda. Sa
araw na ito ay gagamitin natin ang liham upang makapagbigay suhestiyon o ideya base sa
topiko.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa (EsP6P-IId-i-31)

Gawain 1
Panuto: Sumulat ng isang liham para sa iyong kaibigan na nangangailanagan ng iyong tulong.
Isulat ang mga payo na nais mong sabihin o suhestyon upang makatulong sa paglutas ng
kaniyang suliranin.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Rubrik sa Pagpupuntos:
Pamantayan Puntos Iskor
Nilalaman 5 puntos
Ang nilalaman ng liham ay makabuluhan at malinis

Organisasyon 5 puntos
Ang pagkasunod-sunod ng ideya ay maayos at madaling
maintindihan
Kaangkupan ng salita 5 punto
Gumagamit ng angkop na salita

Gawain 2
Panuto: Bumuo ng reaksiyong papel, pagkatapos mabasa ang sanaysay tungkol sa “Araw ng
Kalayaan. Isulat ito sa inyong sagutang papel.”

Araw ng Kalayaan
Ang araw ng kalayaan ay isang taunang selebrasyon tuwing ika-12 ng
Hunyo. Ito ay ginugunita upang alalahanin ang kalayaan ng Pilipinas mula sa
pananakop ng Espanya noong 1898.
Tuwing Araw ng Kalayaan, marami ang nakikilahok sa parada. Isa sa mga
taunang gawain ay ang pagpaparada ng mga militar at mga pulis kasama ang
pangulo ng Pilipinas, kasunod nito ay ang talumpati ng pangulo.
Sa mga paaralan naman, ginugunita ang Araw ng Kalayaan sa paraan ng
pagsasabit ng bandila sa bawat silid-aralan. May mga gawain sa paaralan tulad ng
maikling programa at paligsahan sa paggawa ng watawat ng Pilipinas. Isa ito sa
pinakainaabangan sa ating paaralan, kung saan naipapakita ang talento ng batang
katulad mo.
Ganito rin ba kayo sa inyong paaralan? Paano niyo ginugunita ang Araw ng
Kalayaan sa inyog Paaralan? Bilang mag-aaral, ano-ano ang mga suhestiyon
mo upang gunitain ang araw na ito?

Ganito rin ba kayo sa inyong paaralan? Paano niyo ginugunita ang Araw ng Kalayaan sa inyog Paaralan?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Rubrik sa Pagpupuntos:

Sanggunian:

Pinagkuhanan: https://www.scribd.com/document/405859057/Rubric-Sa-Pagsusulat-Ng-
Reaksyong-Papel

Pangwakas
Magaling! natapos mo ang iyong mga gawain sa araw na ito. Napakahalaga ng
pabibigay suhestyon sa mga ideya. Dito natin maipapakita ang pagkakaroon ng malasakit sa
ating kapwa. Maaari natin itong maipaabot sa kahit anong paraan gaya ng isang liham o
mensahe.
Mga Sanggunian:
Aklat:
Ylarde, Zenaida. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon.VICARISH Publication and
Trading, Inc.
https://www.scribd.com/document/405859057/Rubric-Sa-Pagsusulat-Ng-Reaksyong-Papel

Inihanda ni:

MIA ANGELA V. BAYUBAY


May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Suhestiyon ng Aking Kapuwa, Iginagalang Ko

Panimula
Ang paggalang sa suhestiyon ng bawat isa ay nagpapakita ng pagkamagalang. Ito ay
nagbubunga ng magandang pakikitungo sa kapwa. Ito ay may palaging kaakibat na
paggalang na nagbibigay ng magandang ugnayan sa kapwa. Naipakikita natin o naisasabuhay
ang pagkakaroon ng bukas na isip sa pagpapasya para sa sarili at sa kapuwa.
Bilang isang responsibleng tao ang pagtupad din sa pangako o kasunduan ay dapat
nating taglayin. Sa pamamagitan nito, ating mapapanatili ang pagiging mabuting kapwa, at
masasabing tayo ay may isang salita.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa (EsP6P-IId-i-31)
Gawain 1
Panuto: Basahin ang talata sa ibaba. Piliin ang angkop na sa salita sa loob ng kahon upang
mapunan ang mga patlang.

kabutihang
Narito ang talata. kapwa pantay kapayapaan paggalang masama
May naidudulot ang _ sa suhestiyon
ng . Mahalagang dapat magbigay ng na paggalang sa mga
nagsisipag-usap ukol sa isang paksa o suliranin. Ito ay nakapagpapanatili ng
sa isang pangkat.
Gawain 2
Panuto: Gamitin ang mga salitang nasa loob ng kahon sa unang gawain. Sumalat ng isang
pangungusap gamit ang bawat salita. Bawat pangungusap ay may kaakibat na dalawang
puntos.
1.
2.
3.
4.
5.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Pangwakas
Panuto: Sumulat ng isang journal tungkol sa iyong repleksyon tungkol sa kahalagahan ng
paggalang sa suhestiyon o ideya ng kapwa. Ilagay sa journal ang mga saloobin sa mga
natapos na gawain.

Mga Sanggunian:
Aklat:
Ylarde, Zenaida. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon.VICARISH Publication and
Trading, Inc
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1. (kabutihang, paggalang, kapwa, pantay, kapayapaan)
Inihanda ni:

MIA ANGELA V. BAYUBAY


May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 39

You might also like