You are on page 1of 1

Pananaliksik ukol sa epekto ng Aborsyon

Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal


ng embryo o fetus sa loob ng matres, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng
biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan
ng kemikal, pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay
tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis; sa medikal na pagtawag,
tinatawag na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-
dalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay.
Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa buong kasaysayan natin. Ang
mga legal at moral na mga batayan nito ay usapin sa mga pagtatalo sa maraming mga bahagi
ng mundo. Isa sa mga itinuturong dahilan ang pagbubuntis ng mga batang babae ang kakulangan
ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa pakikipagtalik. Particular sa Pilipinas ang pagtuturo ng
sex education sa mga paaralan ay isang isyu na patuloy na pinagdedebatehan. Bagamat malakas
ang panawagan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa sex education, ang simbahang Katoliko
at ibang konserbatibong grupo ay mahigpit itong tinututulan.

I. Rasyunal

You might also like