You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Kontemporayong Isyu
Baitang 10

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natutukoy ang mga uri ng mga karapatan;
b. naipapaliwanag ang uri ng karapatan at katuturan nito; at
c. nabibigyang pagpapahalaga ang mga karapatang pantao.

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Karapatang Pantao; Mga tatlong uri ng Karapatang Pantao
B. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro; pahina 353-361
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral; pahina 378-380

C. Kagamitan
1. Teksbuk (Modyul ng mga mag-aaral sa pagkatuto)
2. Mga larawan
3. Makukulay na mga Cartolina
4. Laptop
5. Television

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda

Magandang umaga aking mag-aaral! Magandang umaga rin po, ma’am!

Tayo muna ay manalangin (may (lahat ay mananalangin)


mangunguna sa pagdadasal)

Maaari na kayong umupo Salamat po ma’am.

May lumiban ba ngayong araw? Wala po.

B. Pagbabalik – aral

Anong paksa ang tinalakay natin noong Ang tinalakay po natin noong nakaraang araw
nakaraang araw? ay patungkol po sa mga pinakaunang
dokumentong naglalahad ng ibat-ibang
karapatang pantao at kung saan at sino po
ang nagpasimula ng mga ito.

tama! Saan nga ba nagmula ang mga Ma’am nagmula po ang mga ito sa Babylon,
dokumentong ito? France, England at US.
Ano ang unang dokumento ng Cyrus cylinder, ma’am.
karapatang pantao?

Anong karapatang pantao ang (mga inaashang sagot)


nakapaloob sa pinakaunang dokumento, Ang pinakaunang dokumento ay ang cyrus
ang Cyrus cylinder. cylinder. Sinakop ni haring cyrus ang Babylon
na kung saan pinalaya niya ang mga alipin at
ipinahayag na maari silang mamili ng
kanilang sari sariling relihiyon at dinaklara
niya ang pagkapantay-pantay ng lahat ng
lahi.

Ano pa ang mga dokumentong Ang pangalawang dokumento, ito ay Magna


naglalahad ng karapatang pantao? Carta na sapilitang nilagdaan ni haring John I
o John Lackland. ito ay ang dokumentong
naglalahad ng mga karapatang pantao tulad
ng hindi maaring dakpin, ipakulong at bawiin
ang anumang ari-arian ng mga mamamayan
ng walang pagpapasya ng hukuman.

Ano naman ang dokumento na Ang Declaration of the rights of the man and
nanggaling sa France? of the citizen na kung saan nagkaroon ng
French revolution, at pinatay si haring King
Louis. Naglalaman ang dokumentong ito ng
mga karapatan ng bawat mamamayan na
naninirahan sa isang bansa.

May iba pa bang dokumento? Ano kaya Ang dokumento po na nabunot namin ay ang
ito? the first Geneva Convention ang Layunin nito
na gamutin ang mga sundalong may sakit at
nasugatan ng walang anomang
diskriminasyon.

Ano naman ang dokumentong nanggaling Ang nabunot po namin na dokumento ay ang
sa US na naglalahad ng karapatang UDHR ito ay ipinatupad ni Eleanor Roosevelt
pantao? asawa ng dating pangulo na si Franklin
Roosevelt. Ipinatupad ito pagkatapos ng
ikalawang digmaang pandaigdig. May 30 na
karapatang nakatala rito, ang pagkapantay
pantay ng mga tao, tulad ng no slavery, no
discrimination at ang higit sa lahat ay walang
sino man ang pwede tayo alisan ng
karapatan.
Magaling! Tama lahat ng inyong mga
sinabi. At dahil naaalala niyo lahat ng
mga pinag aralan natin palakpakan niyo
ang inyong mga sarili.

Pagganyak

“AKING INIIROG AKO’Y BIGYANG


KARAPATAN”
Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo
upang ibigay ang hinihingi ng larawan
may mga letra na manggaling sa kahon
at ito’y bubuoin ng bawat pangkat base
sa pinapakita ng larawan. Paunahan ang
bawat pangkat sa pagbuo ng mga salita
at ang unang makabuo at makapag
bigay ng hinihingi ng larawan ang siyang
magwawagi.

Handa na ba kayo? Opo ma’am.

Mga larawan:

(mga inaasahang sagot)


MABUHAY
MALAYA
EDUKASYON
PAGBOTO
TRABAHO
ARI-ARIAN

Ano-anu ang mga karapatang tinutukoy (mga inaasahang sagot)


mula dito? KARAPATANG MABUHAY
KARAPATANG MAGING MALAYA
KARAPATAN SA EDUKASYON
KARAPATAN SA PAGBOTO
KARAPATANG MAGHANAPBUHAY
KARAPATAN SA ARI-ARIAN

Mula sa iyong naging munting paligsahan Uri ng mga karapatan ng tao, ma’am.
ano sa palagay ninyo ang ating magiging
paksa ngayong araw?

Ano-anu ang mga uri ng karapatan? Natural rights


Constitutional rights
Statutory rights
Tama!

B. Paglinang ng Aralin

Ano ang ibig sabihin ng Natural rights? Natural Rights-


Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa. Mga karapatang taglay ng bawat tao
kahit hindi ipinagkaloob ng Estado.
Ito po ay mga karapatan na meron tayo kahit
hindi ipinagkaloob ng estado. Halimbawa ay
karapatang mabuhay, maging Malaya at
magkaroon ng ari-arian.

Ano naman ang Constitutional Rights? Constitutional rights - Ito po ay mga


Ano ang pagkakaintindi niyo rito? karapatang ipinagkaloob at
pinangangalagaan ng Estado.
Ang karapatang ito ay mula po sa salitang
constitutional, ito po ay nakapaloob sa batas
o nakatala sa ating batas.

Mahusay! Ang constitutional rights ay Karapatang Politikal


nahahati sa apat na klasipikasyon ano Karapatang Sibil
ano ang mga ito? Karapatang Sosyo-ekonomik
Karapatan ng akusado
Ano ang unang klasipikasyon? Karapatang Politikal- kapangyarihan ng
mamamayan na makilahok, tuwiran
man o hindi, sa pagtatag at
pangangasiwa ng pamahalaan.

Ano yung naintindihan niyo pag sinabing Maaari kang makilahok sa pampulitikal na
karapatang politikal? organisasyon o kahit tumakbo bilang pinunu
o maging miyembro ng politikal. Mayor, vice
mayor, senator at iba pang posisyon.

Ano naman ang pangalawang Karapatang Sibil- mga karapatan na


klasipikasyon ng constitutional rights? titiyak sa mga pribadong indibidwal na
maging kasiya-siya ang kanilang
pamumuhay sa paraang nais nang hindi
lumalabag sa batas.

Ano ang pagkakaintindi niyo sa Ang bawat indibidwal po ay may karapatang


karapatang sibil. Ipaliwanag? maging pribado ang kanilang buhay. Hindi po
lahat ay maaaring sabihin sa kahit sinong tao.

Mahusay.

Ang pangatlong klasipikasyon naman ng Karapatang Sosyo-ekonomik – mga


constitutional rights ang karapatang karapatan na sisiguro sa katiwasayan
Sosyo-ekonomik. Ano ang ibig sabihin ng buhay at pang-ekonomikong
nito? kalagayan ng mga indibidwal.

Maaari bang ipaliwanag kung ano ang Isa sa mga halimbawa ng karapatang sosyo-
sosyo-ekonomik? ekonomiko ay ang karapatan sa pagkakaroon
ng kabuhayan. Karapatan ng bawat tao na
mabuhay at magkaroon ng hanap buhay
upang matustusan ang kanilang pang araw
araw na gastusin at pangangailangan.

Tama!

At ano naman ang pang huling Karapatan ng akusado – mga karapatan


klasipikasyon ng constitutional rights? na magbibigay – proteksyon sa
indibidwal na inakusahan sa anuman
krimen.

Ano ang pagkakaintindi niyo sa huling Ipinapaliwanag rito na kahit ang taong
klasipikasyon ng constitutuional rights? mahihirap ay may karapatang magkaroon ng
karapatang ipaglaban ang sarili sa anumang
klase ng krimen.

Paano nila ipalalaban ang kanilang sarili? May karapatang siyang manahimik at kumuha
ng abugado upang ipagtanggol ang sarili.

Paano kung wala silang sapat na Kung walang kakayahang umupa ng


kakayahan o pera para kumuha ng abogado ang isang akusado, ay may
abogado? karapatan siyang pagkalooban ng gobyerno
ng isang abogado.

Saan sila kukuha ng abogado na Mayroong tinatawag na PAO o Public


ipinagkaloob ng gobyerno? Attorney’s Office na kung saan ay libreng
serbisyo ang ipinamimigay nila sa mga
walang kakayahang umupa ng abugado.

Mahusay! napakagaling ng iyong


pagpapaliwanag.

Ngayon naman ay alamin natin ang Statutory rights – mga karapatang


panghuling uri ng karapatan, ang kaloob ng binuong batas at maaaring
statutory rights. Ano ang ibig sabihin alisin sa pamamamagitan ng
nito? panibagong batas.

Tama! Halimbawa nito ay karapatang


makatanggap ng minimum wage.
Halimbawa, 350 ang minimum wage sa
lungsod ng Maynila, hindi makatarungang
makatanggap ng 250 na minimum wage
ang isang manggagawa.

Naintindihan ba ang uri ng mga Opo mam.


karapatan at ang mga klasipikasyon nito?

D. Paglalagom

Meron akong bilog na bagay dito ako ay


magpapatugtog ng masiglang musika at
ito ay inyong sasabayan. Habang
tumutugtog ang musika ay pagpapasahan
niyo ang bilog na bagay, kapag tumigil
ang musika kung sino ang may hawak ng
bilog na bagay ay siyang pupunta sa
harapan upang bubunot ng isang larawan
sa kahon at ilagay kung saang uri ng
karapatan ito matatagpuan.

Handa na ba kayo aking mag-aaral? Handa na po ma’am.

(playing the music) Mga Larawan:

Opo ma’am.

Naintindihan niyo ba ang ating aralin


ngayong araw?

Mahusay! Natural Rights


Constitutional Rights
Ano ulit ang tatlong uri ng karapatan? Statutory Rights

Tama! Magaling! Palakpakan natin.

Ngayon hahatiin ko kayo sa apat na


grupo, pumili ng isang lider ang bawat
pangkat at bumunot dito sa harapan.
(Bubunot ang lider kung anong aktibidad
ang gagawin; dalawang grupo ang
gagawa ng awitin tungkol sa karapatang
pantao at dalawang grupo naman ang
gagawa ng maikling spoken poetry para
din sa karapatang pantao.) (pagkatapos ng sampung minuto ay aawit
ang mga bata at mag i spoken poetry)
Bibigyan ko kayo ng sampung minuto
para makapag handa. Sa loob ng
sampung minuto ating tutunghayan ang
inyong inihanda.

Napakahusay! Lahat kayo ay magagaling!


Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili. Wala na po ma’am.

May mga katanungan pa ba?

E. Pagtataya

Maghanda ng kalahating papel at sagutin


ang tanong na ito.
Tanong:
Bilang isang mamamayang Pilipino, paano
mo pahahalagahan ang mga karapatang
pantao na ibinibigay sa’yo ng estado?

V. Takdang Aralin
Pumili ng isang uri ng karapatang pantao at gawan ito ng sariling komposisyong
slogan.

Prepared by: Checked by:

Tonibeth C. Castillanes NOVA U. ILUMIN


BSE IV – Social Studies Major Master Teacher I, AP Dept.

Noted:

ZOSIMA IRENE H. FERNANDEZ FEBE N. JUAN


Head Teacher III, AP Dept. Principal IV

You might also like