You are on page 1of 8

FILIPINO 7

IKATLONG MARKAHAN
Unang Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Kristelle C. Donasco

Evaluator: Carlos Tian Chow C. Correos
Learning Area Supervisor: Carlos Tian Chow C. Correos

Illustration Credits:
Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Graphics: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

Kasanayang Pampagkatuto:

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono,
diin, antala).
F7PN-IIIa-c-13

Mga Layunin: Sa pagtatapos ng linggong ito, ikaw ay inaasahang:

A. Nabibigyang kahulugan ang iba‘t-ibang uri ng ponemang suprasegmental
B. Nagagamit nang wasto ang mga salita na may iba’t ibang kahulugan
C. Napahahalagahan ang mga paraan ng pagbigkas ng mga salita ayon sa
wastong diin, haba, tono at antala

Mga Gawain ng Mag-aaral

Alamin:

Sa paggamit ng ponemang suprasegmental, malinaw na naipapahayag ang damdamin,

saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita upang madaling matukoy ang kahulugan,
layunin o intensiyon ng nagsasalita..

Sa ponolohiyang Filipino, may tinatawag ding ponemang suprasegmental.

May tatlong uri ng ponemang suprasegmental: (1) intonasyon o tono; (2) diin at haba;
(3) hinto/antala. Isa-isa nating pag-usapan ang nasabing mga ponemang suprasegmental.

1. Intonasyon o Tono

Ang intonasyon o tono ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas

ng pantig ng salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita upang higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap maging ang mga ito man ay magkapareho ng
baybay.

Ang pagsasalita ay tulad din ng musika na may tono- may bahaging mababa,
katamtaman, mataas o mataas na mataas.

Upang higit nating maunawaan ang tono narito ang ilang halimbawa at
pagpapaliwanag. 2
a. ) 3 b.) 3
2 pon 2 ha
ka 1 ka 1
ha pon

4= pinakamataas
3= mataas
2= katamtaman
1 = mababa

Sa kahapon (a) ang nagsasalita ay nagdududa o nagtatanong, samantalang sa kahapon

(b) ito ay nagsasalaysay. Ito ay dahil sa tono. Sa nabasang halimbawa, nakitang sadyang
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
makahulugan o ponemiko ang tono bilang suprasegmental. Naroon ang diwa ng salitang
kahapon na ang ibig sabihin ay nagdaang araw. Ngunit dahil sa tono, nagkaroon ito ng
dagdag na diwang ibig ipahatid ng bumigkas: nagtatanong o nagdududa na humihingi ng
kasagutan sa kausap.

Narito ang iba pang halimbawa:

Ang ganda ng dalaga? (Nagtatanong/Nagdududa)
Ang ganda ng dalaga. (Naglalarawan)
Ang ganda ng dalaga! (Nagpapahayag ng kasiyahan)

2. Diin at Haba

Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng nagsasalita sa patinig ng

pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.

Ang Filipino batay sa Tagalog (buhat sa angkang Malayo Polinesyo) ay sinasabing

syllable-timed, samantala ang Ingles buhat sa angkang Indo-Europeo ay sinasabi namang
stress-timed. Samakatuwid, higit na mahalaga sa Filipino ang haba sa pagsasalita. Ang
salitang kasama (companion) ay salitang malumay na ang diin ay nasa penulitimang pantig
na ang ibig sabihin, ang pantig na /a/ sa pantig na sa ay higit na mahaba ang nagiging bigkas
kaysa dalawang patinig na /a/ sa mga pantig na ka-at-ma.

Subuking alisin ang haba ng patinig sa pantig na sa at mababago ang kahulugan ng

salita - hindi na companion kundi tenant na sa ibang salita.

Halimbawa:
/kasah.ma/ = companion
/kasama/ = tenant
/magnana.kaw/ = thief
/magna.na.kaw/ = will steal
/magna.nakaw/ = will go on stealing
3
Iba pang mga halimbawa:

a.) /BU:hay /=kapalaran ng tao /bu:HAY / = humihinga pa lamang

b.)/ LA:mang/ =natatangi /la:MANG /= nakahihigit; nangunguna

3. Hinto o Antala

Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi kolon, at sesura sa pagsulat
upang maipakita ito.

Halimbawa:
Hindi maganda. (Sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
Hindi, maganda. (Pinasubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito.)

Karagdagang Kaalaman:

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
{ }= nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang kahulugan
ng salita
// = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay
waring may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas

Halimbawa: /SU:ka?/ =vinegar

/BA:ga?/ = lungs
/ BA:ta?/ = child

h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang

hangin mula sa bunganga

Halimbawa: /SU:kah/ = vomit

/BA:gah/ = for instance, or for example (for explaining
something)
/ BA:tah/ = robe, damit na sinusuot upang di malamigan

: = banayad na pagbigkas na siyang ginagamit sa pagtukoy sa haba

sa pagbigkas ng salita
. = ang kagyat na pagbigkas ng salita

Halimbawa:
/ bu:hay/ = magiging mahaba ang pagbigkas sa bu
kapag ang tinutukoy na kahulugan ng salita
ay life
4
/ bu.hay/ = ay mabilis ang pagbigkas sa salitang bu at ito ay
nangangahulugang humihinga pa.
/ pu:no?/ = tree
/ pu.no?/ = full
/ ta:nan/ = umalis nang walang paalam
/ta.nan/ = nangangahulugang lahat sa Cebuano na
tanggap na sa Filipino

Gawain 1.

Panuto: Ibigay ang sariling kahulugan ng sumusunod na mga salita batay sa naintindihan sa
talakayan.

Salita Kahulugan

1. Intonasyon o Tono
2. Diin
3. Hinto o antala
4. Ponemang Suprasegmental
5. Haba

Gawain 2.
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Panuto: Pumili ng tamang salita na nasa unahan ng bawat bilang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
(LI:gaw ; liGAW) 1. Mga ________ na bulaklak ang ibinigay niya kay Rica nang
umakyat siya ng __________.

(BANG:ko ; bangKO) 2. Mahaba ang ________ na inupuan ko sa _________ na

aking pinuntahan.

(BA:ga ; baGA) 3. Nadarang si Inay sa mainit na _________ kaya sumakit ang

kanyang ___________.

(PA:so ; paSO) 4. Nabasag ang ________ at tumama sa aking paa na may

_________.

(LA:ta ; laTA) 5. Naging ________ ang sinaing nang lutuin sa _________.

5
Gawain 3.
Panuto: Sumulat ng isang talata gamit ang mga salitang may tamang diin, tono at antala.
Ang talata ay maglalaman ng kasagutan sa tanong na nasa ibaba..

Sa iyong palagay, ano kaya ang kahalagahan ng paggamit ng tamang diin, tono at antala sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan?

_____________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.

Pagsusulit

Panuto: Piliin ng angkop na salita na nasa unahan ng bawat bilang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

(BA:lat ; baLAT) 1. Nagkaroon siya ng __________ sa kanyang __________ nang

mahiwa ito ng kutsilyo.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
(ha:MON ; HA:mon) 2. Isang _________ ang pakikipag-agawan ng __________
tuwing papalapit na ang pasko.

(A:so ; a:SO) 3. Maingay ang mga _________ nang makakita sila ng

kakaibang _________.

(SA:ya ; sa:YA) 4. Labis ang kanyang ________ noong nakatanggap siya ng

regalong ________ mula sa kanyang ina.

(LA:mang ; la:MANG) 5. Madaling mababawi ng kalaban, kung pito

__________ ang __________. 

6
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1.

Hanay A
1. Intonasyon o Tono Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa
pagbigkas ng pantig ng salita na maaaring makapag-iba sa
kahulugan ng mga salita.
2. Diin Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
3. Hinto o antala Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
4. Ponemang Upang malinaw na naipapahayag ang damdamin, saloobin at
Suprasegmental kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita upang madaling
matukoy ang kahulugan, layunin o intensiyon ng nagsasalita.
5. Haba Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng nagsasalita
sa patinig ng pantig ng salita.

Gawain 2.

1. liGAW, LI:gaw
2. bangKO, BANG:ko
3. baGA, BA:ga
4. paSO, PA:so
5. laTA, LA:ta

Gawain 3.

Posibleng Sagot
Mahalaga ito upang makatulong kung paano bigkasin ng wastong tono, diin at antala ang
mga salita upang maipahayag ang damdamin o kahulugang nais mong ipabatid sa iyong
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
pakikipag-usap. Maaaring malito ang iyong kausap kung mali ang pagkabigkas mo ng salita,
maaaring mag iba ang kahulugan nito at magiging umpisa ng hindi pagkakaintindihan.

Sanggunian

Aklat:

Ipi-it, Marilyn S. et.al. Panitikang Rehiyonal - Kagamitan ng Mag-aaral (Ikapitong

Baitang). Pasig City: FEP Printing Corporation. 2017. pahina 200-201.

Santiago, Alfonzo D. 1995, Panimulang Lingguistika, Rex Book Store, Lungsod ng Quezon

Internet:

https://www.scribd.com/doc/146499487/Banghay-Aralin

https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-2.pdf

https://studylib.net/doc/25262845/ponemang-suprasegmental

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ponemang-suprasegmental-gr9powerpoint-
presentation

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
8

You might also like