You are on page 1of 4

Ang aking maikling komposisyon

Ang mga salita, sa alam nating lahat ang mga salita- na isang
natatanging maka- buluhang elemento ng pananalita o pagsulat, na
ginagamit kasama ng iba (o kung minsan ay nag-iisa) upang bumuo ng
isang pangungusap at karaniwang ipinapakita na may puwang sa
magkabilang panig kapag nakasulat o nakalimbag. -ay maaaring
magkaroon ng iba't ibang kahulugan depende sa paraan ng paggamit nito
ng isang tao sa kanyang pangungusap. Ang kahulugan ng salita sa isang
pangungusap ay maaring maging ang pormal, ang di pormal, ang
konotasyon at o naman ang denotasyon na kahululugan ng salita. Kaya
ngayon upang mas maunawaan natin ang mga nagbabagong kahulugan ng
salita na naka depende sa pagagamit nito sa isang pangungusap, sa
sanaysay na ito ako ay magtatalakay tungkol sa mga pormal, di pormal,
konotasyon at o denotasyon na kahululugan ng isang salita. Ang salita na
aking gagamitin sa aking pagtatalakay sa ito ay ang salitang “sakripisyo”.
Kaya ngayon nang walang karagdagang pamamaalam, sumisid na tayo
ngayon sa ating isasagawa na talakayan. Sa sanaysay na ito tayo ay
magsisismula muna sa pormal, pa punta sa di pormal, susunod sa
konotasyon naman at magtatapos sa pagtatalakay ng denotasyon na
kahulugan ng salita. Una, ang pormal na kahulugan ng isang salita. Ang
isang pormal na kahulugan ng isang salita ay batay sa isang maigsi, lohikal
na pattern na kinabibilangan ng maraming impormasyon hangga't maaari
sa loob ng pinakamababang halaga ng espasyo at ang isang pormal na
kahulugan ng salita din ay binubuo ng tatlong bahagi ang termino (salita o
parirala) na tutukuyin, ang klase ng bagay o konsepto kung saan
nabibilang ang termino at, ang pagkakaiba-iba ng mga katangian na
nakikilala ito mula sa lahat ng iba pang mga klase nito. Gamit ang
ganitong depenisyon, ang pormal sa kahulugan ng salitang sakripisyo ay “
Ang sakripisyo (termino) ay isang gawa (klase) ng pagkatay ng hayop o
tao o pagsuko ng pag-aari bilang handog sa Diyos o sa isang banal o
supernatural na pigura (nagkakaibang mga katangian)- ito ang pormal na
depenisyon ng salitang sakripisyo sapagkat mayroon ito ng tatlong bahagi
na bumubuo ng isang pormal na kahulugan- an ang termino (salita o
parirala) na tutukuyin, ang klase ng bagay o konsepto kung saan
nabibilang ang termino at, ang pagkakaiba-iba ng mga katangian na
nagpapaiba nito sa lahat ng iba pang klase nito-“. Isang halimbawa ng
paggamit nitong kahulugan sa isang pangungusap ay "Sa kabuuan ng
sanaysay na ito, ang terminong sakripisyo (termino) ay isang gawa (klase)
ng pagkatay ng hayop o tao o pagsuko ng pag-aari bilang handog sa Diyos
o sa isang banal o supernatural na pigura (nagkakaibang mga katangian)”.
Ngayon na tapos na ang pagtatalakay sa pormal na kahulugan ng isang
salita ay lumipt naman tayo sa di pormal na kahulugan ng iisang salita.
Pangalawa, ang di pormal na kahulugan ng isang salita. Sa isang Impormal
na Kahulugan, ang manunulat ay gumagamit ng mga kilalang salita o
halimbawa upang ipaliwanag ang isang hindi kilalang termino. Ang mga
kahulugang ito ay maaaring kasingkahulugan o kasalungat na ipinakilala
ng o, sa madaling salita, o katulad. Maaari rin itong itakda, pagkakatulad,
o paglalarawan. Ang di pormal na depinisyon ng salitang sakripisyo ay
“Ang sakripisyo kilala din bilang pagsuko at pagkawala, ay isang pagkilos
ng pagsuko ng isang bagay na pinahahalagahan para sa ibang bagay na
itinuturing na mas mahalaga o karapat-dapat.-ito ay ang di pormal na
depenisyon ng salita sapagkat gumagamit ito ng mga kilalang salita o
halimbawa upang ipaliwanag ang isang hindi kilalang termino-“. Isang
halimbawa naman ng paggagamit ng isang impormal na kahulugan ng
salita na sakripisyo sa isang pangungusap ay “ Sinabi sa balita na
maraming tao sa panahon ng digmaan ang kailangang gumawa ng
maraming sakripisyo; marami ang naawa sa kanila nang malaman nila
kung paano nila kinailangan na itakwil ang kanilang masayang buhay,
isuko ang kanilang lupain, at sumuko sa makapangyarihan upang mabuhay
lamang.”. Ngayon na tapos na tayo sa di pormal na kahulugan ng isang
salita ay magpatungo naman tayo sa pagtalakay naman ng konotasyon na
kahulugan ng isang salita. Pangatlo, ang konotasyon na kahulugan ng
isang salita. Ang konotasyon na kahulugan ng isang salita ay ang literal na
kahulugan ng isang salita kasama ng mga damdaming nauugnay sa salita.
Ang konotasyon ay ang pansariling kahulugan ng isang salita, o nauugnay
sa karanasan ng isang indibidwal. Ngayon basi sa kahulugan na naibigay,
ang kontasyong kahulugan ng salitang sakripisyo ay” isang gawa ng
pagsasakripisyo ng isang bagay na mahalaga para sa isang mas
makabuluhan o kapaki-pakinabang na prinsipyo, paniniwala, o layunin- ito
ay ang konotasyong kahulugan ng salitang sakripisyo dahil ay ang
pansariling kahulugan ng isang salita, o nauugnay sa karanasan ng isang
indibidwal. –“. Isang halimbawa naman ng paggagamit ng isang
konotasyon na kahulugan ng salita sa isang pangungusap ay “Sa labanan
ng unang digmaang pandaigdig, sa panahon na maraming mga bansa ang
nagkakasalungatan sa isat-isa, napakaraming mga kawal ang kinailangang
isakripisyo ang kanilang sariling buhay upang tapusin ang digmaan at
maibalik ang kapayapaan sa kanilang bansa.”. Magpapatuloy na tayo,
ngayon na na natapos na ang pagtatalakay sa pormal, di pormal at
konotasyong kahulugan ng salitang sakripisyo ay magtalakay na naman
tayo sa panghuli na kahulugan ang denotasyon na kahulugan ng isang
salita. Panghuli, ang denotasyon na kahulugan ng mga salita. Ang
denotasyon na kahulugan ng isang salita o parirala ay ang tahasan o
direktang kahulugan nito. Ang isa pang paraan upang isipin ito ay ang mga
asosasyon na karaniwang ibinubunga ng isang salita para sa karamihan ng
mga tagapagsalita ng isang wika, na nakikilala sa mga itinatangi para sa
sinumang indibidwal na tagapagsalita dahil sa personal na karanasan. O sa
madaling salita ang denotasyon ay ang kahulugan ng diksyunaryo o literal
na kahulugan lamang ng isang salita at hindi emosyon o damdamin ang
nauugnay sa salita. Ngayon base sa nasabi kanina ang denotasyon ng
salitang sakripisyo ay “Ito ay isang pagkilos ng pagkatay ng hayop o tao o
pagsuko ng pag-aari bilang handog sa Diyos o sa isang banal o
supernatural na pigura- ito ay ang kontasyon ng salitang sakripisyo
sapagkat ito ay ang nagbibigay ng literal na kahulugan ng isang salita., o
sa madaling salita, ang pangungusap na ito ay nagbibigay nang layunin na
kahulugan ng isang salita, o ang kahulugan na pinakapinagkasunduan ng
mga iskolar na hindi batay sa personal na karanasan.-“.Isang halimbawa
ng pagamit ng konotasyon na kahulugan ng salita sa isang pangungusap ay
“Sa isang partikular na bansa sa timog-silangang asya ay nanirahan ang
isang tribo ng mga tao na naniniwala na ang paggagawa ng isang
sakripisyo para sa mga diyos sa itaas sa kalangitan ay magbibigay sa
kanila ng ulan, magpapayaman ng lupa nila at magpapasagana ng kanilang
ani.”. Ngayon na natapos na natin ang talakayan, masasabi na natin na sa
kabuohan ang mga salita nga ay mayroong ibat ibang mga kahulugan na
nakadepende sa kung paano ito ginagamit ng tao sa isang pangungusap
pero kung tatandaan lang natin ang mga natatanging mga katangian ng
mga pormal, di pormal, konotasyon at denotasyon na kahulugan ng mga
salita ay hindi maghihirap para malaman ang mga depenisyon ng mga
salita na gimnamit. Sa layunin na ito ay natapos na natin ang ating
talakayan, kaya sa lahat ng nasabi tinatapos ko na ang talakayang ito at ito
nga pala ang iyong host na nagsa-sign out at nagsasabi na sana ay may
naituro sa iyo ang talakayang ito. paalam at salamat sa pagbabasa. The
End.

PERFORMANCE
TASK SA PAGBASA
AT PAGSUSURI SA
IBAT IBANG
TEKSTO:

Maikling komposisyon na
nagbibigay ng depenisyon sa
salitang sakripisyo.

IPINASA NI; ROMCESE DAVID M.


GABUNILAS
NG GRADE 11-SERVICE STEM STRAND
IPAPASA KAY; JAYMAR Q. SALBORO

You might also like