You are on page 1of 25

BARANGAY 11

DIGI TOOLS MODULE

Inihanda ni Marion Abilene R. Navarro


Para sa Barangay 11, Zone 1, Caloocan

Bilang requirement sa BS 185: Applied Community Studies


Isinumite kay: Prop. Jocelyn Del Mundo, PhD
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 2

Panimula
Ano ang Digital Tools?
Ang digital tools ay mga online resources na maaring gamitin upang mapadali ang mga gawain.
Ito ay maaaring mga website, applications, o programs. Maraming mga digital tools ang
maaaring ma-download nang libre, habang ang ilan naman ay mayroong fee.

Bakit Mahalaga ang Digital Tools?


Mahalaga na matutunan ang paggamit ng digital tools dahil sa panahon ngayon, mabilis na ang
pag-unlad ng teknolohiya. Kasabay nito, mas nagiging komplikado na ang mga gawaing dapat
matapos sa mas maikling panahon. Sa pamamagitan ng mga digital tools, mapapabilis ang mga
proseso.

Bukod dito, mahalaga na ang pakikipag-collaborate gamit ang online at remote tools dahil
ipinagbabawal ang face-to-face interactions ngayong pandemiya.

Mayroong iba’t ibang halimbawa ng digital tools para sa iba’t-ibang pag gagamitan. Ang mga
sumusunod ay ilang halimbawa:
● Upang makipag-collaborate sa iba sa paggawa ng dokumento:
○ Google Docs
○ Google Slides
○ Google Sheets
● Upang kumalap ng impormasyon:
○ Google Forms
○ SurveyMonkey
● Upang Mag-share ng mga downloadable files:
○ Google Drive
○ Dropbox
● Upang gumawa ng mas maikling url o mag-rename ng mga link:
○ Bit.ly
● Upang Gumawa ng mga poster
○ Canva
● Upang Mag-schedule ng mga meeting:
○ When2Meet
○ Calendly
● Upang gumawa ng mga to-do list:
○ Trello
○ Evernote
● Upang makipag-interact sa iba:
○ Jamboard

Sa module na ito, matututunan ang paggamit ng basic digital tools na madalas gamitin sa
panahon ng pandemiya.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 3

Ilang mga Digital Tools


Ano ang Google Forms?
Ang Google forms o “G-Forms” ay isang digital tool na ginagamit sa paggawa ng mga sarbey o
quiz. Ito ay libreng gamitin, at ang kailangan lamang ay gumawa ng google account. Ilang
halimbawa ng gamit ng G-forms ay:
● Research questionnaire
● Sign-up Form
● Order Form

📌 Paano ito maaaring gamitin sa serbisyo publiko?


Ang google forms ay ginamit para sa profiling noong simula ng pandemiya. Para sa barangay
maaari itong gamitin para sa mga registration form, request for documents, atbp.

Mahalagang paalala: Iwasang humingi ng sensitibong impormasyon sa Google Forms tulad na


lamang ng passwords o bank details.

Paano gumawa ng Google Forms?


1. Mag log-in sa iyong Google account. Kung kaninong email ang nakalog-in, iyon ang
magiging “owner” ng google form at magkakaroon ng kakayahan na mag-edit ng forms.
Para sa barangay, maaring gamitin ang official email ng barangay.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 4

2. Pumunta sa forms.google.com at pumili ng templates o piliin ang “blank” upang gumawa


ng blankong form.

3. Matapos i-click ang “blank” ganito ang lalabas:


DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 5

4. Maglagay ng titulo ng iyong form sa pinaka-unang patlang kung saan nakalagay ang
“Untitled Form”. Maari ring maglagay ng instructions sa patlang para sa “Form
description”.

5. Matapos nito, maari mo na ilagay ang iyong unang tanong. Pumili ng uri ng tanong mula
sa drop down list
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 6

Short answer - ginagamit ito upang humingi ng basic


information tulad ng pangalan, address, contact details, o
iba pang mga sagot na hindi lalampas sa isa o dalawang
pangungusap.
Paragraph - ito ay ginagamit para sa mga tanong na
humihingi ng mahabang paliwanag tulad ng essay.
Multiple choice - ito ay ginagamit kung may pagpipilian ng
tamang sagot sa ilang choices at iisa lamang ang maaring
piliin.
Checkboxes - ito ay ginagamit kung may pagpipilian ng
mga karaniwang sagot at maaring pumili ng higit sa isang
sagot. Maari ring maglagay ng “other” kung saan maaring
mag-input ng sagot na wala sa mga pagpipilian.
Dropdown - ito ay ginagamit kung mayroong mahabang
listahan ng mga pagpipilian at iisa lamang ang maaring
piliin.
File upload - ito ay ginagamit upang humingi ng
dokumento o litrato sa sasagot. Maaring iadjust ang
settings nito upang limitahan ang uri ng file na maaring
isumite (pdf, word, png, etc), laki ng file size (500 MB, 1
GB, etc.), o bilang ng dokumento (isang attachment
lamang, 2 attachment, etc.)
Linear scale - ito ay ginagamit upang i-rank ang isang
bagay. Ito ay madalas na ginagamit sa mga feedback and
evaluation form o sa research questionnaire. Halimbawa:
mula 1 hanggang 5 gaano ka ka-kuntento sa serbisyo ng
barangay?
Multiple choice grid - ito ay ginagamit kung mayroong
isang scale para sa dalawa o higit pang tanong. Ang mga
katanungan ay ilalagay sa row at ang pagpipilian naman
ay sa column. Para sa bawat tanong, isa lamang ang kasagutan maaring piliin.
Checkbox grid - ito ay ginagamit kung mayroong isang scale para sa dalawa o higit pang
tanong. Ang mga katanungan ay ilalagay sa row at ang pagpipilian naman ay sa column. Para
sa bawat tanong, maari pumili ng higit sa isang sagot.
Date - ito ay ginagamit kung ang impormasyon na hinihingi ay itatala sa kalendaryo, tulad ng
date of birth, preferred schedule for meeting, atbp.

6. Kung mahalaga ang impormasyon, pindutin ang “required”. Ang lahat ng tanong na may
markang “required” ay hindi maaaring i-skip ng sasagot.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 7

7. Kung nais mong i-copy ang format ng tanong, maaring pindutin ang “duplicate”

8. Kung nagkamali, maaring i-edit ang tanong, double click lamang ito. Subalit kung nais
tanggalin ang tanong, i-click ang “delete”.

9. Kung nais maglagay ng larawan kasama ang tanong iclick ang “image” at pumili ng file.
Ang file ay maaring galing sa iyong google drive, galing sa iyong computer storage, o url
galing sa google.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 8

10. Kung nais magdagdag ng bagong tanong i-click lamang ang “add question button” at
ulitin ang steps 1 to 9.

11. Kung nais gumawa ng bagong section para sa bagong set ng mga katanungan pindutin
ang “new section”

Paano pagandahin ang Google Forms?


1. Piliin ang “customize theme” button sa itaas ng google form. Matapos ito i-click, lalabas
ang customize theme options
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 9

2. Pumili ng larawan para sa header, kulay ng forms, at font style!

Mahalagang Settings sa Google Forms


1. I-click ang settings button sa itaas ng google forms
2. Kung nais mo bigyan ng kopya ang nagsagot, i-click ang “collect emails” at ang
“response receipts”. Matapos mag-sagot ng respondent, siya ay makakatanggap ng
kopya ng kaniyang form sa email.
3. Kung nais mo limitahan ang beses ng pagsagot, maaring pindutin ang “limit to 1
response” para ang bawat email ay maari lamang magsagot nang isang beses.
4. Kung nais mo payagan ang mga respondent na i-edit ang kanilang mga sagot kahit na
na-click na nila ang “submit” button, markahan ang “edit after submit”.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 10

Humingi ng tulong sa paggawa ng Google Forms


Maaring i-edit ng dalawa o higit pang tao ang google form nang magkasabay. I-click lamang ang
“send” button at pindutin ang “add collaborators”. Ilagay ang email ng iyong mga collaborators
upang sila ay makapag-edit.

Humingi ng tulong sa paggawa ng Google Forms


Pagkatapos gawin ang form, isend ang google form sa pamamagitan ng pag-click sa “send” at
pindutin ang URL icon
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 11

Matapos nito, maari mo nang i-copy ang link ng iyong google form. Dahil mahaba ang mga URL
(link) ng mga dokumento sa Google workplaces (Google forms, docs, sheets, atbp.) maaring
gumamit ng link customizer tulad ng bit.ly. Ito naman ang susunod nating tatalakayin.

Isara ang Google Forms


Pagkatapos ng pagpapasagot ng form, isara ang tab sa pamamagitan ng mga sumusunod na
hakbang:
1. Pumunta sa form at piliin ang responses Tab

2. Pindutin ang slider/button na “Accepting responses”. Sarado na ang forms


3. Kung nais buksan muli ang form, pindutin lamang ito uli.

Ano ang Bit.ly /bit-lee/ ?


Ang biy.ly ay ginagamit upang i-customize ang mga URL (link) upang mas madaling tandaan o
kopyahin. Maaring paikliin lamang ang mga link o gumawa ng custom name para dito.
Mahalaga ang paggamit ng URL customizer tulad ng bit/ly para kung maraming pagpipilian, ay
malinaw kung ano ang link na gagamitin.

📌 Paano ito maaaring gamitin sa serbisyo publiko?


Sa panahon ng pandemiya, rumami ang mga lungsod na gumagamit ng iba’t-ibang forms para
sa pre-registration ng bakuna. Dahil sa rami ng mga URL o link para sa forms, kailangan lagyan
ng customized links ang mga form upang hindi malito ang mga magsasagot.

Halimbawa, sa larawan sa baba mula sa Inquirer.Net, makikita na gumawa sila ng listahan ng


pre-registration forms ng iba’t-ibang lungsod. Maiiwasan ang pagkalito kung mayroong
customized URL ang mga form na ito.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 12

Credits to: Inquirer.Net

Paano gamitin ang Bit.ly?


1. Pumunta lamang sa https://bitly.com/ at i-click ang “sign up”

2. Lalabas ang mga paid plans ng bit/ly. Huwag matakot! May libreng version ito, i-click
lamang ang free “here”.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 13

3. I-click ang sign-up with google upang maiwasan na malimutan ang account.

4. Matapos gumawa ng account, i-click ang “create”


DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 14

5. Lalabas ang create link dialog box, kung saan i-paste ang link ng iyong
file/website/form/etc.

6. Matapos i-paste ang orihinal na link, i-click ang “create”.


7. Maaring iedit ang pangalan ng link.

Maari mo nang i-send ang link ng iyong form! Kung marami na ang nakasagot sa iyong form,
maaari mo na ito makita sa google Forms. Maari ka ring magdownload ng spreadscheet
(halimbawa: .xslx) ng mga form response upang mas madali itong makita.

Ano ang Google Sheets?


Ang Google sheets ay isang digital tool na kabilang sa Google Workspaces, tulad ng Google
Forms na tinalakay sa unang bahagi ng module. Ito ay maihahalintulad sa Microsoft Excel. Ang
pinagkaiba ng pag-gamit ng MS Excel sa G-sheets ay ang google workspaces ay naeedit
kasama ang ibang collaborators, kung nanaiisin. Ang file din ay automatic na nasi-save sa iyong
Google drive, kaya kahit pindutin ang close button, hindi mawawala ang iyong gawa. Ang
spreadsheets ay mahalaga sa mga sumusunod na gawain:
● Pagbuo ng masterlist
● Paggawa ng sign-up sheets

📌 Paano ito maaaring gamitin sa serbisyo publiko?


Sa pag-distribute ng SAP, gumawa ang lungsod ng masterlist ng mga kwalipikado sa bawat
barangay.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 15

Ang masterlist na ito ay nakasave bilang PDF, subalit para magawa ang ganitong listahan,
maaring gumamit ng Microsoft Excel o Google Sheets. Madalas, ang ginagawang proseso ay
magsusumite ng listahan ang barangay sa opisina ng lungsod na siyang magco-compile nito sa
isang Excel file. Maaaring mapabilis ang prosesong ito sa pamamagitan ng Google Sheets kung
saan maaring mag-edit nang sabay sabay ang mga barangay officials.

Mahalagang paalala: Upang alagaan ang data sa sheets, maaring mag-”assign” lamang ng
sheet sa piling mga email. Ibig sabihin nito, kung sino lamang ang email na naka-imbita sa
Google sheet, iyon lamang ang email na may kapangyarihang mag-edit ng file.

Paano gumawa ng Google Sheet mula sa Google Forms?


Kung ang pangunahing layunin ay makita ang responses sa Google form, maaring gawin ang
mga sumusunod na hakbang:
1. Buksan ang iyong google form. Sa itaas ng google form, makikita ang dalawang tab:
Questions at responses. Pindutin ang “Responses”

2. I-click ang “Spreadsheet” icon (kulay green) sa itaas na bahagi ng google Forms.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 16

3. Magbubukas na ang spreadsheet!

Paano gumawa ng Google Sheet na blanko?


Kung nais naman ng blankong spreadsheet, sundin ang mga sumusunod na hakbang.
1. Mag-log-in sa iyong Google account at pumunta sa sheets.google.com.
2. Maaring pumili ng templates o blankong spreadsheet. Kung nais ang blankong
spreadsheet, pindutin ang “Blank”

3. Lagyan ng file name ang iyong spreadsheet, sa pamamagitan ng pag double-click sa


“untitled spreadsheet”
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 17

4. Ang ibang features ng spreadsheet ay katulad ng Microsoft Excel. Ang karagdagang


feature sa Google Sheets ay ang “add collaborators” kung saan maaring i-edit ng
dalawa o higit pang email ang isang spreadsheet. Upang gawin ito, pindutin ang “Share”

5. Ilagay ang email address ng nais mong magkaron ng kapangyarihan na mag-edit ng file.

6. Para sa karagdagang seguridad maaring pindutin ang settings button


DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 18

7. Tanggalin ang marka sa dalawang box. Kung tatanggalin ito, ikaw lamang ang maaring
pumili ng mga tao na makaka-edit ng dokumento. Ang mga “collaborators” ay hindi
maaring magbago ng sharing permissions o magdagdag ng iba pang email bilang
collaborator. Ang pangalawang box naman ay magtatanggal ng kapangyarihan ng mga
viewer at commenter na i-download o i-print ang file, pati na rin ang paggawa ng
duplicate file nito.

8. Kung nais magbigay ng limitadong akses sa mga editor/collaborator, maari mong


limitahan ang kanilang pag-eedit sa iisang tab lamang. Halimbawa, kung ang isang tab
ay para sa mga barangay officials lamang, maaring i-click and “down arrow” sa tabi ng
pangalan ng tab at pindutin ang “protect sheet”
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 19

9. Lalabas ang “permissions” dialog box. Pindutin ang “Set Permissions” button.

10. Kung nais mo na ikaw lamang ang makakapag-edit ng sheet na iyon, subalit maaring
i-edit ng iba ang mga natitirang sheet, pindutin ang “only you”

11. Kung nais naman payagan ang piling mga email, i-click ang “custom” at ilagay ang email
ng mga maaaring mag-edit ng piling tab.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 20

Ngayon na marunong ka na gumawa ng google forms at google sheets, mas madali mo nang
matututunan ang paggamit ng iba pang Google workspaces tulad ng google docs (halintulad sa
paggamit ng MS Words) at Google Slides (halintulad ng MS Powerpoint).

Tulad ng ibang google workspaces, ang additional feature ng dalawang digi tools ay ang
kakayahang mag-add ng “collaborators” na maaring mag-edit ng dokumento kasabay mo.
Automatic din ang pag-save sa mga edit ng lahat ng collaborator. Nakikita rin ang history kung
sino ang nag-edit at ano ang kanilang mga edit na ginawa, kaya hindi na kailangan mag-save
ng iba’t-ibang version ng iisang file.

Ngayon, tingnan natin kung paano gumawa ng mga poster o advertisement online gamit ang
Canva.

Ano ang Canva?


Ang Canva ay isang online digital tool na ginagamit upang mag-edit ng mga publication
materials na larawan (tulad ng posters, Facebook header, Instagram posts,etc.) o mga
publication materials na bidyo.

Madalas, gumagamit ng Adobe Photoshop o Adobe illustrator ang gumagawa ng posters dahil
sa maraming tools na pagpipilian dito. Subalit, para sa iba na nais gumawa online, maaring
gamitin ang Canva.

Ang Canva ay ginagamit sa mga:


● Infographic materials (tulad ng information campaigns tungkol sa bakuna, mga anunsyo,
atbp.)
● Paggawa ng Page Facebook header
● Paggawa ng mga poster para sa mga anunsyo
● Paggawa ng maiikling bidyo
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 21

📌 Paano ito maaaring gamitin sa serbisyo publiko?


Kung titingnan ang mga Official Facebook Pages ng mga lungsod, makikita na sila ay
naglalagay ng mga poster o infographics upang makuha ang atensyon ng mga Facebook User.
Kumpara sa simpleng text format, ang mga infographic ay maaaring maglaman ng mas
maraming impormasyon, at mas takaw-pansin sa paningin ng mga mamamayan.

Halimbawa, sa Official Facebook Page ni Mayor Oca, makikita ang Pinned post na ito:

Credits: Mayor Oscar "OCA" Malapitan Page

Mas madali makita ng mga Facebook users ang impormasyon na nasa larawan kumpara sa
mga naka-text lamang. Mas marami ring impormasyon ang mailalagay sa mga infographic tulad
nito.

Paano gumawa ng Poster sa Canva?


Para gumawa ng poster o infographic mula sa Canva, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
1. Pumunta sa https://www.canva.com/ at pindutin ang “sign up” button sa kanang itaas.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 22

2. Pindutin ang Sign up with Google

3. Maaring pumili ng template o gumawa ng bagong design. Maaring gamitin ang search
bar upang humanap ng mga template ayon sa iyong nais na gawin. Kung Facebook post
ang gagawin, maaring ilagay sa search bar ang “Facebook post” at lalabas ang mga
template na maaring pagpilian.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 23

4. Kung nais mo naman gumawa ng blankong poster, pindutin ang “Create a design”
button.

5. Lalabas ang mga “suggestions”, kung saan maaring pumili ng mga template. Kung nais
ng blankong design, sa pinakailalim ng suggestions dialog box ay mayroong “custome
Size” button (+).

6. Pindutin ang custom size at ilagay ang dimensions na nais, batay sa pag gagamitan.
Para sa dropdown box, maaring pumili kung pixels, inches, o centimeters ang sukatan
ng dimensions.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 24

7. Matapos ilagay ang dimensions, pindutin ang create new design at magbubukas ang
bagong tab kung saan maaaring mag-edit.

8. Pindutin ang bagong design at pumili sa taskbar sa kaliwa kung ano ang nais mo ilagay
na disenyo.

Elements - ito ang mga karagdagang disenyo tulad ng lines, shapes, drawings, at iba
pang mga stock photos at videos.
Uploads - kung nais gumamit ng sariling larawan, maaring pindutin ang upload at piliin
ang file na nais gamitin, i i-drag and larawan at i-drop sa window ng Canva. Pagka-load
nito ay maaari nang gamitin.
Text - pindutin ito kung nais magdagdag ng text, baguhin ang font style, font size, font
color o iba pang disenyo ng sulat sa poster.
Audio - para sa bidyo at GIF, maaaring pumili ng mga libreng background music.
Videos - para sa bidyo at GIF, maaring pumili ng mga stock video o libreng sample
videos.
9. Kung tapos na sa pag-edit, pindutin ang “download” at piliin ang format na nais. Ang
PNG ang pormat na “suggested” para sa mga online posting tulad ng Facebook, Twitter,
at Instagram. Maari ring gamitin ang JPG para sa mga larawan.
10. Hintayin ang download.
DIGI TOOLS MODULE | Marion Abilene R. Navarro | UP Manila | Page 25

Narito ang halimbawa ng isang simpleng poster na nagawa sa Canva. Ito ay ginawa lamang sa
loob ng limang minuto!

Ilan lamang ang mga digital tools na ito sa marami pang maaaring gamitin upang mapadali ang
mga gawain! Sana ay sa simpleng module na ito, ay may natutunan kang bagong digi tool na
angkop sa iyong pangangailangan. Para sa mga katanungan, maaring magpadala ng tanong sa
09561785323 o mrnavarro2@up.edu.ph.

You might also like