You are on page 1of 2

Kimberly T.

Lucenada
STEM – 12
Pagbasa at Pagsusuri Ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikalawang Linggo

Pagsasanay 3

Tekstong Impormatib
Ang virus na Covid-19 ay isang nakakahawang sakit na naipapasa sa
pamamagitan ng pagtalsik ng laway galing sa pag ubo at pagbahing. Ayon sa
Department of Health, ito ay nakamamatay. Upang makaiwas sa paglaganap nito,
mahalagang meron ka palaging face mask at face shield na suot.
Ako si Kimberly Lucenada, anak ni Ginoong Roland at Ginang Remelie
Lucenada ay isa sa nakaranas ng mga pagbabagong dulot ng pandemyang Covid-19.
Ako ay labinglimang taong gulang pa lamang ng magsimula ang paglaganap ng
Covid-19. Noong Marso 6, 2020 ang aking huling kaarawan na ipinagdiwang kasama
ang aking mga kaibigan. Ako ay unica hija ng aking mga magulang kaya’t nang
magsimula ang Covid 19 ay labis akong nakaramdam ng pagkabagot.
Ang aking pag-aaral ay isa rin sa naapektuhan ng pandemya. Online class (isang
plataporma ng pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit sa internet) at modular learning
(gumagamit ng mga nakalimbag na modyul at mga aklat) na lamang ang aking paraan
ng pag-aaral. Hindi ko rin naranasan ang pagtatapos.
Isa ang pamilya ko sa nakaranas ng hirap na dulot ng Covid 19. Nagpositibo ang
aming haligi ng tahanan na si Roland Lucenada. Ang mga sintomas nito ay hirap sa
paghinga, patuloy na pananakit at paninikip ng dibdib, pagkabalisa, kahirapan sa
pagtulog, pagtatae at pagsusuka. Sa kasamaang palad, nasawi ang aking ama na
labanan ang sakit na ito.
Malaki ang epekto ng Covid 19 sa bawat pamilyang Pilipino. 140 ang nagpositibo
at 11 ang namatay sa unang buwan, at higit 118,000 naman na Pilipino ang nawalan
ng trabaho sa unang tatlong buwan ng pandemya.
Tekstong Prosidyural
Spaghetti (Pinoy Recipe)
Pilipino, Italyano, Amerikano, Latino, Asyano at iba pa, talaga namang  katakam-
takam ang pagkaing ito lalong-lalo na sa mga tsikiting.
            Paano ba naman? Simpleng handaan o espesyal na okasyon man tulad ng
kasalan, kaarawan, debu, binyag at iba pa, hindi mawawala ang spaghetti sa handaan
ng mga Pinoy. Kung ang bersyon ng spaghetti ng mga Italyano ay maasim at
pinaghahandaan sa presentasyon, ang bersyon naman ng mga Pilipino ay matamis,
sadyang mahilig kasi ang mga Pinoy sa mga matatamis na pagkain, kaya naman
naisip ng mga madiskarteng Pilipino na lagyan ng asukal o malapot na gatas ang sarili
nating luto ng spaghetti.
Sa paghahanda at pagluto ng spaghetti, mahigit 40-minuto lamang ang
kinakailangan.
Mga kinakailangang sangkap:
Tatlong kutsarita ng mantika
Isang kilong Spaghetti Noodles
Dalawang piraso ng sibuyas
Isang buong ulo ng bawang (dikdikin)
Kalahating kilo ng giniling na baboy
Tatlong piraso ng dahon ng laurel
¼ kilo ng hotdogs (hiwain ng patagilid)
Apat na baso na may lamang tubig
Kalahating kilo ng Spaghetti Sauce at Banana Ketchup
Asin
Paminta
Malapot na gatas
Keso

PARAAN NG PAGLUTO
1. Palambutin ang spaghetti noodles base sa kung ano ang direksyon na nakalagay
sa pakete ng produkto.
2. Sa paggawa naman ng sauce o sarsa, igisa sa langis ang bawang at sibuyas.
3. Isabay sa paggigisa ang giniling na baboy, hotdog, at dahon ng laurel hanggang sa
maluto ang mga ito.
4. Idagdag ang spaghetti sauce at ketsup. Timplahan ng asin at paminta at pakuluan
sa loob ng limang minuto
5. Maglagay ng malapot na gatas at muli itong pakuluan sa loob ng limang minuto.
6. Ihalo na ang nilagang noodles sa sauce o sarsa at lagyan ng keso sa ibabaw.

Maaari ng ihanda ang paboritong-paborito ng pamilyang Pilipino, masarap na at


pang long life pa!

You might also like