You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

ISABELA STATE UNIVERSITY


Echague, Isabela

COLLEGE OF EDUCATION

COURSE OUTLINE

Course No. : GEC ELEC SED/PED 2

Course Title : Masining na Pagpapahayag/Rotorika

Course Description : Ang kursong GEC 11 ( Masining na Pagpapahayag ) ay nakatuon sa masusing


pag-aaral sa masining, mabisa at mataas na uri ng paggamit sa wikang Filipino sa pasalita at pasulat a
pagpapahayag. Sumasaklaw ito sa pag-aaral sa mga simulain, teorya at praktika na angkop at malikhaing
pagpapahayag sa pamamagitan ng paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay at pangangatwiran. Lilinangin
ang mga kakayahang pangkomunikatibo sa iba’t ibang anyo ng diskurso.

Course Unit :3

Pre-requisite : Wala

Course Objectives
1. Mapaunlad ang kasanayang komunikatibo at diskurso sa iba’t ibang uri ng pagpapahayag gamit ang
wikang Filipino.
2. Makasuri ng iba’t ibang malikhaing sulatin at pagtatanghal mula sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng
bansa.
3. Makabuo ng malikhain, kritikal, analitikal at replektibong sulating sasalami sa karanasan at isyung lokal,
pambansa at pandaigdigan.
4. Makapagsasagawa ng malikhain, kritikal, analitikal at replektibong pagtatanghal na sasalamin sa
karanasan at isyung lokal, pambansa at pandaigdigan.
5. Makabuo ng Portfolio.

Course Requirements
1. Pagdalo sa hindi bababa sa 80% ng kabuuang semestre ng pagkaklase
2. Pagkuha at pagpasa sa maiksi at pangunahing pagsusulit
3. Partisipasyon sa klase
4. Presentasyon ng output
5. Portfolio

Grading System
Prelim Exam 60%
Attendance 5%
Recitation 5%
Quiz 10%
Final output 20%
100%

COURSE OUTLINE

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
I. Kalikasan ng Retorika
1. Kahulugan ng Retorika: Klasikal at Kontemporaryo
2. Layunin, Kahalagahan,Simulain, Elemento at Saklaw ng Retorika
3. Ugnayan ng Retorika at Gramatika
● Required Reading: Ningning at Liwanag (Emilio Jacinto), Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa(Andres Bonifacio), Ang Bato (Jose Corazon de Jesus)

II. Kalikasan ng Gramatika


1. Sulyap sa Gramatika ng Wikang Filipino
2. Wastong Gamit ng Salita
3. Rhetorical Devices
4. Idyoma at Tayutay
5. Salawikain, Sawikain,Eupemistikong Pahayag
6. Pagsasalin
7. Pagpapalawak ng Bokabularyo
● Required Reading:

III. Ang Mssining na Pagpapahayag


1. Anyo ng Pagpapahayag
a. Pormal at Di-Pormal na Pagpapahayag
b. Pasulat at pasalitang Pagpapahayag
c. Katangian ng Pasalita at Pasulat na Pagpapahayag
d. Pagkakatulad at pagkakaiba ng Pasalita at Pasulat na Pagpapahayag
e. Bahagi ng Sulatin
2. Uri ng Pagpapahayag
a. Palalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatuwiran
● Required Reading:

IV. Yugto ng Gawaing Panretorika


1. Bago Sumulat
a. Pagpili ng Paksa
b. Layunin ng Pagsulat
c. Target Audience
d. Brainstorming at outlining o pagbabalangkas
e. Pangangalap ng kaugnay na materyales
2. Habang Sumusulat
a. Pahayag na Tesis
b. Mga Simulain sa Pagsusulat ng Introduksyon, Katawan at Konklusyon
c. Hulwaran ng Oraganisasyon ng teksto
d. Pagsulat ng Burador
3. Pagkatapos Sumulat
a. Rebisyon ng Burador
b. Editing ng Pinal na Burador
c. Muling Pagsulat
d. Pagkakaiba ng Rebisyon at Editing
e. Mga Patnubay sa Editing
● Required Reading:

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
V. Iba’t ibang Genre ng Masining na Pagpapahayag
1. Prosa
a. Sanaysay, Balita, at Lathalain
b. Diary, Journal at travelogue
c. Talumpati at Editorial
d. Kritikal at Mapanuring Sulatin
2. Poesa
a. Tradisyunal na tula
b. Malayang tula
c. Kontemporaryong tula
3. Audio – Visual
a. Mga Awiting Pilipino: Awiting-Bayan, Kundiman, OPM, Rap at iba pa
b. Jingles
c. Poster at Islogan, flyers at iba pa
●Required Reading:

Prepared by:

CRISELDA D.NGISLAWAN ,PhD


Faculty

Noted by:

NERISSA P. BATOON, Ph.D.


Dean

Republic of the Philippines

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ISABELA STATE UNIVERSITY
Echague, Isabela

COLLEGE OF EDUCATION

MASINING NA PAGPAPAHAYAG
GEC 11

Instructional Material

Prepared by:

MARY JANE G. MIRANDA RODERICK FELICIANO RUBYLYN BAGAOISAN

RAIZA C. MANZANO JOY RAMIREZ RUBY LUMABAN

ROSEL D. GUBATAN ERLINDA GOMEZ KENNETH LANTANO

DEPINISYON NG RETORIKA: KLASIKO AT KONTEMPORARYO

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
“Kahit saang may panghihimok, may Retorika. At kahit saang may kahulugan, may panghihikayat.” –K.
Burke

Retorika
-Isa itong kailanganing asignatura na dapat kunin para makatapos sa kolehiyo.
-May kinalaman sa mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag.
-Mula sa salitang Griyegong Rhetor na ang ibig sabihin ay isang tagapagsalita sa publiko.
-Ang sinomang tumayo at magsalita sa harap ng publiko ay marunong magretorika.
-Ang titser, newscaster, lider ng mga estudyante, lider ng mga manggagawa at iba pang organisasyon,
politico, pari at iba pang lider ng iba’t ibang relihiyon at abogado, biktima at akusado sa korte ay
gumagamit ng retorika.
-Isang sining o teknik ng panghihikayat na kadalasan ay sa pamamagitan ng wika.
-Isa ito sa tatlong orihinal na malayang sining sa kultura ng mga Kanluranin. (ang iba ay ang Dayalektik at
Gramar)

Ang Dayalektik, Gramar at Retorika

Dayalektik- may kinalaman sa pagsubok at pagtuklas sa mga bagong kaalaman sa pamamagitan ng proseso
ng pagtatanong at pagsagot.
Gramar- may kinalaman sa tamang gamit ng wika sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsusuri ng mga
akdang pampanitikan.
Retorika- may kinalaman sa panghihikayat sa publiko at sitwasyong pampulitika gaya ng mga asembleya at
mga hukuman.
-malawak na sining o kasanayan sa panghihikayat sa pamamagitan ng kahit na anomang anyo o
sistemang simboliko, lalo na sa paggamit ng wika.
-sangkap o kagamitan sa panghihimok sa lahat ng gawaing pantao, kasama ang simbolikong
pagkilos.
-ginagamit kapag gustong alamin ng sinoman ang pagkakaiba ng hindi tunay na pangangatwiran.

Badayos (2001)
-Ang retorika ay sining ng epektibong pamimili ng wika at ang di mapasusubaliang batayan ng pamimili ay
ang pagkakaroon ng mga alternatibo.
-Ang retorika ay susi sa mabisang pagpapahayag. Ito ay nauukol sa kaakit-akit, kaigaigaya at epektibong
pagsasalita at pagsulat.
-Ang retorika ay pag-aaral kung paano mabisang makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga
piling salita at wastong pag-ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target na awdyens at matamo ng
manunulat ang kanyang layunin.
-Ang kaalaman sa retorika ay may mahalagang gampanin sa mabisang pagpapahayag.
-Hindi sapat ang kaalaman sa retorika upang maging isang kaakit-akit at mabisang pagpapahayag,
kailangan din ang kaalaman sa retorika upang maging isang kaakit-akit at mabisang tagapagsalita o
manunulat ang isang indibidwal.

Klasikong Retorika (c. 5th Century CE)


Plato
-Ito ay sining ng panghihikayat ng diwa sa pamamagitan ng diskurso.
Cicero
-Isa itong malawak na sining na binubuo ng limang mas maliliit na sining: imbensyon, argumentasyon,
pagsasaayos, pagmememorya at pagtuklas. Ang retorika ay isang disenyo ng pagtatalumpati para
manghimok.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Quintillan
-Ito ay sining ng magaling na pagsasalita.
Socrates(350 B.C.)
-Ang retorika ay agham ng pagpapahinuhod.
Aristotle
-Ang retorika bilang kakayahan sa pagwawari o paglilirip sa bawat pagkakataon ng anomang paraan ng
paghimok.

Kontemporaryong Retorika (19th to 20th Century)


Richard Watley (isang pantas sa lohika noong ika-19 na siglo)
-Ang retorika ay isang sining ng argumentatibong komposisyon.
Day
-Ang retorika ay tama lamang na sabihin bilang sining ng diskurso.
Bain
-Ang retorika ay tumatalakay sa mga paraan ng paggamit sa wika sa pagsulat at pasalitang pagpapahayag
ay maaaring mabisang maisagawa.
Hill D.
-Ang retorika ay isang sining; nagpapahayag ang retorika batay sa batas ng sining; bilang agham, ito ay
tumutuklas at nagpapatunay ayon sa batas ng agham.
Hill A.S.
-Ang retorika ay sining ng mahusay na komunikasyon gamit ang wika.

Ang Retorika, Sayantipik at Pilosopikal na Pananaw


(Ang pagkakaiba ng retorika, sayantipik at pilosopikal na pananaw)

Sayantista
-Ang pagtuklas at pagsubok sa katotohanan ang pinakamahalaga sa kanila.
-Paniniwala ng mga pilosopo at sayantista, hangga’t maaari, kinakailangang suriin ang mga palagay sa
pamamagitan ng lohika at eksperimento. Sinasabi nila na dapat nating bigyan ng mas maraming atensyon
kung paano sinusubok at ginagawa ang kongklusyon.
Retorika
-Para sa mga rhetor, hindi makapaglalakad sa sarili niyang mga paa ang katotohanan, kinakailangan itong
ipahayag ng tao sa kapwa at dapat itong ipaliwanag, panindigan at ibahagi sa pamamagitan ng wika,
argumento at panawagan.
-Walang silbi ang katotohanan kung hindi ito kinikilala at tinatanggap ng lahat.
-Ito ay may kinalaman sa pagbibigay-pansin sa makapangyarihang paggamit sa wika ng tao para
makapagpahayag nang malinaw na ideya at may mabigat na argumento.
-Nililinlang ng mga sayantista at pilosopo ang kani-kanilang sarili sa pagsasabi na hindi sila gumagamit ng
maretorikang pagpapahayag sa kanilang isinusulat na pahayag.
-Kayang kilalanin ng mga rhetor ang mga maretorikang pagpapahayag kahit na anong uri ng diskurso,
kasama ang sayantipik at pilosopikal na komunikasyon.
-Nakapokus sa katotohanan sa lipunan, anomang uri ng katotohanan na ginawa at sinubukan ng mga grupo
ng tao at nakakaimpluwensya sa sosyal at politikal na pagdedesisyon.
> Ilang halimbawa ng katotohanan sa lipunan:
1. Pagtaas ng bilihin;
2. Pagkakaroon ng pagbabago sa sistema ng pamahalaan;
3. Pagluluklok ng politiko sa pwesto;
4. Dapat bang ituro ang sex education sa elementarya; at
5. Mabisa bang wikang panturo ang Filipino sa lahat ng aralin at marami pang iba.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Pilosopikal
-Paniniwala ng mga pilosopo at sayantista, hangga’t maaari, kinakailangang suriin ang mga palagay sa
pamamagitan ng lohika at eksperimento. Sinasabi nila na dapat nating bigyan ng mas maraming atensyon
kung paano sinusubok at ginagawa ang kongklusyon.

Corax ng Syracuse, Tisias ng Gresya (estudyante ni Corax)


-Sa kanila nagsimula ang sining ng retorika.
-Ang dahila’y, sa pangangailangang matugunan ang suliranin ng mga mamamayan ng Gresya hinggil sa
kanilang mga pag-aari.
Homer
-Isang makatang griyego na sumulat ng epikong Iliad.
-Tinaguriang ama ng orador
>Ang tatlong uri ng mapanghikayat na talumpati na na ibinigay ni Aristotle
1. Forensic o panghukuman. Ang talumpati sa loob ng hukuman, na naglalayong patunayan ang
katarungan o kawalang katarungan ng isang nakalipas na pagkilos;
2. Deliberative. Ang talumpati sa publiko o porum, na naglalayong magpakilos o pigilang kumilos ang
awdyens; at
3. Epideictic. Ang talumpati sa seremonya, na nagpapakita ng tamang sentimyento para sa isang okasyon
gaya ng paglilibing, pagpapasinaya at pag-aalay o paghahanda.

MGA ELEMENTO NG RETORIKA


“Kung sinuman ang nangangarap na sumulat sa isang maliwanag na pamamaraan, kinakailangang
liwanagin muna ito sa kanyang isipan.” - Johann Wolfgang Von Goethe (1749-1832)

1. PAKSA
-Pinakasentral na ideya sa sulatin.

May mga mapgkukunan ng impormasyon para mapatunayan ang mga personal na karanasan na
makatutulong para maging kapani-paniwala ang pagpapahayag. Magagamit din ang mga impormasyong ito
bilang kongkretong kagamitan na makapagpapaliwanag, makapaglilinaw at makapagpapatunay ng mga
pahayag hinggil sa paksa.
Ilan sa mga maaring mapagkunan ng impormasyon ay ang mga sumusunod:

MAPAGKUKUNAN NG IMPORMASYON MAKUKUHANG IMPORMASYON


1. Mga encyclopedia Pangkalahatan at makasaysayang impormasyon tungkol sa
mga tao, lugar, konsepto at mga pangyayari na isinulat ng
mga eksperto o dalubhasa at nagbibigay rin ito ng mga
mungkahing babasahin at mga artikulong mabibigay ng
karagdagang impormasyon tungkol sa paksa.
2. Mga diksyunaryo Maaari mong makita ang kahulugan ng salita, ang
kasaysayan ng pagbabago ng kahulugan at ang etimolohiya
o ang pinagmulang lingguwistikang kahulugan ng salita.
3. Mga almanac at taunang aklat sa Nagtataglay ito ng impormasyon, kadalasang pang-isang
estadistika taon, na nilipon ng iba’t ibang ahensya at kadalasan ang
mga sangguniang ito ay nakapaghahatid ng impormasyon
tungkol sa isang pangyayari matapos lamang ang isang
buwan.
4. Internet Dito naman makikita o makakukuha ng napakaraming
impormasyon. Ito rin ang pinakamabilis at pinakamadaling

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
paraan ng pagkuha ng impormasyon tungkol sa paksa.
Kung gagamit ng internet sa pangangalap ng impormasyon,
tandaan lamang ang mga sumusunod:
1. Awtoridad
2. Mapatotohanan
3. Napapanahon
4. Kaugnayan
5. Walang kinikilingan
6. Kaayusan
7. Kalinawan
8. Makatwiran
5. Pakikipanayam Isa pang paraan ng pangangalap ng impormasyon ay ang
pagsasagawa ng panayam sa isang eksperto o dalubhasa sa
paksang isusulat.

2. KAAYUSAN NG MGA BAHAGI


-Isa sa mga tungkulin sa mabisang pagpapahayag ang makabuo nang maayos na talataan na makapglalahad
nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalye.
-Nakasalalay rito ang magiging pag-unawa ng mambabasa sa teksto.
Malaki ang maitutulong ng paggawa ng balangkas sa pag-aayos ng mga bahagi ng ipahahayag.

Kadalasang ganito ang balangkas sa pagpapahayag:


I. INTRODUKSYON
a. Pambungad na pahayag
b. Pagpapahayag ng tesis
c. Pagpapakilala ng sumusuportang ideya (opsyunal)
II. KATAWAN
1. Unang pansuportang pahayag
2. Pangalawang pansuportang pahayag
3. Pangatlong pansuportang pahayag
(maari pang dagdagan ng kahit ilang pansuportang pahayag, nakadepende na sa
magpapahayag)
III. KONGKLUSYON
4. Paglilipat, pahayag na nagbabalik-tanaw sa tesis
5. Pag-uulit ng mga susing pahayag
6. Pangwakas na pahayag na humahamon sa kaisipan ng mambabasa (opsyunal)

3. ESTILO
Ang mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng estilong gagamitin sa pagpapahayag:

a. Layunin- dahilan sa pagsulat. Maari itong instrumental at konsyumatori.


Instrumental- ang manunulat ay naghahangad na makakita o magkaroon ng pagkilos mula sa
kanyang awdyens.
Konsyumatori- nanghahangad ang manunulat ng pagpapahalaga, pag-iisip, pagbibigay karangalan o
paratang mula sa awdyens hinggil sa paksang nabasa.
b. Tono- tumutukoy sa damdamin ng rhetor sa paksa at ang damdamin para sa kanyang awdyens.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
c. Katibayan- ang mga gagamiting pahayag na makapagpapatunay sa mga opinyon ng manunulat. Ito
ay maaaring mula sa tunay na pangyayari, eksperto, aklat at iba pang lathalain, panayam at
internet.
d. Estrukturang gagamitin- ang paraan kung paanong ang mga datos ay isasaayos para makakuha ng
atensyon, malinang ang isang isyu at magbigay-diin.
e. Awdyens- mahalagang may kabatiran ang manunulat sa kanyang target na awdyens para
maiangkop ang estilong gagamitin niya sa kanyang pagpapahayag.
f. Wikang gagamitin- sa pamamagitan ng pagkilala sa awdyens, maiaangkop din ng manunulat ang
wikang gagamitin sa paglalahad.

4. SHARED KNOWLEDGE O KAALAMANG TAGLAY PAREHO NG MANUNULAT AT AWDYENS


Ang manunulat at mambabasa ay may shared knowledge. Ilan dito ang kultura, wika, pangyayari,
paniniwala at kaugalian. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa paglikha o pagsulat ng isang katha. Sa
pamamagitan nito ay maaaring maiangkop ng manunulat sa kanyang target na awdyens ang kanyang
isinusulat.
Nagiging interesado ang target na awdyens kung kasangkot sa kanilang binabasa ang mga bagay,
pangyayari at iba pa na may kaugnayan sa kanyang sarili. Sa ibang salita, mahuhuli ng manunulat ang kiliti
ng kanyang mambabasa kung pareho sila ng kaalaman ang sa mga halimbawa, karanasan, wika at iba pa na
gagamitin ng manunulat at tagapagsalita. Dahil dito, magiging matagumpay ang manunulat sa kanyang
pakikinig-interaksyon sa kanyang mambabasa.

5. PAGLILIPAT MENSAHE
Paano nga ba maililipat ang mensahe ng manunulat sa kanyang mga awdyens? Dalawa ang maaring
pamamaraan nito: ang pasalita at pasulat na pagpapahayag .
Makatutulong sa inyo ang sumusunod na mungkahi sa paglilipat ng mensahe.
a. Iwasan ang masyadong maraming impormasyon.
b. Sikapin na may kaisahan ang paksa.
c. Lumikha ng mga madaling tandaaang parirala.
d. Kinakailangang makatawag-pansin ang introduksyon.
e. Kinakailangang maikli at malaman ang kongklusyon.
f. Magsasalaysay ng kahit na isang kwento o anekdota.
g. Iwasan ang paglalahat sa halip ay maging tiyak.

MGA MUNGKAHI SA EPEKTIBONG PAGSASALITA


1. Pumunta sa lokasyon ng presentasyon at tingnan ang sound system at platporm.
2. Alamin kung kailan magsalita at kung sino ang magpapakilala sa iyo.
3. Maingat na orasan ang iyong talumpati para sa mga restriksyon ng programa.
4. Gumamit ng malalaking notecard, sumulat din ng malalaki.
5. Huwag kausapin ang visual aids.
6. Huwag magsasaulo.
7. Maging pamilyar sa pambungad at pangwakas na pananalita.
8. Normal lamang ang nerbisyosin.
9. Kilalanin ang iyong mga awdyens (kabuuan, paninindigan at dami).

MGA MUNGKAHI SA EPEKTIBONG PAGSULAT


1. Gumamit ng mga positibong pagpapahayag. Sabihin kung ano ang dapat at kung ano ang hindi
dapat.
2. Gumamit ng mga pag-uugnay sa bawat talata.
3. Iba-ibahin ang estruktura ng mga pangungusap. Paghaluin ang payak at ugnayang pangungusap.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
4. Unawain ang salitang iyong isinulat. Sumulat ka para makipag-usap at hindi para magpahanga ng
isang president ng kompanya. Kaya, gumamit lamang ng mga bokabularyong aangkop sa iyong
awdyens.
5. Tumingin ng mga kasingkahulugan ng mga salita kapag napapansing nagpapaulit-ulit na sa
paggamit ng isang salita.
6. Gumawa ng maikli at malinaw na pahayag.
7. Tiyaking mahalaga ang bawat pahayag. Huwag magpaulit-ulit. Ang bawat pangungusap at salita
ay kinakailangang nagpapahayag ng bagong ideya.
8. Paulit-ulit na basahin ang isinulat.

TANDAAN!
Mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng Visual Aids (Pantulong na Biswal)
1. Kinakailangang ang visual aids ay nasa gilid lamang at wala sa gitna.
2. Limitahan ang visual aids kung gusto mo itong matandaan ng iyong awdyens.
3. Ilagay ang visual aids sa lugar na makikita nang lahat ng awdyens.
4. Huwag lagyan nang maraming salita ang visual aids.
5. Gumamit ng tiyak na salita sa pinakasusing paglalarawan sa iyong visual aids.
6. Gamitin ito kapag kailangan at alisin ito sa takdang oras.
7. Maging handa sa pagbibigay ng inyong talumpati kung sakaling hindi gumana o magkaproblema sa
teknolohiya.
8. Iwasang gumamit ng chalk o board marker o malgpasa ng mga bagay habang nagsasalita.

IBA’T IBANG MGA MATALINGHAGANG PAHAYAG


Ang mga makata, mga mamamahayag pampanitikan, ang kadalasa’y gumagamit sa panulat ng mga
matalinghagang pahayag. Ang uri ng mga pahayag na binanggit ay karaniwang gamit sa pang-araw-araw na
pagsusulat maging sa pagsasalita kayat inilalabas lamang sa panahong kailangan. Maihahambing ito sa mga
pagkaing nakaimbak sa loob ng refregirator na kukunin sa panahong kailangan na ayon nga kay Martin Joas
sa panulat ni Austero(1999) ang wika ay may estilong frozen. Katumbas nito’y mga salitang nasa loob n
gating utak na inilalabas o inaalaala sa panahong sadyang kailangan. Ito ang panahong tayo’y sumusulat o
nagpapahayag at lubhang nararapat na gamitan ng matalinghagang salita kung ang nais ay mabisa,
malinaw, kaakit-akit at epektibong kaisipan na ibabahagi sa madlang mambabasa.
Iba’t ibang Daluyan ng Matatalinghagang Pahayag
A. Salawikain
Ito ay karunungang napag-aralan ng tao, hindi sa mga kasulatan na nailimbag kundi sa mga aklat ng
karanasang nalaman mula sa bibig ng mga matatanda.
Ito ay nakasulat sa anyong patula kaya’t may sukat at tugma. Mayaman ito sa kagandahang asal at
nagsisilbing panggising sa mga taong natutulog sa kasamaang asal. Maitutuing na matalinghaga dahil
magkaminsa’y di tahasang sinasabi ang tunay na kahulugan.
halimbawa:

Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira’y kuwago, mabuti pa ang bahay-kubo na ang nakatira’y
tao.
-ibig sabihin mabuti pa ang taong mahirap na ang tirahan ay aba kaysa mayaman nga ngunit masama
ang asal. Nais tukuyin na higit daw na marunong ng kagandahang asal ang taong wala kaysa sa mga taong
mayroon.
B. Sawikain

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Ito ay nagsasaad din ng kagandahang asal ngunit di kasinlalim ng ipinahahayag ng salawikain. Kumbaga
tanging mga paalala ito sa mga taong nakakalimot kaya mababaw lamang ang aral na ibinibigay. Tulad
din ng salawikain hindi diretsong ipinahahayag ang kahulugan ng pahayag bagamat sa karaniwang
takbo ng buhay sa araw-araw ang ipinahahayag.
Nagagamit din ito sa pagpapaalala sa mga nakakalimot ng tamang asal.
halimbawa:

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


-ibig sabihin, tumutulong ang Diyos sa mga taong marunong tumulong sa sarili. Ano mang panalangin
ang gawin ng tao kung di niya tinutulungan ang sarili ay wala ring mangyayari.
C. Kasabihan
Ito ay bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa dapat gawin sa buhay.
Sa anyo, kadalasa’y anyong patula na isa o dalawa ang taludtod na may sukat at tugma.
halimbawa:

Sa kapipili, ang nakuha ay bungi.


-ang taong pabago-bago ang isip, lalong di nagtatagumpay.
-ang taong mapaghanap, hindi nakukontento, magkaminsan ay lalong minamalas.

D. Idyoma
Ito ay matalinghagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang tunay na kahulugan nito.
Natututuhan ang kahulugan ng idyoma sa tulong ng mga salitang dito’y nakapaligid. Natututuhan pa rin
ang kahulugan sa tulong ng malalim na pag-unawa sa diwa ng pangungusap.
Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil di nito inilalantad agad-agad ang diwang
taglay nito. Binibigyan pa rin ang mambabasa ng pagkakataong kilitiin ang sariling isip.
Mga halimbawa:
naniningalang pugad - nanliligaw
kabungguang balikat - kaibigan
di mahulugang karayom - matao
nagbibilang ng poste - walang gawa/trabaho
isang kahig, isang tuka - naghihirap
alog na ang baba - matanda na
may bulsa sa balat - kuripot
nagtataingang kawali - bingi
di maliparang uwak - malawak
balat-sibuyas - sensitibo
makabagbag damdamin - nakalulungkot
pagsweldo ng tulisan - di mangyayari
magmamahabang dulang- mag-aasawa

E. Tayutay
Anomang pahayag ay gumaganda kung katuwang nito’y mga tayutay sa iba’t ibang uri nito.
1. Pagtutulad (Simile)

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Ang paghahambing ng dalawang bagay sa tulong ng mga salitang pahambing sa masining na
pahayag. Ito ay ang mga salitang parang, tulad, kawangis, kapareho, simbait at iba pa.
halimbawa:
Simputi ng labanos ang binti ni Adela.
2. Pagwawangis (Metaphor)
Ang paghahambing ng dalawang bagay o tao na di ginagamitan ng anomang salitang pahambing.
Tahasang binabanggit ang salitang katulad ng isang bagay o anomang inihahambing sa
pinaghahambingan.
halimbawa:
Labanos ang binti ni Adela.
3. Personipikasyon (Personification)
Ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pandiwa.
Dito, pandiwa na kadalasang ginagamit sa tao upang ilarawan ay siya ring ipinanlalarawan sa bagay
upang mag-anyong may buhay.
halimbawa:
Naglalakad ang ulap sa kalawakan.
4. Paurintao (Transfer Epithet)
Uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pang-uri. Ang
pang-uring gamit ay pantao na ikakapit sa bagay kaya ang bagay na inilarawan ay waring may buhay
na’t gumagalaw.
halimbawa:
Ang masinop kong sapatos, palagi akong dala-dala.
5. Sinekdoke (Synecdoche)
Uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan. Maaaring bahagi ng
katawan ng isang tao o bahagi ng bahay na kahit bahagi lang ang banggitin, tumutukoy na ito sa
kalahatan.
halimbawa:
Huwag na huwag kang tutuntong sa aming hagdan.
6. Oksimoron (Oxymoron)
Sa uring ito ng tayutay palasak na gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat ang kahulugan
upang ipahayag ang diwa ng pangungusap. Dalawang salitang maaaring positibo o negatibo ang
hatid na kahulugan.
halimbawa:
hihiga’t babangon siya sa pag-aalala.
7. Pagpapalit-tawag (Metonomy)
Ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang katawanin ang isang bagay o pangngalan. Sa halip na
payak o simpleng salita ang tukuyin, pinapalitan ito ng salitang matalinghaga.
halimbawa:
Ang ina ng bansang Pilipinas ay maliit sa sukat ngunit malaki ang puso.
8. Pagtawag (Apostrophe)
Ang bagay na abstrak, walang buhay at hindi nakikita ay kinakausap o tinatawag na parang may
buhay at nakikita. Ang pagtawag sa salitang abstrak ay may himig ng pagnanais o ng parang
hinanakit.
halimbawa:
Kaligayahan kay ilap-ilap mo.
9. Paradoks (Paradox)
Katumbas ito ng mga salawikain o sawikain, nagbibigay-aral at puno ng kagandahang asal. Madalas,
nagsisilbing pampaalala sa nakakalimot sa kagandahang asal.
halimbawa:

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Kung may isinuksok may madudukot.
10. Paglumanay (Euphemism)
Ang orihinal na katawagan ay pinagagaan sa kahulugan, sa pagpapalit ng ibang katawagan.
Ginagawa ang pagpapalit ng katawagan upang di maging mabigat sa pandinig o damdamin ng iba
ang sitwasyon.
halimbawa:
Iginupo ang puri(ginahasa) ng batang iyan ng kanyang kadugo.
11. Pag-uyam (Irony/Sarcasm)
Ito ang pagtukoy sa kabaliktaran ng katotohanan na may pangungutya. Ginagawa ang pag-uyam
upang di tahasang ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan ng pangyayari.
halimbawa:
Ang ganda ng damit mo para kang manang.
12. Eksaherasyon/Paggmamalabis (Hiperbole)
Sobra sa dapat o sa katotohanan ang binabanggit na pahayag. Kung susuriin ang diwa ng pahayag
animo’y may pagyayabang na nais ipangalandakan.
halimbawa:
Bumaha ng pera sa amin nang dumating ang tatay galing Saudi.
13. Pasintunog (Onomatopeia)
Ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig ng kahulugan nito. Sa bagay na ito, lubhang
kailangang sensitibo sa tunog ng salita ang nakikinig upang maiugnay sa tinutukoy.
halimbawa:
Dinig na dinig ko ang langitngit ng kawayan.
14. Aliterasyon (Alliteration)
Ang pag-uulit ng tunog-katinig sa simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag. Pare-parehong
tunog ng katinig ng simulang titik ang karamihan ng mga salita sa loob ng pangungusap ang
tinutukoy.
halimbawa:
Si Berto ay bababa ng bahay bukas ng bukang liwayway.
15. Asonansya (Asonance)
Ang maraming pag-uulit ng magkaparehong tunog-patinig sa simulang titik ng mga salita sa loob ng
pahayag. Dito’y pare-pareho naming titik ng patinig ang simula ng karamihan ng mga salita sa loob
ng pangungusap.
halimbawa:
Aalis ako anak sa aking anyong aninag ang kasiyahan.

GRAMATIKA VS. MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Sukatan ng masining na pahayag ang pamimili ng angkop na pananalita at tamang balarila sa loob ng bawat
pangungusap. Ang pagkakaugnay ng tamang balarila at piling mga salita ay magdudulot ng hindi
karaniwang anyo ng mensaheng nais ipaabot sa sinomang mambabasa. Ang mga katangiang ito’y maaaring
magdala sa manunulat at mambabasa ng kaisahan ng kanilang isip dahil hahantong sa pagkakaunawaan sa
ideya ng bawat panig. Nagagawang maiugnay ng mambabasa sa dating kaalaman ang kasalukuyang
binabasa at sa panig ng awtor nagagawa rin niya ang bagay na ito.
Sa balarila kadalasang nagkakamali ang sumusulat sa mismong salitang gagamitin, maaaring ang mali ay sa
mga pantulong na salita o di kaya’y sa estruktural na anyo ng pangungusap.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
PAGSASALING-WIKA

Ayon kay C. Rabin , 1958:


“Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay
nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na
pahayag sa ibang wika.”
 
Ayon kay E. Nida, 1959/1966
“Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na
katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una;y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa
istilo.”

Sa simpleng salita,
 
“Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng
tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.”
 
Ang Kasaysayan ng Pagsasaling-wika 

7. Sa Europa, ang kinikilalang unang tagasaling-wika ay si Andronicus, isang Griyego. Isinalin niya nang
patula sa Latin ang Odyssey ni Homer.
8. Dakong ikalabindalawang siglo sinasabing nagsimula ang pagsasalin ng Bibliya.
9. Sa panahon ng unang Elizabeth nagsimula ang pagsasaling-wika sa Inglatera samantalang ang
pinakatuktok naman ng larangang ito ay sa panahon ng ikalawang Elizabeth. 

Mga Salin ng Bibliya:

1. Aramaic – wika ng kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan


2. Griyeyo – salin ni Origen noong ikatlong siglo na nakilala sa Septuagint
3. Latin – salin ni Jerome noong ikaapat na siglo

Mga Tao Sa Likod Ng Pagsasaling-wika


Jerome sa Latin
Luther sa Aleman
Haring James sa Ingles: Authorized Version

John Wycliffe – kauna-unahang nagsalin ng Bibliya sa wikang Ingles noong ikalabing – apat na siglo
Dalawang edisyon:

1382: Nicholas
1390: inedit ni John Purvey

Jacques Amyot – “Prinsipe ng Pagsasaling-Wika”


   -Lives of Famous Greek and Romans ni Plutarch

Thomas Shelton – isinalin ang Don Quixote


William Tyndale – pagsasalin sa Ingles ng Biblia buhat sa wikang Griyego na salin naman ni Erasmus
John Rogers – ipinagpatuloy ang hindi natapos na salin ni Tyndale

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Richard Taverner – nirebisa ang salin ni John Rogers

Kahalagahan Ng Pagsasaling-wika
Malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika sa paglaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa.
Pinag-aralan ng mga Kastila ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila sa  wikang nauunawaan
ng mga katutubo ang mga doktrina ng Kristiyanismo, nang sa gayon ay mapalaganap ang kanilang
pananampalataya.  
Pagtatamo ng kalayaan ng ating bansa
Ang mga propagandista na palibhasa’y aral sa wikang Kastila ay nagsisulat sa wikang Kastila kaya’t
ang kanilang mga akda ay kinakailangang isalin sa mga katutubong-wika sa Pilipinas upang
lumagaganap ang kanilang mga prinsipyo at kaisipan.  
Sinalin ang mga bantog na dula sa daigdig upang makapangaliw sa mga Pilipino noong panahon ng
digmaan.
Nagamit nang panahon ng digman ang pagsasalin upang bakahin ang pangamba na naghahari sa
mamamayan.  
Ang pakikibaka sa larangan ng agham at teknolohiya
Kung nais nating sumulong ang ating ekonomiya ay kinakailangan ding sumulong ang ating wika,
agham at teknolohiya. Kinakailangang maging mabilis ang pagtuturo ng mga kaalaman na nauukol
dito. Matutugunan natin ito kung maisasalin sa wikang madaling nauunawaang ng mga Pilipino ang
mga aklat, pamplet, papel pananaliksik, artikulo, at iba pang babasahin na nauukol sa agham at
teknolohiya.

Pamantayan sa Pagsasalin-wika
Alamin ang paksa ng isasalin
Magbasa o magsaliksik
Pag-aralan ito upang magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin
Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin
Tiyaking naunawaan ang nilalaman ng teksto upang makayanan nang ipaliwanag o isalaysay kahit
wala ang orihinal sa iyong harapan.
Tandaang dapat pa ring manatili ang mensaheng ipinapahiwatig kaya’t hindi mo dapat palitan o
bawasan ang ideyang isasalin.
Tandaang ang isasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita
Ang malawak na kaalaman ay nakatutulong ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at wikang
pagsasalinan.
Hindi sapat na basta-bastang tumbasan ang mga salita sa teksto.
Huwag maging palaging literal, isaalang-alang na ang magiging kalabasan ng isinalin ay
maipapalabas pa rin ang tunay na diwa.
Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa
Gumamit ng mga salitang lubos na nauunawaan mo gayundin ay nauunawaan ng mga mambabasa
upang higit na maging malapit ang orihinal sa salin.
Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang iyong
isinalin
Ipabasa ang isinalin sa isang eksperto upang mabigyang-puna ang paraan ng pagkasalin at masabi
kung naaangkop na sa konstekto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.
Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin
Alamin ang genre na kinabibilangan ng isasalin.
Halimbawa, hindi makapagsasalin ng isang tula ang isang taong walang gaanong alam sa
matalinghagang salita at mga tayutay na karaniwang ginagamit sa isang tula at ang kaalaman ukol sa
magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at tugma

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Kung tula ang sinasalin, tula parin ang kalalabasan at hindi prosa
Pagsikapang mapanatili ang sukat at tugma ng orihinal.
Isaalang-alang ang kultura at konstekto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan
Dapat bigyang pansin ng magsasalin ang paraan ng pagsasaayos dahil maaring naiiba ang nakasanayan
sa orihinal na wika at sa pagsasalinang wika.

MGA KAPARAANAN NG PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO

A. PORMULASYON NG SALITA

 Paglalapi - ang paglalapi ay mga salitang ginagamit na magkadugtong sa salitang ugat.


- ang panlapi ay isang MORPEMA (pinakamaliit na yunit ng salita) na inilalagay sa
isang salita upang magbigay ng dagdag o pagbabago ng kahulugan.

ANYO NG PANLAPI
1. Unlapi - ang panlapi ay nasa unahan ng salitang-ugat.
Hal: Ma + sarap = Masarap
2. Gitlapi - ang panlapi ay nasa gitna ng salitang-ugat.
Hal: G + um + anda = Gumanda (S.U: Ganda)
3. Hulapi - ang panlapi ay nasa hulihan ng salitang-ugat.
Hal: Bilis + an = Bilisan
4. Kabilaan
 Unlapi at Gitlapi (Hal: I + s+ in+ ulat = Isinulat)
 Gitlapi at Hulapi (Hal: P +in +unta +han = Pinuntahan)
 Unlapi at Hulapi (Hal: Ka +sabi +han = Kasabihan)
5. Laguhan - ang panlapi ay nasa unahan, gitna, at hulihan ng salitang-ugat.
Hal: Pag + s+ um + ikap + an = Pagsumikapan

GAMIT NG PANLAPI
1. Panlaping Makangalan
2. Panlaping Makauri
3. Panlaping Makadiwa

 Pag-uulit - ang buong salita o isa o higit pang pantig nito ay inuulit

A. Ganap na Pag-uulit - kabuuan ng salita ang inuulit.


Hal: Araw-araw
B. Di-ganap o Parsyal na Pag-uulit - bahagi lamang ng salitang ugat ang inuulit

1. Pag-uulit ng unang salita (Hal: Aahon)


2. Pag-uulit ng unang dalawang pantig (Hal: dala-dalawa)

 Pagtatambal - binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isa lamang na


salita.
A. Malatambalan o Tambalang Parsyal - hindi nagbabago ang kahulugan ng
dalawang pinagsamang salita; karaniwang ginagamitan ng gitling (-)
Hal: Balik-bayan
B. Tambalang Ganap - nagbabago ng ganapa ng kahulugan ng mga salita.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Hal: Bahag + hari = bahaghari (rainbow)

 Paglikha ng Salita
 Akronim (Paggamit ng letra; bawat letra ay representasyon ng isang salita)
Hal: UP - University of the Philippines
 Pagpapalit ng mga Arkayk (Archaic) na salita
 Konotasyon at Denotasyon
 Jargon- ito ang mga salitang teknikal na di madaling maunawaan, tinatawag rin
itong wikA ng propesyon.
 Balbal- ito ang tinatawag ni Nick Joaquin na “Language of the Street”. Nalilikha
ito batay sa mga panahong umiiral na pangyayari sa isang naturang panahon.
Tulad ng pagkakasulpot, bigla rin itong nawawala o nakalilimutan. Katangian nito
ang pagkabulgar at kawalang repinado (unrefined)
 Mga salitang nanganganak (Word Metamophism)- gamit ang pamamaraan sa
pagbuo ng salita napanganganak ang isang batayang salita upang magkaroon ng
ibat ibang kahulugan
Halimbawa:
Wika- kawikaan,wikain, magwika, salawikain
 Salitang Polysemous- ito ay mga salitang nagtataglay ng ibat ibang kahulugan
kapag nabago na rin ang larangang gumagamit sa salita
Halimbawa:
Channel- daanan ng tubig (heograpiya)
- istasyon sa telibisyon (broadcasting)
- daluyan ng wika (literatura)
- taong midyum (teolohiya )

B. PANGHIHIRAM
Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro dahil sa pagkakaiba- iba sa kultura ng mga
bansa, may salitang banyaga na hindi matatagpuan sa salitang Filipino kapag isinasalin. Sa pangyayaring
ito, ang tanging magagawa ay manghiram o dili kya ay lumikha ng salita. Walang masama sa panghihiram
ng salita, hindi naman kailangan pang humingi ng pahintulot sa bansang hihiraman na magsalita, hindi rin
kailangang isauli ang salita pagkatapos na hiramin, hindi rin ito nakakahiya.
Bukod sa katotohanan ang wika ay nakasanding sa kultura, may mga salita rin na hango sa pangalan
ng kilalang tao tulad ng voltage,watt at quixotic na tinatawag na eponym. Dahil dito, hindi lahat ng salita ay
maaring bigyan ng salin at talagang hindi maiiwasan ang panghihiram ng mga salita lalo ang mga salitang
agham at teknikal.

MGA TUNTUNIN SA PAGHIRAM NG SALITA


1987 ALPABETO AT PATNUBAY SA ISPELING
- ang paggamit ng dadagdag na letra sa salita at ekspresyong hinihiram ay nababatay lamang sa
mga sumusunod.
1. Patanging ngalan
2. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
3. Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas
4. Salitang pang-agham at teknikal
5. Simbolong pang-agham

Patanging ngalan
Tao: Quirino John

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Lugar: Canada Valenzuela City
Gusali: Ceneza Bldg. Condominium
Sasakyan: Qantas Airlines
Pangyayari: First Quarter El Nino

Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas


hegemony gahum
imagery haraya
muslim priest iman
husband bana
stepson/stepdaughter manak
stepmother manding

Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas


Salitang pang-agham at teknikal
 Cortex
 Enzyme
 Quartz
 Filament
 Marxism
 x-ray
 zoom
 joules
 vertigo
 infrared
 Marxism
 Bluetooth

Simbolong pang-agham
Pagsulat Pagbigkas
 Fe (iron) /capital ef-i/
 lb /el-bi tuldok/
 kg /key-dyi tuldok/
 H20 /capital eyts-tu-kapital o/
 NaCl /capital en-ey-kapital si-el/
2009 GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO
A. Huwag manghiram. Hanapan ng katumbas sa Wikang pambansa ang konsepto.
Rule= ‘tuntunin’ hindi ‘rul’
Narrative= ‘salaysay’ hindi ‘narativ’
B. Huwag pa ring manghiram. Gamitin ang local na termino o ihanap ng katumbas sa mga lokal na
wika ang konsepto.
“tarsier” – maomag, malmag (bol-anon)
“whale shark” – butanding (bikol)
C. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran.
C.1. Kung wikang espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa ABAKADA
“cebollas” – Sibuyas
“Socorro” – Saklolo
“psicologia” – Sikolohiya

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
C.2. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghiraman, panatilihin
ang orihinal na anyo.
“mommy”
“sir”
“psychology” – hindi ‘saykoloji’
D. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal o lagi nang ginagamit.
“telepono” hindi “telefeno”
“pamilya” hindi “familia o familya”
“epektibo” hindi “efektibo o efektivo”
“kongreso” hindi “konggreso”

E. Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa ABAKADA sa pagbaybay ng mga hiram na salita. Ang
istriktong ponetikong baybay ng mga hiram na salita lalo na sa wikang Ingles ay nakikipag
kumpetensiya sa orihinal na baybay. Maaaring pagkamalan itong maling ispeling.
E.1. Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o ang
mga letra ay hindi katumbas ng tunog
Halimbawa:
 Bouquet
 Champagne
 Plateau
 Monsier
F. Sumusunod sa opisyal na pagtutumbas

“Republika ng Pilipinas” hindi “Republika ng Filipinas”


“Agham panlipunan” hindi “sosyal-sayans”
C. DIKSYUNARYO/ TALAHULUGAN O TALATINIGAN
Isang aklat ng mga nakatalang mga salita ng isang particular na wika.
- ALPABETO (nakaayos ito A-Z)
- Kahulugan ng wika
- Etimolohiya o pinagmulan ng salita mga pagbigkas (diksyon)
D. CONTEXT CLUE
May mga salita na nauunawaan at nagiging malinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng mga
pahiwatig na taglay ng mga salitang kasama nitong bumubuo sa pangungusap. Ang paraang ito ay angkop
gamitin sa mga salitang di lang iisa ang kahulugan (double meaning) bagkus sa mga salita ring di madalas
gamitin at may kalaliman sa definisyon
- Pagbibigay ng kahulugan sa mga salita o nasalungguhitan o di pamilyar na salita batay sa paggamit
nito.
Hal. Ang guro ay kumuha ng yeso sa kaniyang bag upang sumulat sa pisara.
(pansinin na ang yeso ay hindi madalas gamitin kaya di kilala. Ngayon, sa tulong na pahiwatig ng
guro, sumulat at pisara ay mahihiwatig ang yeso ay CHALK.)

ANG MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Anyo ng Pagpapahayag

A.Pormal na Pagpapahayag- Ito ang pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang kinikilala, tinatanggap
at ginagamit ng karaniwang nakapag-aral sa wika.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
2 uri ng Pormal na Salita

1.Pambansa- Mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing ipinalalabas sa buong kapuluan at lahat
ng paaralan. Halimbawa: Pamahalaan, Paaralan, Kapatid, Edukasyon, Malaki
2.Pampanitikan -Mga salitang matatayog , malalalim , makukulay , at sadyang matataas ang uri .
Halimbawa: katuwang, kabiyak, salinlahi, gahigante

B.Di-pormal na Pagpapahayag- Ito ang pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang karaniwan at


palasak sa mga pang-araw araw na pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan.

3 Uri ng Di-Pormal na Salita


1. Lalawiganin- Ginagamit sa isang kilalang pook o lalawiganin na ang mga taga roon lang ang
nakaintindi.
2. Balbal- Mga nauusong salitang malimit gamitin ng kabataan , sa salitang ginagamit sa langsangan
ngunit hindi raw magandang pakinggan.
3. Kolokyal- -Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pagsasalita.Mataas nang kaunti ang antas sa
balbal.

Ang Pagpapahayag o Diskurso-


Diskurso ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit
pang tao.
 
PAGKAKAIBA NG PASULAT AT PASALITA NA DISKURSO
(Punto de Vista/ Point of View)
 
PASULAT NA DISKURSO
}  Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng
mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)
}  Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti  na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002)
}  Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
}  Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan
ng nagsasagawa nito.
2 paraan ng pagpapahayag o diskurso

1. Pasalita (verbal) – oral

2.Pasulat – gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra

4. uri ng pasalitang diskurso

1.Privado – sa pagitan ng dalawa o ilang tao (kumbersasyunal)

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
2.Publiko – sa harap ng maraming tao (publikong pagsasalita)

 
PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO
PASALITA
               SIKOLOHIKAL
-gawaing sosyal
-dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap;
-may kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal; at
-gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic
               LINGGWISTIKA
-maaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita
-maaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig
-napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag
-nauulit ang anumang sinabi

KOGNITIBO
-ang pagsasalita ay madaling natatamo
-natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap (ego building)
-ang pagsasalin ng “inner speech'(kaisipang binubuo bago ipahayag sa anyong pasalita) ay isang madaling
proseso
PASULAT
SIKOLOHIKAL
-gawaing mag-isa
-isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag-iisa;
-maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang
ang di-nakikitang awdyens, o mambabasa; minsan siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng sulat na
ginagawa; at
-walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na mababago kung ano ang naisulat
-kailangang panindigan kung ano ang naisulat
               LINGGWISTIKA
-kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw ang dating sa mambabasa.
-mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin.
               KOGNITIBO
-natutuhan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkatuto;
-mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa pagsasabi nito; at
-karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing ito’y ego-
destructive lalo na kung ang sulatin ay sa W2 (pangalawang wika)
 
Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
}  Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay
tumutukoy sa pag-iisip.
}  Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.
}  Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal.
}   Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:
       1. Ano ang aking isusulat?
       2. Paano ko iyon isusulat?
       3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
       4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
}  Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal.
}  Anuman ang layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal
na proseso.
Dalawang dimensyon sa pagsulat:
1. Oral Dimensyon-
●Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa  ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa
iyo.
●Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.
2. Biswal na Dimensyon

●Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa
kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.

●Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang
mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang
layunin ng manunulat.

 
MGA PANANAW SA PAGSULAT

16. Ayon kay Donald Murray, ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa
porma- at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik nagtutuon sa isa sa mga batayang
kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung
paano niya iyon maipapahayag nang episyente.

 
Ayon pa kay Murray, ang pagsulat at isang prosesong rekarsib o paulit-ulit.
                 “Writing is rewriting”.
                                            

10. Matapos diumanong magsulat, magsisimula na namang panibago ang bagong pagsulat.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat – “A good writer is wasteful”.
Metapora ni Murray:
He saws and shapes and cuts away, discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of
writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.

Sinabi ni Ben Lucian Burman na I am a demon on the subject of revision.I revise,revise,revise,until every
word is what I want.

PASALITANG DISKURSO
}  Ang pananaw sa pagsasalaysay ay umaayon sa papel na ginagampanan o sa posisyong ginagampanan o
kinalalagyan ng tagapagsalaysay sa pagkukwento
}  Unang panauhang pananaw
 – ang tagapagsalaysay ang gumaganap na pangunahing tauhan. Siya ang nagsisiwalat sa mga pangyayari
ayon lamang sa sarili niyang karanasan
-kapansin-pansin ang panghalip panaong “Ako”
}  Ikalawang panauhang pananaw
–         Ang pangyayari ay inihahayag ayon sa pagkakasaksi
}  Ikatlong panauhang pananaw
–         Ang tagapagsalaysay ay humihiwalay, ganap na lumalayo sa kwento, kaya parang Diyos niyang
nakikita ang lahat, naririnig ang lahat at nalalaman ang lahat ng nangyayari pati nasasaisip at nasasaloob ng
mga tauhan
 
Mga Panghalip Panao
}  (Personal Pronoun)
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya
 

URI NG PAGPAPAHAYAG
Mga Uri ng Pagpapahayag
a)      Pasalaysay (Narativ) – may layuning magkwento ng magkakaugnay na pangyayari; makukulay na
karanasan sa buhay
Karanasang Tuwiran o Direct – ang karanasan ay maaaring makuha nang tuwiran (direct). Tuwiran ito kung
galing sa sariling pagkadanas o pagkasangkot.
Karanasang Vaykaryos – kung ang kaalaman ay nakukuha lamang sa iba, maaaring nabasa sa mga aklat o
mga babasahin, narinig sa kung sino, nabalitaan sa mass media, o naikwento ng kapitbahay.
Uri ng Pasalaysay/ Narativ:
a)      Pagsasalaysay na totoo– base sa tumpak, tiyak at tunay na mga pangyayari

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
b)      Pagsasalaysay na likhang-isip – kinabibilangan n mga mito, fabula, parabola, anekdota, palaisipan,
maikling kweno at nobela
Pananaw sa Pagsasalaysay- Nagsasaad ng personal na kaugnayan ng tagapagsalaysay sa paksang kanyang
tinatalakay o
                                                            sa mga pangyayaring kanyang ikinukwento.
Kasangkapan sa Pagsasalaysay:
a)      Tema – may kabuluhan sa kinauukulan – nakikinig, bumabasa, o nanonood
b)      Tauhan – ang nag-iisip at kumikilos sa kwento kaya nagkakaroon ng mga pangyayari
c)      Aksyon o Pangyayari – ang aksyon ang kalansay na kinakapitan ng iba pang mahahalagang sangkap
para mabuo ang anyong kalamnan
d)      Tagpuan – pook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa salaysay
e)      Himig – kung papaano isinasalaysay ang isang pangyayari o ang anumang materyal para lumabas
nang naaayon sa kagustuhang mangyari ng tagapagsalaysay
 
b)      Paglalarawan (Deskriptiv) – Naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga mambabasa o
tagapakinig;                pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig at nadarama
Uri ng Paglalarawan:

a. Pangkaraniwang Paglalarawan – nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito


naglalaman ng damdamin at kuro-kuro
b. Konkretong Paglalarawan –  ito ay naglalarawan ng literal at ginagamit dito ang nga
pangkaraniwang paglalarawan gaya ng ,maganda ,maayos,malinis atbp.
c. Masining na Paglalarawan – ang guni-guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang
isang buhay na buhay na larawan.
d. Abstraktong Paglalarawan – naglalarawan na gumagamit ng nga di literal na paglalarawan
inaaniban ito ng mga idyomatikong paglalarawan. Sangkot ang sariling damdamin ng
sumusulat at gumagamit ng mga tayutay sa ganitong uri ng paglalarawan

               Hakbanging Dapat Tandaan Tungo Sa Mabisang Paglalarawan:

1. Pagpili ng Paksa – Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na 
Ilalarawan; tulad sa ibang uri o anyo ng sulatin, ang paksa ang laging unang isinasaisip

2. Pagbuo ng Pangunahing Larawan – ito ang pangkalahatang kabuuan ng isang tao, hayop, bagay,  pook,
o pangyayari na nais agad maitanim sa isip ng mambabasa o tagapakinig.

3. Pagpili ng Sariling Pananaw – pansariling pagtingin ng tagapaglarawan

4. Pagkakaroon ng Kaisahan – bawat detalyeng babanggitin sa paglalarawan dapat ay tumutulong sa


pagbuo o kabuuan ng isang pangunahing bagay o anupamang inilalarawan.

5. Pagpapayabong sa mga Aspetong Isasama sa Paglalarawan – Hindi lamang mga nagkakauri-uring


katangian ang dapat na isama sa paglalarawan, mas mainam kung mapalulutang lalo ang kaibahan nito sa
lahat ng mga kauri.

 
c)      Paglalahad (Ekspositori) – Tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng pag-
aalinlangan.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
pagpapaliwanag; ginagamit sa pagsagot sa mga tanong na nangangailangan ng pagsasanay na kasagutan,
pagsulat ng mga ulat tungkol sa Agham at Kasaysayan, pagsusuri sa maikling kwento at mga nobela at
pagpapaliwanag sa iba’t ibang aralin sa paaralan
Expository Writing
—  Madalas makita sa araw-araw nating binabasa tulad ng teksbuk, editoryal, artikulo sa dyaryo
—  Pagpapaliwanag na obhektibo
 
Mga Bahagi ng Paglalahad
1. Simula– magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa ng katha
               a. Katanungan
               b. Pangungusap na makatawag-pansin
               c. Pambungad na pasalaysay
               d. Isang salitain
               e. Isang sipi
               f. Mabatas na pangungusap
               g. Tahasan o tuwirang simula
        2. Katawan – nilalaman ng isang pahayag
        3.  Wakas – maaaring buod, tanong, panghuhula sa maaaring mangyari, pagsariwa sa suliraning
binanggit sa simula, pagamit ng    kasabihan o siping angkop sa akda
                                                      
       Mga Kaanyuan ng Paglalahad
1. Paglalahad sa Anyong Panuto -pagiisa-isang mga hakbangin sa paggawa ng isang bagay
2.Paglalahad sa Anyong Pagbibigay-Katuturan- pagpapaliwanag ng kahulugan ng salita o diwa
3.Paglalahad sa Anyong Interpretasyon -nagpapaliwanag ng palagay hinggil sa isang layunin
4. Paglalahad sa Anyong Pagkilala- paglalahad sa mga kalagayang pantao
5. Paglalahad sa Anyong Editoryal o Tudling- napapanahong editoryal na punong-puno ng kahulugan at
pahiwatig
 
d)      Pangangatwiran (Argumentativ) – may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan
ng makatwirang mga pananalita. Pagpapahayag na may layuning manghikayat at magpapaniwala sa
pamamagitan ng  makatwirang mga pananalita
Diskursong Argyumentativ (Pangangatwiran)

F. isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa


pamamagitan ng katwiran o rason kalakip ang mga ebidensya
G. kasingkahulugan ng pagbibigay-palagay, paghuhula, pag-aakala, pagsasapantaha at paghihinuha.
H. layunin nitong makapagpahayag ng matitinong kaisipan o kaalaman bilang pagpapatunay sa isang
maayos, epektibo, at lohikal na pamamaraan
I. ang paksa ng pangangatwiran ay tinatawag na proposisyon

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
 

Dalawang Uri ng Pangangatwiran


1.Pabuod o Inductive Method

17. sinisimulan ito sa partikular na pangyayari, katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang


katotohanang pangkalahatan sapagkat dinaraanan muna sa iba’t-ibang obserbasyon at paulit-ulit
na eksperimentasyon at pagsusuri bago ang paglalahat kapag narating na ang katotohanan o
prinsipyo

2.Silohismo o Deductive Method

11. pangangatwiran na lohikal na lohikal kung maghayag ng katotohanan


12. panghahawakan muna ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at
dito ngayon ibabase ang konklusyon

 
EDITORYAL
-pinakamahalagang bahagi ng pahayagan o magasin-KALULUWA
-paglalahad ng mga kuru-kuro ng patnugot ng pahayagan na bunga ng isang pag-aaral tungkol sa isang
pangyayari sa bayan, pamahalaan, tanghalan, atbp.
-kasasalaminan ng kalakaran, programa at paninindigan ng isang pahayagan lalo na sa isang isyu o
pangyayari na may malaking kahalagahan sa bayan
-kababakasan ng kahusayan sa pagmamasid, sapat na kinalaman tungkol sa mga tao at mga bagay-bagay,
katalasan ng pagkakilala sa tunay na kahulugan ng mga pangyayari at ang mayamang damdamin ng
sumusulat
-kilala rin sa tawag na pangulong-tudling
-maaaring tungkol sa pulitika, relihiyon, sining, edukasyon, isport o kultura

  YUGTO NG GAWAING PANRETORIKA


a.      Imbensyon o Pag-asinta – paglikha ng iyong paksa
                                                              i.      Brainstorming – paglalahad ng mga ideya sa papel upang maibigay
ang posibleng maging paksa. 

                                                            ii.      Paglilista – paglista ng mgaideyang ikaw ay interesadong gawin

                                                          iii.      Klaster – pagmamapa ng mga ideya

b.      Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa

                                                              i.      Pangangalap ng mga ideya

                                                            ii.      Paghahanap at pagsususri ng mga pananaliksik

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
                                                          iii.      Pagsasaga ng interbyu

                                                          iv.      Maari ring mabuo rito ang  paksa

c.       Pala-Palagay
                                                              i.      Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng pagtalakay sa
paksang susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat

                                                            ii.      Iisa-isahin ng manunulatang sanhi at bunga ng pangyayari habang


nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili

                                                          iii.      Nakararamdamng pagkabalisa ang manunulatsa yugtong ito


dahilpatuloy siyang naghahanap ng kasagutan sa kaanyang mga tanong at maaaro pang biglang sumulpot
ang iba pang tanong

                                                          iv.      Kadalasan, itoang pinakamahabang bahagi ssa prroseso ng pagsulat


a.k.a Incubation Period

d.      Pag-oorganisa – paglalahad ng mga impormasyon sa isang balangkas


                                                              i.      Balangkas – maituturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha
itong mahalaga upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay sa isang paksang napili. May dalawang klase
ang pagbabalangakas: (1) Pangungusap na Balangkas – nakatuon sa mga makadiwang pangungusap na
siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi ng isang sulatin at (2) talatang balangkas – nakapokus sa
mgapinag-uugnay-ugnay na mga kaisipan, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Introduksyon
a. Pangganyak
b. Paglalahad ng Tesis
c. Katawan
i. Paglalahad ng mga Punto
ii. Paglinang ng mga iodeya
iii. PAntulong sa pangunahing Katwiran
iv. Kongklusyon
1. Muling-pagdidiin sa pangunahing ideya
                                                            ii.      Pagsasaayos ng mga Datos

13. Dalawang Uri ng Mapagkukunan ng mga Datos:


1. Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon sa mga indibidwal na tao, mga
akdang pamapanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento at iba pang
orhinal na talaan.
2. Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito, ensayklopidya, tesis,
disertasyon, magazine, pahayagan at iba pang aklat na naisulat ng mga awtor.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
3. Tatlong istratehiya sa paghahalo ng sariling pag-aaral sa pinagkunang material
1. Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang direkta, salita-
sa-salita, mula sa sanggunian.
2. Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argument
3. Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng awtor
4. Bigyang-diin particular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi
5. Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista
Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit ng sanggunian gamit ang
sariling pangungusap. Ginagawa ang pagpaparapreys kapag:
    i.      Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at umiwas sa panggagaya o pangongopya

    ii.      Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi

iii.      Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon

● Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang
sariling pangungusap. Mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng kabuuang kaisipan ng
pinagkunang material. Gumagawa ng synopsis kapag:
    i.      Nais magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang paksa
    ii.      Nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa
nais na determina ang pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto
e.       Pagsulat ng Burador
●Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin.
●Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan.
●Iwasan ang distraksyon o abala
●Magpahinga
Ang mga Paraan sa  Pagpapalabas ng Ideya:
a. Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit, pagsipi.
Masusundan dito ang pagkakasunund-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga detaly tungkol sa
paksa kapag magsususlat.
b. Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak nilang titingnan ang paksa sa
iba’t ibang anggulo at ang kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal na opinion ang bibigyang
konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga hakbangin para marating ang mapagkakasunduang
layunin.
c. Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang basta lumabas na ideya sa isip ay
isinusulat. Huwag munang maging mapaghatol sa isinusulat. Huwag magwawasto. Pabayaang
malayang dumaloy ang isipan nang walang anumang pagkontrol,sa gayon, maging ang mga  di-
inaasahang nakabaong ideya ay lumitaw.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
d. Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng
laksang impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga ito’y pinagsunud-sunod at
pinag-ugnay-ugnay. Napapalalim nito ang pag-unawa sa paksa at nakapagbibigay ng mga
kawili-wiling kaisipang maisususlat.
f.       Pagrerebisa – muling pagsusuri sa mga ideya

KAHULUGAN NG PANITIKAN

Ito ay kwento ng buhay, pakikipamuhay, mga guniguni at adhikain ng mga taong kabilang sa iisang lipunan
sa partikular na bahagi ng kasaysayan.
Nagmula ito sa salitang ‘titik” at nilapian ng “pang” na nagiging “pan” kapag sumunod sa mga ponemang
/d,l,r,s,t/ at “an” kaya naging “panitikan” samantalang, literature sa wikang Ingles at literature sa wikang
Kastila.

Webster
Ano mang bagay na naisatitik o naisulat, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging
ito’y totoo, kathang-isip, o bungang-tulog lamang ay maaaring tawaging panitikan.

Arogante
Talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang
buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.

Gonzales, Marin at Rubin


Nagpapayaman ng kaisipan at karanasan, nagpapalalim ng pagkaunawa, lumilinang ng kamalayang
pansarili, panlipunan at pambansa, at nagpapahalaga ng mga karanasang nagiging timbulan sa oras ng
pangangailangan. Ito’y pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang
nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat ng iba’t ibang panahon ng iba’t ibang
bansa.

Ramos
Lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Ito ay kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Dito
nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng mamamayan na
nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga, at masining na mga pahayag.
Ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang damdamin, nagdidilat ng
kanilang mga mata sa katwiran at karunungan.

Azarias
Pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa at sa Dakilang
Lumikha. Ang pagpapahayag ng damdamin ay maaring sa pamamagitan ng pag-ibig, kalungkutan,
kaligayahan, galit o poot, pagkahabag, pag-alipusta, paghihiganti at iba pa.

Tunay ngang ang panitikan ay kasaysayan ng damdamin at karanasan, pangarap at ilusyon, pagtatagumpay
at kabiguan, pakikipaglaban at pagsuko na nasa malikhaing anyo, tinipon at iningatan ng mga taong
kabilang sa iisang lipunan sa isang partikular na bahagi ng kasaysayan ng lahi ng tao.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG PANITIKAN

Natural sa tao ang pahalagahan ang mga bagay na may malaking koneksyon sa kanyang nakaraan at
maging sa kasalukuyang buhay. Iniingatan ng tao ang mga bagay na regalo o handog sa kanila ng mga
taong naging mahalaga sa kanilang buhay o kaya naman ay nakuha nila mula sa isang makabuluhang
paglalakbay o karanasan. Sa oras na ang tayo ay nalulumbay, ang mga mahahalagang bagay o karanasanng
ito ang nagiging hugutan ng lakas upang magpatuloy sa buhay. Sa kabilang banda, ang mga ito ay
nakapagdudulot din ng agarang saya at ngiti sa tuwing ating nakikitaa o naaalala. Sadyang iniingatan ng
mga Pilipino ang mga bagay o mga taong mahalaga sa kanila. Kung ganito ang magiging pagtingin natin,
nangangahulugang dapat ngang pag-aaral ang panitikan sapagkat naglalaman ito ng mahahalagang
karanasan, damdamin at kaisipan ng ating lipunan sa isang natatanging bahagi ng kasaysayan.

Ayon kina Villafuerte at Benales (2009), napakahalaga ng panitikan ng isang bansa. Ito ang dahilan
kung bakit isinama ang pag-aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag- aaral. Ilan sa mga
kapakinabangang matatamo sa pag-aaral ng ating sariling panitikan ay ang mga sumusunod:

14. Lubos nating makikilala ang ating sarli bilang Pilipino at matatalos natin ang minana nating
yaman at talinong taglay ng ating pinagmulan.
15. Mababatid nating ang kadakilaan at karangalan ng ating mga sariling tradisyon at kultura,
maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang naging sandigan ng kabishasnang
tinatamasa natin sa kasalukuyan.
16. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan lalo na ang
pagpapakasakit ng ating mga ninuno at bayani upang ating tamasahin ang kalayaan at kapayapaang
pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon.
17. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaibaiba ng katangian ng mga panitikan ng iba-
ibang rehiyon at matututuhan nating ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.
18. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y mapag-ibayo
pa ang ating mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga kahinaan bilang isang
bansa at maiwasan ang ating mga pagkakamali bilang indibidwal at bilang isang komunidad.
19. Mapangangalagaan natin ang ating yamang pampanitikina na isa sa ating pinakamahalagang
yamang panlipi.
20. Mahuhubog natin ang magiging anyo, hugis, nilalaman at katangian ng panitikan sa
kasalukuyan na siyang namang magiging sandigan ng panitikan sa hinaharap.
21. Malilinang ang ating pagmamalasakit sa ating sariling kultura at maging ang ating malikhaing
pag-iisip na ilan sa mga mahahalagang pangangailangan upang tayo ay umunlad bilang isang bansa.

URI NG PANITIKAN

Ayon kina Villafuerte at Bernales (2009), ang panitikan, saan mang bahagi ng daigdig ay maaring
mauri batay sa paraan ng pagsasalin sa ibang henerasyon at batay sa anyo.

Pasalin- dila. Ang panitikan ay pasalin- dila kung ito ay naisalin sa ibang henerasyon na pamamagitan ng
bibig ng tao. Ang mga halimbawa nito ay epiko, awitang- bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong at
maging mga “pala” na isinalin ng ating mga ninuno sa mga nakababatang henerasyon sa pasalitang paraan.

Pasulat. Ang panitikan ay pasulat simula pa noong matutuhan ng tao ang sistema ng pagsulat.

Pasalintroniko. Ito ang panitikang naisalin sa pamamagitan ng mga elektronikal na pamamaraan tulad ng
kompyuter.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANYO NG PANITIKAN

PATULA O POESYA. Ang panulaan ay nahahati sa apat na bahagi: (1) pandamdamin o liriko, (2) pasalaysay
o epiko, (3) pandulaan o dramatiko (Nicasio at Sebastian, (4) tulang patnigan. Ang tula’y pagpapahayag ng
manunulat sa pamamagitan ng salitang isinaayos sa mga taludtod (Gonzales, Marin at Rubin, 1982).

22. Ang Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko ay nagsasaad ng marubdob na damdamin para sa isang
paksa. Matatawag din tula ng puso ang tulang ito. Madalas, ito’y tulang inaawit. Ang karaniwang
paksa ng tulang inaawit. Ang karaniwang paksa ng tulang padamdamin ay pag-ibig,
pagkamakabayan, paghanga sa kagandahan at kahiwagaan ng buhay ng pumumukaw sa damdamin.
Ayon naman kina Villafuerte at Bernales (2019), ang tulang padamdamin ay mga tulang
tumatalakay sa marubdob na damdamin o di kaya’y ng ibang tao na maaring may-akda o di kaya’y
ng ibang tao. Karaniwang maikli, likas at madaling maunawaan ang mga ito. Nasa kategoryang ito
ang awiting baayan, soneto, elihiya, dalit, pastoral aat oda.
23. Awitin- bayan- karaniwang paksa nito’y pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimihagti,
pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. Halimbawa nito’y chit chirit chit, paruparung bukid at iba
pa.
24. Soneto- tulang may labing- apat (14) na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa
25. Elehiya- nagpapahayag ng damdamin o guniguni ukol sa kamatayan o kaya’y tula ng
panangis na ang laman ay kamatayan o kaya’y tula ng panangis na ang laman ay nagsasalaysay ukol sa
alaala ng namatay.
26. Dalit- awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa
buhay.
27. Pastoral- tulang naglalayong ilarawan ng tunay na buhay sa bukid.
28. Oda- nagpapahayag ng isang papuri, pagnaghoy at iba pang masiglang damdamin; walang
tiyak na pantig o tiyak na bilang ng talutod sa isang saknong.
Halimbawa:
Tumangis si Raquel
Wala na ang lusog na hinubdang dibdib
Wala na ang bango ng labing nilanta.
Ang mga buwitre’y nagpipiging
Sa katawang tinubos
Ng tatlumpong putol na pilak

29. Ang Tulang Pasalaysay ay mga tulang may kuwento at may pangunahing personang gumagalaw.
Ito’y pagkukwento o pasalaysay ng pangyayari sa anyong patula. Ito’y naglalarawan ng mahalagang
mga tagpo o pangyayari sa buhay; halimbawa’y kabiguan sa pag-ibig, mga suliranin at panganib sa
pakikidigma, o kagantihan ng mga bayani.
a. Epiko- nagsasalaysay ng mga kabayanihan mula sa isang partikular na lugar na halos hindi
mapaniwalaan sapagkat nauukol sa kababalaghan. Ito’y nagbubunyi sa isang alamat o kasay sayan na
naging matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan. Halimbawa nito’y ang Biag ni Lam-ang
(Ilocano), Ang Indiripatra at Sulayman (Muslim), at iba pa.
b. Awit at kurido- ang mga ito’y may paksang hinango sa mga pangyayaring nagsasaad ng
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran na ang mga tauha’y hati’t reyna, prinsipe’t prinsesa. Ang awit ay may
sukat na labndalwang (12) pantig na inaawit nang mabagal sa saliw ng mga gitara o bandurya,
samantalang, ang kurido’y may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa saliw ng martsa.
Halimbawa ng awit ay ang Florante at Laura, kurido naman ng Ibong Adarna.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
c. Balad- ito’y may himig na awit dahil ito’y inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay may anim (6)
hanggang walong (8) pantig.
30. Ang Tulang Pandulaan at Dramatiko ay yaong mga dulang nasususlat nang patula. Ito’y bersong
ginagamit sa pagtatanghal sa halip na sa tuwirang pagsasalita. Ayon kina Villafuerte at Bernales
(2009), ito’y tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan, Ang La India Elegante y El
Negirto Amante ni Francisco Balagtas ay isang mahusay na halimbawa nito.
a. Komedya- ang sangkap ay piling- pili at ang pangunahing tauhan ay may layunging pakawin ang
kawilihan ng manunuod. Nagwawakas ito ng masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa
pagkakasundo ng mga tauhan na siya namang nakapagpapasiya sa damdamin ng manunood. Ito ay ang
nagpapatawa subalit may aral na iniiwan sa mga tagapanood.
b. Melodrama- ginagamit sa mga dulang musikal, kasama amg opera. Malungkot ang sangkap ng
dulang ito subalit nagiging kasiya-siya ang wakas nito para sa mga tauhan. Ang dayalogo nito’y binibigkas
ng paawit.
c. Trahedya- ito’y dulang nagpapakita ng tunggalian na nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak sa
pangunahing tauhan.
d. Parsa- isang dula na naglalayong magpasiya sa pamamagitan ng kawing-kawing na mga
pangyayaring nakakatawa. Madalas, wala itong aral na iniiiwan sa mga tagapanood.
e. Saynete- dulang nagpapakita ng karaniwang pag-uugali ng mga tao sa isang lugar, mabuti man o
masama.
31. Tulang Patnigan. Ito’y mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran
ng mga namatayan. Ang mga halimbawa nito ay patulang pagtatalo o pangangatwiran na kalauna’y
nakikilala sa tawag na balagtasan ay mauuri sa ilalalim ng kategoryang ito.
a. Karagatan- Ito’y batay sa alamat ng singsing ng prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin
nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang binatang may gusto sa kaniya na sisirin
ang singsing sa dagat at ang makakahukay ay pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa’y matanda ang
tutula hinggil sa dahilan pagkatapos ay paiikutin ang lumbo o tabo na may tandang puti at ang ang
sinomang matatapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinhaga.
b. Duplo- ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan sa husay ng pagbigkas at pangangatwiran
ng patula. Hinango ito sa Bibliya, sa mga salawikain o kasabihan.
c. Balagtasan- ito ang pumalit sa duplo. Hinango mula sa pangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
Ito’y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula bilang pangangatwiran sa isang paksang pinagtatalunan.

TULUYAN O PROSA. Ito ay mga akdang nasa anyong tuluyan o ang paraan ng pagpapahayag ay nasa
paraang pangungusap at patalata na gumagamit ng mga karaniwang salita o dayalogo. Ang anyong tuluyan
ay may iba’t ibang uri tulad ng (1) maikling kuwento o maikling katha, (2) kathambuhay o nobela, (3) dula,
(4) sanaysay, (5) talambuhay, (6) pangulong tudling, (7) salaysay, at iba pa (Nicasio at Senatian, 1965).
Maramimg mga akda ang nasa ilalim ng akdang tuluyan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang nobela o
kathambuhay, maiklng kuwento, dula, alamat, pabula, parabula, anekdota, sanaysay, talambuhay, balita at
talumoati (Villafuerte at Bernales, 2009.
a. Nobela. Tinatawag ding kathambuhay, ang nobela ay isang mahabang salaysay ng mga kawing-
kawing at masasalimuot na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng
maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
b. Maikling Kuwento. Isang salaysay tungkol sa isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay
ng isang pangunahing tauhang may suliranin. Ito’y nagtatapos sa isang takdang panahon at nag-iiwan ng
isang kakintalan o impresyon. Maikli lamang ang kuwentong ito kaya’t maaring mabasa sa isang upuan
lamang.
c. Dula. Hindi matatawag na dula ang isang akda kung hindi isusulat upang itanghal sa entablado o
tanghalan at maipanood sa tao. Karaniwang nahahati ang isang dula sa tatlo o higit pang yugtong nahahati
pa sa maraming tagpo bagamat marami ang mga dulang iisahing yugto.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
d. Alamat. Ito’y isang salaysaying hubad sa katotohanang nauukol sa pinagmulan ng tao, bagay,
pook, o pangyayari. Ang Alamat ng Bundok Mayon, Kung bakit Mas Mataas ang Araw kaysa Buwan ay ilan
lamang sa mga alamat na kinalulugdang basahin ng mga mag-aaral.
e. Pabula. Mga kuwento’y may mga tauhang hayop ang nagsisiganap, nagsasalita at kumikilos na
parang isang tao. Ito ang kuwentong hubad sa katotohanan subalit may layuning magturo at nag-iiwan ng
aral. Ang isa sa pinakatanyag na pabula ay ang Si Matsing at Pagong ni Jose Rizal.
f. Parabula. Ito’y mga kuwentong hinango sa Bibliya upang magbigay ng aral sa mambabasa o
tagapakinig. Ang mga kuwentong Ang Alibughang Anak at Ang Maabuting Samaritano ay dalawa lamang
sa mga kuwentong kapupulutan ng mga magagandang kaisipan at mabuting aral.
g. Sanaysay. Naglalahad ng mga kuro-kuro at pansariling kaisipan ng isang manunulat tungkol sa
isang suliranin o paksa. Halimbawa’y ang mga editoryal.
h. Talambuhay. Ito’y naglalahad ng mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao. Kapag ang
talambuhay ay nauukol sa taong siyang sumulat, ito ay tinatawag na pansariling talambuhay.
i. Anekdota. Ito’y mga likhang-isip lamang ng mga manunulat. Ang mga maikling salaysay na ito ay
may tanging layunin na makapagbigay-aral sa mambabasa. Ito’y maaring kuwento ng mga bata o hayop. Sa
ibang manunulat, ang anekdota ay isang natatanging kuwento o insidente sa buhay ay isang kilala at
dakilang tao sa lipunan na maaring mga halimbawa upang kapuluta ng mabuting aral sa buhay.
j. Balita. Ito’y isang paglalahad sa mga pangaraw- araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga
industriya at agham, kalagayan ng panahon, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa
maging sa ibayong dagat.
k. Talumpati. Ito’y pagpapahayag na binibigkas sa harap ng tagapakinig. Layunin nitong humikayat,
magbigay impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinyon o paniniwala ukol sa
mahalagang paksa.\

Mga Personal na Diskurso


(Ang personal na diskurso ay nagpapakita ng sariling karanasan ng sumulat.)
 
1. Talaarawan
2. Jornal
3. Awtobiyografiya
4. Refleksyon
 
Talaarawan

B. Personal na pangyayari sa sarili

—  isang talaan ng mga pangyayari, mga pakikipagtransaksyon, o mga observasyon na arawan o


paminsang-minsang ginagawa  (Webster)
—  Pang-araw-araw na tala, lalo na ng sariling karanasan; tala pa rin ito ng mga kaisipan  (Ensayklopidya)
—  Maaring  tawaging matalik na kaibigan sapagkat dito natin nasasabi ang mga pinakapersonal na
karanasan at damdamin nation sa iba o sa ating sarili.
Diary
mula sa salitang Latin na “diarium” na nangangahulugan ng araw o day; talaan ng mga eksperiensya
obserbasyon at pag-uugali
 

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Jornal

4. personal na karanasan at planong pansarili

—  isang arawang tala ng mga pansariling gawain, mga repleksyon ng mga nadarama (Webster)
—  hindi lamang sa personal na karanasan ng manunulat kundi sumasaklaw rin sa mga sitwasyong may
kinalaman sa ibang tao
Sangkap ng isang jornal
—  Sitwasyon o pangyayari
—  Damdamin
—  Kaisipan
Ilan sa mga dahilan sa pag-sulat ng dyornal:

6. isang travelog

n  TRAVELOG – Isang uri ito ng sulatin tungkol sa diary ng paglalakbay. Noong 1903, iniukol lamang ang
katawagang ito sa pagsasalita o paglelektyur tungkol sa pagbiviahe na karaniwang inaalinsabayan ng
2. laman ng mga panaginip
3. kaisipan na maaring konsepto o larawan
4. log buk
5. plano
6. batayan ng ilang sulatin gaya ng biography
7. eklektik
8. imbakan ng mga memorya
 
Ang talaarawan at jornal ay magkasingkahulugan na pwedeng pagpalitin ang gamit. Parehong de petsa ang
mga tala. Parehong talaan ng mga magiging alaala bukas (Arrogante, 2009)
 
Bayografi o Talambuhay
-tungkol sa buhay ng taong namatay na at isinulat ito hindi ng tao mismong namatay noong nabubuhay pa
siya kundi ng iba na may interes sa kasaysayan sa buhay niya
Defentibong Talambuhay
-pang-iskolar na trabaho
-importanteng tao lamang ang maaaring pag-ukulan ng masusing pananaliksik at matamang panahon
Awtorisadong Talambuhay
-tungkol sa buhay ng tao na kinomisyon ng kamag-anakan, kaibigan, o kakilala ang sinumang manunulat na
pawang posito lamang ang kailangang lamnin.
Karaniwang Talambuhay
-tapat sa katotohanan at tiyak ang mga katibayan para maitulad sa sarili ng mambabasa ang kanyang
naging mga karanasan at pagkatao
 
Awtobiyografi
-tungkol sa kasaysayan ng tunay na buhay ng tao na siya mismo ang sumulat

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Refleksyon
n  Tinatalakay sa sulating ito ang mga kasaysayan ng pagbabago sa sarili
sa pamamagitan ng teksto o ng mga karanasan.
n  Personal na pagpapahayag ng iyong saloobin
n  Malalim ang pagtatalakay
Katangian:
a. sarili ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon
b. naipakikita ng kaugnayan ng teksto sa iyong buhay
c. Gumagamit ng unang panauhan.

GEC 11
MASINING NA PAGPAPAHAYAG

You might also like