You are on page 1of 17

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Unang Markahan –Modyul 5: Vegetation Cover at Klima sa Asya


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ma. Sarah E. Adrales
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Zenaida N. Raquid, Aillen G. Sumagaysay (Teknikal)
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso, Ed. D.
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, Ed. D.
Chief - School Governance and Operations Division
OIC – Chief Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE
Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao, Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde, Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D., ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ed. D., Kinder/MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang
Para sa mag-aaral:
Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
7
Vegetation Cover at Klima sa Asya

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang ng Modyul para sa araling Mga Vegetation Cover at Klima sa Asya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang Modyul


ukol sa Mga Vegetation Cover at Uri ng Klima sa Asya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan

Paunang Pagsubok – Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman

Balik-Aral - Dito masusukat ang iyong natutuhan at


naunawaan sa mga naunang paksa

Aralin- Talakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

Mga Pasgsasanay – Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang


pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral

Paglalahat- Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga

Pagpapahalaga – Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa
inyong mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit – Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Napahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang
Asyano.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


 Natatalakay ang iba’t ibang uri ng behetasyon at klima at ang mga epekto nito
sa pamumuhay, kultura at hanapbuhay ng mga tao
 Nailalarawan ang mga uri ng behetsyon at klima sa Asya.
 Napahahalagahan ang epekto ng behetasyon at klima sa uri ng pamumuhay
ng tao.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Suriin at Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Hanapin


sa loob ng kahon at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____ 1. Uri o dami ng mga halaman sa isang lugar.
____ 2. Ito ay uri ng damuhang may ugat na mababaw o shalolow-rooted short grass.
____ 3. Ang Timog-Silangang Asya at mga bansang nasa Torid Zone ay kadalasang
biniyayaan ng __________ dahil sa mainam na klima nito.
____ 4. Karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa
mahabang panahon.
____ 5. Uri ng klima na nararanasan sa Silangang Asya sila ay nakararanas ng iba’t
ibng panahon.

A. KLIMA C. SAVANNA C. BEHETASYON


B. STEPPE D. RAINFOREST D. MONSOON
BALIK-ARAL

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat


ang titik ng tamang sagot.

____ 1. Bakit madalas ang paglindol at pagputok ng mga bulkan sa PIlipinas?


A. Dahil malapit sa ekwador C. Dahil sa nasa Pacific Ring of Fire
B. Dahil nasa Pacific Typhoon Belt D. Dahil sa mainit na klima nito.

____ 2. Alin sa mga sumusunod ang pinakatanyag na bulubundukin dahil ito ang
pinakamataas sa buong mundo, ito ay nasa India, Pakistan, Bhutan, China
at Nepal?
A. Pamir Mountains C. Ural Mountains
B. Sayan Mountains D. Himalayas Mountains

____ 3. Anong lawa ang dating pang-apat sa pinakamalaki sa mundo, ngunit unti
unti nang naglalaho hanggang sa kasalukuyan?
A. Caspian B. Aral C. Baikal D. Dead Sea

____ 4. Ang Indo-gangetic plain ay nagtataglay ng matabang lupa na pinagkukunan


ng iba’t ibang pananim tulad ng pampalasang pagkain, barley, trigo, palay
at iba pa. Saang rehiyon sa Asya ito matatagpuan?
A. Hilaga B. Timog C. Silangan D. Kanluran

____ 5. Anong uri ng anyong tubig ang naging lundayan ng sinaunang sibilisasyon?
A. Karagatan B. Lawa C. Ilog D. Tangway

ARALIN

Sa mga nakuha mong impormasyon ukol sa kinaroroonan, sukat,


hugis, paghahating panrehiyon, at mga anyong lupa at anyong tubig ng Asya,
bilang isang Asyano ay mahalaga ring matukoy mo ang iba’t-ibang vegetation
cover at klima na mayroon sa iba’t ibang rehiyon ng Asya bilang bahagi ng
pisikal na katangian nito, at iyan ay iyong aalamin sa pamamagitan ng
pagbasa ng teksto tungkol dito.
ANG MGA VEGETATION COVER
Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito. Sa Hilagang
Asya, katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng malawak na
damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at savanna.

Ang steppe ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted


short grasses. Maliliit lamang ang damuhan sa lupaing ito dahil tumatanggap
lamang ito ng 10-13 pulgada ng ulan. Mayroong mga steppe sa Mongolia gayundin
sa Manchuria at Ordos Desert sa Silangang Asya

Sa hilagang bahagi ng mga steppe ng Russia at Manchuria at maging sa


Mongolia matatagpuan ang prairie, ang lupaing may damuhang mataas na
malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses. Samantala, ang savanna naman na
matatagpuan sa Timog Silangang Asya partikular sa Myanmar at Thailand ay
lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan. Ang mga taong naninirahan
sa mga steppe, prairie, at savanna ay kadalasang nakatuon sa pagpa pastol at pag
-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at tupa na pinagkukunan nila ng lana, karne
at gatas. Ang mga lambak-ilog at mabababang burol ay ginagawa nilang
pananiman

Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain)ay matatagpuan din


sa Hilaga ng Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito
bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo
o ulan.

Sa bahagi ng Russia at sa Siberia matatagpuan ang tundra o treeless


mountain tract. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa
lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng Arctic
Ocean ang saklaw ng behetasyong ito. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang
nasa torrid zone ang biniyayaan ng tropical rainforest dahil sa mainam na klima
nito na halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.

Ang uri ng kapaligirang pisikal mayroon sa isang lugar ay epekto ng uri ng


klima nito. Ito’y bunsod rin ng mga pangyayaring likas na hindi natin maiiwasan
tulad ng paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan, at ang pag- ihip ng monsoon
o hanging nagtataglay ng ulan na maaaring humantong sa bagyo. Ano kaya ang mga
pagbabagong naidudulot ng mga ito sa kapaligirang likas ng isang bansa? Paano ito
naghahatid ng mahahalagang salik sa pamumuhay ng mga tao? Ang Asya ay isang
kontinente na palagiang nakararanas ng mga pangyayaring ito.
Katangian ng Klima

Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar


sa loob ng mahabang panahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga
elemento tulad ng temperatura, ulan at hangin. Maraming salik ang nakakaapekto
sa klima ng isang lugar. Ilan dito ay ang lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga
halaman, at distansya sa mga anyong tubig. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan
dito ang lahat ng uri ng klima at panahon. Samantala, ang mga monsoon o mga
hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa
lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo’t higit yaong mga nasa silangan
at timog-silangang Asya. Depende sa lakas ng bugso nito, ito ay maaaring magdulot
ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.

http://hydro.iis.u-tokyo.ac.jp/GAME-T/GAIN-T/rs/wp/KMITL/image/monsoon.gif

Direksiyon ng Hanging Amihan o Northeast Moonsoon na nagmumula sa


Siberia patungong Karagatan (Kaliwa) at ng Hanging Habagat o Southwest
Monsoon na nagmumula sa karagatan patungong kontinente.

Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng klima sa


mga rehiyon ng Asya. Basahin at unawain mo itong mabuti at batay sa mga datos
at paglalarawan dito ay bumuo ka ng paghihinuha kung paanong ang klima ay
nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Asyano.

MGA URI NG KLIMA SA ASYA


Rehiyon Katangian ng Klima

Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang


tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init,
Hilagang Asya
ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang
lupa. Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi
kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.
Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis
o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
Kanlurang Asya Bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking
bahagi ng rehiyon. Kung umulan man, into’y kadalasang
bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat.

Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig


kung Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan
Timog Asya ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang
Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatili malamig dahil sa
niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.

Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa


lawak ng rehiyong into, ang mga bansa dito ay
Silangang Asya
nakakaranas ng iba-ibang panahon- mainit na panahon
para sa mga bansang nasa mababang latitude, malamig
at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng
rehiyon.

Timog-Silangang Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal,


Asya nakararanas ng tag-init,taglamig, tag-araw at tag-ulan.
MGA PAGSASANAY

Gawaing Bilang 1

Panuto: tukuyin ang uri ng vegetation cover na nasa loob ng kahon at isulat
ang katangian nito.

_______________ _______________ _______________ _______________


_______________ _______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________ _______________
____________________ ____________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
____________________ ____________________
Gawain Bilang 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang tamang
sagot sa patlang.
1. Bakit iba-iba ang vegetation cover sa iba’t ibang bahagi ng Asya? Ilahad ang
mga dahilan nito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sa papaanong paraan na ang vegetation cover ng isang bansa ay nakaa -


apekto sa aspetong kultural (pamumuhay, pananamit, kilos, paniniwala,
kaugalian) ng mga mamamayang naninirahan dito? Magbigay ng ilang
halimbawa.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano naaapektuhan ng klima sa Asya ang mga Asyano? Ipaliwanag ang


kasagutan sa konsepto ng salik kultural (pamumuhay, pananamit, kilos,
paniniwala, kaugalian).
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAGLALAHAT

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod, isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Paano naimpluwen
siyahan ng Klima at
vegetation cover ang
pamumuhay ng mga
Asyano?

Ano-ano ang epekto


ng klima at vegetation
cover sa pagunald ng
Asya?

PAGPAPAHALAGA

Ano ang ipinapakita ng larawan?


___________________________________
___________________________________

May epekto ba ito sa mga


pamumuhay ng mga Pilipino?
Ipaliwanag. _______________________
___________________________________
___________________________________

https://www.researchgate.net/figure/Graphical-overview-of-the-decline-
in-forest-cover-in-the-Philippines-over-the-last-100_fig15_305215627

Paano natin dapat pahalagahan ang ugnayan ng tao at ng kapaligiran? ___________


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap, isulat ang titik ng


tamang sagot .

_____ 1. Lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall
grasses.
_____ 2. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito
dahil sa malamig na klima.
_____ 3. lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan
_____ 4. Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa
presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan.
_____ 5. Likas sa ganitong uri ng lupain ang mga punong tropical deciduous na
nagtatagal sa klimang mayroong klima na halos may pantay na panahon
ng tag-ulan at tag-araw.
_____ 6. Uri ng Klima na nararanasan sa Timog_Silangang Asya
_____ 7. Uri ng klima na mahaba ang taglamig at maiksi ang taginit
_____ 8. Rehiyon na nakararanas ng hindi palagiang klima
_____ 9. Klimang nararanasan sa Silangang Asya.
_____ 10. Rehiyong may Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung
Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang
Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatili
malamig dahil sa niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.

A. Steppe F. Rainforest
B. Praire G. Timog Asya
C. Savanna H. Tropikal Rinforest
D. Tundra I. Monsoon Climate
E. Taiga J. Setral Kontinental
K. Kanlurang Asya
SUSI SA PAGWAWASTO
sa lupaing ito dahil sa malamig na klima.
Tundra - Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno 6.
dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan.
Taiga - Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima 5.
halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.
Rainforest – Malagong kagubatan dahil sa mainam na klima nito na 4.
Savanna - lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan. 3.
rooted tall grasses
Praire - lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat o deeply- 2.
short grasses.
Steppe - uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted 1.
Pagsasanay
10.G 5. F D 5. D 5.
9. I 4. E B 4. A 4.
8. K 3. C D 3. D 3.
7. J 2. D C 2. B 2.
6. H 1. B C 1. C 1.
Panapos na Pagsusulit Balik- Aral Paunang Pagsubok

SANGGUNIAN
Mga Aklat
1. R.C. Blando, A.A. Sebstian, Espiritu, Golvegue, A.M. Jamora, R.R. Capua
& R.R. Mariano, Asya: Pagkakaisa sa Gitna n Pagkakaiba, (Pilipinas, Vibal
Group, Inc., 2014), pp. 22-36
2. De Leon, Zenaida M., et. al.,ASYA: Tungo sa Pag-unlad, Makabayan
Serye, Vibal Publishing House, Quezon City, 2003, pp. 4-6

Mga Website
https://www.nps.gov/lacl/learn/nature/tundra.htm
https://coldlandsartist.wordpress.com/2010/09/18/taiga/
https://pxhere.com/en/photo/80696
https://depositphotos.com/203228544/stock-photo-forest-trees-nature-green-wood.html
https://www.publicdomainpictures.net/en/view-
image.php?image=299145&picture=golden-tall-grass
https://www.flickr.com/photos/plant_diversity/28052437996/
https://www.flickr.com/photos/joiseyshowaa/2775011897/in/photostream/
https://www.pikrepo.com/fsqdo/leafless-tree-on-brown-field-during-sunset
https://www.researchgate.net/figure/Graphical-overview-of-the-decline-in-forest-
cover-in-the-Philippines-over-the-last-100_fig15_305215627
http://hydro.iis.u-tokyo.ac.jp/GAME-T/GAIN-T/rs/wp/KMITL/image/monsoon.gif
PAGKILALA

EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMS)
Tagalapat

NAME
Naglapat Ng Video

NAME
Video Editor

NAME
Tagapagsuri Ng Video

NAME
Gurong Tagapag-Ugnay

DOMINGO N. VIÑAS
EUSEBIO HIGH SCHOOL
Punong Guro

NAME
Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Pasig City

Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Telephone No.: (632) 8641-8885

Email Address: divisionofpasig@gmail.com

You might also like