You are on page 1of 47

Motibasyon ng isang Empleyadong may tip at walang tip

Pananaliksik
Na Inilahad sa
Tarlac National High School – Annex
Lungsod ng Tarlac

Bilang bahagi ng Kailangan


Sa Pagtupad ng mga Pangangailangan
Sa Practical Research I

nina

Hannah Jane Baun

Richel Gonzales

Stephanie Resultay

Christine Pantaleon

March, 2017
2

ABSTRAK

Pamagat: Motibasyon ng isang Empleyadong may tip at walang tip

Mananaliksik: Hannah Jane Baun


Richel Gonzales
Stephanie Resultay
Christine Pantaleon

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa motibasyon ng isang empleyado nakakatanggap

ng tip at hindi nakakatanggap ng tip . Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ipakita ang

motibasyon ng dalawang empleyado ang empleyadong nakakatanggap ng tip at ang hindi

nakakatanggap ng tip .

Naka pa loob dito kung paaano mailalarawan ang motibasyon ng dalawa ang

nakakatanggap at ang hindi nakakatanggap pagdating sakanilang trabaho at pag-uugali.

Naka paloob din dito ang ang pag kakapareho at pag kakaiba ng motibasyon. Aalamin

din dito kung ano ang mga hamon dala ang kanilang trabaho at kung paaano nila ito na

solusyonan ang mga problemang ito .

At sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman kung paano nakakatulong sa

isang empleyado ang pag kakaroon ng tip ito ay kung nakakatulong nga ba.
3

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong nagbigay ng

tulong, suporta at lakas ng loob upang matapos ng mahusay ito. Pinasasalamatan din ang

mga taong gumabay upang matapos ang pag-aaral na ito. Ang pasasalamat ay para sa

mga sumusnod:

Sa panginoon na nagbigay ng sapat na katalinuhan, lakas ng loob, masiglang

pangangatawan sa pangangalap ng impormasyon sa ibat-ibang lugar at sa araw-araw na

gabay upang matapos ang pag-aaral na ito.

Sa aming mga Magulang, na sumusuporta, gumagbay, nagsilbing inspirasyon,

nagging sandalan sa kahinaan ng loob at kuhanan ng lakas ng loob sa paggawa ng pag-

aaral na ito.

Sa aming guro na si Ginoong Ian Carlo T. Feliciano, na walang sawang sumusuporta,

gumagabay at nagtuturo ng mga gawain sa aming pag-aaral upang matapos ito ng tama.

Naging magandang impluwensiya upang tapusin ito ng walang ginagawang kadayaan.

Sa aming Adviser si Gng. Mirasol Yturralde, na naging isa naming taga-suporta sa

aming paggawa ng pag-aaral na ito. Nagsilbing isa sa aming mga inspirasyon upang

tapusin ito at isa sa mga gumabay sa amin ng kaya’t ito ay natapos ng wasto.

Sa eksperto na nagkonsulta sa aming mga gabay na katanungan o palatanungan na si

Ginoong Ian Carlo Feliciano na naging susi upang masagot ang mga katanungang nais

naming malaman mula sa aming mga kalahok sa pamamagitan ng kaniyang walang lubos

na pag konsulta ng aming mga katanungan at pag wasto ng tama sa aming mga gabay na
4

tanong na aming gagamitin sa pangangalap ng impormasyon.

Sa aming mga kaibigan, na laging nandyan upang sumuporta at tumulong sa oras ng

aming kahinaan ng loob at upang tulungan ang isat-isa sa pamamagitan ng pagpapalitan

ng aming mga ideya o kaalaman sa isat-isa upang matapos ng mahusay ang pag-aaral na

ito.

Lahat sila ay mayroong malaking kontribusyon sa pag-aaral na ito na hindi

malilimutan. Dahil sakanila ay nagkaroon kami ng lakas ng loob at determinasyon na

tapusin ng mahusay at walang ginagawang kadayaan ang pag-aaral na ito at dahil sa

kanilang pag suporta na matapos namin ng buo at tama ang pag-aaral na ito. Lubos

naming pinasasalamatan ang mga taong gumabay, sumuporta at nagging mga inspirasyon

naming upang ito ay matapos. Walang hanggang pasasalamat sa mga taong ito. Pinalakas

at pinatibay an gaming loob na tapusin ang pag-aaral na ito. Salamat sa pagiging bahagi

at parte ng aming paggawa ng mahusay na pag-aaral na ito. Lubos na pasasalamat mula

sa aming puso.

Mga Mananaliksik: Group X I 


5

Kabanata 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang motibasyon ay isang paraan upang magkaroon ng lakas ng loob at ito’y daan

upang magkaroon ng tagumpay sa kanyang gustuhin. Ang pagbibigay ng tip sa isang

empeyado ay nakakatulong at nakapagbibigay ng gana upang paghusayan o pag butihin

ang trabaho nito at ang trato nito sa kostumer. Para sa mga empleyado ang pagbibigay ng

tip ay maaari din maging inspirasyon sakanila at mas lalong magiging maganda ang

kanilang serbisyo. Dahil sa magandang serbisyo ng isang empleyado ay maaaring balik-

balikan ng isang kostumer ang restaurant dahil sa magandang serbisyo nito kung saan ang

restaurant ay maaaring maging patok o sikat. Ang empleyado ay isa sa pinaka

importanteng tauhan sa restaurant dahil kung wala ang mga empleyado ay magkakaroon

ng pansariling serbisyo ang mga kostumer na kung saan walang maghahatid ng pagkain

sa kanila. Mas napapabilis ng empleyado ang isang trabaho at mas magiging komportable

ang mga kostumer dahil sa maganda at mabilis na serbisyo ng isang empleyado at kung

walang empleyado ay hindi mapapabilis ang trabaho at hindi magiging komportable ang

mga kostumer sa isang restaurant. Ngunit sa isang restaurant kung saan ang empleyado

na nagkakaroon ng tip ay isang paraan upang magkaroon ng magandang motibasyon ang

isang empleyado upang pagsipagan ng lubos ang trabaho nito at magiging mas

pagbubutihan at gagandahan nito ang kanyang serbisyo sa kostumer. Ang pagkakaroon


6

naman ng walang tip ng isang empleyado ay maaaring bumaba ang tiwala sa sarili at

maaring hindi magsipag sa trabaho o maaaring hindi pagbutihan nito ang kanyang

serbisyo. Kung kaya’t ang mga kostumer ay hindi masasayahan sa serbisyo na

ipinapakita ng isang empleyado at ang resulta ay hindi na babalikan ng mga kostumer ang

restaurant na kanilang pinuntahan maaring hindi rin magustuhan ng isang kostumer ang

pag-uugali ng isang empleyado dahil na din sa mababang motibasyon nito na kanyang

ipinapakita dahil sa kawalan ng tip.

Hindi nakikita ang motibisyon sa isang trabaho o kahit pa ang sukatin ito ng direkta.

Ang ideya ng paggamit ng tip para gawing motibisyon ay para sa maganda at maayos na

serbisyo ng mga empleyado ay isang napaka interesadong usapin. Marami nang

pananaliksik ang nailimbag sa larangan ng gantimpala(tip). Karamihan sa mga

pananaliksik na ito ay naka tuon ang atensyon sa gantimpala(tip) bilang mabuting

kaugalian sa isang bansa, iba’t ibang kultura sa pagbibigay nito, gantimpala na binibigay

depende sa magandang kalidad na serbisyo, gantimpala na binibigay ng mga kumakain sa

kainan, gantimpala na binibigay sa mga lugar pahingahan gaya ng sa mga hotel, na

binibigay bilang motibisyon sa mga empleyado o gantimpala dahil sa kanilang maganda

at maayos na serbisyo.(Azar, 2011; ; Lynn, 2003; Wessels, 1997).Ganun pa man limitado

lang ang mga literatura na meron sa pagbibigay ng gantimpala(tip) sa mga empleyado.

(Curtis et al., 2009; Liu, 2008; Shamir, 1983). Sinasabi dito na marami uri ng gantimpala

ang puwede makuha ng isang empleyado ito ay naka depende sa serbisyo ng mga ito

kung maganda ang serbisyo nito mas malaki ang nakukuha nito , at sinasabi rin dito na
7

ang pagbibigay ng tip sa buong mundo ay limitado lang o kaunti lamang kaya naman

bihira lang sa isang empleyado ang nakakatanggap ng ganito.

Ito ay nagiging gawain upang mas maintindihan at magkaroon ng motibasyon ang

empleyado. Ang katotohanang ito ay sinulat ni Enz (2001) kung saan iminungkahi na ang

pinaka problema nito ay ang pakikitungo ng industriya at ang motibasiyon sa tamang pag

aalaga sa empleyado. Kaya ang motibasyon ay isang susi upang tumaas ang paghahatid

ng serbisyo at upang makita at maintindihan ang kahalagahan ng motibasyon. (Seagrave,

1998).Kinuha ito bilang ebidensya na kung saan ang gustong bigyan ng pabuya o

gantimpala ay mayroong sapat na rason kung bakit bibigyan ito ng pabuya. Gayun pa

man, ang pagsusuri nito ay nagkaroon ng epekto maliit man o malaki, kung pagmasdan

man o kinilatis sa pagitan ng paksa (Lynn at Sturman, 2010).

Sa Asya maraming hotel o pahingahan ang naka kalat ngayon kung kaya’t naman

madaming mga empleyado ang kumukuha ng trabaho gaya ng housekeeping,front office

o anumang mga trabaho konektado sa pahingahan o hotel .Dahil dito may mga

empleyado na gusto ang kanilang trabaho sa pagkat malaki ang kanilang kita at kadalasan

sa mga empleyado ay nakakatanggap ng tip galing sakanilang mga kostumer. Ayon kina

(Panwar , Gupta 2012 at Kwortnik, Ross 2009) ang pera ay isang kasangkapan para

magkaroon ng motibasyon ang mga empleyado sa kanilang trabaho, ayon sakanilang

pananaliksik ang pera o pagbibigay ng bayad sa isang magandang serbisyo ay isang

paraan ng pagbibigay motibasyon. Ibig sabihin nito ang pagbibigay ng tip o gantimpala

ng mga tagapagtangkilik sa isang hotel ay isang epektibong paraan upang magkaroon sila

ng motibasyon sa pagganap sa kanilang tungkulin. May malaking epekto sa mga


8

empleyado ang pagbibigay nito na nakakaapekto sa kanilang pag-uugali o kung paano

nila tratuhin ang mga mamimili.

Sa pagtutol ni Lynn, (2003) Ayon sa kanya mayroong mahinang koneksyon ang

gantimpala sa serbisyo ng mga empleyado, ganun pa man karamihan sa mga may ari o

mataas na posisyon ang naniniwala na nakakapag bigay ng motibisyon ang pagbibigay ng

karagdagang pera sa kanilang mga trabahador o empleyado. Ganun pa man hinihikayat at

kinikilala pa din nila na ang pagbibigay nito ay nakakatulong hindi lang para sa mga

trabahador o empleyado kundi para din sa mga mamimili o tagapagtangkilik na mabigyan

sila ng maganda at maayos na serbisyo. Ngunit hindi maiwasan ang diskriminasyon dahil

ang mga empleyado lamang na nag papakita at nagbibigay ng magandang serbisyo ang

nabibigyan ng ganitong uri ng dagdag pabuya .Dito sa Pilipinas madami ang mga

empleyado ang nakakaranas ng diskriminasyon pag dating sakanilang trabaho may mga

empleyado na kahit sobrang ganda ng serbisyo na ang ibinigay nila ay hindi parin

nagagawang makita ito ng mga kostumer dahil na din minsan sa kanilang pisikal na

katangian o anyo minsan may mga kostumer na pisikal na katangian lang ang

pinagbabasehan pagdating sa pagbibigay ng tip. Ayon sa teyorya ng motibisyon ni

Vroom (1964)ang magandang serbisyo ng mga empleyado o trabahador ang dahilan kung

bakit sila binibigyan ng gantimpala(tip). Ang pabuyang ito ay pwedeng maging negatibo

o positibo. Kung gaano ka positibo ang gantimpala(tip) ganun din kadaming positibong

motibisyon ang ililimbag ng empleyado para sa kanyang trabaho. Sa kabilang banda,

kung gaano ka negatibo ang gantimpala(tip) ganun din kadami ang negatibong

motibisyon na makikita sa isang empleyado.


9

Dito sa Tarlac madaming mga empleyado ang nakakaranas na makatanggap ng tip

hindi lang sa kainan at pahingahan sila nakakatanggap. May mga negosyo na kapag nag

trabaho ang kanilang mga empleyado ay nakakatanggap ito ng tip halimbawa nalang nito

ay sa Car wash, at Aluminum , Glass and Enterprise . Ang mga empleyado nila dito ay

nakakatanggap ng tip . Sa paanong paraan? Sa pamamagitan ng kanilang serbisyo na

ibinibigay sa kanilang kustomer gaya ng Car wash ang mga Carwashboy o mga taga

paglinis ng sasakyan pagkatapos nilang malinisan ang mga sasakyan ng mga kostumer

kapag nagustuhan ng kostumer ang serbisyo na ginawa ng empleyado nakakatanggap sila

ng tip galing sakanilang kostumer. Pagdating naman sa aluminum glass and enterprise

sila ang gumagawa ng mga bintana , pinto at marami pang iba gamit ang mga iba’t ibang

klase ng salamin at aluminum karamihan sa kanilang mga empleyado ay nakakatanggap

ng tip. Sa pamamagitan ng kanilang serbisyo na ginawa halimbawa nito gaya rin ng mga

Carwashboy ang mga empleyado dito ay nakakatanggap ng tip sa pamamagitan din ng

kanilang serbisyo na ginawa, kung maganda ang serbisyo nila mas malaki ang na

tatanggap nilang tip . Minsan naman ay pinagmimeryenda na lamang sila ng mga

kostumer para sa serbisyo na ginawa nila. Kung kaya’t masasabi natin na talaga marami

mga empleyado ang nakaranas na makatanggap ng tip .


10

Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito ay nagpapakita ng pagkakaiba sa motibasyon ng isang empleyado

na may Tip at walang Tip

Partikular, layunin ito para sagutin ang mga sumusunod:

1. Paano ilalarawan ang motibasyon ng isang empleyadong may tip at walng tip sa

pamamagitan ng kanilang:

1.1 Trabaho

1.2 Pag-uugali

2. Ano ang pag kakapareho ng motibasyon ?

3. Ano ang pag kakaiba ng motibasyon?

4. Paano maiuugnay ng empleyado ang kanyang motibasyon sa mga hamon dala ang

kanyang trabaho?

5. Ano ang implikasyon ng pag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga

sumusunod :

Para sa Manager/tagapamahala. Dito malalaman nila na ang kahalagahan ng

motibasyon pagdating sa mga empleyado at makikita nila kung ano ang maidudulot ng

pagbibigay ng tip sa empleyado.

Para sa Kostumer. Maipapakita dito kung ano naidudulot ng pagbibigay nila ng tip
11

sa mga empleyado at kung ano ang naitutulong ng mga ito .

Para sa Negosyo o kumpanya . Makikita kung ano ang magiging impluwensya ng

pagbibigay ng tip sa paglago ng isang negosyo o kumpanya

Para sa Empleyado. Dahil ditto malalaman nila kung ano ang epekto ng tip sa

kanilang motibasyon kung ano ang dahilan bakit sila nagbibigay ng tip at kung bakit

nagiging masipag sila pagdating sa kanilang trabaho.

Para sa Bagong Mananaliksik. Makikita mo dito kung ano ang kahalagahan ng

isang motibasyon ng empleyado at kung ano ang mga pwedeng mangyari sa kanilang

trabaho, matutuklasan mo din dito rito ang epekto ng pagbibigay ng tip sa motibasyon ng

isang empleyado.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay layunin na ipakita kung ano ang kaibahan ng motibasyon ng

isang empleyado na may tip at walang tip at kung ano ang maaaring maging epekto nito

sa kanilang motibasyon. Kung paano mailalarawan ang motibasyon ng isang empleyado

may tip at walang tip sa pamamagitan ng kanilang trabaho at pag-uugali at kung ano ang

pagkakapareho ng motibasyon at pagkakaiba nito at upang malaman kung nakakabuti ba

ito o nakakasama para sa isang enpleyado . Malalaman rin dito kung paano maiuugnay ng

empleyado ang kanyang motibasyon sa pagharap sa mga hamon dala ng kanilang trabaho

at ano ang implikasyon ng pag-aaral na ito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na salitang ito na binigyang kahulugan ay ginawa upang mas
12

lalo maintindihan ang pag-aaral na ito.

Empleyado. Mga tagapag serbisyo , o mga manggagawa. Ang tao o mga tao na

nagtatrabaho para sa mga nagmamay-ari ng kahit na anong restaurant, kompanya na may

kontrata part-timer man o full-timer. at syempre may sweldo kada araw,linggo,buwan,o

taon. Virtuoso (2014)

Kostumer . Tao na senerbisyohan ng empleyado madalas sila ang nagbibigay ng tip

sa mga empleyado sa kanila nanggagaling ang pera na kanilang natatanggap sapagkat

sila ang mga sineserbisyohan.

Motibasyon . Isang uri ng magandang katangian ng isang tao na sa tuwing meron

sila nito ay nag kakaroon sila ng lakas ng loob o kaya naman ay gaganahan sila na gawin

ang isang bagay na gusto nito magawa ng maayos o matapos ng maganda at wala ng

alinglangan .

Restauran at Hotel . Ito ang lugar kung saan nag tatrabaho ang mga empleyado.

Tip (Pabuya) . Isang uri ng gantimpala na kapag ang isang kostumer ay na gandahan

sa serbisyo ng isang empleyadong ito ang ibinibigay na gantimpala o pabuya ito ay pera

kadalasan ito ginagawa sa Restauran o kaya naman sa Bar at Hotel.

Pag-tatrabaho.Pumapasok dito kung paano sila mag trabaho kung malakas ba

sila ,malinis,maayos, at mabilis.

Pag-uugali. Dito pumapasok kung ano ang pag-uugali meron ang isang empleyado

kung sila ba ay magagalang,may respeto,masunurin ,maaasahan,at mapagkumbaba.


13

Kabanata 2

REBYU NG MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG AARAL

Ang kabanatang ito ay nag papakita ng mga kaugnayan sa literatura at pag aaral na

naglalayong mailahad ang ilan sa mga impormasyon at katotohanan tungkol sa

pagkakaiba ng motibasyon sa pagkakaroon ng tip at walang tip.

Kaugnay na literatura

Ang tip ay ginagamit upang ipakita ang isang hindi pangkaraniwang kaugalian na

kung saan ang mga mamimili o kostumer ay nagbibigay ng karagdagan na pera o bayad

para sa magandang serbisyo o mabuting pakikitungo ng mga empleyado o gaya ng

wayter , waytress , bartender , at iba pa pagkatapos bayaran ang mga serbisyo na kanilang

ginawa ( Asar 2003).

Ang Pabuya ay isang pagbibigay gantimpala na inaalok sa naglilingkod na gumawa

ng maganda upang mas lalo niyang pagbutihin ang kanyang trabaho. Ang pabuya ay para

sa kabutihan ng mga mamimili dahil ipapakita nito ang maayos na serbisyo na nararapat

gawin ng isang mabuting empleyado Pinder (1998).

Hindi nakikita ang motibisyon sa isang trabaho o kahit pa ang sukatin ito ng direkta.

Ang ideya ng paggamit ng tip para gawing motibisyon para sa maganda at maayos na

serbisyo ng mga empleyado ay isang na pa ka interesadong usapin. Marami nang

pananaliksik ang nailimbag sa larangan ng gantimpala(tip). Karamihan sa mga

pananaliksik na ito ay naka tuon ang atensyon sa gantimpala(tip) bilang mabuting


14

kaugalian sa isang bansa, iba’t ibang kultura sa pagbibigay nito, gantimpala na binibigay

depende sa magandang kalidad na serbisyo, gantimpala na binibigay ng mga kumakain sa

kainan,gantimpala na binibigay sa mga lugar pahingahan gaya ng sa mga hotel, na

binibigay bilang motibisyon sa mga empleyado o gantimpala dahil sa kanilang maganda

at maayos na serbisyo.Ang mga pananaliksik na mga ito ay inilambag sa larangan ng

ekonomiya, sosyolohiya at siklohiya, ang mga pananaliksik na ito ay nakatuon sa

pagbibigay ng gantimpala(tip) ng mga mamamili o tagapagtangkilik‟ (Azar,2011; Lynn,

2003; Wessels, 1997). Ganun pa man limitado lang ang mga literatura na meron sa

pagbibigay ng gantimpala(tip) sa mga empleyado. (Curtis 2009; Liu,2008; Shamir,1983).

Isang magandang kadahilanan kung bakit ang pag bibigay ng gantimpala(tip) ay

napaka epektibo para bigyan o magkaroon ang mga trabahador o empleyado ng

gantimpala dahil sa kanilang maganda at maayos na serbisyo at para maengganyo silang

magbigay at gumawa ng isang magandang serbisyo Lynn, Kwortnik and Sturmam

(2010).

Ang pagbibigay ng gantimpala ay isang motibisyon lalo na para sa mga empleyado o

trabahador na nasa larangan ng kainan at hotel. Ang mga trabahador ay sinusuklian ang

mga gantimpala na kanilang na tatanggap ng maganda at maayos na serbisyo ito din ay

nagsisilbing motibisyon nila upang patuloy at mas pagbutihin ang kanilang mga trabaho.

Zahari ,Rashdi at Othman (2011) .

Kailangan din pagtuunan ng pansin ang epekto ng pagbibigay at hindi pagbibigay ng

gantimpala(tip). Sa ganitong sitwasyon mas nagkakaroon ng pakinabangang ang Hotel

kesa sa mga empleyado nito na pinagtatalunan nila Lynn at Withiam,(2008).

Weaver (1988) ay binigyan pansin ang teyorya ng M bilang isang motibisyon para sa
15

mga empleyado na maramdaman na ibinibigay sa kanila ang mga gantimpalang dapat

lang nila matamasa dahil sa kanilang magandang serbisyo. Para kay Weaver ang pera ang

nagsisilbing motibisyon ng mga empleyado na ibinibigay mismo pagkatapos ng

magandang serbisyo.

Azar (2006) pinupunto dito na ang pagbibigay ng pabuya o gantimpala ay nakakaakit

at nakakakuha ng atensyion ayon sa ekonomista. Ito rin ay bahagyang nakakaakit at

nakakakuha ng atensiyon ayon sa agham panlipunan. Ang pagbibigay ng pabuya o

gantimpala ay minsan ay nagkakaroon ng konting di pagkakaunanawan sa pang unawa ng

isang serbisyo.

Ang pagbibigay ng pabuya o gantimpala ay isa sa mga kasangkapan upang

magkaroon ng motibasyon ang isang empleyado at upang panatilihin na maayos ang

serbisyo at ito ay importante o mahalaga sa isang kainan,dahil kaya nitong ilayo sa

mataas na gastos at kayang ibalik ang puhunan nito (Dermody, Young, at Taylor, 2004).

Ito ay nagiging gawain upang mas maintindihan at magkaroon ng motibasyon ang

empleyado. Ang katotohanang ito ay sinulat ni Enz (2001) kung saan iminungkahi na ang

pinaka problema nito ay ang pakikitungo ng industriya at ang motibasiyon sa tamang pag

aalaga sa empleyado.Kaya ang motibasyon ay isang susi upang tumaas ang paghahatid ng

serbisyo at upang makita at maintindihan ang kahalagahan ng motibasyon.Ang

pagbibigay ng pabuya o gantimpala ay kailangan pantay na pagbibigay, ang pagkilos ng

pagbibigay ng pabuya at ang pamantayan na pamamahala ay hindi nasa dako at hindi

istatistika. Halimbawa ang pagbibigay ng pabuya o gantimpala ay hindi karaniwang

ginagawa sa United States hanggang mula sa 1900’s at ang karaniwang kainan sa U.S ay

tumataas ang pabuya ng Sampo(10) porsyento ang kanilang kwenta at mula nung 1900’s
16

ay tumaas mula sa Bente(20) porsyento ang kanilang kwenta o higit pa sa ngayon

(Seagrave, 1998).

Kinuha ito bilang ebidensya na kung saan ang gustong bigyan ng pabuya o

gantimpala ay mayroong sapat na rason kung bakit bibigyan ito ng pabuya. Gayunpaman,

ang pagsusuri nito ay nagkaroon ng epekto maliit man o malaki, kung napagmasdan man

o kinilatis sa pagitan ng paksa (Lynn at Sturman, 2010).

Ang motibasiyon ng isang tao ay magulo at malawak na pangkaisipan na kung saan

ang pag uugali ay nag iiba kasama nito ang siklohiya,sosyalismo,edukasyon,politika at

ekonomiya na nagdedeklara, “Dahil kung ano ang ginagawa ng tao ay nananalamin sa

pag uugali nito”. (Denhardt et al..,2008, p. 146). Ngunit itong simpleng depinisyon ay

nagtatago sa ibang malawak na motibasyon ng literatura.

Mayroong mahalagang opinyon na kung saan nagbibigay ng motibasyon at ito ay

nanalamin sa sumusunod:(1) Direkta upang matupad ang motibisyon (Lawler,1994), (2)

Motibasyon upang masundan ang gawaain at mahabol ang mithiin(Denhardt et al.,2008)

at (3) Motibasiyon upang magkaroon ng sariling kakayahan (Pettinger ,1996).

-iba nararamdaman,pamamalagi sa ugali.Dahil ang motibasiyon ay sobrang hirap

liwanagin.

Ayon sa teorya ni Maslow(1965), mayroong pangangailangan ang tao sa ibat-ibang

aspekto upang mabuhay siya ng masaya. Samakatwid, saklaw nito ang serbisyo na

ibinibigay sa kanya ng isang empleyado upang masapatan ang kaniyang pangangalaga at

masiyahan siya dito.Sa katulad na paraan, ang mga empleyado ay mayroon din silang

pangangailangan upang masapatan ang kanilang pangangailangan at mabuhay din ng

maligaya.Para sa isang empleyado, ang pagbibigay ng tip ay maaring magdulot ng


17

inspirasyon sa kaniya upang lalong magsikap siya na pagbutihin ang kaniyang serbisyo sa

mga kustomer.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyaga

Ayon sa pananaliksik nina Eccles at Wigfield (1995) nagkakaroon ng pag-unlad sa

modelo ng pang-unawa ng mga gawain mayroong apat na parte nito ito ay ang mga

Importansya, Interes, Kahalagahan at Gastos. Ang pangatlong nangunguna ay isang uri

upang maging kaakit-akit ang katangian, Magkaroon ng pansariling importansya sa

pagkakaroon ng maayos na gawain sa sanggunian, Iisa ang personal na halaga at

pangangailangan. Ang tunay na pangangailangan ng halaga ng interest ng isang

kasiyahan na kung saan na ang gawain ang pakikipag-ugnayan ay nagbibigay ng tungkol

sa tunay na kahalagahan ng halaga sa kapakinabangan ng gawain upang maabot ang mga

layunin o gustuhin. Ang Pang-Apat na halaga ay ang bumubuo sa negatibong gawain na

kung saan nagkakaroon ito ng pagbawas sa oras, effort at ang emosyonal (Pagkakaroon

ng takot na magkamali at kabalisahan) Ang lahat ng mga nagawa sa gawaing ito ay

galing sa pagtutulungan at ang gawaing ito ay naniniwala upang malaman ang Lakas at

Unawa ng Pag-uugali.

Ayon sa pananaliksik ni Paris (1994) ang esensya ng kilos ng isang motibasyon ay

nagkakaroon ng abilidad upang mamili kung ano ang alternatibong aralin tungkol sa

pagkilos.

Ayon sa pananaliksik nina Locke at Latham (1994) inihayag na ang kilos ng isang

tao ay mayroong naidudulot na layunin at kilos sa tamang lugar na kung saan


18

nagkakaroon ng layunin na isaayos at ituloy ang kagustuhan.

Ayon kay Covingston (1992) Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay isang

magandang Motibasyon, Ang isang mataas na prayoridad ng isang tao ay ang pagtanggap

sa sarili kung kaya’t sa reyalidad ay nakikita ang mataas na pagkamit na kung saan

nagpapalakas sa isang pagsubok at kung paano protektahan ang kakayahang pansariling

pang-unawa .

Ayon kay Deci (1985) Ang kailangan ng sariling kagustuhan ay nagdedepende sa

pagnanais sa Sariling Pagpapasimuno at Sariling Regulasyon ng isang kilos.

Lokal

Medrano(2008) Sa kanyang pag-aaral sa isang mabuting empleyado , ipinapaliwanag

niya na ang kasiyahan ng isang tao pagdating sakanyang trabaho ay ang tanggap niya ang

kanyang trabaho kahit pa may mga problema pa ang dumating ay hindi parin

nababawasan ang kanya ang motibasyon.

Ang loyalty ay isang katangiang madalas hinahanap ng mga manager sa kanilang

mga empleyado. Isa itong mahalagang sangkap sa pagtatagumpay hindi lamang ng isang

team kundi ng organisasyon sa kabuuan. Madalas, iniuugnay ito sa tagal at haba ng

pananatili ng empleyado o sa kahandaan nitong gawin ang lahat para sa kanyang trabaho

- ito man ay pagtatrabaho ng extended hours o pagsasakripisyo ng pansariling kapakanan.

Subalit sa ulat ng International Labor Organization (ILO) ng United Nations noong 2011,

ang mga organisasyon ay nagtala ng 10% hanggang 30% employee turnover o pag-alis ng

empleyado. Ibig sabihin, sa bawat 100 empleyado ng isang tipikal na kompanya, 10

hanggang 30 ang umaalis at lumilipat sa ibang trabaho. Sa kabuuan, ipinakikita ng ulat na


19

ang ugat ng pag-alis ng empleyado ay ang bumababang loyalty sa organisasyon. Ganon

din, ang employee turnover ay isa sa mga hamong kinakaharap ng maraming

organisasyon, na kung hindi matutugunan ay maaring magdulot ng pagkabigo sa

pagkakamit ng mga plano at malaking gastos.Ito ang dahilan kung kaya maraming

organisasyon ang naglalaan ng oras at salapi sa mga programang makapagpapatibay sa

employee loyalty, gaya ng pagbuo ng HR Department, pagkilala sa length of service,

paghuhusay ng mga benepisyo, makatwirang halaga ng suweldo, trainings at iba pa.Sa

librong First Break All the Rules: What The Worlds' Greatest Managers Do Differently na

isinulat nina Marcus Buckingham at Curt Coffman, sinasabing "employees don't leave

jobs, they leave managers." Kung ang isang empleyado ay hindi makasundo, hindi gusto,

at hindi iginagalang ang kanyang manager, ito ay aalis sa organisasyon kahit pa gaano

kalaki ang suweldo o kahit pa gaano kaganda ang benepisyo.Ito ang katunayan na malaki

ang papel na ginagampanan ng isang manager hindi lamang sa mahusay o palpak na

performance. Higit sa lahat, ang isang manager ang may pinakamalaking maaring iambag

sa pagpukaw at paghubog ng loyalty ng isang empleyado. Kahit anong programa o

benepisyo ang ipatupad o kahit gaano pa kaganda ang intensyon ng organisasyon na

alagaan ang mga empleyado nito, nasa paraan ng paghawak ng isang manager kung

paano ito mararamdaman ng empleyado.

Sa lathalaing isinulat ni Alan E. Hall, CEO ng isang organisasyong tumutulong sa

mga entrepreneur sa pamamahala ng kanilang mga negosyo, hindi lamang tinalakay ang

papel na ginagampanan ng isang manager, upang ang empleyado ay maging kuntento at

masaya sa kanyang trabaho.

Ayon kay Alan (2013) Sa simula, maaring ang nakaakit sa empleyado para manatili
20

ay ang malaking suweldo o ang magandang benepisyo. Subalit kung ang ugnayan ng

empleyado at organisasyon ay nakasentro sa pera, ang employee loyalty ay nagiging

kondisyunal. Ang totoong katapatan o loyalty ay isang emotional bond at hindi nabibili

ng anumang halaga ng pera. Higit sa malaking sweldo, ang mahusay na pamamahala ng

isang manager ang nakapagpapayabong ng loyalty ng empleyado sa organisasyon. Kapag

nasasabi ng empleyado: "ang manager ko walang pakialam sa akin, ang gusto lang niya

target!" ito ay pasimula ng suliranin sa ugnayan ng manager at empleyado.Walang

mawawala kung ang isang manager ay maglaan ng oras na umupo at kausapin ang

empleyado sa kung kumusta na siya, ano ba ang ang mga plano at nais niya mula sa

kanyang manager. Karaniwang isasagot ng isang empleyado: gusto kong igalang mo rin

ako kagaya ng paggalang ko sayo, kapag nakagawa ako ng mabuti purihin mo ako, kung

nagkamali ako hayaan mo akong bumangon at matuto sa mga naging mali ko, maging

sensitibo ka sa mga nararamdaman at sitwasyon ko. Sa paglalaan ng oras sa mga

ganitong pag-uusap, hindi lamang magbubukas ang empleyado ng kanyang damdamin at

kaisipan, lalo na sa ganitong paraan mararamdaman ng empleyadong siya ay

mahalaga.Nang mayroon kayong kailangang tapusin hanggang dis oras ng gabi, Minsan,

ang maliliit na bagay na ito ang nakakaligtaan ng mga manager.Kahit gaano pa katagal

nagsasama ang isang empleyado at ang isang manager, kailangang maramdaman ng

empleyado na nakikita at kinikilala ng kanyang manager ang lahat ng kanyang

pagsisikap. Ang pagsasabi sa empleyado kahit ng simpleng rekognisyon kagaya ng:

"magaling ang ginawa mo!" o "mahusay ang performance mo!" ay naghahatid ng

malinaw na mensahe na sila ay kinikilala at pinahahalagahan. Kapag ang isang

empleyado ay napupuri lalo na sa harap ng iba, sila ay nagiging mas ganado at masigasig
21

sa paggawa. Madalas, hindi naman posisyon at titulo ang kailangan ng empleyado, kundi

ang pagkilala sa kanyang husay at kakayahan. Maging mapagkakatiwalaan Kung ito ang

hinahanap ng isang manager sa kanyang mga empleyado, ito ay dapat magsimula sa

kanya. Ang sabi nga: trust is earned, hindi ito maaring sapilitang hingin. Sa paglipas ng

panahon, sa pamamagitan ng mga positibong pag-uugali, saloobin, at pakikitungo sa mga

empleyado, nakukuha ng manager ang tiwala ng kanyang empleyado.

Nararamdaman ng empleyado kung ang pakikitungo sa kanya ng manager ay sinsero

o papogi lang. anuman ang posisyon ng isang empleyado, ang manager na tapat at

marangal ay iginagalang at minamahal. Sa kabalintunaan, ang manager na

nagsisinungaling, hindi patas, mapang-insulto, o mapanisi ay iiwan ng kanyang

empleyado. Muli ika nga, "employees don't leave jobs, they leave managers."

Asar (2003), Pinder (1998), Dernondy, Young ay Taylor 2004 ayon sakanila na ang

tip ang dahilan kung bakit mas nagiging maganda ang serbisyo ng mge empleyado sa

kostumer .

Lynn, Kwortnik, Sturman (2010) ayon sakanila na epektibo daw ang pagbibigay ng

tip para mas maging maganda ang serbisyo na bibinibigay nila sakanilang mga kostumer.

Asar (2011) , Lynn (2013), Wessels (1997) ayon sakanila na nakaka tulong ang pag

bibigay ng tip sa ekonomiya , sosyolohiya at siklohiya.

Zahari, Rashdi at Othman(2011) ayon sakanila na ang mga trabahador ay sinusuklian

ang mga gantimpala na kanilang natatanggap sa pamamagitan ng magandang serbisyo.

Lynn at Withiam (2008) ayon sakanila na ang pagkakaroon ng tip ay nagkakaroon ng

kapakipakinabang pagdating sa hotel o negosyo.

Ayon kay Weaver na ang pera nag nag sisilbing motibasyon ng mga empleyado na
22

ibinibigay mismo pag katapos ng magandang serbisyo.

Koseptual na Balangkas

Ang mga empleyado na nakakatanggap ng tip at walang tip ang pinagmulan ng pag-

aaral na ito dahil sa usaping ito dito ipapakita kung alin ang mas nakakaapekto sa

kanilang motibasyon pagdating sa kanilang trabaho at ilalarawan din rito kung ano ang

pagkakaiba ng kanilang motibasyon ng mga empleyado na may tip at walang tip sa

pamamagitan ng kanilang pag-tatrabaho at pag-uugali.


23

Kabanata 3

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Sa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa

pagkakabuo at pagkakagawa ng plano sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat

disenyong pananaliksik, populasyon o sampling napamamaraan, instrumento at istatistiko

ay nailahad din sa bahaging ito

Disenyo ng Pag-aaral

Disenyo ng paglalarawan at pagkukumpara ang ginamit sa ganitong pag-aaral .

Sa pamamagitan ng disenyong ito ay nabigyang linaw ang pagkakaiba sa motibasyon ng

isang empleyado na may tip at walang tip .Nakatuon ang pag-aaral na ito sa kung alin ang

mas makakatulong sa motibasyon ng isang empleyado. Ang pag-aaral na ito ay isang

qualitative na pananaliksik na kung saan ang pagsusuri ang ginamit. Sa kabilang banda

importante na maintindihan na ang qualitative na pananaliksik ay napakakomplikado.

Ang pakay ng qualitative analisis ay makumpleto ang mga impormasyon sa pamamagitan

ng pagsasalaysay. Case analisis method ay ang pagsasalaysay ng actual na sitwasyon,

kasama rin ang mga karaniwang desisyon na konektado rito, mga pagsubok, mga

pagkakataon , mga problema na patungkol sa mga tao na kasama dito.

Tinawag na case na pag-aaral na ito sapagkat malalaman dito kung alin ang mas

epektibong motibasyon kung ang nabibigyan ng tip o walang tip. Case study nagagamit

ang paraang ito ng pananaliksik sa isang usaping panghukuman na naging lubhang

kontrobersyal, inaalam dito ang mga dahilan kung bakit naganap ang mga pangyayari.
24

Lokal na Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naganap sasa San Nicolas black 5 Akai merchandise car

wash car care center Tarlac City at Baun aluminum glass and enterprise Moncada, Tarlac

na kung saan ang kanilang negosyo ay tumagal ng halos mag lilimang taon na at ang ilan

sa mga empleyado dito ay masisipag kung kaya’t naman hindi maikakaila na tumagal ito

ng libang taon . Pinili ang lugar na ito sapagkat dito makikita ang mga empleyado na

kaylangan sa pag-aaral na ito.

Mga kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ilan sa mga empleyado na nakakatanggap ng

tip at walang tip sa San Nicolas black 5 Akai merchandise car wash car care center Tarlac

City at Baun Aluminum, glass and enterprise. Sapat na ang apat (4) na kalahok sa pag-

aaral na ito ayon kina Bunce at Johnson sa kanilang aklat na field methods(pp.59-82)

iminumungkahi nito na sapat na ang bilang na apat (4) na kalahok para sa mga

impormasyon na kakailanganin.

Pamamaraan Gagamitin sa Pag-aaral

Ang mananaliksik ay humihingi ng permiso sa tagapamahala, sa empleyado na

lumahok para sa pag-aaral na ito para sa ilang impormasyon na kinakailangan. Ang

mananaliksik na ay nangungulekta ng mga impormasyon gamit ang pakikipanayam sa

ilang empleyado na nakakatanggap ng tip at para sa mga hindi nakakatanggap ng tip ,

ngunit pinipili lamang ang kanilang tatanungin ,susuriin kung sino lamang ang nararapat

o sakto sa mga katanungan.


25

Instrumento ng Pag-aaral

Dahil nais ng mananaliksik na ang pananaw ng mga kalahok, tanging ang mga

katanungan lamang ang ginagamit na instrumento upang maisakatuparan ang

pananaliksik.

Questioner/katanungan

Ang pangunahing instrumento na ginamit ay serbey na questioner o mga

katanungan . Ito ay binubuo ng tatlong pangunahing katanungan na kinakailangan

masagutan sa pamamagitan ng isa pang katanungan. Ang unang katanungan ay may

limang katanungan na nakapaloob, upang masagutan ang pinaka pangunahing

katanungan kinakailangan muna na masagutan ang mga nakapaloob na katanungan. Ang

ikalawang katanungan naman ay may tatlong pang nakapaloob na katanungan at ang

ikatlong katanungan naman ay mayroon rin na tatlong katanungan na nakapaloob upang

masagutan ang mga pangunahing katanungan na ito kinakailangan na masagutan muna

nag mga nakapaloob na katanungan.

Validasyon at Praktikaliti

Sa pag-aaral na ito ay gagamit lamang ng papel at panulat hindi masyado gagastos

sapagkat sasagot lamang sila sa ibinigay na katanungan na nanggaling sa mananaliksik.

Ang gagawin ng mananaliksik ay magbibigay ito ng mga katanungan na ipapasagot sa

kanyang mga kalahok para makuha ang mga kinakailangan na impormasyon.

Pagsusuri sa Impormasyon
26

Mga kaugnay na literatura at ang nakaraan na pag-aaral ay mauusig na napili at

sinuri upang makakuha ng sapat na impormasyon o konsepto ng mga paksang

pananaliksik na kung saan ay inimbestigahan at ang mga problema na kung saan ay

nasagot. Sa pamamagitan ng mga materyales sa kamay, makabuluhang mga pananaw

bilang sa paraan ng pananaliksik, mga paksa, mga instrumento at mga pamamaraan

upang isaalang-alang ay makuha.

Ang ilang katanungan sa isang empleyado ay lubos na nakatulong sa pag-aaral na ito.

Ang mga impormasyon na nakalap nito ay naging basehan ng mananaliksik upang

malaman ang kaibahan sa motibasyon ng isang empleyado na may tip at walang tip.
27

Kabanata 4

PRESENTASYON, PAG-SUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang presentasyon, pag-susuri at interpretasyon ng mga nakalap na impormasyon

mula sa mga kalahok upang masagot ang mga katanungan sasa paglalahad ng suliranin ay

ipapakita sa kabanatang ito.

1. Paglalarawan ng motibasyon ng isang empleyado may tip at walang tip .

1.1 Trabaho

Ipapakita sa table na ito ang mga kasagutang ng mga kalahok patungkol sa

paglalarawan ng motibasyon ng isang empleyado may tip at walang tip sa kanilang

trabaho . Ang motibasyon ay nangangahulugang isang puwersa o impluwensiya na

nagiging sanhi ng isang tao upang gawin ang isang bagay.(Motivation | Definition of

Motivation by Merriam-Webster) .

Table 1
Trabaho
Nakakatanggap ng tip:

Kalahok Katanungan kasagutan

1. Sa iyong trabaho gaano ka kabilis Hanggang sa kaya ko pa nag


mapagod?hanggang anong oras mo tatrabaho pa ako. 8 hours lang ang
kayang mag trabaho? oras ng trabaho namin pero minsan
kapag pinag oover time kami
nadaragdagan .
28

2. Paano mo mailalarawan ang Pagdating sa trabaho ko kapag nag


involvement (pakikisangkot) mo sa tatrabaho ako pinakikisamahan ko
1 iyong trabaho? ang mga kasamahan at ang
tagapamahala namin. Sinusunod ko
ang mga alintutunin at masigasig ako
nag tatrabaho.
3. Bakit ito ang napili mong Dahil ito lang ang naka bakante. At
trabaho? wala na ako mahanap na ibang
trabaho.

4. Ano ang iyong naiisip / Okay lang saakin masaya din ako .
nararamdaman sa tuwing pinag- Dahil bilang isang empleyado dapat
oovertime ka o pinagagawan ka ng lang na sundin ko ang tagapamahala
mga trabaho na minsan ay hindi mo namin .Para din naman sa kumpanya
naging obligasyon? Bakit? ang gagawin ko .

5. Masasabi mo ba na ikaw ay nag Sobra sa kinakailangan . Dahil


tatrabaho ng higit pa sa nakikita ko sa sarili ko na masigasig
kinakailangan , kulang sa ako nag tatrabaho at alam ko sa
kinakailangan o sakto lang sa sarili ko na ginagawa ko ang lahat
kinakailangan? Bakit? ng obligasyon ko bilang isang
empleyado.

1. Sa iyong trabaho gaano ka kabilis Hindi ako marunong mapagod dahil


mapagod?hanggang anong oras mo ito ang pinili kong trabaho gagawin
kayang mag trabaho? ko lahat ng makakaya ko upang
mapaganda ang aking trabaho.

2. Paano mo mailalarawan ang Ginagawa ko ng tama ang aking


involvement (pakikisangkot) mo sa trabaho, kahit hindi naka toka ang
iyong trabaho? isang bagay sakin buong puso ko
itong ginagawa.

3. Bakit ito ang napili mong Bukod sa hindi pa ako nakatapos ng


trabaho? pag-aaral. Pinili ko itong trabaho na
2 ito dahil alam ko na sobra itong
makakatulong sa akin.
4. Ano ang iyong naiisip / Sa trabaho namin wala kami
nararamdaman sa tuwing pinag- overtime pero kung minsan
oovertime ka o pinagagawan ka ng sumusobra sa oras pero ayus lang
mga trabaho na minsan ay hindi mo dahil kaya ko tiisin kasi mahal ko ang
naging obligasyon? Bakit? aking trabaho.
29

5. Masasabi mo ba na ikaw ay nag Sakto lang sa kinakailangan, dahil


tatrabaho ng higit pa sa ginagawa ko ang lahat ng aking
kinakailangan , kulang sa kinakailangan gawin upang sa
kinakailangan o sakto lang sa ikagaganda ng lahat at ikabubuti ng
kinakailangan? Bakit? aking trabaho.

Hindi nakakatanggap ng tip:

1. Sa iyong trabaho gaano ka kabilis Sa aking trabaho hindi naman


mapagod?hanggang anong oras mo gaanong nakakapagod dahil 8 hours
kayang mag trabaho? lang ang pasok namin . Pero hanggat
kaya ko magtatrabaho mag tatrabaho
ako.
2. Paano mo mailalarawan ang Pag dating sa pag tatrabaho ko
involvement (pakikisangkot) mo sa masipag ako at ginagawa ko ang
iyong trabaho? mga dapat ko gawin.
3
3. Bakit ito ang napili mong Napili ko ang trabaho na ito dahil
trabaho? pinangarap ko din maging trabaho
ito. Maging kahera.
4. Ano ang iyong naiisip / Okey lang naman saakin . Masaya
nararamdaman sa tuwing pinag- din ako kasi kapag pinag oover time
oovertime ka o pinagagawan ka ng ako matatapos ko ung mga kaylangan
mga trabaho na minsan ay hindi mo ko matapos at isa pa ay naisip ko din
naging obligasyon? Bakit? na sayang din ang karagdagan kong
kita kapag pinag overtime ako.
5. Masasabi mo ba na ikaw ay nag Nag tatrabaho ako sakto lang sa
tatrabaho ng higit pa sa kinakilangan dahil kung ano lang
kinakailangan , kulang sa ang inutos saakin ng boss ko un lang
kinakailangan o sakto lang sa ginagawa ko. Kung ano lang ang
kinakailangan? Bakit? dapat ko gawin hanggang doon
lang .
1. Sa iyong trabaho gaano ka kabilis Hanggang sa kaya ko pa nag
mapagod?hanggang anong oras mo tatrabaho ako , pag hindi ko na kaya
kayang mag trabaho? nag papahingga lang ako ng kaunti
tapos babalik na din ako sa trabaho
ko.
30

2. Paano mo mailalarawan ang Kapag masyado seryoso ang lahat ng


involvement (pakikisangkot) mo sa ka trabaho ko sa trabaho minsan nag
4 iyong trabaho? papatawa ako para naman kahit
papano ay masaya sila habang nag
tatrabaho.
3. Bakit ito ang napili mong Kasi ito lang ang naka bakanteng
trabaho? trabaho. Kaya dito nako nag trabaho
.
4. Ano ang iyong naiisip / Okay lang naman kung pinag
nararamdaman sa tuwing pinag- oovertime ako , kasi madaragdagan
oovertime ka o pinagagawan ka ng ang kita ko . Kaya masaya na din ako
mga trabaho na minsan ay hindi mo .
naging obligasyon? Bakit?

5. Masasabi mo ba na ikaw ay nag Sakto lang sa kinakailangan , kasi


tatrabaho ng higit pa sa ginagawa ko ang trabaho kung ano
kinakailangan , kulang sa lang ang nararapat .kung ano lang
kinakailangan o sakto lang sa ang inutos ni boss.
kinakailangan? Bakit?

Inilahad sa unang table ang patungkol sa paglalarawan ng motibasyon ng isang

empleyado may tip at walang tip sa kanilang trabaho . Mababasa dito ang mga kasagutan

nila patungkol sa kanilang motibasyon pag dating sakanilang mga trabaho.

Ang mga nabanggit na kasagutan ay alinsunod sa mga sinabi ni Medrano( 2008)

na kapag mahal mo ang iyong trabaho ay kahit gaano pa ito kahirap ay kakayanin.

1.2 Pag-uugali

Ipapakita sa table na ito ang mga kasagutang ng mga kalahok patungkol sa

paglalarawan ng motibasyon ng isang empleyado may tip at walang tip sa kanilang

pag-uugali. Ang pag-uugali ay na ngangahulugan "Ugali" salitang tagalog na may

kaugnayan sa Ugat ng kilos at pag iisip ng isang Tao.Ang ugali ay siyang kabuoan ng
31

pinagsamang pang unawa, damdamin at alituntunin ng tao. Ang mabuti at matuwid

na pasunod (discipline) ay nagbubunga ng maayos na pag uugali,samantala ang

pagkakaroon ng liko at mapaglinlang na patakaran sa nadanasan sa buhay ay

nagsisilbing tulay ng pagkakaroon ng masamang uri ng pag uugali.Isang halimbawa

ng magandang pag uugali ay palaging may kaakibat na pakundangan o

konsiyensiya.Ang ganitong uri ng pag uugali ay may mabuting dahilan sa

paggagawad kung anong nararapat sa nakakaharap o nakikita niya.

https://tl.wiktionary.org/wiki/Ugali

Table 2

Pag-uugali

Nakakatanggap ng tip:

Kalahok Katanungan kasagutan

1. Paano mo mailalarawan ang - Sa kostumer kapag papasok na ang


iyong pakikitungo sa: kostumer sa shop namin agad ko sila
-kostumer? inaasikaso kung ano ang kaylangan.
-mga katrabaho? - Sa mga katrabaho ko
-iyong employer? pinakikisamahan ko sila .
- Sa boss namin kapag mainuutos
siya agad ko ginagawa .
1 2. Paano mo mailalarawan ang - sa oras ng trabaho kapag trabaho
iyong pag-uugali/ ka-asalan sa trabaho lang na ka focus lang ako sa
iyong pagtatrabaho tuwing: ginagawa ko
-oras ng trabaho? -sa libreng oras nakikipagkwentuhan
-libreng oras? ako sa mga ka trabaho ko.

3. Sa iyong palagay, paano Sa aking palagay Nakakaapekto din


nakaaapekto/ makakaapekto ang namn ang pagtanggap ng tip kasi
pagtanggap o hindi pagtanggap ng kapag nakakatanggap ako ng tip mas
tip sa iyong motibasyon ? lalo ako ginaganahan mag trabaho .
32

1. Paano mo mailalarawan ang -may resperto at paggalang


iyong pakikitungo sa: -may pakikisama at pag papahalaga
2 -kostumer? -pagsunod at resperto.
-mga katrabaho?
-iyong employer?
2.Paano mo mailalarawan ang -sa oras ng trabaho ako ay tapat at
iyong pag-uugali/ ka-asalan sa masipag sa lahat ng bagay o gawain
iyong pagtatrabaho tuwing: -sa libre oras kaylangan marunong
-oras ng trabaho? ka makisama sa sa kapwa mo .
-libreng oras? Nakikipag kwentuhan
3. Sa iyong palagay, paano Sobrang halaga dahil dito mas
nakaaapekto/ makakaapekto ang minamahal ko ang trabaho ko ano
pagtanggap o hindi pagtanggap ng mang hamon ang dala nito ay
tip sa iyong motibasyon ? kakanin ko.

Hindi nakakatanggap ng tip:

1. Paano mo mailalarawan ang - Ang pakikitungo ko sa kostumer ay


iyong pakikitungo sa: masaya akong bumabati at magalang
-kostumer? ako
-mga katrabaho? - sa katrabaho ko nakikisama ako
-iyong employer? sakanilang kung ano puwede kong
maitulong sakanila ay tutulong ako.
3 -sa employer ko pinakita ko na
masipag ako at may malasakit sa
companya.
2. Paano mo mailalarawan ang - sa oras ng trabaho kinakailangan
iyong pag-uugali/ ka-asalan sa lagi ako active . Kasi bawal mag
iyong pagtatrabaho tuwing: kamali . Kaya ginagawa ko lahat o
-oras ng trabaho? tinatapos ko agad ang trabaho para
-libreng oras? hindi matambakan .
- sa libreng oras nakikinig ng
music,kumakain ng snacks.nakikipag
kwentuhan sa katrabaho.

3. Sa iyong palagay, paano Sa palagay ko pag nakakatanggap ng


nakaaapekto/ makakaapekto ang tip ito ay nakakasaya ng loob at
pagtanggap o hindi pagtanggap ng nakakasipag. Pero sa kagaya ko na
tip sa iyong motibasyon ? hindi nakakatanggap ng tip normal
lang masaya parin kasi nag
papasalamat ako kasi may kostumer
pa rin kami . At tungkulin ko parin
maging masipag kasi tungkulin ko to.
33

1. Paano mo mailalarawan ang -sa kostumer magalang ako pag


iyong pakikitungo sa: kausap sila.
-kostumer? -sa katrabaho nakikipagbiruan ako
-mga katrabaho? pa minsan minsan
-iyong employer? -sa boss ko ginagalang ko din at
sinusuod ung mga utos niya
4 2. Paano mo mailalarawan ang -kapag oras ng trabaho nag
iyong pag-uugali/ ka-asalan sa tatrabaho ako . Pero pa minsan
iyong pagtatrabaho tuwing: minsan pinapatawa ko mga ka
-oras ng trabaho? trabaho ko.
-libreng oras? -kapag libreng oras nag memeryenda
nakikipag kwentuhan .
3. Sa iyong palagay, paano Sa palagay ko hindi din . Kasi kung
nakaaapekto/ makakaapekto ang talaga masipag ka kahit walang tip
pagtanggap o hindi pagtanggap ng ka natatanggap masipag ka pa din.
tip sa iyong motibasyon ?

Inilahad sa pangalawang table ang patungkol sa paglalarawan ng motibasyon ng

isang empleyado may tip at walang tip sa kanilang pag-uugali .Mababasa dito ang mga

kasagutan nila patungkol sa kanilang motibasyon pag dating sakanilang mga pag-uugali

Ang mga nabanggit na kasagutan ay alinsunod sa mga sinabi ni Zahari (2011) na ang

trabahador o empleyado ay sinusuklian ang mga gantimpala na kanilang na tatanggap ng

maganda at maayos na serbisyo ito din ay nagsisilbing motibasyon nila upang mas

pagbutihin ang kanilang mga trabaho.

2. Mga Hamon dala ng kanilang Trabaho.

Ipapakita sa table na ito ang mga kasagutang ng mga kalahok patungkol sa mga

hamon dala ng kanilang trabaho. Ang hamon ay nangangahulugan pagharap sa isang

pagsubok . https://tl.wiktionary.org/wiki/Hamon
34

Table 3
Mga Hamon dala ng kanilang trabaho

Nakakatanggap ng tip:

Kalahok Katanungan kasagutan

1. Mahalaga ba ang motibasyon sa Oo kasi kung wala kang motibasyon


pagharap ng mga hamon na dala ng siguradong hindi mo makakayang
iyong trabaho? lagpasan ang mga hamon sa trabaho
mo agad kang sususko hanggang sa
wala ka nang trabaho..
2. Sa paanong paraan mo Ginagamit ko ang motibasyon ko
nagagamit/ naiuugnay ang iyong para malagpasan ko ang mga hamon
1 motibasyonsa tuwing ikaw ay sa trabaho ko kapag alam ko na
nakakaranas ng hamon sa trabaho? halimbawa nahihirapan ako sa
trabaho ko iniisip ko na may mga
empleyado na nakaasa sakin na
gumanda ang serbisyo na ibinibigay
ko sakanila.
3. Anu- ano ang mga bagay o Nung minsan na nagkamali ako sa
problema na nararanasan mo sa ginagawa ko at pinagalitan ako ng
iyong trabaho? Paano mo ito na boss ko . Inisip ko nalang na aral
solusyonan? saakin yun kaya pinagpatuloy ko pa
din ang trabaho ko at iniwasan ko na
magkamali ulit.
1. Mahalaga ba ang motibasyon sa Sobrang mahalaga dahil dito mas
pagharap ng mga hamon na dala ng minamahal ko ang aking trabaho ang
iyong trabaho? hamon na dala nito ay kakayanin ko.

2. Sa paanong paraan mo Nagagamit ito bilang lakas dahil mas


2 nagagamit/ naiuugnay ang iyong nabibigyan ako ng dahilan upang
motibasyon sa tuwing ikaw ay magtiwala sa aking sarili na kaya
nakakaranas ng hamon sa trabaho? kong lagpasan lahat ng hamon sa
aking trabaho.
3. Anu- ano ang mga bagay o Minsan nakakaranas ako ng
problema na nararanasan mo sa problema sa aking katrabaho dahil
iyong trabaho? Paano mo ito na kapag nakakatanggap ako ng tip ay
solusyonan? nagkakaroon sila ng pagkainggit, oo
hindi mo maalis at maiiwasan ang
ganitong pangyayari ang ginawa ko
nalang ay intindihin at pinapaiwan
35

ko nalang sila at siyempre kapag


nabibigyan ako ng tip pinapaalam ko
sa lahat lalo na sa nakakataas samin.

Hindi nakakatanggap ng tip:

1. Mahalaga ba ang motibasyon sa Oo kasi dahil sa motibasyon ay


pagharap ng mga hamon na dala ng ginaganahan akong magtrabaho.
iyong trabaho?

2. Sa paanong paraan mo Maging positibo at isipin na kaya ko


3 nagagamit/ naiuugnay ang iyong ito.
motibasyonsa tuwing ikaw ay
nakakaranas ng hamon sa trabaho?
3. Anu- ano ang mga bagay o Kapag nagkakamali ako ng
problema na nararanasan mo sa pagcocompute yun ang problema ko.
iyong trabaho? Paano mo ito na Ngunit para hindi ako magkamali
solusyonan? kailangan ko magrecord at
magcompute ng ilang ulit para
sigurado.

1. Mahalaga ba ang motibasyon sa Oo kasi kapag may motibasyon ka


pagharap ng mga hamon na dala ng alam mo sa sarili mo na
iyong trabaho? malalagpasan mo ang mga hamon sa
trabaho mo.
2. Sa paanong paraan mo Kapag pinanghihinaan nako ng
4 nagagamit/ naiuugnay ang iyong loob . Kapag tinatamad ako sinasabi
motibasyonsa tuwing ikaw ay ko sa sarili ko na kaylangan ko gawin
nakakaranas ng hamon sa trabaho? to kasi may kostumer ako.

3. Anu- ano ang mga bagay o Nung minsan na nagalit ung


problema na nararanasan mo sa kostumer saakin . Kasi hindi daw
iyong trabaho? Paano mo ito na okey ung ginawa ko . Ung ginawa ko
solusyonan? pinakinggan ko kung ano ung gusto
niya tapos un okay na .
Inilahad sa ikatlong table ang patungkol sa mga hamon dala ng kanilang

trabaho.Mababasa dito ang mga kasagutan nila patungkol sa mga hamon dala ng kanilang

trabaho.

Ang mga nabanggit na kasagutan ay alinsunod sa mga sinabi ni Coingston (1992) na


36

ang pag kakaroon ng tiwala sa sarili ay isang magandang motibasyon, kung kaya’t ang

mga problema o hamon na dumarating sa kayang trabaho ay nagagawan nito ng paraan

upang masulosyonan o malagpasan ito.

5. Implikasyon ng pag-aaral sa Motibasyon ng Empleyadong May Tip at Walang

Tip.

Base sa resulta ng pag-aaral sa pagkalap ng mga impormasyon , ang unang kalahok

ay nagtatrabaho sa Baun aluminum glass and Enterprise sa lunsod ng Moncada Tarlac

siya ay nakakatanggap ng tip. Sinasabi niya na kaya niyang mag trabaho sa abot ng

makakaya niya pero sa trabaho nila hanggang 8 hours lang sila nag tatrabaho . Pagdating

sa kaniyang trabaho pinakikisamahan niya ang kanyang mga kasamahan at tagapamahala

sinusunod niya nag mga alintuntuning ng kanilang trabaho at masigasig siya kapag nag

tatrabaho. Napili niyang ang trabaho na ito dahil ito lang ang nakabakante at wala na

siyang mahanap na ibang trabaho. Sa tuwing pinag-oovertime siya o pinapagawan siya

ng mga trabaho na ni minsan ay hindi niya naging obligasyon ayon sakanya ay okay lang

sakanya masaya din siya . Dahil bilang isang empleyado dapat lang na sundin ang

kanilang tagapamahala o boss dahil para rin naman ito sa ika bubuti ng kanilang

kumpanya o negosyo. Sinasabi niya na nagtatrabaho siya nang higit pa sa kinakailangan,

dahil nakikita niya sa sarili niya na masigasig siya na nagtatrabaho at alam niya sa sarili

niya na ginagawa niya ang lahat ng obligasyon niya ibang isang empleyado o

manggagawa. Ang ikalawang kalahok naman ay nag tatrabaho sa San Nicolas black 5

Akai merchandise car wash car care center Tarlac City siya ay nakakatanggap ng tip.

Sinasabi niya na pag dating sa pagtatrabaho hindi siya marunong mapagod at dahil itoang
37

pinili niyang trabaho gagawin niya ang makakaya niya para magawa niya ng

tama/maganda ang kanyang trabaho. Sakanyang trabaho gianagawa niya ng tama ang

kanyang mga trabaho na kahit minsan ay hindi naka toka o hindi niya trabaho ay

ginagawa niya ng buong puso. Pagdating naman sa overtime wala silang overtime sa

trabaho pero kung minsan ay sumusobra sa oras pero okay lang ito sakanya dahil kaya

niyang matiis dahil mahal niya ang trabaho nito. Kapag nag tatrabaho siya sakto lang sa

kinakailangan , dahil ginagawa niya lahat ng kinakailangan gawin para sa ikakaganda o

ikabubuti ng kanyang trabaho. Ang ikatlong kalahok ay nag tatrabaho sa Baun aluminum

glass and Enterprise sa lunsod ng Moncada Tarlac siya ay hindi nakakatanggap ng tip

sinabi niya na saknyang trabaho hindi naman gaanong nakakapagod ang kanyang trabaho

dahil 8 hours/oras lang ang kanilang trabaho. Pero hanggat kaya niya pa mag trabaho

mag tatrabaho at mag tatrabaho siya. Pagdating sa trabaho niya masipag siya at ginagawa

niya ang mga dapat niya gawin . Napili niya ang trabaho na ito dahil pinangarap niya ito

maging trabaho maging kahera. Pagdating sa pag-oovertime okay lang sakanya masaya

din siya dahil mas matatapos niya ang mga kaylangan niyang tapusin at naiispi din niya

na sayang ung karagdagan kita kapag pinag-oovertime siya. Nagtatrabaho siya ng sakto

lang sa kinakailangan , dahil kung ano lang ang inutos ng boss niya o amo niya un lang

ang ginagawa niya. Kung ano ang dapat gawin hanggang doon lang. Ang pang apat na

kalahok ay ng tatrabaho sa San Nicolas black 5 Akai merchandise car wash car care

center Tarlac City siya ay hindi nakakatanggap ng tip. Sabi niya sa oras ng trabaho niya

hanggang kaya niya pa mag tatrabaho siya kung mapagod man siya agad papahinga lang

siya ng kaunti at pag katapos babalik na ulit siya sa trabaho niya. Pagdating sa trabaho

nila kapag seryoso ang mga kasamahan niya o katrabaho minsan ay nag papatawa siya
38

para naman kahit papaano ayb masaya sila habang nag tatrabaho. Napili niya ang trabaho

na ito dahil ito lang ang bakante kaya dito na siya nag trabaho. Ayon sakanya pagdating

sa overtime okay lang naman kung pinag-oover time siya dahil madaragdagan naman ang

kita niya kaya masaya siya. Kapag nagtatrabaho siya sakto lang sa kinakailangan, dahil

ginagawa ko lang ang nararapat kong gawin kung ano initos ng boss niya.

Kabanata 5

LAGOM, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito makikita ang buod ng natuklasan sa pag-aaral at ang mga

konklusyon batay sa mga ibinigay nasagot ng mga kalahok. Makikita din dito ang mga

rekomendasyon ng pag-aaral.

Lagom
39

1. Paglalarawan ng motibasyon ng isang empleyado may tip at walang tip .

1.1 Trabaho

Ayon sa mga datos na nakalap sa mga kalahok halos siyang apat ay mag kakaparehas

na mga kasagutan pagdating sa mga katanungan gaya nalang ng hanggang anong oras mo

kaya mag trabaho silang apat ay sumagot na ” hanggang sa kaya pa nila mag tatrabaho

mag tatrabaho sila ” kaya naman nakita ng mananaliksik na magkakaparehas lang ang

motibasyon ng isang empleyado sa kanilang trabaho nakakatanggap man ito ng tip o

hindi .

1.2 Pag-uugali

Ayon sa mga impormasyon na nakalap ang pag-uugali na kanilang ipinapakita ay sila

ay isang motibadong empleyado . Sapagkat ang kanilang mga pag uugali/asal na kanilang

ipinapakita sakanilang tagapamahala, kustomer at katrabaho ay maganda.

2. Pag kakapareho ng motibasyon

Sa pagsusuri ng mananaliksik ang pag-kakapareho ng motibasyon ng mga

empleyado na may tip ay mas mataas hindi kagaya ng mga empleyado na hindi

nakakatangap ng tip ngunit kahit hindi sila na kakakatanggap ng tip ibinibigay parin nila

ang kanilang serbisyo ng buong puso/ nang may buong pagmamahal .

3. Pag kakaiba ng motibasyon

Sa pagsusuri ang pagkakaiba ng dalawang ng empleyado ay pagdating sa pagkilos

mas mabilis o mas maayus ang serbisyo na ginagawa ng mga empleyadong nakakatangap

ng tip . Kumpara sa mga hindi nakakatanggap ng tip .

4. Hamon dala ang kanilang trabaho

Ayon sa datos na nakalap sa mga kalakok ang karaniwan nilang nagiging problema
40

ay ang pag kakamali nila minsan sa kanilang trabaho na nagiging sanhi ng komplikasyon

sakanilang mga kostumer at kanilang amo / tagapamahala. Ito din ang dahilan kung

minsan bakit nawawalan ng trabaho ang mga empleyado kaya naman para malagpasan

ang pasgsubok na iyon ay ginagawa nila ang makakaya nila upang maiwasan ang pag

kakamali sa trabaho.

5. Implikasyon ng pag-aaral

Sa pag-aaral na ito makikita na mas mataas ang motibasyon ng isang empleyadong

nakakatanggap ng tip kumpara sa hindi nakakatanggap ng tip kaya naman nakakatulong

ang pagbibigay ng tip sa mga empleyado upang mas pagbuti nito ang kanilang mga

trabaho at upang mas mahalin nila ang kanilang ginagawa .

Konklusyon

Base sa mga sagot na nalikom mula sa mga kalahok, ang mga sumusunod ay

ang nabuong buod.

1.Nag tratrabaho sila sa abot ng kanilang makakaya hanggat kaya pa nilang mag

tatrabaho sila

2.Pag dating sakanilng trabaho ginagawa nila ng maayus ang kanilang trabaho ,

masipag ,masigasig at marunong sila makisama sa kanilang mga katrabaho

3.Napili nila nag trabaho na ito dahil ito lang ang naka bakante at wala silang mahanap na

ibang trabaho.

4. Sa tuwing pina oovertime sila para sakanila ay okey lang ito dahil matatapos na nila

ung trabaho nila may dagdag kita pa kaya masaya sila.

5. Ayon kay kalahok 1 nag tatrabhao siya ng sobrat pa sa kinakailanga dahil alam niya sa
41

sarili niya na ginagawa niya lahat ng kaylangan niyang gawin samantala sa una , ikalawa

at ikatlong kalahok naman ay sakto lang sakinakailangan dahil ginagawa lang nila kung

ano ang iniutos sakila at gianawa nila ito ng maayus ay maganda.

6. Pagdating sakanilang mga kostumer ang pinakikitunguan nila ng maayos agad nila

itong inaasikaso tinatanung nila kung ano ang kailangan ng mga ito. Sa mga ka trabaho

naman nila nakikisama sila sakanilang mga ka trabaho. Sakanilang tagapamahala o boss

nireresperto nila ito at ginagawa ang mga iniuutos nito .

7. Sa tuwing oras ng trabaho sila ay nakafocus lang sa trabaho nila . Sa tuwing libreng

oras ay kumakain ang mga ito o kaya naman ay nakikipag kwentuhan .

8. Ayon saknila mahalaga ang motibasyon dahil dito nagiging mas maganda ang kanilang

nagagawa .

9. Sa tuwing sila ay pinanghihinaan na ng loob nagagamit nila ang kanilang motibasyon,

iniisip nila ung mga kostumer nila na kaylangan sila .

10. Karaniwan na nagiging problema nila ay ang pag kakamali saknilang trabaho . Ayon

sakanila ang ginagawa nila para malagpasan ang mga pinakikinggan ang kanilang mga

kostumer at gianagawa kung ano ang gusto. At sa susunod iwasan na nila magkamali.

Rekomendasyon

Base sa mga nalikom na kasagutan at ang konklusyon nito, ang mga sumusunod

na tagumbilin ay nais kong irekominda.

1. Sa mga manager/tagapamahala

1.1 Kapag nabasa nila ang pag aaral na ito, maari nilang matulungan ang mga

empleydo nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payo upang mas pagbuti nito ang

kanilang mga trabaho.


42

2. Sa mga Kostumer

2.1 Kapag nabasa nila ang pag aaral na ito, maari nilang matulungan ang mga

empleydo sa pamamagitan ng kanilang ibinibigay na tip malalaman nila na ang kanilang

ibinibigay na gantimpala o tip ay isa sa dahilan kung bakit mahal nila ang kanilang mga

trabaho ay ang dahilan kung bakit maganda ang nagiging serbisyo ng mga empleyado

sakanila.

3. Sa mga may ari ng Negosyo o Kumpanya

3.1 Kapag nabasa nila ang pag aaral na ito, maari nilang matulungan ang

kanilang mga sarili kung paano nila mas mapapalago o mapapaganda ang kanilang mga

negosyo o kumpanya .

4. Sa mga empleyado

4.1 Kapag nabasa nila ang pag aaral na ito, maari nilang matulungan ang mga

sarili niya sa pamamagitan nito malalaman nila na ang pagbibigay sakanila ng isang

pabuya o tip ay nakakaapekto sakanilang mga motibasyon . Malalaman nila kung gaano

kahalaga ang pagiging isang mabuting empleyado sa mga kostumer o maging saknilang

mga tagapamahala .

5. Sa bagong mananaliksik

5.1 Kapag nabasa nila ang pag-aaral na ito, makakakuha sila ng ideya kung ano ang

dapat at hindi dapat gawin at malalaman nila kung ano ang mga posibleng mangyari

kung nasa ganitong sitwasyon. Karagdagan pa nito, maari nilang ipamalas ang

kanilang mga nalalaman kapag sila ay nagtatrabaho,


43

BIBLIOGRAPIYA

https://dpb.cornell.edu/documents/1000093.pdf

(http://www.tagalogtranslate.com/translate.php)

(http://tagaloglang.com/tagalog-dictionary/empleyado)

(http://tagaloglang.com/tagalog-dictionary/gantimpala)

(http://tagaloglang.com/tagalog-dictionary/problema)
44

https://core.ac.uk/download/pdf/11238498.pdf

https://www.google.com.ph/webhp?sourceid=chrome-instant&ion=1&espv=2&ie=UTF-8

https://en.wikipedia.org/wiki/Hamon_(swordsmithing)

https://tl.wiktionary.org/wiki/Ugali

https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=iJ7gWIXmC8fC8gf-

6reYAQ&gws_rd=ssl#q=motibasyon+meaning&*

https://www.merriam-webster.com/dictionary/motivation

https://www.merriam-webster.com/dictionary/Tagalog

http://www.dictionary.com/browse/tagalog

http://tagaloglang.com/tagalog-dictionary/

https://www.depinisyon.com/depinisyon-59227-empleyado.php

APPENDICE
45
46
47

You might also like