You are on page 1of 1

Name: Glenn G. Canada Jr.

Section: PT1B

1.    Paano mailalarawan ang iyong naging karanasan sa paggawa ng


pananaliksik sa Senior High School? Paano mauulit ang iyong mabubuting
karanasan at paano maiiwasan ang mga hindi mabubuting karanasan?

Determinasyon at Pagtutulungan. Sa kabila ng tambak naming mga gawain,


napakahalaga na mayroong determinasyon ang bawat isa sa pangkat pagdating
sa paggawa ng pananaliksik. Ang determinasyon ay isa sa aspetong naging
daan ng aming pangkat pagdating sa paggawa ng pananaliksik. Isa sa naging
mabuting karanasan ko sa paggawa ng pananaliksik noong ako'y senior high
student pa lamang ay ang pagtutulungan ng bawat isa sa paggawa ng
pananaliksik mula simula hanggang wakas. Gayunpaman, isa sa hindi mabuting
aking naging karanasan ay ang hindi pagiging mahusay sa pagsagot ng mga
katanungan patungkol sa pananaliksik na aming ginawa. Bilang estudyante,
naniniwala ako na ang karanasan na ito ay magiging mabuting aral para sa'kin. 

2.    Ano-ano ang mga batayang kasanayag kailangan sa pananaliksik? Paano


matagumpay na maisasagawa ang bawat isa?

Ang mga batayang kasanayang kailangan sa pananaliksik ay ang mga


sumusunod: Paghanap ng mga sanggunian, pagpili ng batis ng sanggunian,
pagbabalangkas, at pagbuo ng konseptong papel. Pagdating sa paghahanap ng
sanggunian, napakahalagang ma-akma ang uri ng impormasyong ating
gagamitin sa paksang nais nating talakayin. Gayundin, napakahalaga na sapat
ang dami ng impormasyon nang sa gayon ay magkaroon tayo ng sapat na
kaalaman patungkol sa paksang tatalakayin. Pagdating naman sa pagpili ng
batis ng sanggunian, dapat ay alam natin kung ang sanggunian ay
pinagmumulan ng raw data,  ulat pampananaliksik base sa raw data, o mga aklat
at artikulo base sa raw data at iba't ibang mga ulat pampananaliksik. Sumunod
ay ang pagbabalangkas, dito dapat ay mayroon tayong kakayahang magbuo ng
sistematikong paghahanay ng iba't ibang ideya. Sa pamamagitan nito, mas
magiging maayos ang daloy ng mga ideya at impormasyon sa ating
panananaliksik. Panghuli, ay ang pagbuo ng konseptong papel, napakahalaga
na mayroon tayong kakayanang magsaad ng pangkalahatang balak o plano sa
isasagawa nating pananaliksik gaya ng pagsagot sa katanungang "Ano ang
layunin ng isasagawa niyong pananaliksik?" at kung ano ang pamamaraan o
metodolohiya ng isinagawang pananaliksik.

You might also like