You are on page 1of 7

PANAHON NG MGA AMERIKANO

 Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa pamumuno


ni Almirante Dewey.
 Ingles ang naging wikang panturo noong panahong ito.
 Ginamit na instrumento ang pambansang sistema ng edukasyon sa pagnanais na
maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan.
 Ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles na kilala sa
tawag na Thomasites.
 Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte ay nagpahayag ng
kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na
taong pag-aaral.
 Sumang-ayon kay Bise Gobernador Heneral George Butte sila Jorge Bocobo at
Maximo Kalaw.

Ingles vs. Bernakular

Ayon sa Kawanihan ng Pambayang Paaralan, nararapat na Ingles ang ituro sa pambayang


paaralan. Ilan sa mga kadahilanan ay:
1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magreresulta sa suliraning
administratibo.
2. Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng
rehiyonalismo sa halip
na nasyonalismo.
3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular.
4. Malaki ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng
Ingles upang maging wikang pambansa.
5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
6. Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
7. Ang ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.
8. Dahil nandito na ang wikang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.

Ilan sa mga katwiran ng mga tagapagtaguyod ng bernakular ay ang mga sumusunod:


1. Walumpong porsiyento ng mag-aaral ang nakaaabot ng hanggang ikalimang grado
lamang.
2. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa
primary.
3. Nararapat lamang na Tagalog ang linangin sapagkat ito ang wikang komon sa
Pilipinas.
4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin.
5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng
nasyonalismo.
6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng
paggamit ng bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang
bernakular, kailangan lamang na ito ay pasiglahin.

LAYUNING MAITAGUYOD ANG WIKANG INGLES AT MGA ALITUNTUNING DAPAT


SUNDIN:
 Paghahanap ng gurong Amerikano lamang
 Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang aralin
 Pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng
antas ng edukasyon
 Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan
 Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles
 Paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan
 Pag-alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa paaralan

 Mga pagaaral, ekspirimento at sarbey upang malaman kung epektibo ang


pagtuturo gamit ng Wikang Ingles
Henry Jones Ford
 Iniulat na "gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng milyon-milyon para
maisulong ang paggamit ng Ingles upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol at
mga dayalek sa mga ordinaryong usapan, at ang Ingles ang sinasalita ay kay hirap
makilala na Ingles na nga.”
Propesor Nelson at Dean Fansler (1923)
 may katulad na obserbasyon kay Henry Jones Ford.
 kumuha ng mataas na edukasyon ngunit nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles.

 Ayon sa surbey na ginawa nina Najeeb Mitri Saleeby at ng Educational Survey


Commision na pinamumunuan ni Dr. Paul Monroe, ang kakayahan makaintindi ng
mga kabataang Pilipino ay mahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan
paglabas ng paaralan.
 Ayon kay Najeeb Mitri Saleeby kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo sa
wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay
may kani-kaniyang wikang bernakular.
 Iginiit din ni Saleeby na makabubuti kung magkakaroon ng isang pambansang wikang
hango sa katutubong wika nang sa gayun ay maging malaya at mas epektibo ang
paraan ng edukasyon ng buong bansa.

 Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na


maging wikang pambansa.
 Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng
wikang Pambansa

PANAHON NG MGA HAPONES


 Pinagbabawal ang paggamit ng wikang Ingles maging paggamit ng aklat at peryodiko
tungkol sa Amerika
 Ipinagamit ang katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga
akdang pampanitikan.
 Panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
 Ordinansa Militar Blg. 13 na nag- uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang
wikang hapones (Nihonggo)
 Philippine Executive Comission na pinamunuan ni Jorge Vargas
 Nagpatupad ang komisyong ito ng mga pangkalahatang kautusan buhat sa
tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas.
 Binuksan muli ang paaralang bayan sa lahat ng mga antas.
•Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat. Ngunit binigyan diin ang paggamit ng
Tagalog
•Ang GOBYERNO-MILITAR ang nagturo ng Nihonggo sa mga guro paaralang-bayan.
•Ang mga nagsipagtapos ay binibigyan ng katibayan
•3 uri ng katibayan: Junior, Intermediate, at Senior
 Isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa paglilingkod sa Bagong Pilipinas
•Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at
pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones.
•Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito
•Pangunahing proyekto ng kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa
buong kapuluan.
•Katulong nila sa proyektong ito ang Surian ng Wikang Pambansa.
 Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ni wikang pambansa at
liberal na aral sa tradisyon ng mga Amerikano
 Nagkaroon din ng debate sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga kapwa Tagalista.
 Nagkaroon din ng argumento ang mga Tagalog sa di Tagalog.
 Isa rin sa usapin sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga may kaalamang
panlingguwistika.
 Si JOSE VILLA PANGANIBAN ay nagturo ng Tagalog sa mga hapones at hindi tagalog.
 “A Short to the National Language” ibat ibang pormularyo ang kanyang ginawa
upang lubos na matutunan ang wika.

PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG KASALUKUYAN

 Ito ang panahon ng Liberasyon


 Noong Hulyo 4, 1946, ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay
sa Batas Komonwelt Bilang 570.
 Ito ang panahon ng pagbangon sa mga nasalanta ng digmaan
 Nararamdaman pa rin ang impluwensiyang pang-ekonomiko at panlipunan ng mga
Amerikano
 Ito ang naging sanhi ng pagkabantulot sa pagsulong, pag-unlad, at paggamit ng
wikang pambansa.

 Agosto 13, 1959 –pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay
nagiging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7 –ipinalabas ni Jose B.
Romero (dating Kalihim ng Edukasyon)
TAGALOG => PILIPINO

 Nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan


1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang
Pilipino.

 Noong 1963, pinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
 Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong
Diosdado Macapagal

 Ferdinand Marcos (pangulo ng Pilipinas) –inutos niya sa bisa ng Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 96 s. 1967, na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay
pangalanan sa Pilipino.
 Nilagdaan din ni kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang Memorandum Sirkular
Blg. 172 (1968) –nag-uutos na ang mga ulong-liham ng mga tanggapan ng
pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
 Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968) –nagtatagubilin sa lahat ng kawani ng
pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na pangungunahan ng Surian ng
Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok lingguwistika ng kapuluan.

 Noong 1969 –nilagdaan ni pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.


187 na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay
ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang
Pambansa at pagkaraan naman ay sa lahat ng opisyal na komunikasyon at
transaksiyon.
 Noong Hunyo 19, 1974 –ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni
Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawarang Edukasyong
Bilingguwal.

 Corazon Aquino (unang babaeng Pangulo) –bumuo ng bagong batas ang


Constitutional Commission
 Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang gawin upang maitaguyod ang
wikang Filipino
 Sa Termino ni Pangulong Aquino –isinulong ang paggamit ng wikang Filipino. Ang
Seksiyon XIV ng Saligang Batas 1987 ay nagsasaad ng sumusunod:
WIKA
 SEK. 6. –angwikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
 SEK. 7. –ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mgawikang
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo
doon. Dapat itaguyod ng kusa at opsiyonal angKastila at Arabic.
 SEK. 8. –Dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila
 SEK. 9. –Dapatmagtatag ang kongreso ng isang komisyonng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mgfa
pananaliksik sa Filipino.

 Tinupad ni Pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No.


335, ito ay “Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at
instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa
layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya.”
 Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo –naglabas siya ng
Execituve Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang
monolingguwal na wikang panturo –ang Ingles, sa halip na ang Filipino
 Sa kasalukuyan –Mabilis ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino ; bunga ito
ng epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan ; resulta din ito ng
patuloy at dumaraming paglabas ng mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino,
lalo na ang komiks. ; Ilan pang dahilan ay ang patuloy na pambansang pagtangkilik sa
mga telenobela at pelikulang Pilipino, at ang paggamit ng Filipino sa radyo at
telebisyon.
 Noong ika-5 ng Agosto 2013, sa pamamagitan ng kapasiyahan Blg. 13-39 ay
magkasundo ang kaluponan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: Ang
Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa
buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw
at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t
ibang antas ng saliksik sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at
kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.

Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon

 Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil


sa dami ng mga mamamayang naaabot nito.
 Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang
malalayong pulo at ibang bansa.
 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga
lokal na channel.
 Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay
ang mga teleserye, mga pantanghaling mga palabas, mga magazine show, news and
public affairs, reality show at mga programang pantelebisyon.
 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga
lokal na channel.
 Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o
pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-milyong
manonood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay
nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.
 Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal.
 Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng
mga mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang
namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa mga lugar na di
Katagalugan.

Sitwasyong Pangwika sa Radyo

 Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.


 May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa
pagbrobroadcast subalit nakakarami pa rin ang gumagamit ng Filipino.
 May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na
wika ngunit kapag may kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila
nakikipag-usap.

Sitwasyong Pangwika sa Dyaryo

 Sa diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino


naman sa Tabloaid maliban sa iilan.
 Ngunit tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at
dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa atbp. Na nakasulat sa
wikang higit nilang nauunawaan.
 Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay kadalasan ay hindi pormal na wikang
ginagamit sa mga broadsheet.
 Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit kaagad
ang mga mambabasa.
 Ang nilalaman ay karaniwan ding senseysyonal na lumalabas ang impormalidad ng mga
ito.

You might also like