You are on page 1of 9

PAG UULAT T APAT ARCH

I-EI

NG
A

N
K

S
G

T
N

E
A

NI
P
⭐ ⭐

PANGKAT •N
G FILIPIN O•

APAT
Magandang Hapon sa Ating Lahat!
Ngayon, tatalakayin namin ang aktibidad na
binigay sa amin ng anming guro!

Talakayin nyo…!
Talakayin at pag-usapan ang mga
sumusunod na katanungan:
1. BIGYANG KAHULUGAN ANG TINUTUKOY NA KALAYAAN NI
NELSON MANDELA SA KANIYANG TALUMPATI. GAANO ITO
KAHALAGA SA ISANG TAO, SA ISANG LAHI, AT SA ISANG BANSA?
-Kalayaan sa Lahi
KAng kalayaan para sa lahi ay dapat bigyan ng pansin dahil lagi nalang
pinag uusapan ang isang grupo ng mga tao. Tulad nalang ng sakupin
tayo ng kanlurang bansa dahil dito nawalan tayo ng sariling
pagkakilanlan.
-Kalayaan sa tao
Napakahalaga ng kalayaan sa tao sapagkat nabibigyan tayo nito ng
pagkakataon na makapagdesisyon ayon sa ating kagustuhan, abutin ang
ating mga pangarap sa buhay, magkaroon ng prinsipyo at paniniwala,
maihayag ang ating mga opinyon at marami pang iba. Sa madaling salita
ang kalayaan ang nagbibigay ng “choice” sa lahat ng bagay sa bawat tao.

- Kalayaan sa Bansa
Naniniwala si Mandela na mahalaga ang kalayaan ng isang bansa dahil ito
ang pundasyon ng mga mamamayang naninirahan dito. Ani pa niya na
ang isang bansa ay dapat na magkaroon ng kalayaan na gumawa ng
desisyon para na rin mapoprotektahan ang kanilang kaligtasan, nang
walang panghihimasok ng ibang mga bansa.
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan
ng mga taga- Timog Africa.
Batay sa nabasang talumpati ang kalagayan ng Timog Africa ay
hindi maayos. Nabanggit na dahil sa naging pambansang
batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng
rasismo, nagbunga ito ng unti-unting pagkalugmok dahil sa
hindi pagkakasundo, at sa tuwing mayroong pagtanggi,
paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ngunit
masasabi rin na sa bandang huli ay nagtagumpay sila sa
paggawa ng huling hakbang upang tuluyang makamtan ang
kapayapaan. Ang bawat isa ay lumahok sa isang kasunduan
kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim man o
puti ay bawat isa ay malaya at may dignidad may kapayapaang
pansarili at pambansa.
3. Anong katangian ni Mandela ang
masasalamin sa kaniyang talumpati?
Batay sa talumpating aking napanood, si nelson mandela ay
naging pangulo sa bansang africa. siya ay mabuting pinuno
na naghahangad ng mabuti para sa kanyang mga
nasasakupan o mamamayan. At di niya pababayaan ang mga
tao na maltratuhin o maghikahos dahil sa hirap ng buhay.

Mahihihalintulad ko rin siya sa aking mga magulang sapagkat


si mandela rin ay isang mapagmahal na magulang na kahit
medyo nahihirapan siya, pipilitin parin niya na ibigay sa mga
tao ang kinakailangan nila at sosolusyonan ang kanilang
paghihirap na dindanas nila sa kanilang pang araw araw na
buhay.
4. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging damdamin
sa talumpati ni Mandela?

Kasiyahan at pagkagalak ang aking mararamdaman. Nakaka galak na makita at marinig


na ang mga kasulukuyang problema sa isang bansa ay unti-unti nang nalulutas sa tulong
ng mga mamamayan nito. Nakaka tuwa din isipin na nasusuri ng isang lider ang mga
problema at pagsubok na nararamdaman at nararanasan ng mga mamamayan na
kaniyang pinamumunuan. Ang ganitong uri ng pamumuno ay makakapag bigay ng pagasa
sa mga mamamayan na magsasanhi sa pag unlad ng kaniyang nasasakupan.
5) Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang
isang tao, lahi o bansa? Bilang kabataan, paano ka
magiging susi ng pinapangarap na kapayapaan, Kalayaan, at
katarungan?
Masasabi na hindi malaya ang isang tao kung wala itong
kalayaang magpahayag ng saloobin o damdamin . Bilang
kabataan magiging susi ako sa pamamagitan ng pagpapakalat ng
mga impormasyon sa kung ano ang tama at dapat gawin upang
makamit ang kalayaan at katarungan.

Maituturing na hindi malaya ang isang bansa kung ang lahing naninirahan
dito ay nakakaranas ng diskriminasyon o di kaya ang mga tao ay
nahihirapan. Bilang isang kabataan magiging susi ako sa pinapangarap na
kapayapaan, kalayaan, at katarungan sa pamamagitan ng pag-unawa at
pag-aaral sa mga karapatan ng bawat mamamayan at maitaguyod o
maipalaganap ito upang malaman ng lahat. Sa gantong paraan, maalis na
ang diskriminsyon sa tao o lahi at magkakaroon na ng pagkakapantay-
pantay nang siyang magpapaulad ng bansa.
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG 💗
Pangkat Apat
Aira Lei Dela Pena APAT ARCH
I-EI
T
Krisha Mae Zurbano A

N
K

S
G
Franco Pagdonsolan

T
N

E
A

NI
P
Keith VIllabroza ⭐ ⭐
Cazimir Veine Gonzales
Kishean Auditor
Ejay Postrado
Fatima Pura
Rose-Ann Garrido

You might also like