You are on page 1of 6

Name:_______________________________ Grade and Section:____________

Basahin at unawain ang kuwento.


Si Carlo at si Felix
Si Carlo at Felix ay magkaibigan. Nakaugalian na nila na
magpunta sa bukid pagkatapos ng gawaing bahay.
Minsan, sa pagdating ni Felix, nakita niyang tulog si Carlo.
Maya-maya ay nakakita siya ng malaking ahas sa ilalim ng
punò ng mangga at tila tutuklawin ang kaniyang kaibigan.

Napasigaw nang malakas si Felix, “Ahas!” “Ahas!” At halos


napapikit ang mga mata ni Felix samantalang iminulat naman
ni Carlo ang kaniyang mga mata. Dali-daling bumangon si
Carlo at sabay siláng tumakbo palayo sa bukid. Pagkatapos ng
pangyayaring iyon, lalong tumibay ang pagkakaibigan nilang
dalawa.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang sumusunod na mga


tanong tungkol sa binasang kuwento.
1. Tungkol saan ang binásang kuwento?
Sagot: __________________________________________________
2. Saan naganap ang pangyayari?
Sagot: ___________________________________________________
3. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Sagot: __________________________________________________
4. Ano ang naging suliranin ni Carlo at Felix?
Sagot: __________________________________________________
5. Paano nabigyan ng solusyon ang suliranin?
Sagot :___________________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Pag-aralan ang mga larawan.
Sumulat ng pangungusap tungkol sa bawat larawan.
Name:______________________Grade &Section:____________
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Tukuyin kung aling kilos sa
pakikipag-usap o pakikipag-diyalogo ang tama o wasto. Piliin
ang letra ng tamang sagot.
1. Nag-uusap ang mag-asawang Paul at Kate. May nais
itanong si Biboy. Ano ang dapat niyang sabihin?
A. “Anong pinag-uusapan ninyo?”
B. “Maaari po ba akong magtanong?”
C. “Oo, alam ko rin iyan.”
2. Abalang nagbabasa ng aralin sa modyul ang kapatid mo.
Kailangan mo ng tulong. Ano ang sasabihin mo?
A. “Maaari po bang magpatulong?”
B. “Tulungan mo nga ako rito.”
C. “Pakigawa mo nga ito.”
3. Kinakausap ng Nanay Zeny niya si Lyn. Ano ang tamang kilos
na dapat ipakita?
A. Magpatuloy sa ginagawa
B. Sumagot ng oo na kahit hindi pa
C. Tumingin sa kausap at sumagot nang maayos
4. Narinig mong nagtatalo ang dalawa mong kapatid. Ano
ang sasabihin mo?
A. “Hindi maganda iyan. Mag-usap kayo nang maayos.”
B. “Sige, ako ang magsasabi kung sino ang magaling.”
C. “Kakampi mo ako. Mas naniniwala ako sa iyo.”
5. Hindi mo naunawaan ang sinasabi sa iyo ng iyong tatay. Ano
ang gagawin mo?
A. Hahayaan na lamang ito
B. Magtatanong upang maunawaan
C. Magkukunwaring naunawaan kahit hindi naman
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Makipag-usap sa nanay, tatay o
kapatid. Pumili ng paksang nais pag-usapan. Isagawa o ipakita
ang mga tamang kilos. Markahan ng tsek (✓) ang hanay kung
naipakita o hindi ang kilos.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Punan ang usapan ninyong
magka- ibigan tungkol sa inyong mga karanasan sa pag-aaral
sa panahon ng pandemya.

You might also like