You are on page 1of 3

GRADE 10

IKATLONG MARKAHAN
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELC) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga akdang-pampanitikan ng Africa at Persia

MODYUL 2: (WEEK 3)

Kasanayang Pampagkatuto:

 Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota;


 Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi

ANG PAKIKIPAGTUNGGALI NG BATANG AURANGZIB SA ELEPANTE-


ANEKDOTA MULA SA PERSIA

DIYALOGO-ASIDE, SOLILOQUY, AT MONOLOGO

Ang anekdota ay maiksing pagsasalaysay ng kakaiba, nakatutuwa, o di malilimutang karanasan na


nangyari kamakailan o mula sa nakaraan ukol sa isang kilala o importanteng tao.
Nakatala ang mga pangyayari sa buhay ng batang Aurangzib sa Padshahnama (Tala ng Emperador
ng Mundo, Shah Jahan, bilang pagdadakila sa unang 10 taon ng kaniyang pamumuno) na isinulat ni Abdul
Hamid. Ayon sa tala, nangyari ito noong ika-28 ng Mayo 1633.
Labing-apat na taong gulang pa lamang noon si Aurangzib nang gantimpalaan siya ng emperador
ng 5,000 gintong barya, ng elepanteng si Sudhakar, at iba
pang regalo na nagkakahalaga ng dalawang lakh ng rupee.

Ang Pakikipagtunggali ng Batang Aurangzib sa Elepante


Anekdota mula Persia
Malayang salin ni Doyle Camba ng "The Young Aurangzib Fights with an Elephant" mula sa
http:/lpersian.packhum.org/persian/pf?file=o3002030&ct=11 (Abril19, 2017)
Noong ang Emperador Shah Jahan ay nasa Laho, malimit siyang manood ng labanan ng mga elepante sa hardin
ng Shalamar. Minsan pa nga'y pinasalubungan siya ng gobernador ng Bengal ng apatnapung panlabang elepante.
Habang nakaupo sa balkonahe ang Emperador, lulan ng kani-kanilang mga kabayo ang apat na prinsipeng anak niya na
nanonood ng paligsahan. Isang elepante ang biglang umiwas sa katunggali at tumakbo palapit sa mga prinsipe Tatlo sa
anak ng Emperador ang nagpulasan kaliwa't kanan. Tanging Si Muhammad Aurangzib, na labing-apat na taon lamang
noon, ang matikas na nakatayo, hindi gumagalaw kahit kaunti. Dinaanan lamang siya ng tumatakbong elepante. Hinabol
ito ng prinsipe ng sibat na tangan-tangan. Bumuga ang elepante na ikinatumba ng kaniyang kabayo.

Nakatalon si Aurangzib. Kinuha niyang muli ang sibat upang asintahin sa ulo ang elepante. Sa puntong iyon,
dumating na ang mga utusan at ang emperador na labis na nag-aalala ay bumaba mula sa balkonahe. Lumapit dahan-
dahan si Aurangzib sa Kaniyang Kamahalan. Si ltimad Khan, ang nazir, na dumating-na dahil sa kaniyang pagiging
matandang alipin na mula pa sa kaharian ni Asaf Khan, ng lolo sa tuhod sa panig ng ina ng prinsipe-ay napahiyaw,
"Nakukuha mong maglakad nang marahan gayong nag-aalala ang Emperador!" Tumugon ang prinsipe sa mahinahong
tono, "Kung ang elepante ay narito, marahil, maglalakad ako nang matulin. Subalit, ngayon, wala nang dahilan upang
mag-alala." Nang marating ni Aurangzib ang ama, naghandog ang huli ng isang lakh ng rupee at nagwika, "Anak
ko, salamat sa Diyos at hindi ka napapa'no! Kung (sana'y di ipahintulot ng Diyos) na iba ang kinahinatnan, O, kay laking
kahihiyan!" Nag-salaam si Aurangzib at nagsabing, "kung iba ang kinahinatnan, walang kahiya-hiya roon. Ang kahiya-hiya
ay ang inasal ng aking mga kapatid."
Pagbibigay-kahulugan batay sa Panlapi

Maylapi-isa sa apat na kayarian ng salita ang maylapi; ito ay idinurugtong sa salitang-ugat upang
magkaroon ng isang kahulugan. Narito ang mga halimbawa:

1. ma-nagtataglay ng pagkamayroon
Maganda ang pelikula.
Matalino si Einstein.
-pagkamarami
Matao ang palengke tuwing Linggo.
Mabato ang daan patungo sa lawa.

2. maka-nangangahulugan ng katig, kampi, o hilig


Maka-Amerikano ang maraming Pilipino.
Makabago ang kaniyang pananaw.

3. mala- tulad ng isinasaad ng salitang-ugat


Malasutla ang kanyang kutis.
Malaporselana ang kanyang mukha.

4. mapag-may ugali
Mapagbiro siya.
Mapagkawanggawa ang mga Pilipino sa kapuwa.

5. mapang-/mapam-/mapan - may kakayahan


Mapanukso ang ilang mga bata sa paaralan.
Dapat iwasan ang mapanghusgang tao.

6. pala- palaging ginagawa


Palangiti si nanay.
Paladasal sa simbahan ang mga manong

7. -an/-han- hindi karaniwan ang laki o labis ang dami


Duguan ang sundalo sa giyera.
Putikan siyang umuwi ng bahay.

8. -in/-hin madalas pangyarihan


Sipunin siya tuwing tag-ulan.
Sakitin ang mga bata.

Monologo, Soliloquy, at Diyalogo-aside


Isang mahalagang sangkap ng dula ang divalogo. Sa pamamagitan nito nakikilala natin ang
personalidad ng mga tauhang nagsasalita.
Ilan pang paraan ng pagsasalita ng tauhan ay sa pamamagitan ng monologo, soliloquy, at diyalogo-
aside.
Ang monologo ay mahabang pagsasalita nang mag-isa ng tauhan na naglalayong ibahagi sa manonood
ang kaniyang nararamdaman, saloobin, at naiisip ukol sa mga pangyayari sa buhay at kapaligiran.
Samantala, tinutukoy ng soliloquy ang pagsasalita nang mag-isa ng tauhan upang ipabatid sa mga
manonood ang kaniyang mga iniisip o saloobin;
Ang diyalogo-aside ay pasaring, patama, pabulong na mga salita ng tauhan ukol sa iba pang mga
tauhan.

Sanggunian:
Thrall, William Flint et al. 1960. Handbook of Literature.
New York;Odys. G7A
Gawain 2

Basahin nang may damdamin ang soliloquy ni Florante sa awit na “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas sa
kanan na kahon ng graphic organizer sa ibaba. Itala sa kaliwang kahon ang damdamin, saloobin at iniisip.
FLORANTE

SIPI:

“Sa loob at labas ng bayan kong sawi,


Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay naluligami,
Ninis sa hukay ng dusa’t pighati…
Ay saan ngayon ako mangangapit?
Saan ipupukol ang tinatangis,
DAMDAMIN, SALOOBIN, AT INIISIP NG Kung ayaw na ngayon dinggin ng
TAUHAN:
langit,
_________________________________ Ang sigaw ng aking malumbay na
_________________________________ boses!”
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

Prepared by: Checked and Approved by:

CHERYL B. GUILEB EROS B. ESTRADA


Filipino Teacher Principal

You might also like