You are on page 1of 54

Pangalan: Francisco, Shiela Mae U.

Ipinasa noong: 5/6/22


BSED 2-B

ANG KUWENTO NI MABUTI

GENOVEVA EDROZA-MATUTE (Aling Bebang)


- magiting na kuwentista sa wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas.
Asawa ni Epifanio Matute.

Kapanganakan Enero 13, 1915

Isang guro sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo. Nagretiro


Trabaho siya bilang Dekana sa Philippine Normal College (na kilala
ngayon bilang Philippine Normal University).
 Kuwento ni Mabuti
 Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
 Parusa
 Maganda Ang Ninang Ko
TALAMBUHAY  Pagbabalik.
Mga Akda
NG MAY-AKDA  Tinig ng Damdamin - katipunan ng kanyang mga piling
sanaysay, ng De La Salle University Press.
 Sa Anino ng EDSA - maiikling kuwentong sinulat niya
bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P.
Press.

Gantimpalang Palanca at Cultural Center of the Philippines ng


Parangal
Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992.

Kamatayan Marso 21, 2009 (94)

TAUHAN
*Mabuti - isang pangkaraniwang guro, asawa ng isang doktor
at may isang anak na babae
*Fe - isa sa mag-aaral ni Mabuti na nakita niyang umiiyak sa
sulok ng silid-aklatan.
*Anak ni Mabuti - anim na taong gulang. Magdiriwang ng
II. ELEMENTO kaarawan at paapsok na sa paaralan sa susunod na taon.
NG Ang Kuwento *Asawang doktor ni Mabuti - nagkaroon ng ibang
PAGKAKABUO ni Mabuti kinakasama
NG SALAYSAY
TAGPUAN - sa paaralan, sa silid-aklatan

SAGLIT NA KASIGLAHAN
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang
sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa
kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya
ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing
anumang pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y
nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng
kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi
niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga
sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay
naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo
sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito…
Mabuti… Mabuti!”

SULIRANIN
Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang
aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-
aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana
kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa
kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay
kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap,
pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit,
hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako
na napaupong bigla sa katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang
umiyak din.”

TUNGGALIAN -
*Tao laban sa Sarili
“Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin
ang aking suliranin sa pagluha.”

“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas


ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit
na ngiti sa kanyang labi.

Ipinapakita sa sitwasyong ito ang pakikipagtunggali ng mag-


aaral sa sariling suliranin at gayundin ang pagluha ng guro
habang siya ay nagkukuwento na nagpapahiwatig na mayroong
bumabagabag o mayroon silang mabigat na pinagdadaanan.

KASUKDULAN
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili
sa buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit
bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi
niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa
amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit,
dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y
hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap
niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay
niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang
mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay.
Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang
aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot niyang baka
siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang
anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang
pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na
“pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang paraang
maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay
nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo
na sa aking isipan ang isang hinala.

KAKALASAN -
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol
sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong
may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan
niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak
niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y
magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming
maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting
manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang
isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang
ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang
lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas
ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit
na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol
sa ama ng batang may kaarawan.

WAKAS
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat
nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng
manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay
magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at
naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay
na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa
buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.
 Teoryang Realismo
(a) Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang
manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng
dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi
siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak.

(b) Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y


nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng
kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi
niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga
sandaling pag-aalanganin.

Ang kuwento ni Mabuti ay sinasalamin ang mga totoong


nagaganap sa lipunan lalo na sa loob ng isang pamilya. Sa
kuwento ay ipinakita ang hindi magandang relasyon na
mayroon si Mabuti at ng kaniyang asawang doktor na
nagkaroon pa ng ibang kinakasama. Bukod pa rito, ipinapakita
rin dito ang mga kakatwang ganap sa eskwelahan na kung saan
ugali na ng mga mag-aaral na magbigay ng bansag sa kanilang
mga guro na totoo namang nangyayari.

 Bisa sa Isip
* Tumatak sa aking isipan na kahit na ang mga kababaihan ay
itinuturing na mahina, hindi parin maipagkakaila na sila ang
pinakamatatag sa tuwing sila’y may kinakaharap na pagsubok.
TEORYA AT
BISANG Ang Kuwento Inilahad sa akda ang masalimuot na sitwasyon ng ilang mga
PAMPANITIKA
ni Mabuti pamilya.
N

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang


isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang
ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang
lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas
ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit
na ngiti sa kanyang labi.

* Ang mga guro ay hindi lamang tagapagturo, bagkus sila rin


ang tumatayong pangalawang magulang sa mga mag-aaral.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na


lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko
noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at
ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako
kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong
kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong
pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay
na matapat.

 Bisa sa Damdamin
* Awa ang aking naramdaman sa sitwasyon na kinalalagyan ni
Mabuti ngunit ako’y kaniyang pinahanga sa katatagang
ipinakita niya sa kabila ng mabigat na pagsubok na
kinakaharap ng kaniyang pamilya.
* Nakaramdam ako ng galit at pagkadismaya sa asawa ni
Mabuti sapagkat hindi niya inisip ang kapakanan ng kanilang
anak, ang mararamdmaan ni Mabuti, at ang magiging epekto
nito sa kanilang pamilya.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat


nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng
manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay
magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at
naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay
na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak.

 Bisa sa Pangkaugalian
* Nararapat na tayo ay magtiwala at manalangin sa Diyos dahil
siya lamang ang ating magiging sandigan sa mga pagsubok na
ating kinakaharap.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa


sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking
nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig
niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga
bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.

* Nararapat na maging matatag anuman ang suliraning


kinakaharap.

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting


bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang
ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin
naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang
kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

* Matutong pahalagahan ang mga guro.

Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw


sa kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili
pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng
buhay sa aming aralin.

 iniluha ng bata kong puso (Pagtatao)


 pabugsu-bugsong hiyawan (Paghihimig)
 Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na
(Pagtatao)
 Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin
Ang Kuwento
TAYUTAY NA (Pagpapalit-tawag)
PANANALITA ni Mabuti
 tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig
(Pagmamalabis)
 maririkit na guni-guni ang aming isipan (Paglilipat-wika)
 “Gaya ng kanyang ama!” (Pagtutulad)
 tumakas ang dugo sa kanyang mukha (Pagtatao)
 sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
(Pagtatao)
 ….gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng
silid-aklatan, (Pagtutulad)
 hubad na katotohanan (Pagpapalit-tawag)
Ang kuwento ay tungkol sa isang ordinaryong guro na
binansagang Mabuti ng kaniyang mga estudyante. Mabuti ang
tawag sa kaniya sapagkat halos lahat ng kaniyang sinasabi ay
may salitang “mabuti” at madalas niya itong gamitin na
pamalit sa mga salitang nakakalimutan niya.

Isang hapon, natagpuan ni Mabuti si Fe, isa sa kaniyang


estudyante na umiiyak sa sulok ng silid-aklatan. Lumapit si
Mabuti sa kaniyang kinaroroonan. Bagaman may dinaramdam
din si Mabuti, pinili niyang pakinggan ang suliranin ni Fe.
Magmula noon
ay nagbago na ang pagtingin ni Fe kay Mabuti.

Ang Kuwento Sa kanilang klase, laging binabanggit ni Mabuti ang tungkol sa


ni Mabuti kaniyang anim na taong gulang na anak na babae.
BUOD
(Buod) Ikinukuwento niya sa kanila ang kaniyang pangarap para sa
kaniyang anak na maging isang doktor tulad ng ama nito.
Mapait ang alaala ni Mabuti sa kaniyang asawa sapagkat
mayroon itong ibang kinakasama na siya ring dahilan ng
kaniyang pagsadya noon sa silid-aklatan. Sa alaalang iyon ay
hindi napigilan ni Mabuti na maluha sa harap ng klase ngunit
pilit niya itong ikinubli sa isang ngiti at ipinagpatuloy ang
pagkukwento tungkol sa kaniyang anak.

Hindi malilimutan ni Fe ang mga sinabi ni Mabuti na sa bawat


kalungkutan ay makatatagpo parin ng kaligayahan. Nais
damayan ni Fe si Mabuti tulad ng pagdamay nito sa kaniya
noong siya nasa sulok ng silid-aklatan. Ilang araw ang lumipas,
nalaman na lamang niya ang tungkol sa pagkamatay ng asawa
ng guro at ang tunay na relasyon nito sa dating asawa.
SUYUAN SA TUBIGAN

MACARIO PINEDA
- Isang batikang mangangatha sa wikang Tagalog.
- Nakapaglathala rin siya ng mga akda sa Liwayway, Malaya, Bulaklak, Ilang-ilang, Daigdig, at Sinag-
tala. Ang kaniyang mga kuwento ay kakikitahan ng maingat na karakterisasyon at mahusay na paraan
ng pagsasalaysay. Hinahangaan siya sa paggamit ng katutubong kulay at mahusay na kaalaman sa
idyoma at tradisyonal na kostumbre ng mga Filipino. Laging napapabilang ang kaniyang mga akda sa
antolohiya ng pinakamahuhusay tulad ng Ang 25 Pinakambuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943
(1944) at ng Maikling Kuwentong Tagalog, 1886-1948 (1949) na pinamatnugutan ni Teodoro A.
Agoncillo.

Abril 10, 1912


Kapanganakan
Malolos, Bulacan

Nagtrabaho bilang klerk sa munisipyo. Naging ingat-yaman din


Trabaho
siya ng mga bayan ng Meycauayan, Pandi at Bigaa.

 Five Minutes - una niyang kuwento na nakasulat sa wikang

TALAMBUHAY Ingles at nailathala sa Graphic

NG MAY-AKDA  Walang Maliw ang mga Bituin - nailathala sa Mabuhay.


- napiling isa sa sampung pinakamahuhusay na kuwento ng
Mga Akda
taón.
 Halina sa Ating Bukas (1946), Ginto sa Makiling (1947),
Mutyang Tagailog (1947-1948), Langit ng Isang Pag-
ibig (1948), at Isang Milyong Piso (1950)

Parangal
Kamatayan Agosto 2, 1950
TAUHAN -
*Pilang - ang dalagang nililigawan nina Ore at Pastor at
pamangkin ni Ka Albina at Ka Teryo
*Pastor - manliligaw ni Pilang
*Ore - manliligaw ni Pilang
*Ka Albina - tiyahin ni Ka Albina na asawa ni Ka Teryo
ELEMENTO NG *Nati - pinsan ni Pilang at anak ni Ka Albina
Suyuan sa
PAGKAKABUO *Tagapagsalaysay - matalik na kaibigan ni Ore at may-ari din
Tubigan
NG SALAYSAY ng isang kalabaw na ang pangalan ay Bonita
* Ka Teryo - tiyo ni Pilang na may rayuma at may-ari n tubigan
*Fermin - may-ari ng isang matakaw na kalabaw na ang sungay
ay kupi.
*Asyong - may-ari ng bagong biling kalabaw
*Punso - ang kasamang bimili ng kalabaw ni Asyong
*Pekto - anak ni Ka Gabino. May makisig na kalabaw at ang
nagsabi na mayroong suyuan sa tubigan
*Toning - ang nag-udyok sa dalawang binata na magsubukan
*Ka Punso, Pakito, Filo, Ka Ipyong, Ka Imong - iba pang
tauhan at mga mag-sasaka

TAGPUAN - sa bukid/tubigan

SAGLIT NA KASIGLAHAN
Si Pilang ay walang imik at tila matamang pinagmamasdan ang
landas na tinalunton. Magaganda ang mga paa ni Pilang. Ilang
sandaling pinagmasdan ko ang kanyang banayad na
paghakbang. Sinutsutan ni Pastor ang kanyang pinauunang
kalakina hanggang maagapay siya kay Nati.
"Aling Nati," wika niyang nakatawa, "ako na ho sana ang
pasunungin ninyo ng matong na iyan." nagtawanan kami.
Sinulyapan ni Nati si Pastor.
"Salamat ho," tugon niya.
"Diyan ho lamang sa araro at kalabaw ninyo ay napuputot na
kayo, magsusunong pa kayo ng matong. Nais ba ninyong
matambak?"
"Bakit hindi mo aluking sunugin ang matong ni Pilang?" wika
ni Pakito.
"Si Nati ba lamang ang pinahahalagahan n'yo?"
Lalo kaming nagkatawanan. Si Pastor ay halos pagulantang na
tumawa kay Pakito. At lumingon si Ka Albina sa amin alangang
matawa, alangang magalit ang anyo ng kanyang mukha.
Pinamulahan ng mukha si Pilang ngunit kahit isang ngiti ay
wala siyang isinalo sa aming katuwaan.
Patuloy ang banayad niyang paghakbang. At tila lalong
mapuputi ang kanyang binti sa ibabaw ng putikang landas. Si
Ore ay napansin kong dahan-dahang nagpatihuli. Nang
lingunin ko siya ay napansin kong tila may malalim na iniisip
ang binata ni Ka Inso.

SULIRANIN
Nilingon ko sina Ore at pastor. Nahuhuli sila nang isang unat-
suga sa amin. Ang dalawa'y tila nagkakahiyaang hindi ko
mawari. Nang tanawin ko ang dalawang dalaga ay nakita kong
nanonood sila ng tila parada ng ayos ng aming mga kalabaw.

TUNGGALIAN -
*Tao laban sa Sarili
Mula sa kinauupuan namin ay tila ko nakita ang mukha ni Ore -
kunot ang noo, tiim ang mga ngipin, tikom ang mga labi, pigil
na pigil ang ugit ng araro, at halos magsugat ang kaliwang
palad sa pagbanat ng pamitik

Sa sitwasyong ito, ipinapakita ang pagpipigil sa sarili ni Ore na


maibulalas ang kaniyang nararamdaman habang
nakikipagtunggali siya kay Pastor.

*Tao laban sa Tao


Naghiyawan kami. Pumilantik si Ore at sinabayan ng isang
sutsot. Lalong nag-umahon ang mga kalamnan sa mga hita ng
kanyang kalabaw. Umigpaw ang kalakian. Muling pumilantik si
Ore. Lalong bumilis ang hakbang ng kanyang kalabaw. At sa
layo nang dalawang unat-suga ay unti-unting umabot si Ore
kay Pastor.

Inilalarawan sa bahaging ito ang pagtutunggali ng dalawang


binata na sina Ore at Pastor na kapwa nag-uunahan sa pag-aaro
at nagpapakitang-gilas sa dalagang si Pilang.

KASUKDULAN
Nagmamadali tuloy ako sa pag kakalag kay Bonita ngunit nang
makakain na kami ay saka lamang namin napansin sina Pastor,
Ore at Tinong pala ay kasalukuyang nasusubukan sa tarakan sa
ikatlong pitak. Nauuna si Pastor, sumusunod si Ore, nasa
hulihan si Tinong.
"Salbahe talaga yang si Tinong," wika ni Ka Punso.
"Tiyak na siya ang nagbuyo sa dalawa. Nagkakainisan ba ang
dalawang iyan?"
Malimit ang hiyaw ni Tinong sa kanyang kalabaw ngunit sina
Pastor at Ore ay walang imikan. Banat na banat ang kanilang
mga pamitik, pigil na pigil ang mga ugit ng kanilang mga
araro, nag-uumalon ang mga kalamnan sa mga hita ng
kanilang mga kalabaw.

KAKALASAN
Pumilantik si Ore at sinabayan ng isang sutsot. Lalong nag-
umahon ang mga kalamnan sa mga hita ng kanyang kalabaw.
Umigpaw ang kalakian. Muling pumilantik si ore. Lalong
bumilis ang hakbang ng kanyang kalabaw. At sa layo nang
dalawang unat-suga ay unti-unting umabot si Ore kay Pastor.
Isa pang pilantik.
Nag-umunat ang kalabaw ni Ore. Bumubula ang bunganga ng
kalakian. Yuko ang ulo at lahat ng lakas ay ibinigay na. Lalo
kaming naghiyawan. Lumingon si Pastor. Nakita niyang
umabot na sa kanya si Ore. Itinaas ni Pastor ang kanyang
pamitik. Sinutsutan niya ang kanyang kalakian atsaka
sinabayan ng isang makalatay na pilantik. Umigpaw ang
kalabaw. Lalo naman nag-umunat ang kalakian ni Ore.
Mayroon pa kayang ilalabas ang bumubuntot na kalabaw?
At naghiyawan kami nang malakas nang aming makitang
pagkatapos ng ilang makalagot-litid na pagpupumilit ay
biglang tumigil ang kalabaw ni Ore.

WAKAS
Naupo si Ore, ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang.
Tinanaw ko si Pastor - kumakain na siya sa tabi ng dalawang
dalaga. Nang ako'y tumayo upang tunguhin ang kalabaw ni
Ore, nakita kong palapit si Pilang sa binata.
At doon sa kinauupuan ng binata - ilang hakbang ang layo sa
karamihan - doon siya dinulutan ni Pilang. Ano kaya ang
kanyang sinasabi kay Ore? Nang ako'y muling tumanaw mula
sa aking pagsasaboy ng tubig sa humihingal na kalabaw ay
nakita kong tila naibsan na ng hirap si Ore.
At mula sa kinatatayuan ko, ang mga binti ni Pilang ay tila
lalong mapuputi.
 Teoryang Romantisismo
Ang akdang Suyuan sa Tubigan ay kinapapalooban ng
Teoryang Romantisismo sapagkat ang kuwento ay nakasentro
sa pagtutunggalian ng dalawang binata upang masungkit ang
puso ng isang dalaga.

Muling pumilantik si Ore. Umigpaw ang kanyang kalabaw.


Nakatawang lumingon si Pastor. Hindi pa siya pumipilantik ay
nakakadalawa na si Ore. Nilingon ko si Nati. Ang dalaga ni Ka
Albina ay napapatunganga sa panonood ng pagsusubukan. Si
Pilang ay nakatungong naglilinis ng mga pinggan. Mapulang-
mapula ang mga pisngi ng dalaga.

 Teoryang Kultural
Masasalamin sa kwento ang Teoryang Kultural sapagkat
nabanggit sa akda na ang pagkakaroon ng suyuan sa tubigan ay
tila isang pista na sa mga mag-sasaka.

Pagkatapos ng kainan ay nagsipagsingkaw na kami. At siyang


pagdating ni Pekto. Nagpapatakbo ng kalabaw na nakasingkaw
na sa araro ang binata ni Ka Gabino at humihiyaw,
“Kaunti na akong mahuli sa pista... kaunti na akong mahuli..."
Kay saya ni Pekto at kay liksi niya sa pag- aangat ng kanyang
araro kung nilalampasan niya ang mga pilapil. Si Pekto ang
may sabi sa akin na kung mayroon daw suyuan sa tubigan ay
TEORYA AT tila,ay pista ang mga magsasaka.
BISANG Suyuan sa
PAMPANITIKAN Tubigan
 Teoryang Realismo

Masasalamin ang Teoryang Realismo sapagkat tampok sa


kuwento ang totoong buhay ng mga magsasaka at ang kanilang
mga nakaugalian na kabilang na rito ang paglinang ng lupa sa
bukid at ang pagtutulungan ng mga magsasaka.

(a) Sumisilip pa lamang ang araw ng kami'y lumusong sa


landas na patungo sa tubigan ni Ka Teryo. kasabay namin si Ka
Albina na kasama niyang si Nati at ang kanyang pamangking si
Pilang. Ang tatlo'y may sunong na mga matong ng kasangkapan
at pagkain.

(b) Naunang napalakad si Ka Punso. At kami'y nagsunod-


sunod. Ikalabin-lima ako sa hanay. Ang sinusundan ko'y si Ka
Imong. 'Huwag muna kayong bubugaw. bayaan muna nating
mag-init-init ang ating mga kalabaw," wika ni Ka Imong.

 Bisa sa Isip
* Tumimo sa aking isipan na mahalaga ang pagkontrol sa bugso
ng damdamin sa anumang sitwasyon.

Napabuntong-hininga ako nang pilantikin ni Ore ang kanyang


kalabaw. Mula sa kinauupuan namin ay tila ko nakita ang
mukha ni Ore - kunot ang noo, tiim ang mga ngipin, tikom ang
mga labi, pigil na pigil ang ugit ng araro, at halos magsugat
ang kaliwang palad sa pagbanat ng pamitik.
* Bilang babae, mahalagang subukin ang sinseridad ng isang
manliligaw at hindi lamang nagpapadala sa panlabas na
kaanyuan nito at mabubulaklak na salita tulad na lamang ng
ginawa ni Pilang. Sinuri niyang mabuti ang kaniyang mga
manliligaw bago siya nagpasya kung sino ang pipiliin.

Sinulyapan ko ang dalawang dalaga. Nakatawang nanonood si


Nati. Si Pilang ay nakatungong may kung anong inaayos.
Bahagya na siyang mapasulyap sa tatlong nagtatarakan.

 Bisa sa Damdamin
* Nakaramdam ako ng kiliti sa aking puso at pananabik nang
magsimulang magpakitang gilas ang dalawang binata kay
Pilang.

Pumilantik si Pastor. Umigpaw ang kanyang kalabaw. Unti-


unting naiiwan si Ore. Ngunit ang kalabaw nito ay lalong nag-
uumunat. Tila may isip ang kalakian ni Ore sa pagsunod sa
kalabaw ni Pastor. Isang pamitik na ang agwat ni Pastor kay
Ore. At damak- damak na palayo si Pastor. Naghiyawan kami.

* Tumatagos sa aking puso ang nararamdaman ni Ore sa tuwing


nakararamdam siya ng selos kapag nilalapitan ni Pastor si
Pilang.

"Bakit mo naman tinatanggihan ang aking pagtulong?" tanong


ni Pastor. Nang yumuko si Pilang upang hanguin ang iba pang
mga kasangkapan ay nakita kong sumulyap ang binata sa
dalaga. Nilingon ko si Ore. Ang binata ay nakaupo at tila ang
kanyang guyurang pinagdurugtong lamang ang kanyang
nakikita. Mapulang-mapula ang mukha ni Ore.

* Nakaramdam ako ng inis kay Pastor dahil sa pagiging


mayabang nito at paggawa ng mga bagay na nakababastos kay
Pilang tulad na lamang nang paghawak niya sa kamay nito.

Lumapit si Pastor kay Pilang. Kitang- kita ko nang abutin niya


ang tasa ng kape ay kusa niyang sinapupo ang mapuputing
daliri ng dalaga. Kaunti nang maligwak ang kapeng mainit.
"Salamat," wika pa ng saragateng si Pastor.

 Bisa sa Pangkaugalian
* Matutong magpigil ng emosyon at tumanggap ng pagkatalo.
* Bilang isang babae, tumatak sa aking isipan na kilatisin nang
mabuti ang manliligaw bago ito sagutin.
* Sa isang paligsahan, iwasan ang maging mayabang gaano pa
man kalaki ang lamang mo sa iyong katunggali.
 Masidhi na naman ang rayuma," wika ni Ka Albina sa akin.
(Eksaherayon)
 "Parang bakal naman ang kalabaw na iyan," wikani Ore
(Pagtutulad)
Suyuan sa
TAYUTAY NA  halos kumalabog ang lupa kung ibaliktad ng lipya.
PANANALITA Tubigan
(Eksaherasyon)
 tila nahahalata ng aming mga katulong na hindi nila dapat
isubo sa kahihiyan ang kanilang mga panginoon.
(Pagpapalit-tawag)

Si Pilang ay isang magandang dalaga. Nang minsan sila ay


tumungo sa tubigan ng kaniyang Tiyo Teryo ay naroon din ang
dalawa niyang manliligaw na si Pastor at Ore upang mag-araro.
Si Pastor ay laging dumidikit kay Pilang. Minsan ay muntik
pang matapon ang kapeng iniaabot ni Pilang kay Pastor dahil sa
paghawak nito sa mga daliri ng dalaga. Samantalang si Ore ay
laging nasa isang tabi, nakakunot ang noo at namumula ang
mukha.

Nagsimula nang mag-araro ang mga kalalakihan. Agad nilang


natapos ang gawain ng tanghali kaya tinawag sila ni Ka Albina -
tiyahin ni Pilang - na manghalian subalit naiwan sina Tinong,
Pastor, at Ore na patuloy parin sa pag-aararo. Ngunit napansin
nila na tila ang dalawa ang nagsusubukan at ang kanilang hinala
ay si Tinong ang nag-udyok sa dalawang binata.

V. BUOD Suyuan sa
Tubigan Umigting ang pagsusubukan ng dalawang binata na nagbunsod
ng kapanabikad sa mga nanonood na kalalakihan habang si
Pilang ay namumula ang mukha ngunit patuloy parin sa
kaniyang ginagawa.

Labinlimang likaw na ang nagagawa ng dalawang binata at wala


sa kanilang dalawa ang nagpatalo sa isa’t isa. Nang halos
maabutan na ni Ore si Pastor ay bumula ang bibig ng kalabaw
niya at napilitan itong huminto. Inaya na silang managhalian
subalit bakas sa mukha ni Ore ang pamumula ng mukha nito
dahil sa pagkatalo niya kay Pastor. Lumapit si Pilang sa
kaniyang kinaroroonan upang bigyan siya ng pagkain at may
kung anong sinabi ang dalaga sa kaniya. Nang lumisan si Pilang
ay nawala na ang tila mabigat na nararamdaman ni Ore at
naging maaliwalas ang kaniyang mukha.
UHAW ANG TIGANG NA LUPA

LIWAYWAY ABLAZA ARCEO


- isa sa mga nangungunang kuwentista, radio scriptwriter, mananaysay, tagasalin, at editor sa wikang
Tagalog.
- may anim na anak sa asawang makatang si Manuel Principe Bautista.

Kapanganakan 30 Enero 1920 sa Tondo, Maynila

Pumasok siyá sa Balita at naging unang babaeng kawani ng


isang pahayagang Tagalog. Gumanap siyá sa pelikulang Tatlong
Trabaho Maria kasáma sina Carmen Rosales at Norma Blancaflor noong
1943. Nang muling alukin sa pag-arte, tinanggihan niya ito at
mas pinilì ang pagsusulat.
 Noong dekada 50, nagsulat siyá ng mga script para sa Ilaw
ng Tahanan, ang unang radio soap opera sa bansa na
nagtagal nang halos 10 taón.
 Siyá rin ang nása likod ng mga iskrip na binabasa noon ng
mga gaya ni Tiya Dely Magpayo sa programang Ang Tangi
Kong Pag-ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya
Dely noong mga taóng 1960 hanggang 1990 at ni Helen
TALAMBUHAY Vela sa programang Lovingly yours, Helen noong mga
NG MAY-AKDA taóng 1970.
 Helen Vela sa programang Lovingly yours, Helen noong
Mga Akda
mga taóng 1970.
 Nakapagsulat siyá nang halos 50 nobela, libong maikling
kuwento, sanaysay, at dramang panradyo.
 Canal de la Reina (1972) at Titser (1995) - mga
pinakatanyag niyang nobela
 Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha (1968)
 Mga Piling Katha (1984)
 Ina, May-bahay, Anak, at Iba Pa (1990)
 Ang Mag-anak na Cruz (1991).

Parangal
Disyembre 3, 1999
Kamatayan
TAUHAN -
*Anak - uhaw sa pagmamahal ng magulang at ang laging
kasama ng kaniyang ina sa tahanan.
*Ina- hindi palakibo, bihira lang magalit at ngumiti, at ang nag-
alaga sa kaniyang asawa nang ito ay magkasakit.
*Ama - madalas umuwi ng umaga
- Ang may-ari ng talaarawan
- nagtaksil sa asawa
*Tagapaglaba - ang nagbalik ng talaarawan ng kaniyang ama

TAGPUAN - Aklatan

SAGLIT NA KASIGLAHAN
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang
amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol
sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at
nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda
at masasayang bata.

SULIRANIN
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha,
may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi.
Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa
bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot... Ang
ELEMENTO NG Uhaw Ang
larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang
PAGKAKABUO Tigang Na pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan
ko ang maghinanakit kay Ama.
NG SALAYSAY Lupa

TUNGGALIAN
*Tao laban sa Sarili
(a) “Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina.
Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkabo buhat noon.
Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.”

Inilalarawan dito ang pagkimkim ng mabigat na dinaramdam ng


kaniyang ina.

(b) Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi


raw siya makahingang mabuti.

Sa sitwasyong ito, ipinapakita ang pakikipaglaban ng kaniyang


ama sa karamdaman.

(c) Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang


pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan
ko ang maghinanakit kay Ama.

Sa bahaging ito, ay kinikimkim ng anak ang poot na kaniyang


nararamdaman sa ama nang malaman niya ang tungkol sa
larawan.
KASUKDULAN
Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko
lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang
larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang
mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.
Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga.
Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad
ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag
daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang
pagkakadantay...

KAKALASAN
Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa
kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pahluha kung
walang makakita sa kanya... Ang kanang kamay ni Ina ay
idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais
tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng
pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi. Naupo siya sa gilid ng
higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa
kanyang mga palad.

WAKAS
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni
Ama:Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang
kaligayahan ko... Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi
at nang siya’y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig
na yaon:Maaangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni
Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni
Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa
pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy
sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng
kalilisang kaluluwa…

 Teoryang Realismo
(a) Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng
isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at
tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid
at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na
magaganda at masasayang bata. Ngunit, sa halip niyon ay
minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang
pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa.

(b) Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni


Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa
tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng
UHAW ANG isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang
TEORYA AT
ipadamang may naririnig siya.
BISANG TIGANG NA
PAMPANITIKA
N LUPA
Ang mga sipi na ito ang patunay na masasalamin sa kwento ang
Teoryang Realismo. Ang kaganapang inilalahad sa sipi ay
karaniwang nangyayari sa ating lipunan. Ang ilan sa mga
magulang ay abala sa pagtatrabaho, kakaunti na lamang ang
interaksyon ang bawat miyembro ng pamilya sa isa’t isa dahil sa
kani-kanilang responsibilidad, at kung minsan ay napababayaan
na ang kanilang mga anak.

 Teoryang Romantisismo

Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang


pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang
dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay
nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.
Sa sipi na ito, ipinapakita rito ang pagmamahal ng kaniyang ina
sa kaniyang ama sa pamamagitan ng pag-aalaga nito at
pagtanggap sa kabila ng pagtataksil nito sa kaniya.

 Teoryang Feminismo

(a) Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may


ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha
niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon
kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama. Kinabukasan ay may
bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo
niyang hindi pagkabo buhat noon. Lalo siyang naging
malungkot sa aking paningin.

(b) Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa


napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming
mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa
mga paninging yaon.

Sa dalawang sipi, ipinapakita rito ang katatagan ng Ina sa


pagharap ng malaking pagsubok sa kanilang pamilya. Sa kabila
ng pananakit ng kalooban, hindi niya hinayaang lamunin siya
nito bagkus, mas pinili niyang magpakatatag.

 Bisa sa Isip
* Mahalaga na magkaroon ng oras ang mga magulang sa
kanilang anak.

Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung


makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na
ako ang kasama ni Ina;

* Nararapat na pahalagahan ng mag-asawa ang kanilang


relasyon at maging tapat sa isa’t isa upang hindi masira kung
sakali mang subukin ang kanilang pagmamahalan.

Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko


kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya
pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog
siya o hindi ay hindi ko matiyak.

 Bisa sa Damdamin
* Nakaramdam ako ng awa sa anak sapagkat kinailangan niyang
mamalimos ng pagmamahal mula sa kaniyang magulang.
Gayundin sa kaniyang ina sapagkat siya ay labis na nasaktan
dahil sa pagtataksil sa kaniya ng kaniyang asawa.

(a) Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng


isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at
tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid
at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na
magaganda at masasayang bata. Ngunit, sa halip niyon ay
minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat;

(b) Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may


ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha
niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon
kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama. Kinabukasan ay may
bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo
niyang hindi pagkabo buhat noon. Lalo siyang naging
malungkot sa aking paningin.

* Nakaramdam ako ng inis sa ama ng dalaga sapagkat hindi siya


naging tapat sa kaniyang kaniyang asawa.

‘Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari?


Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa
aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi
maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal.
Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging
sagwil sa kanyang kaligayahan…’

* Ako ay humanga sa ina ng dalaga sapagkat nagawa niya paring


tanggapin at mahalin ang asawa sa kabila ng pagtataksil nito
sa kaniya.

Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang


pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang
dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay
nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.

 Bisa sa Pangkaugalian
* Matutong pahalagahan ang bawat sandali na kapiling ang mga
magulang.
* Iwasang maglihim sapagkat nakasisira lamang ito ng tiwala at
relasyon sa kapwa
* Kung dumating ang araw na bubuo ng sariling pamilya, huwag
kalilimutang maglaan ng oras para sa isa’t isa gaano man karami
ang responsibilidad. .
 Uhaw ang tigang na lupa (Pagtatao)
 Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw
(Pagwawangis)
 ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw…
(Pagwawangis)
 Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga
UHAW ANG
IV. TAYUTAY punit na damit (Pagwawangis)
NA TIGANG NA
PANANALITA  isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang
LUPA
gulang o isang saggol na kalugud-lugod (Paglilipat-wika)
 Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan (Pagpapalit-
tawag)
 Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin
ni Ina ay nabasag (Pagtutulad)
Ang kuwento ay tungkol sa isang anak na uhaw sa pagmamahal
ng magulang. Mapait na pag-ibig ng mga magulang ng dalaga.
Madalang lamang kung mag-usap ang kaniyang at madalas ay
siya ang kasama ng kaniyang ina.

Nang minsang inumaga ng uwi ang kaniyang ama, dumating ang


kanilang tagapaglaba dala ang talaarawan ng kaniyang ama kaya
agad niya itong binigay sa kaniyang ina. Kinabukasan ay
napansin niya ang pag-iyak ng kaniyang ina.

Isang araw ay umuwi ang kaniyang ama na lasing at hindi


naging mabuti ang lagay nito hanggang sa nagkasakit. Hindi
umalis ang kaniyang ina sa tabi ng kaniyang ama at patuloy
Uhaw Ang itong inalagaan.
Tigang Na
BUOD
Lupa Iniutos ng kaniyang ama na ayusin ang kaniyang hapag. Sa
(Buod) kaniyang paglilinis ay nakita niya ang isang kahetang pelus na
rosas at isang salansan ng mga liham. Nakita niya ang larawan
ng isang babae at sa likod nito ay nakasulat ang mga salitang,
“Sapagkat ako’y hindi nakalimot…”. Natuklasan niya ang
dahilan ng pagluha ng kaniyang ina. Nalaman niyang ang
kaniyang ama ay nagmahal ng iba. Gayunpaman, patuloy parin
na inalagaan ng kaniyang ina ang kaniyang ama. Ngunit
dumating ang araw na unti-unti nang nanghina ang kaniyang
ama subalit naroon parin ang kaniyang ina sa tabi nito hanggang
sa tuluyan na itong bawian ng buhay.
WALANG PANGINOON

DEOGRACIAS ROSARIO
- isang mangangatha, mamamahayag, at makata. Kinikilala siyá bilang “Ama ng Makabagong
Maikling Kuwentong Tagalog.”

Kapanganakan Oktubre 17, 1894 sa Tondo, Maynila

 Naging bahagi siyá ng pahayagang Ang Demokrasya noong


1912 at ng satirikong magasing Buntot Pagi noong 1914.
 Noong 1917, naging reporter siyá ng Taliba at pagkaraa’y
naging katuwang na editor nitó.
 Sumulat din siyá sa Pagkakaisa ng Bayan at ng Photo-News
Trabaho (ngayo’y Liwayway).
 Pinamunuan din niyá ang iba’t ibang samahang
pampanitikan at pangwika. Isa siyá sa itinuturing na
cuarteto ng Ilaw at Panitik, at naging pangulo pa nitó,
gayundin ng Kalipunan ng mga Kuwentista, at Kalipunan
ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog.

TALAMBUHAY  “Kung Ipaghiganti ang Puso” - unang maikling

NG MAY-AKDA kuwentong kaniyang sinulat na inilathala sa Liwayway


noong21 Marso 1924.
 “Aloha” (1932)
 “Ako’y Mayroong Isang Ibon” (1932)
 “Greta Garbo.”
Mga Akda  Nakapagsulat si Rosario ng mahigit sa 80 maikling
kuwento, dalawang maikling nobela, dalawang de-seryeng
nobela, at maraming personal na sanaysay, artikulo, at tula
na inilathala sa Photo-News. Nagkaroon din si Rosario ng
kolum sa Taliba—ang “Mga Sulyap na Pang-Sabado ni
D.A.R.” na nagtampok ng mga rebyu ng aklat at mga ulat
tungkol sa mga pangyayari sa larangan ng panitikan.
Parangal

Kamatayan Nobyembre 26, 1936

A. TAUHAN
* Marcos - ang pangunahing tauhan na may hinanakit kay Don
Teong
ELEMENTO NG * Ina ni Marcos - ang natitirang pamilya ni Marcos
Walang
PAGKAKABUO * Anita - ang kasintahan ni Marcos
Panginoon
NG SALAYSAY * Don Teong - ang ama ni Anita at ang nagkakam ng lupang
sinasaka nina Marcos.

B. TAGPUAN - Sa Lupang Sinasakahan


C. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang
malaki nilang kapalaran sapagka't mabuti ang lagay ng tanim
nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang
dumating taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa
kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na
ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

D. SULIRANIN
Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang
lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang ninuno at
binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang
mag-ina ay itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa
gayong kabuktutan.
Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang
mga bagang. Kinagat niya ang kanyang mga labi upang huwag
mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga
kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.

E. TUNGGALIAN -
*Tao laban sa Sarili
Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang
mga bagang. Kinagat niya ang kanyang mga labi upang huwag
mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga
kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.

Sa sitwasyong ito, ipinapakita ang pagtitimpi ni Marcos na


maibulalas ang kaniyang poot sa Don. Ang payo ng kaniyang
ina ang nagsilbing paalaala niya sa sarili upang kaniyang
maiwasan na makagawa ng masama.

Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-araw ay


tumatanggap si Marcos ng balita. At nang tangkain niyang
dumalaw minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak
na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-
loob siya. Maaaring maging dahilan iyon ng bigla pang
pagkamatay ng kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa
kanyang ina kung siya ay mawawala.

Ipinakikita sa sitwasyong ito ang pagdadalawang - isip ni


Marcos na salungatin ang Don ngunit kaniyang naisip ang mga
posibleng mangyayari kung gagawin niya iyon at kabilang na
roon ang maaaring kahihinatnan ni Anita.

*Tao laban sa Tao


Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama na
lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang
may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa sa
kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang buhay.

Magmula nang kamkamin ng Don ang lupang sinasakahan nina


Marcos, nagsimula na ang kanilang alitan sa isa’t isa at kabilang
na riyan ang pagtatangka sa buhay ni Marcos at maging ang
pagtutol nito sa pag-iibigan nila ni Anita.
*Tao laban sa Kalikasan
Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa
ilog ata sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay inabot
niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang
kalawitin ng kaliwa niyang bisiig sa may baba ang dalaga ay
bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya't
pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay
at pagsikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa
pampang.

Ipinapakita sa sitwasyong ito ang pakikipagtunggali ni Marcos


sa kalikasan nang iligtas niya mula sa pagkakalunod si Anita.

F. KASUKDULAN
"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?"
ang tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating
siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.
"Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon natin, paris ni
Don Teong," ang nakatawang sagot ng anak. "Kung tayo po'y
nakaalis na rito, tayo'y magiging malaya," ang tila wala sa loob
na tugon ng anak.

Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa


hanggahan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay
isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang
suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don
Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka
aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na
ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan.
Kung dumating siya'y dinaratnan niya ang kanyang inang
matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na Santo
Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

G. KAKALASAN
Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng
mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng
bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay
namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na
pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may
sinumpang galit sapagka't bigla na lamang sinibad ang
matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na
sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay
tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman ng kabilang
sungay.

H. WAKAS
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa
bayan, wasak ang suwiter sa katawan at saka ang pulinas.
Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng
kailangan pagsisiyasat subali't ang lahat ng matuwid ay
nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na
animo'y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking
pagkakasala.
 Teoryang Klasisismo
Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang
malaki nilang kapalaran sapagka't mabuti ang lagay ng tanim
nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang
dumating taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa
kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na
ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

Ipinakikita sa kuwento ang pagkaka-iba ng estado ng


pamumuhay ni Marcos at Anita at kung paano nakaapekto sa
kanilang reslasyon. Binigyang diin din ang mapait na dinanas
nina Marcos at ng kaniyang ina na kapwa mahihirap sa kamay ni
Don Teong na isang mayaman.

 Teoryang Romantisismo
(a) Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala
siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi ang balqng araw ay
maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na
may-ari ng lupa nilang sinasaka.

(b) "Marcos, matagal na naman kitang iniibig," ang pagtatapat


ni Anita sa binata, makaraan ang may ilang buwan buhat nang
siya'y mailigtas.

Ipinapakita sa dalawang sipi ang pagmamahalan na mayroon


sina Marcos at Anita sa isa’t isa sa kabila ng pagkaka-iba ng
TEORYA AT
BISANG Walang antas ng kanilang buhay.
PAMPANITIKA
N Panginoon
 Bisa sa Isip
* Tumatak sa aking isipan na lahat tayo ay panta-pantay anuman
ang iyong estado sa buhay, kasarian, o lahi.

Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay may nagsukat ng


lupa sa sinsabing kanila. Palibhasa'y wala silang maibabayad
sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit
sa kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran
at karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di
nila makuhang umalis doon.

* Hindi kailan man naging solusyon ang karahasan upang


makamit ang hustisya.

Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng


pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si
Anita, akala niya'y maaari pa siyang makalunok ng bagong pag-
upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang
tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis sila roon,
talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa'y naisip na niyang
gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya
matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

"Huminahon ka anak ko," ang sabi ng kanyang ina. "Hindi


natutulog ang Bathala sa mga maliliit. Magtiis tayo."
 Bisa sa Damdamin
* Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginawang pagmamalupit ni
Don Teong sa sarili niyang anak na si Anita at maging ang
panggigipit nito sa pamilya ni Marcos.

(a) Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng


kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang
malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng!
Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hinihinga. Maliit naman
ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian
ng buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit kundi si Anita.
Dahil sa pagkatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay
sinaktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata
lamang ang walang latay.

(b) Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinaman


na lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng
mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng
lupa sa kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang buhay.
Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon
sa balita niya'y nalagutan ng hiningang siya ang tinatawag.
Saka nitong huli ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan
at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak.

* Ako ay nag-alala sa ginawa ni Marcos na paraan ng


paghihiganti kay Don Teong dahil maaaring mapatunayan na
siya ay may kinalaman sa pagkamatay ng Don.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa'y


nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot
ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

 Bisa sa Pangkaugalian
* Huwag isawalang bahala ang pag-aalala ng magulang.
* Huwag nating ilagay ang batas sa ating mga kamay.
* Magkaroon ng pantay na pagtingin at pagtrato sa isa’t isa.
 Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik na subyang
sa dibdib ang kanyang anak.
 inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng
ilog.(Pagpapalit-tawag)
 natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang.
(Pagpapalit-tawag)
 Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan
ng bagong panahon. (Pagpapalit-tawag)
 lumaki ang puso sa mga pagtitiis (Pagpapalit-tawag)
 Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng
pang-aapi ng may-lupa. (Pagpapalit-tawag)
Walang
TAYUTAY NA  Noon pa'y naisip na niyang gawing batas ang kanyang
PANANALITA Panginoon
kamay (Pagpapalit-tawag)
 Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumatngat sa
kanyang puso (Pagtatao)
 "Nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan."
(Pagpapalit-tawag)
 ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng
bayan (Eksaherasyon)
 Si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg na manok na
unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa
hangad na mahamig na lahat ang kayamanan (Pagpapalit-
tawag)
Si Marcos ay isang binata na anak ng magsasaka. Malaki ang
galit niya kay Don Teong, ang taong nagkamkam ng kanilang
lupang sinasaka na sinasabing kanila pang minana sa kanilang
ninuno. Tanging ina na lamang niya ang kaniyang kasama
sapagkat patay na ang kaniyang mga kapatid at ang kaniyang
ama.
Si Don Teong din ang dahilan kung bakit namatay ang kaniyang
kasintahan na si Anita, na anak ng mismong Don. Magmula
Walang nang malaman ng Don ang pagkakaroon ng relasyon ng anak
BUOD
Panginoon kay Marcos ay pinagmalupitan niya ito hanggang sa nagkasakit
at namatay.
Naghiganti si Marcos sa Don. Bumili siya ng suwiter, gora,
latigo, at pulinas. Pumunta si Marcos sa pastulan ng kanyang
paboritong kalabaw sa pook. Suot niya ang suwiter, goras at
pulinas at dala niya ang latigo na katulad kay Don Teong atsaka
niya sinaktan ang kalabaw. Pumutok na lamang ang balita sa
kabayanan na patay na ang Don dahil sinuwag ng kalabaw ni
Marcos na siyang naging palaisipan sa lahat.
MISS PHATHUPATS

JOSE CRISOSTOMO SOTO (Crissot)


- Pangunahing mandudula, peryodista, at makata sa Kapampangan
- panganay sa tatlong anak nina Santiago Soto, may-ari ng mga palayan at dating alguacil mayor ng
Bacolor, at Marcelina Caballa, isang mananahi. Hindi niyá natapos ang pag-aaral sa Maynila dahil
nahilig magsulat at pagkuwa’y lumahok sa hukbo ni Heneral Tomas Mascardo sa Himagsikang 1896.

Kapanganaka
27 Enero 1867
n
 Nagsimula siyá bilang manunulat para sa mga progresibong
pahayagang tulad ng La Independencia, El Liberal at La
Publicidad.
Trabaho  Mula1906 hanggang 1917, pinamatnugutan naman niyá ang
ilang publikasyong Kapampangan tulad ng Ing Balen na siyá
ang nagtatag, at Ing Alipatpat na nagtampok ng kaniyang
salin ng Noli me tangere ni Rizal sa wikang Kapampangan
 Lidia (1907) - nag-iisa niyang nobela na unanag nalimbag
bilang serye sa pahayagang Ing Imangabiran na kaniya ring
pinamatnugutan.
 “Lira, Dalit at Sinta” - nagwagi ito ng unang gantimpala sa
pagdiriwang ng araw ni Rizal sa San Fernando noong 1917.
TALAMBUHAY  Singsing a Bacal (mula sa El anillo de hierro) - isang
NG MAY-AKDA dulang halaw sa mga banyagang akda.
Mga Akda
 Sigalut at Balayan at Sinta (Bayan at Pag-ibig), Ing
Paniu nang Sitang (Ang Panyo ni Sitang), at ng Ing Anac
ning Katipunan (Ang Anak ng Katipunan - mga akdang
makabayan.
 Alang Dios (Walang Diyos) - pinakabantog niyáng dulà at
unang itinanghal sa Teatro Sabina noong 16
Nobyembre1902.
Bilang parangal, ipinangalan sa kaniya noong 1926 ang
Crissótan, ang bersiyon ng balagtásan sa Kapampangan, na
Parangal unang itinanghal sa isang bahay sa Santa Cruz, Maynila at
nilahukan nina Lino Dizon at Nicasio Dungo, at ni Amado
Yuzon bilang lakandiwa.

Kamatayan 12 Hunyo1918
TAUHAN
* Miss Yeyeng/Phathupats - isang dalagang taga-Pampanga na
dating nagtitinda ng mga kakanin bago pa siya naging guro at
natutong magsalita ng Ingles.
* Sundalo - ang humikayat kay Yeyeng na mag-aral ng Ingless
* Mga tao sa umpukan - ang mga nangutya kay Miss
Phathupats

TAGPUAN - Pampanga
SAGLIT NA KASIGLAHAN
Natapos ang rebolusyon. Ang pamahalaang militar ng Amerika
ay nagbukas ng mga paaralan at nagtalaga ng ilang mga
sundalomagturo doon. Nagkataon na si Yeyeng—Yeyeng pa siya
noon, na walang titulong “Miss”—ay may kostumer sa mga
sundalong ito o sundalong guro. Hinikayat siya ng kustomer na
ito na mag-aral sa paaralan kung saan ito nagtuturo para
magkaintindihan sila. Simula noon, magsasalita ang sundalo sa
Ingles at si Yeyeng naman ay Kapampangan. Natutong
magsalita ng Ingles si Yeyeng akya pagkatapos ng walong
buwan, sa rekomendasyon ng sundalong gurp, si Yeyeng ay
ipinadala sa ibang bayan upang maging guro doon.

SULIRANIN
Noong naging guro na siya, napapatingin sa kanya ang mga tao
doon dahil nakita nilang nakakapagsalita na ng Ingles si
ELEMENTO NG Yeyeng. Si Miss Yeyeng ay halos hindi na nagsasalita ng
Miss
PAGKAKABUO Kapampangan dahil ayon sa kanya, nakalimutan na niya kung
Phathupats paano. Sinabi rin niya na ang Kapampangan ay mahirap
NG SALAYSAY bigkasin at pilipit ang kanyang dila kaya naman hindi na siya
makapagsalita ng tuwid na Kapampangan.

Ang mga pilyong nakakakilala sa kanya ay pinagtatawanan siya


sa tuwing siya ay nakatalikod. Umabot pa sila sa pagpapalit ng
kanyang pangalan, na tinawag siya sa mapanuksong pangalan
na "Miss Phathupats", dahil sa kanyang malapad na balakang
na pilit niyang iniipit sa pamamagitan ng isang masikip na
corset na kanyang isinuot kaya siya ay nagiging kahawig ng
isang patupat o binilot na suman.

TUNGGALIAN
*Tao laban sa Tao
Nagalit si Miss Phathupats, hinarap ang mga tumatawa at sabi
niya:
“Porque reir?”
“Por el tsampurado, Miss”, sabi ng unang sumagot.
Lalong lumakas ang halakhak at naginit ang pakiramdam ni
Miss Phathupats.

Sa sitwasyong ito, mapapansin ang pagkakaroon ng sagutan sa


pagitan ni Miss Phathupats at ng mga ilan sa dumalo sa pista.

*Tao laban sa Sarili


Noon na sumabog ang bulkan. Putok na ubod nang lakas,
sumabog ang kaldero ni Miss Phathupats at mula sa bunganga
niyang naglalawa lumabas ang lagablab ng Vesubiyo o ang
lahat ng maruruming salita sa Kapampangan, bigla niyang
pinagsamasama sa nag-aapoy na bunganga
Sa sitwasyong ito, ipinapakita kung paano nagtimpi si Miss
Phatupats ngunit nanaig parin ang kaniyang emosyon at
kalaunay nakapagsalita ng hindi maganda.

KASUKDULAN
Hindi nagtagal, lumabas ang Emangabiran, isang pahayagang
Kapampangan. Dumalo sa isang pista si Miss Phathupats at
nang makita niyang Kapampangan ang binabasa, umiling siya
at nagsabing hindi niya naiintindihan ang Kapampangan.
Tinukso siya ng mga tao ngunit patuloy pa rin siya sa
pagsasalita . Tinawanan siya ng mga nakikinig at nag init ang
kanyang pakiramdam. Hindi na niya mapigil ang kanyang sarili
sapagkat punong puno na siya. Naubos na ang kanyang
pasensya at bigla na lamang lumabas sa kanyang bibig ang
lahat ng maruruming salita sa Kapampangan.

KAKALASAN
Ibinuking siya ng taong nakakakilala sa kanya at napahalakhak
ang mga nanonood. Umiyak siya at sumama sa luha ang pulbo
niyang makapal. Nalaman dito ng mga tao na ang tunay niyang
kulay.

WAKAS
Sigawan, halakhakan at palakpakan ang narinig noon. Dahil
doon ay hindi na nakatiis si Miss Phathupats. Dali dali siyang
umalis habang ang mga tao naman ay nagpapaalam sa kanya.
 Teoryang Realismo
Napakarami ng mga Miss Phathupats sa panahon ngayon. Hindi
na sila marunong ng Kapampangan o ikinakahiya na nila ang
kapampangan dahil nakakapagsalita na sila ng ingles na
tsampurado.

Ang ugali ni Miss Phathupats ay tunay na masasalamin sa


kasalukuyan sapagkat karamihan sa mga Pilipino ay nililimot na
ang kanilang pagka-Pilipino dahil nasisilaw at mas
tinatanggakilik nila ang mga gawang banyaga o kanilang
ginagaya ang paraan ng pamumuhay ng banyaga.

TEORYA AT  Teoryang Saykolohikal


BISANG Inakit ng sundalong mag-aral ang dalaga sa paaralang kanyang
PAMPANITIKA pinagtuturuan upang magkaintindihan sila. Sa kanilang pag-
N uusap nag-iingles ang sundalo nagkaka-pampangan si Miss
Yeyeng kaya napilitan siyang mag-aral. Pagkaraan ng ilang
buwan nagsasalita na ng Ingles si Miss Yeyeng kaya ipinadala
siya sa isang bayan kung saan siya magtuturo.

Ang pag-akit kay Miss Yeyeng na mag-aral ang siyang simula


ng kaniyang pagbabago. Natuto siyang mag-Ingles hanggang sa
kinalimutan na niyang magsalita ng Kapampangan at ginaya ang
pamumuhay ng mga Amerikano.

 Teoryang Sosyolohikal
*Pinalitantuloy ang kanyang pangalan at pinangalanan siya ng
matunog at umaalingasaw na Miss Phathupats, pangalang
hango sa malapad niyang balakang na pilit na iniipit sa pahang
mahigpit na ginamit niya kaya para siyang suman sa ibus na
mahigpit ang balot.

*Lumitaw ang likas niyang kulay, maitim pa siya sa duhat.


Nang Makita ito ng mga nanonood lalo na silang napatawa at
nagsabi:
Aba! Maitim pala siya!
Oo! Amerikanang negra siya!

Masasalamin sa ating lipunan ang mga ganitong kaganapan tulad


na lamang ng dalawang sitwasyon na ibinigay. Marami sa atin
ang pumupuna sa panlabas na anyo ng isang tao at kung ano-ano
ang katawagang ating iniimbento bilang panukso sa kanila. Dahil
sa ganitong pag-uugali ng karamihan sa atin, marami ang
bumababa ang tingin sa kanilang sarili.

 Bisa sa Isip
* Dapat na tangkilikin ang sariling kultura at huwag kalilimutan
ang pinanggalian sa kabila ng mga natatamasa sa buhay.

Halos hindi na nagsalita si Miss Yeyeng ng Kapampangan dahil


sabi niya ay nakalimutan na niya. Matigas daw ang
Kapampangan at nababaluktot ang kanyang dila kaya
kalianman hindi na siya makapagsalita ng tuwid at nauutal siya.

 Bisa sa Damdamin
*Nakakadismaya ang ugaling ipinakita ni Miss Phathupats
sapagkat nang siya ay nakapag-aral lamang ay kinalimutan na
niya ang tunay niyang pagkatao at nagkubli sa makapal na
kolorete at kumilos na para bang hindi siya isang Pilipino.

(a) “Sa katunayan totoong nahihirapan na akong bumigkas ng


kapampangan lalona kung binabasa ko.”

(b) Pinalitan tuloy ang kanyang pangalan at pinangalanan siya


ng matunog at umaalingasaw na Miss Phathupats: pangalang
hango sa malapad niyang balakang na pilit na iniipit sa pahang
mahigpit na ginamit niya -

 Bisa sa Pangkaugalian
* Huwag maging mapagmataas
* Huwag gawing katawa-tawa ang panlabas na kaanyuan ng iba.
 pinangalanan siya ng matunog at umaalingasaw na Miss
Phathupats (Pagmamalabis)

IV. TAYUTAY  noon na sumabog ang bulkan. Putok na ubod nang lakas
NA sumabog ang kaldero ni Miss Phathupats at mula sa
PANANALITA
bunganga niyang naglalawa lumabas ang lagablab ng
Vesubiyo (Pagpapalit-tawag)
Si Miss Yeyeng ay isang purong Kapampangan. Siya nagtitinda
ng ginataan o kaya ay bitso-bisto. Minsan siya ay napadpad sa
sugalan. Doon ay nakilala niya ang isang Amerikanong sundalo.
Hindi sila magkaintindihan kaya inudyok siya nito na mag-aral.
Pumayag si Miss Yeyeng at pagkaraan ng ilang buwan ay
marunong na siyang mag-Ingles kaya pinapunta siya sa isang
bayan upang magturo.
Nabalitaan ng taumbayan ang pagbabago kay Miss Yeyeng kaya
binigyan siya ng ibang pangalan ng mga tao, at ‘yun ay ang Miss

V. BUOD Phathupats dahil sa lawak ng balakang niya na naiipit ng paha


kung kaya ay kahawig niya ang isag suman sa ibus.
Minsan siya ay dumalo sa isang pista ngunit nakita niyang ang
binabasa ay Kapampangan, sinabi niya na hindi niya
naiintindihan ito. Tinukso siya ng mga tao kaya siya ay nagalit at
lumabas sa bibig niya ang masasamang salita. Umiyak na
lamang siya nang binuking siya ng mga nakakakilala sa kaniya.
Nabura ang kaniyang kolorete sa mukha at nakita ang tunay
niyang kulay. Lalong humalakhak ang mga tao. Hindi nakatiis si
Miss Phathupats kaya siya umalis.
‘DI MO MASILIP ANG LANGIT

BENJAMIN PASCUAL
- Isa siyang kuwentista at nobelista.
- Nagsimula siyang magsulat noong 1950’s
- Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang
nobela sa wikang ito.
- Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam.
- Magkasama sila ni Jose Bragado na naging patnugot ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula
ng 36 na makatang Ilokano.

Kapanganakan Laog, Ilocos Norte

 Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.


Trabaho
 Naging kasapi ng magasing Liwayway
 Ang Mga Lawin - kaniyang maikling kwento na isinalin ni
Reynaldo Duque sa Tagalog.
 Ang Kalupi - pinakasikat niyang maikling kuwento.
 ‘Di Ko Masilip ang Langit
 Lalaki sa Dilim - unag akda niya na nailathala sa
Mga Akda
Liwayway sa pamagat na “Shhh…Ako ang Lalaki sa Dilim”
TALAMBUHAY
1976)
NG MAY-AKDA
 Sapalaran, Walang Tanungan (1997) - isang komedya ng
pag-iibigan at lingguhang isiniserye ng Liwayway.
 Halik sa Apoy (1985)
 Nanalo siya ng Palanca Memorial Awards for Literature
noong 1965 para sa kanyang Landas sa Bahaghari at noong

Parangal 1981 para sa Di Ko Masilip ang Langit.


 Ang kanyang nobelang Utos ng Hari ay nanalo ng Grand
Prize ng Cultural Center of the Philippine sin 1975.

Kamatayan 12 Hunyo1918
TAUHAN
* Kantero - isang preso na nakulong dahil sa kasong arson.
* Luding - asawa ng kantero na namatayan ng anak.
* Ina ni Luding - kasama ni Luding sa kanilang bahay habang
siya ay nagbubuntis.
* Mrs. Cajucom - asawa ni Mr. Cajucom.
* Mr. Cajucom - nagtatrabaho sa BIR at ang naghatid kay
Luding sa ospital nang siya ay manganganak.

TAGPUAN - sa subdibisyon at ospital

SAGLIT NA KASIGLAHAN
Nang matapos na ang bilding – nang matapos na, ang ibig kong
sabihin at me doktor na at me tumatanggap na ng pasyente –
siya namang pagbubuntis ng waswas ko. ‘Yon ang una naming
anak, pare. Wala pa kaming ‘sang taong kasal nang umpisahan
naming gawin ang ospital.

SULIRANIN
Isang oras pagkaalis ko ng bahay, sumakit ang tiyan ng waswas
ko – talagang oras na ng panganganak niya, naramdaman niya.
Hindi niya ‘ko matawagan sa telepono – siyempre walang
telepono sa bahay na ginagawa namin. Hindi naman daw niya
mautusan ang nanay niya na puntahan ako at pasabihan. Medyo
engot ang matanda, pare, aanga-anga at mahina pa ang tenga.
ELEMENTO NG ‘Di Mo Sinabi na lang niya sa nanay niya na pumirme sa bahay at
PAGKAKABUO Masilip ang pupunta na siyang mag-isa sa ospital. Lalakad siya hanggang sa
kalsada, gaya ng usapan namin, at sasakay sa dyip o taksi at
NG SALAYSAY Langit magpapahatid sa ospital. Me pantaksi siya. Lagi siyang may
nakahandang pantaksi na ibinigay ko sa kanya mula sa
sandaang naipon ko.

TUNGGALIAN
Tao laban sa Lipunan
Bumaba raw ng kotse ang waswas ko, sapo ang parang
babagsak niyang tiyan, at sabi raw ke Mr. Cajucom: “Salamat
ho, Mr. Cajucom”, at no’n siguro nalaman ng mga sumalubong
na ang waswas ko’y nakiangkas lang sa kotse, “Sa pri ward lang
ako”. Pare, isa-isa raw tumalikod ang mga nars at attendants.
Me natira namang isan nars, na sabi raw sa waswas ko:
“Titingnan ko ho kung me bakante, maghihintay muna kayo
ro’n”.

Maghintay muna raw, pare. Namimilipit na ang waswas ko sa


sakit ng tiyan. maghintay raw muna. Naupo ang waswas ko sa
lobi at naghihintay. At nakalimutan na siya pare.

Ipinapakita sa sitwasyong ito kung paano trinato si Luding ng


mga nars at doktor dahil sa kaniyang antas ng buhay.
Isinawalang bahala ang kaniyang karapatan bilang isang
pasyente na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak.

KASUKDULAN
Namimilipit na ang waswas ko sa sakit ng tiyan. maghintay raw
muna. Naupo ang waswas ko sa lobi at naghihintay. At
nakalimutan na siya pare. Sinabi kong nakalimutan, pero ang
dapat ‘atang sinabi ko’y hindi inintindi. Dahil beinte minutos pa
ang naka¬raan, sabi ng waswas ko, e hindi pa rin sumisipot ang
nars na nagsabi sa kanya na maghintay siya ro’n. Malungkot,
pare. Do’n na napanganak ang waswas ko, at ang pagkaguluhan
siya ng mga nars at doktor at isakay sa estretser at isugod sa
elebeytor para dalhin sa emerdiyensi rum. Eh huli na patay na
ang bata. Bopol ako sa ingles pare, mahina ‘ko riyan at wala
‘kong naiintindihan sa mga salitang ingles na sinabi nila na
siyang dahilan raw ng pagkamatay ng bata..

KAKALASAN
Galing ako sa kahero, patungo na sa labasan ko, nang
mapatingin ako sa palibot na gaya ng nakaugalian ko sa ospital
na ‘yon. Pare, siguro nga’y senglot ako, ang tingin ko sa mga
doktor at mga nars na nakikita ko’y nakatawang mga alamid na
pumatay sa batang inilibing ko at ang waswas kong nakatulala
sa bahay at ang pangyayaring sa mga susunod na araw e
maaaring wala na kaming kakanin. Naramdaman kong gusto
kong manira, pare. Gusto kong sirain, wasakin ang bilding na
‘yon na lagi kong ipinagmamalaking isa ‘ko sa mga gumawa.
Pumanhik ako sa ikalawang palapag. Me isang silid do’n na
no’ng ginagawa pa lang namin ang bilding e tinutulugan namin
ng mga kasama kong peon. Ngayo’y pahingahan ‘yon ng mga
dalaw at ng nars at doktor na napapagod sa trabaho.

Pumasok ako ro’n at umihi sa sopa. Inihian ko rin ang


telebisyon na para sa bisita. Ang gusto ko lang e Magdumi at
manira, pero nang wala na ‘kong maiihi, naisip ko namang
magwasak. Nabuwang na nga ‘ko, pare. Ibinuwal ko ang mga
kurtina. Siniliban ko rin ang mga magasing naro’n at ang apoy e
idinuldol ko sa lahat ng bagay maaring magdingas.
Naglagablab na ang silid nang lumabas ako.

WAKAS
Isang attendant na lalaki and nakakita sa ‘kin. Nakita niya ang
usok at apoy na lumalabas sa ilalim ng nakasarang pinto at
nahulaan ang ginawa ko. Tumakbo ako. Hinahabol niya ‘ko at
sa ibaba inabutan. Pero malaki na ang apoy, pare.
Nagpalipat-lipat na ‘yon sa maraming silid. Apat na atendant at
guwardiya and gumulpe sa ‘kin pare, bago ako ibinigay sa les-
pu. Pero tersiya parte nga ng ospital ang nasunog ko
 Teoryang Realismo
Isa sa nagpapantunay na ang akda ay kakikitaan ng Teoryang
Realismo ay ang:
Pinsan ng waswas ko ang inhenyerong nagtayo ng subdibisyon
at napakiusap namin sa kanyang bakanteng ngang loteng ‘yon,
na di na sakop ng lupa ng subdibisyon, na kaibigan naman ng
inhiyerong pinsan ng waswas ko. Ang ibig ko lang sabhin dito,
pare, legal naman ang pagkatira sa subdibisyon, hindi kami
talagang iskwater na basta na lang nagtayo ng bahay, sa lupa
ng me lupa. Sabihing nakatira, pero hindi iskwater.

Talamak sa Pilipinas ang mga itinuturing na mga iskwater or


mga taong walang permanenteng tahanan at nagtatayo na lamang
ng barong-barong upang may masilungan. Mababakas din dito
kung gaano kahirap ang kanilang buhay at paggawa nila ng
diskarte upang magawang makaraos sa araw-araw.

 Teoryang Sikolohikal
Galing ako sa kahero, patungo na sa labasan ko, nang
mapatingin ako sa palibot na gaya ng nakaugalian ko sa ospital
na ‘yon. Pare, siguro nga’y senglot ako, ang tingin ko sa mga
doktor at mga nars na nakikita ko’y nakatawang mga alamid na
pumatay sa batang inilibing ko at ang waswas kong nakatulala
sa bahay at ang pangyayaring sa mga susunod na araw e
maaaring wala na kaming kakanin. Naramdaman kong gusto
kong manira, pare. Gusto kong sirain, wasakin ang bilding na
‘yon na lagi kong ipinagmamalaking isa ‘ko sa mga gumawa.

Sa sitwasyong ipinababatid ng sipi, dahil sa pagkamatay ng anak


TEORYA AT
‘Di Mo ng kantero dahil sa kapabayaan ng nga nars at doktor ng ospital,
BISANG
nagtanim ng hinanakit ang kantero. Ito ang nag-udyok sa kaniya
PAMPANITIKA Masilip ang
na maghiganti sa pamamagitan ng paninira at pagsunog sa
N
Langit ospital.

 Teoryang Sosyolohikal
Nang gabing ‘yon, sa priward, pare – iyak nang iyak ang
waswas ko. Gusto raw niyang maghabol. Hindi raw niya
mapapaya¬gang mamatay ng gano’n na lang ang aming anak.
Sabi ko’y ano ang magagawa namin? Mapapalabas ba naming
kasalanan ng ospital kung nanganak siya sa paghihintay sa
lobi? Pinaghintay naman siya. di ba? At ang ospital e maraming
pera sa husgado, kami’y wala.

Sa sitwasyong ito, ipinapakita nito ang bulok na sistema ng


gobyerno at lipunan. Ang mga mahihirap tulad na lamang ng
kantero ay napagkakaitan ng karapatan at katarungan. Ang mga
mahihirap ay naging pipi - pinipili na lamang nilang manahimik
kahit na sila’y agrabiyado dahil nakatanim na sa kanilang isip na
wala silang kapangyarihan at hindi sila pakikinggan.

 Bisa sa Isip
* Hindi maalis sa aking isipan ang buong nilalaman ng kuwento
sapagkat inilahad nito ang pangit na realidad at kalagayan ng
mga tayong nasa laylayan ng lipunan at ang bulok na sistema ng
na mayroon sa ating bansa. Tulad na lamang sa kwento,
pinagkaitan ng karapatan ang asawa ng kantero na magkaroon ng
maayos na panganakan subalit hindi ito naibigay ng ospital dahil
sila’y mahirap. Bukod pa rito, piping-dilat ang mag-asawa sa
hindi nila pagkamit ng katarungan sa pagkamatay ng kanilang
anak sapagkat nakatanim na sa kanilang isipan na hindi sila
pakikinggan ng sinuman.
(a) Nang gabing ‘yon, sa priward, pare – iyak nang iyak ang
waswas ko. Gusto raw niyang maghabol. Hindi raw niya
mapapaya¬gang mamatay ng gano’n na lang ang aming anak.
Sabi ko’y ano ang magagawa namin? Mapapalabas ba naming
kasalanan ng ospital kung nanganak siya sa paghihintay sa
lobi? Pinaghintay naman siya. di ba? At ang ospital e maraming
pera sa husgado, kami’y wala.

(b) Naupo ang waswas ko sa lobi at naghihintay. At nakalimutan


na siya pare. Sinabi kong nakalimutan, pero ang dapat ‘atang
sinabi ko’y hindi inintindi. Dahil beinte minutos pa ang
naka¬raan, sabi ng waswas ko, e hindi pa rin sumisipot ang
nars na nagsabi sa kanya na maghintay siya ro’n. Malungkot,
pare. Do’n na napanganak ang waswas ko, at ang pagkaguluhan
siya ng mga nars at doktor at isakay sa estretser at isugod sa
elebeytor para dalhin sa emerdiyensi rum. Eh huli na patay na
ang bata.

 Bisa sa Damdamin
* Nakakagalit ang paraan ng pagtrato ng mga nars at doktor kay
Luding nang siya ay manganganak dahil hindi nila ito binigyan
ng atensiyon nang malaman nilang hindi ito asawa ni Mr.
Cajucom.

(a) “Salamat ho, Mr. Cajucom”, at no’n siguro nalaman ng mga


sumalubong na ang waswas ko’y nakiangkas lang sa kotse, “Sa
pri ward lang ako”. Pare, isa-isa raw tumalikod ang mga nars
at attendants.

* Naawa ako sa kalagayan ng mag-asawa dahil masama ang


tingin sa kanila ng mga taga-subdibisyon at lalo na nang
mamatay ang kanilang anak. Walang sinuman ang nakiramay sa
kanila, pinagbayad pa sila sa ospital, at hindi man lamang sila
hinayaang makikabit ng kuryente nang iburol ang kanilang anak.

(a) Kung tingnan ako ng mayayamang taga sabdibisyon e


parang bang sa anumang sandali’y lolooban ko ang malaki at
magaganda nilang bahay. Ang talagang dahilan lang nama’y
nakakapagpapangit ang aming barung-barong sa tingin, sa
magaganda nilang bahay sa sabdibisyon at ibig nilang kami’y
umalis. Hirap kami no’n, pare. Ang layo ng iniigiban ko ng
tubig. Wala pang ilaw. Ayaw kaming pakabitin ng koryente sa
sabdibisyon. Ang ibig nga nila’y Kami’y umalis.

(b) Pero nang gabing ‘yong nakaburol ang anak ko at patulo


nang patulo ng luha ang waswas ko e gano’n ang
nararamdaman ko. Pare, ni walang umilaw sa patay ng sanggol
kundi dalawang kandila na inalagay namin ni Luding sa ulunan
at paanan ng kabaong. Hindi namin magawang makikabit ng
koryente sa pinakamalapit na bahay sa subdibisyon, dahil baka
kami tanggihan at pumayag man ang bahay na ‘yon e
kailangang bumili rin kami ng kordon at iba pang gamit, na
baka hindi na kaya ng bulsa ko.

(c) Awang-awa ako sa sarili, pare. Bale ba’y ni walang


nagpunta sa bahay sa dalawang gabing pag-kakaburol sa bata.
Sabagay, mabuti na rin ‘yon dahil wala kang malaking
iintindihing pakakapehin at aalukin ng biskuwit. Pero sa mga
nakatira ro’n e hindi makidalamhati sa ‘yo kung me patay ka,
makakaramdam ka ng sakit ng loob. Maaawa ka sa sarili mo.

* Humanga ako sa pagkatao ng kartero sapagkat ginawa niya ang


lahat upang mapaghandaan ang panganganak ng kaniyang
asawa. Masasabi kong magiging isang mabuti siyang ama kung
sakaling nabuhay ang kanilang anak sapakat siya’y nagtipid at
natiis niyang hindi unahin ang kaniyang bisyo alang-alang sa
kalagayan ng kaniyang asawa ata anak.

(a) Pumasok ang Nobyembre, nakaipon na ‘ko ng sandaang


piso. Sa gaya kong nagkakantero lang, pare, hindi madaling
mag-ipon ng sandaang piso na ilalabas mo sa gastusan sa
bahay. Kinakailangang awasin ko yon, nang unti-unti, sa gastos
ko sa pagkain sa tanghali, sa paghinto muna sa paninigarilyo, sa
hindi muna pagto¬ma. Pare, kung minsa,y nagpupunta sa
birhaws o sa putahan ang mga kasama ko pero nagtiis akong
maiwan sa ginagawang bilding. Tinipid kong talaga nang husto
ang sarili ko, pare. Ang sandaang pisong ‘yon e inilaan ko sa
biglaang pagkakagastusan, gaya ng ibabayad sa taksi kung
dadalhin na sa ospital si Luding, o bayad sa ospital kasi nga’y
me pagbabayaran ka rin sa ospital kahit pri ward.

 Bisang Pangkaugalian
* Huwag nating tularan ang ugali ng mga nars at doktor na
kumikiling lamang sa mga mayayaman at isinasantabi ang
karapatan ng mga mahihirap.

* Tularan nawa ng lahat - hindi lamang ng mga kalalahikan -


ang pag-uugali ng kantero na marunong humarap sa
responsibilidad gaano man ito kabigat.

* Gaano man kahirap ang buhay, huwag tayong gagawa ng


anumang masama alangalang sa ating ikabubuhay.

* Sa kabila ng kasamaang natatanggap natin mula sa iba, huwag


nating iisiping maghiganti at ilagay ang batas sa ating mga
kamaya.

*Sa kabila ng mga hindi magagandang bagay na ating


nararanasan sa mundo, huwag tayong mawawalan ng pag-asa sa
Diyos.

 para ‘kong pintor na nakagawa ng obra maestra


(Pagtutulad)
 Papa’no parang isang magandang babae, pare na maya’t
maya’y gustong mong ukulan na humahanga at
nagmamalaking tingin…(Pagtutulad)
 Para kaming etat sa tabi ng isang basong gatas Pagtutulad)
‘Di Mo
 O gagalain namin ang buong bilding na kung baga sa tao e
TAYUTAY NA Masilip ang
PANANALITA kalansay pa lang (Pagtutulad)
Langit
 parang asong naghahanap ng mapapanganakan (Pagtutulad)
 Nakapagpapaalala pare sa isang kuting na nabalian ng leeg
(Pagwawangis)
 ang tingin ko sa mga doktor at mga nars na nakikita ko’y
nakatawang mga alamid na pumatay sa batang inilibing ko
(Pagwawangis)
Isang dating kantero ang nagkukuwento tungkol sa kaniyang
mga karanasan bago pa siya makasuhan ng arson at ilagay sa
piitan. Magmula nang matapos ang gusaling pinagtatrabahuhan
niya bilang isang kantero na ngayon ay isang nang ganap na
ospital na pagmamay-ari ng magkapatid na Lim, ay iyon din ang
simula ng pagbubuntis ng kaniyang asawa na si Luding. Nag-
ipon siya para sa panganganak ng kaniyang asawa kaya doon na
rin siya natutulog sa gusali. Nakatira silang mag-asawa sa isnag
bakanteng lote sa tabi ng bagong sabdibisyon at yari ang
kanilang tahanan sa pinagtagpi-tagping yero. Magmula nang sila
ay ikasal kasama na nila roon ang ina ni Luding na isang mahina
ang pandinig.
Habang nagbubuntis ang kaniyang asawa ay pinag-uusapan na
nila ang magiging pangalan ng kanilang anak at kung saang
ospital ito manganganak. Walang nagawa ang asawa ng kantero
kundit ang sumang-ayon rito. Kung sakaling ang kanilang anak
ay babae, Lualhati ang ngalan nito at Joselito naman kung lalaki
at kanila ring napagkasunduan na sa bagong ospital na dating
pinagtrabahuhan ng kantero si Luding manganganak dahil may
pri ward doon.
Buwan ng Nobyembre nang manganganak si Luding. Tulad ng
‘Di Mo kanilang napag-usapang mag-asawa, pupunta siya sa kanto at

BUOD Masilip ang doon sasakay papuntang ospital ngunit hindi pa man siya
Langit nakakarating doon ay humilab ang kaniyang tiyan at humingi ng
tulong sa tahanan ng mga Cajucom. Nasa labas si Mrs. Cajucom
ngunit sinabi nitong kumakain pa si Mr. Cajucom - ang kaniyang
asawa na nagtatrabaho sa BIR. Mabuti na lamang at lumabas ito
at inihatid siya sa ospital.
Nang makarating sila, inakala ng mga nars at doktor na asawa
siya ni Mr. Cajucom ngunit nagkani-kaniya alis ang mga ito
nang nagsabi siyang sa pri ward lang siya. Sinabihan siya ng
isang nars na maghintay sa lobi ngunit walang may pumansin sa
kaniya hanggang sa pagkaguluhan na lamang siya nang siya’y
manganak, ngunit namatay ang bata at babae ito.
Naghinagpis ang mag-asawa ngunit lalo pang dumagdag ang
kanilang pasakit nang singilin sila ng ospital. Walang nagawa
ang kantero kundi ang humingi ng promisori not at nagpaunang
bayad. Umuwi sila at kanilang ibinurol ang kanilang anak.
Tanging dalawang kandila lamang ang kanilang tanglaw.
Nagbigay ng tulong ang mga katrabaho ng kantero ngunit
walang sinuman ang nakiramay. Matapos ang dalawang gabing
paglamay ay inilibing din nila agad ang kanilang anak.
Muling bumalik sa trabaho ang kantero samantalang ang
kaniyang asawang si Luding ay tulala. Minsan ay lumabas siya
upang bumili ng alak at nagpasiya na pumunta ng ospital at
binayaran ang natitirang bayarin sa kahero. Bago pa man siya
tuluyang lumabas ay naalala niya ang sinapit ng kaniyang anak
kaya’t nakaramdam siya ng matinding galit at nais niyang
magsira.
Umakyat siya sa ikalawang palapag at tumungo sa isang silid na
dati nilang tinutulugan noong ginagawa pa lamang ang ospital na
ngayon ay pahingahan na ng mga dalaw, nars at doktor. Inihian
at sinira niya ang mga gamit hanggang sa humantong siya sa
panununog. Siya ay lumabas nang lumagablab na ang silid
ngunit nakita siya ng isang attendant kaya’t tumakbo siya
palabas subalit naabutan siya ng mga gwardya at iba pang
empleado at binugbog bago pa siya isuko sa mga pulis.
Nang makulong siya ay binibisita siya ni Luding at dinadalhan
ng sigarilyo ngunit nagtataka man sa uri ng trabaho nito ay ayaw
na niyang mag-usisa dahil takot siyang malaman ang totoong
hanapbuhay nito. Magmula nang siya’y makulong ay tumatak sa
isip niya na siya ay kinalimutan na ng Diyos.
ANG PAMANA

JOSE CORAZON DE JESUS (Huseng Batute)

- “Hari ng Balagtasan”
- itinuturing na pinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Americano.
Pinakapopular niyang sagisag-panulat ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular na patulang
kolum na may titulong Buhay Maynila.
- Para siyang superstar noong panahon ng Americano kayâ ang kaniyang mga pagbigkas ng tula ay
dinudumog ng madla.
- Hinangaan si Batute bilang makisig at mahusay na mambibigkas.

Kapanganakan Santa Cruz, Maynila noong 22 Nobyembre 1894

 “Ang Manok Kong Bulik” (1919), “Ang Pagbabalik”


(1924), “Ang Pamana” (1925), “Pag- ibig” (1926),
“Manggagawa” (1929), at “Isang Punongka- hoy” (1932)
- mga paboritong tula ng taum-bayan
 Bayan Ko - pinakapopular na awit na kaniyang isinulat na
naging pangunahing kantang tagapagpahayag ng
pagmamahal sa bayan at sa kalayaan hanggang sa
kasalukuyan.
TALAMBUHAY Mga Akda  Sa Dakong Silangan (1928) - isa sa pinakasikat niyang
NG MAY- tulang pasalaysay. Isang alegorikong pagtuligsa sa
AKDA pananakop ng mga Americano.

Kinagiliwan ng madla ang kaniyang araw-araw na kolum dahil


sa matapang na tuligsa nitó sa mga sakit ng lipunan na
nalalahukan ng bagong talinghaga sa pagtula. Dalawang ulit
muntik nang makulong si Batute dahil sa kaniyang pag-atake sa
mga Americano.
26 Mayo 1932
Nagluksa ang bayan at isa sa pinakamahabàng libing sa
Kamatayan
kasaysayan ang paghahatid sa kaniyang bangkay sa Cementerio
del Norte.
SUKAT
Mayroong malayang taludturan ang tula

ELEMENTO SAKNONG
NG Mayroong apat na saknong.
Ang Pamana
PAGKAKABUO Ang una, ikalawa at ika-apat na saknong ay may siyam na
NG TULA taludtod samantalang walo naman sa ikatlong saknong.

TUGMA
Unang Saknong - Tugma sa Katining , ikalawang lipon
(l,m,n,,ng,r,w,y)
Ikalawang Saknong - Tugma sa Patinig
Ikatlong Saknong - Tugma sa Katinig (l,m,n,,ng,r,w,y)
Ika-apat na Saknong - Tugma sa Katinig (l,m,n,,ng,r,w,y)

KARIKTAN
*Namamanglaw - malalim ang iniisip
*Nalulumbay - nalulungkot
*Gunita - alaala

TALINGHAGA
*Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan (Pagpapalit-
tawag)
*dumalaw ang malungkot na gunita (Pagbibigay-Katauhan)
*tila isang kaawaawang bata (Pagtutulad)
*“baka ako ay tawagin ni Bathala (Pagpapalit-tawag)
* Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa (Pangitain)

ANYO
Tradisyunal na Tula sapagkat mayroon itong sinusunod na
sukat at mayroong tugma at pili ang mga salitang ginamit lalo na
ng mga talinghaga.

TONO/INDAYOG
*Kalungkutan at Pangungulila

PERSONA
Unang Panauhan - gumamit ang may-akda ng mga panghalip
panao na pang-isahan tulad ng ako, siya, niya, kaniya, ikaw, at
iyo.

 Teoryang Kultural
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Masasalamin sa bahagi ng tulang ito ang paghahati ng mga


TEORYA AT pamana sa bawat miyembro ng pamilya na siyang bahagi ng
BISANG kultura at naka-ugalian na ng mga Pilipino lalo ng mga malapit
PAMPANITIKA Ang Pamana nang sumakabilang-buhay.
N
 Teoryang Romantisismo
(a) ”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag
nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,

(b) Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y
ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang

(c) Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw


O Ina ko, ika’y wala pang kapantay
Sa mga sipi ng linyang nakalahad, nais iparating ng anak ang
kaniyang labis at walang katumbas na pagmamahal sa kaniyang
ina.

 Bisa sa Isip
*Tumatak sa aking isipan na sa kabila ng mga naiimpok nating
yaman dito sa lupa, darating ang araw na tayo ay papanaw at ang
mga kayamanang mayroon tayo ay mananatili lamang dito sa
mundo.

Nakiita ko ang ina ko’y tila nalulumbay


At ang sabi “itong piano sa iyo ko ibibigay”
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan
Mga silya’t aparador kay tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.

* Huwag nating palalampasin ang bawat oras na mayroon tayo


kasama ang ating mga mahal sa buhay. Ipakita natin kung gaano
natin sila kamahal at nang hindi tayo magsisi sa huli.

“Ngunit Inay,” ang sagot ko, “Ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw Ina, ang ibig ko’y ikaw Inay
Hinihiling ko sa Dios na ang pamana ko’y ikaw

 Bisa sa Damdamin.
*Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang nagpapahiwatig
ang ina na para bang ano mang oras ay siya’y mamamatay.
Idagdag pa ang pagsusumamo ng anak na huwag niya itong iwan
dahil hindi pa ito handa na siya ay lumisan.

O, ina ko, ano po ba at naisipang hatiin


Ang lahat ng munting yaman maiiwan sa amin?
“wala naman”, yaong sagot baka ako tawagin ni Bathala

 Bisa sa Pangkaugalian
* Matutong magtiwala sa mga plano ng Diyos para sa atin at
tanggapin nang maluwag sa puso ang mga ito.

 Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan


(Pagpapalit-tawag)
 dumalaw ang malungkot na gunita (Pagbibigay-Katauhan)
TAYUTAY NA Ang Pamana
PANANALITA  tila isang kaawaawang bata (Pagtutulad)
 “baka ako ay tawagin ni Bathala (Pagpapalit-tawag)
 Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa (Pangitain)
Naglilinis ng mga kagamitan ang kaniyang ina ngunit mababakas
sa mukha nito ang kalungkutan. Inihabilin ng kaniyang ina nag
kanilang magiging hatian sa pamana. Ang pyano ay mapupunta
sa kaniya, ang pilak nilang kubyertos ay kay Itang, at ang mga
silya’t aparador ay mapupunta kay Tikong.
Pilit niyang pinapasaya ang kaniyang ina at sa halip na maging
masaya sa pamang matatanggap ay hindi niya mapigilan ang
kaniyang pag-iyak dahil sa awang nararamdaman niya sa
kaniyang ina.

V. BUOD Ang Pamana Tinanong niya sa kaniyang ina ang dahilan ng paghahabilin nito
ng mga pamana at sinabi ng kaniyang ina na baka bigla na
lamang siyang tawagin ni Bathala kaya’t minabuti niyang
ihabilin ito nang maaga.
Ngunit sinabi ng bunso na mas nanaiisin at hihilingin niya sa
Diyos na ang kaniyang ina ang kaniyang maging pamana. Hindi
niya magagawang tugtugin ang pyano kapag ang kaniyang ina ay
mamatay bagkus ay ibibigay niya na lamang ito sa iba dahil
walang anumang bagay sa mundo ang makakapantay sa
kaniyang ina.
MANGGAGAWA

AMADO V. HERNANDEZ
- Mas kilala siya bilang Ka Amado sa kaniyang mga kaibigan at kasáma sa kilusang paggawa.
- Kinilala siya dahil sa mga akdang makabayan at nakikisangkot sa mga problemang panlipunan at
dahil sa kaniyang totoong paglahok sa organisasyong pampolitika.
- Nang sumiklab ang pag-aalsang Huk, isa siya sa pinaghinalaang Komunista at dinakip. Kahanga-
hanga ang pangyayaring marami siyang nasulat na akdang pampanitikan habang nakabilanggo at
nililitis. Napawalang-sala siya noong 1964 at nagpatuloy sa pakikilahok pampolitika hanggang
mamatay noong 24 Marso 1970.
Kapanganaka
Tondo, Maynila noong 13 Setyembre 1903
n
 Nagsimula siya bílang manunulat at editor bago ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Pagkaraan ng digma, naging kinatawan siya ng
Trabaho Newspaper Guild of the Philippines sa pamunuan ng
Congress of Labor Organizations (CLO).
 Naging pangulo siya ng CLO noong 1947 at nahalal ding
Konsehal ng Maynila noong 1945 at 1947.

 Isang Dipang Langit (1961) - kalipunan ng mga tula at


itinuturing na pinakamahalagang aklat niya.
 Luha ng Buwaya at Ibong Mandaragit(1969) - mga
nobela niya.
 Bayang Malaya (1969) - tulang pasalaysay
 “Muntinglupa” (1957), “Hagdan sa Bahag hari”
Mga Akda
TALAMBUHAY (1958),“ Ang mga Kagalang-galang ”(1959) at
NG MAY-AKDA “Magkabilang Mukha ng Isang Bagol” (1960) - mga dula
 “Kung Tuyo na Luha mo Aking Bayan,”“ Panata sa
Kalayaan,”“ Inang Wika,” at “Makalawang Namatay.”
- mga tula niya na paborito ng bigkasin ng mga Pilipino
noon.

 Nagtamo ng karangalang banggit ang kaniyang


“Kayumanggi” sa Commonwealth Literary Contest
noong 1938.
 Nabigyan siya ng Republic Cultural Heritage Award para
Parangal sa Isang Dipang Langit noong 1962.
 Kinilala rin siyang Makata ng Ilaw at Panitik noong 1925.
 Patnubay ng Sining at Kalinangan ng Lungsod Maynila
noong 1964.
 Tanglaw ng Lahi ng Ateneo De Manila noong 1970.
Kamatayan 24 Marso 1970

SUKAT
Mayroong labindalawang sukat ang bawat taludtod

SAKNONG
Mayroong walong saknong.
Mayroong anim na taludtod sa bawat saknong.

TUGMA
*Unang at Ikalawang Saknong - Tugma sa katinig , ikalawang
lipon (l,m,n,,ng,r,w,y)
*Ikatlong Saknong - Tugma sa Katinig , unang lipon
(b,k,d,g,p,s,t)
*Ika-apat na Saknong - Tugma sa Katinig , ikalawang lipon
(l,m,n,,ng,r,w,y)
*Ikalima at Ika-anim na Saknong - Tugma sa Patinig
*Ikapitong Saknong - Tugma sa Katinig , unang lipon
(b,k,d,g,p,s,t)
*Ikawalong Saknong - Tugma sa Katinig , ikalawang lipon
(l,m,n,,ng,r,w,y)

ELEMENTO NG
KARIKTAN
PAGKAKABUO Manggagawa
Dustain -alipustain, maliitin
NG TULA
Bagwis - pakpak
Dukha - mahirap
Pinakamarikit - pinakamaganda
Matipunong - matikas
Mamamanaag - makikita
Anak-pawis - mahirap

TALINGHAGA
 Hubad ang daigdig nang ako'y sumilang (Pagpapalit-
tawag)
 Dahilan sa aki'y kahariharian Ang nangapatayo sa bundok at
ilan (Pagmamalabis)
 Pinapagningning ko ang dating karimlan. (Pagmamalabis)
 Pangalawang Diyos sa lupang ibabaw (Pagwawangis)
 Tila isang anghel (Pagtutulad)
 Na wala nang gapos ng pagkaalipin,
 Ang Kapwa ko tao'y binigyan ng bagwis Upang makalipad
hanggang himpapawid! (Paglilipat-saklaw)
 Ako'y manggagawa ng maraming bagay Pangalawang
Diyos sa lupang ibabaw. (Paglilipat-saklaw)
 Ang buhangi'y sangkap sa isang palasyo't Ang bato ang
siyang haligi ng templo! (Paglilipat-saklaw)

ANYO
Tradisyunal na Tula - sapagkat mayroon itong sukat, tugma, at
ginamitan ng mga matatalinhagang salita.

TONO
*Nagmamalaki

PERSONA
Unang Panauhan - gumamit ang may-akda ng mga panghalip
panao na pang-isahan tulad ng ako, akin, at ninyo.

 Teoryang Humanismo
Ang mga gusali, dagat at sasakyan
Ay nalikhang lahat ng bakal kong kamay,
Ang ginto at pilak, ang uling at bakal,
Ay dahil sa akin kung kaya't nabungkal,
Ako'y manggagawa ng maraming bagay
Pangalawang Diyos sa lupang ibabaw.

Sa saknong na ito, inilalahad ang kakayahan ng isang


manggagawa at ang mga mabubuting katangian nito.

 Teoryang Realismo
Anak pawis akong dukha at maliit,
Ang tahana'y dampa na pawid ang atip,

Sa dalawang taludtod na ito, masasalamin ang realidad ng


pamumuhay ng mga manggagawa lalo na ng mga nasa laylayan
ng lipunan.
TEORYA AT
BISANG Manggagawa
 Teoryang Arkitaypal
PAMPANITIKAN
Ang Kapwa ko tao'y binigyan ng bagwis
Upang makalipad hanggang himpapawid!

Sa dalawang taludtod na ito, ang ginamit na simbolo ay ang


‘bagwis’ o pakpak na sinusuportahan ang salitang ‘makalipad”.
Nais nitong ipahiwatig na may mga taong mapalad na
nagagawang makamit ang kanilang mga mitihiin sa buhay hindi
tulad ng iba na dumaranas ng labis na paghihirap upang
maiangat ang antas ng pamumuhay.

Ako'y manggagawa ng maraming bagay


Pangalawang Diyos sa lupang ibabaw.

Sa dalawang taludtod na ito, ang ginamit na simbolo ay ang mga


salitang ‘Pangalawang Diyos. Ang paggamit ng mga salitang
‘Pangalawang Diyos’ ay iniugnay sa mga manggagawa sapagkat
ang Diyos ay ang siyang manlilikha at gayun din ang mga
manggagawa.

 Teoryang Markismo
Gayon ma'y malimit dustain ako,
Ang munti'y talagang dustain sa mundo
Subali't ang bakal, hamak ma'y alam kong
Nagagawang baril, gulok, punglo, maso...
Ang buhangi'y sangkap sa isang palasyo't
Ang bato ang siyang haligi ng templo!

Sa saknong na ito, mababakas ang pagsubok na dinaranas ng


mga manggagawa dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila
ng mga naka-aangat sa kanila ngunit kanilang pinatutunayan na
malaki ang kanilang ginagampanan at naiaambag sa lipunan.

 Bisa sa Isip
* Tumatak sa aking isipan na anumang trabaho ang mayroon ka,
hangga’t ito ay marangal, nararapat itong ipagmalaki at kilalanin
ng lipunan.
Ang mga gusali, dagat at sasakyan
Ang nalikhang lahat ng bakal kong kamay
Ang ginto at pilak, ang uling at bakal
Ay dahil sa akin kung kaya’t nabungkal
Ako’y manggagawa ng maraming bagay
Pangalawang Dios sa lupang ibabaw

 Bisa sa Damdamin
* Humahanga ako sa mga taong kahit hikahos sa buhay ay
pinipili parin nilang magtrabaho nang marangal ngunit
nakalulungkot lamang din isipin na may mga tao sa mundo na
mababa ang tingin sa mga trabahong maliit lamang ang sahod at
tinitingala ang mga taong may mataas na propesyon.

Gayon ma’y malimit dustain ako


Ang munti’y talagang dustain sa mundo
Subalit ang bakal, hamak mo’y alam kong nagagawang baril,
gulok, punglo, maso
Ang buhangi’y sangkap sa isang palasyo’t
Ang bato ang siyang haligi ng templo

 Bisa sa Pangkaugalian
* Pahalagahan ang lahat ng mga mararangal trabaho.
* Irespeto ang mga taong naghahanap-buhay nang marangal
gaano man kaliit ang kanilang sahod o kataas ang trabahong
mayroon sila.
 Hubad ang daigdig nang ako'y sumilang (Pagpapalit-
tawag)
 Dahilan sa aki'y kahariharian Ang nangapatayo sa bundok at
ilan (Pagmamalabis)
 Pinapagningning ko ang dating karimlan. (Pagmamalabis)
 Pangalawang Diyos sa lupang ibabaw (Pagwawangis)
 Tila isang anghel (Pagtutulad)
TAYUTAY NA Manggagawa
PANANALITA  Na wala nang gapos ng pagkaalipin,
 Ang Kapwa ko tao'y binigyan ng bagwis Upang makalipad
hanggang himpapawid! (Paglilipat-saklaw)
 Ako'y manggagawa ng maraming bagay Pangalawang
Diyos sa lupang ibabaw. (Paglilipat-saklaw)
 Ang buhangi'y sangkap sa isang palasyo't Ang bato ang
siyang haligi ng templo! (Paglilipat-saklaw)

Ang tulang ‘Manggagawa’ ay isang tulang nasa pananaw ng


isang manggagawa. Tinawag niya ang kaniyang sarili bilang
“Pangalawang Diyos” sa lupang ibabaw dahil tulad ng Diyos na
tagapaglikha, marami siyang bagay na nagagawa sa mundong ito
tulad ng pagbuo ng mga gusali at sasakyan, pagbubungkal ng
mga yamang mineral tulad ng ginto’t pilak at maging ng uling at
bakal.
Subalit, sa kabila ng kaniyang pagtatrabaho ay nakararanas siya
ng pang-aalipusta at madalas ay hindi pinahahalagahan ang
V. BUOD kaniyang pagtatrabaho sa kabila ng kanilang pagod at hirap na
kaniyang ibinubuhos, ngunit kailanma’y hindi maaalis ang
katotohanan na siya ay kailangan at isang mahalagang sangkap
sa kaunlaran.
Siya man ay mahirap at minamaliit, malaki parin ang utang na
loob ng bayan sa kaniya. Siya at ang kaniyang mga kapwa
manggagawa ay tila mga anghel na nagbigay ng liwanag sa
madilim na bayan at ang nag-ahon mula sa pagkakalugmok sa
kasarinlan.
PAG-IBIG

JOSE CORAZON DE JESUS


- “Hari ng Balagtasan”
- itinuturing na pinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Americano.
Pinakapopular niyang sagisag-panulat ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular na patulang
kolum na may titulong Buhay Maynila.
- Para siyang superstar noong panahon ng Americano kayâ ang kaniyang mga pagbigkas ng tula ay
dinudumog ng madla.
- Hinangaan si Batute bilang makisig at mahusay na mambibigkas.

Kapanganakan Santa Cruz, Maynila noong 22 Nobyembre 1894

 “Ang Manok Kong Bulik” (1919), “Ang Pagbabalik”


(1924), “Ang Pamana” (1925), “Pag- ibig” (1926),
“Manggagawa” (1929), at “Isang Punongka- hoy”
(1932) - mga paboritong tula ng taum-bayan
 Bayan Ko - pinakapopular na awit na kaniyang isinulat na
naging pangunahing kantang tagapagpahayag ng
pagmamahal sa bayan at sa kalayaan hanggang sa
kasalukuyan.
Mga Akda  Sa Dakong Silangan (1928) - isa sa pinakasikat niyang
TALAMBUHAY tulang pasalaysay. Isang alegorikong pagtuligsa sa
NG MAY-AKDA pananakop ng mga Americano.

Kinagiliwan ng madla ang kaniyang araw-araw na kolum dahil


sa matapang na tuligsa nitó sa mga sakit ng lipunan na
nalalahukan ng bagong talinghaga sa pagtula. Dalawang ulit
muntik nang makulong si Batute dahil sa kaniyang pag-atake sa
mga Americano.

26 Mayo 1932
Nagluksa ang bayan at isa sa pinakamahabàng libing sa
Kamatayan
kasaysayan ang paghahatid sa kaniyang bangkay sa Cementerio
del Norte.

SUKAT
Mayroong labing anim na sukat ang bawat taludtod

SAKNONG
ELEMENTO NG Mayroong sampung na saknong
PAGKAKABUO Pag-ibig May apat na taludtod sa bawat saknong
NG TULA
TUGMA
*Una at ikalawang Saknong - Tugma sa Patinig
*Ikatlong Saknong - Tugma sa Katinig , ikalawang lipon
(l,m,n,,ng,r,w,y)
*Ika-apat na Saknong - Tugma sa Katinig , unang lipon
(b,k,d,g,p,s,t)
*Ika-limang Saknong - Tugma sa Katinig , ikalawang lipon
(l,m,n,,ng,r,w,y)
* Ika-anim na Saknong - Tugma sa Katinig , unang lipon
(b,k,d,g,p,s,t)
*Ika-walang Saknong - Tugma sa Patinig
* Ika-siyam na Saknong - Tugma sa Katinig , unang lipon
(b,k,d,g,p,s,t)
*Ika-sampung Saknong - Tugma sa Katinig , unang lipon
(b,k,d,g,p,s,t)

KARIKTAN
Makuro - mapagtanto
Nananaghoy - nagluluksa
Pag-irog - pag-ibig
Masakim - suwapang
Kakabyak - kapareha

TALINGHAGA
 Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman
(Pagtutulad)
 Ang pag ibig ay may mata, ang pag ibig ay di bulag
(Pagtatao)
 Ang pag ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak (Pagtatao)
 Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
Minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay
 Kailangan sa pag ibig ang hirap at mga luha (Salantunay)

ANYO
Tradisyunal na Tula - sapagkat mayroon itong sukat, tugma, at
ginamitan ng mga matatalinhagang salita.

TONO
*Naghihinagpis
*Kilig
*Pag-aalinlangan
*Nagpapaalala

PERSONA
Unang Panauhan - gumamit ang may-akda ng mga panghalip
panao na pang-isahan tulad ng ako, akin, at ninyo.
 Teoryang Romantisismo

Masasalamin ang Teoryang Romantisismo sa tulang ito


sapagkat nag kabuuan ng tula ay tumutukoy sa kung ano ang
mga emosyong nararamdaman ng isang taong nagmamahal at
kung papaano niya ipinapakita ang kaniyang pagmamahal sa
iba.

Ang pag ibig, isipin mo, pag inisip nasa puso


Pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro,
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo – naglalaho
Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo

 Bisa sa Isip
* Nakararamdam tayo ng kasiyahan at pagkakuntento kapag
tayo ay umiibig ngunit gayunpaman, dapat din nating ihanda
ang ating puso sa sakit, pagkabigo, at pangungulilang ating
mararamdaman sapagkat komplikado ang magmahal.

Isang aklat na maputi ang isinulat:Luha


Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata
Kinabisa at inisip muling ating pagkabata
TEORYA AT Tumanda na’t nagkauban, hindi mo pa maunawa
BISANG Pag-ibig
Ang pag ibig, isipin mo, pag inisip nasa puso
PAMPANITIKAN
Pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro,
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo – naglalaho
Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo

 Bisa sa Damdamin
* Ipinaramdam sa akin ng tula kung gaano kasaya at kasarap
magmahal ngunit hindi nito itinago pangit na mukha ng pag-
ibig - ang sakit, pagluha, at pagkabigo. Bagkus, ipinaintindi
nito sa aking na upang makamit ang tunay na pag-ibig ay
kailangang maramdaman at maranasan ang masaktan at mabigo.

Kayo mga kabataang pag ibig ang ninanais


Kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib
At ang pakpak ninyo’y masusunog sa pag ibig

 Bisa sa Pangkaugalian
* Matutong iparamdam ang ating pagmamahal sa ating kapwa
lalo na sa ating magulang.
* Hindi sapat ang sabihin ang mga katagang “Mahal kita” sa
mga taong minamahal natin. Bagkus, ipakita at iapramdam natin
ito sa kanila.
 Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman
(Pagtutulad)
 Ang pag ibig ay may mata, ang pag ibig ay di bulag
(Pagtatao)
TAYUTAY NA Pag-ibig
PANANALITA  Ang pag ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak (Pagtatao)
 Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
Minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay
 Kailangan sa pag ibig ang hirap at mga luha (Salantunay)

Ang tula ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng mga tao.


Nakasaad sa tula na sa tuwing tayo ay nagmamahal, tayo ay
nakararamdam ng sakit at kilig. Ang pag-ibig ay bigla na
lamang dumarating kaya’t tayo ay nalilito sapagkat minsan ay
hindi natin maipaliwanag ang ating nararamdaman sa isang tao.
Minsan pa ay nakagagawa tayo ng mga bagay - mabuti man o
masama - dahil sa lubos nating pagmamahal.
V. BUOD Pag-ibig
Ngunit sa tuwing tayo ay nagmamahal, natututunan nating
magtiis, magparaya, at magpakumbaba alang-alang sa
minamahal natin. Kaya’t sa huling bahagi ng tula, binigyang
paalaala ang mga kabataan lalo na sa kasalukuyan at sa
hinaharap na huwag maging mapusok sapagkat ang labis na
pagmamahal ay maaaring makasira sa kanilang kinabukasan.
ISANG PUNONGKAHOY

JOSE CORAZON DE JESUS


- “Hari ng Balagtasan”
- itinuturing na pinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Americano.
Pinakapopular niyang sagisag-panulat ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular na patulang
kolum na may titulong Buhay Maynila.
- Para siyang superstar noong panahon ng Americano kayâ ang kaniyang mga pagbigkas ng tula ay
dinudumog ng madla.
- Hinangaan si Batute bilang makisig at mahusay na mambibigkas.

Kapanganakan Santa Cruz, Maynila noong 22 Nobyembre 1894

 “Ang Manok Kong Bulik” (1919), “Ang Pagbabalik”


(1924), “Ang Pamana” (1925), “Pag- ibig” (1926),
“Manggagawa” (1929), at “Isang Punongka- hoy”
(1932) - mga paboritong tula ng taum-bayan
 Bayan Ko - pinakapopular na awit na kaniyang isinulat na
naging pangunahing kantang tagapagpahayag ng
pagmamahal sa bayan at sa kalayaan hanggang sa
kasalukuyan.
Mga Akda  Sa Dakong Silangan (1928) - isa sa pinakasikat niyang
TALAMBUHAY tulang pasalaysay. Isang alegorikong pagtuligsa sa
NG MAY-AKDA pananakop ng mga Americano.

Kinagiliwan ng madla ang kaniyang araw-araw na kolum dahil


sa matapang na tuligsa nitó sa mga sakit ng lipunan na
nalalahukan ng bagong talinghaga sa pagtula. Dalawang ulit
muntik nang makulong si Batute dahil sa kaniyang pag-atake sa
mga Americano.

26 Mayo 1932
Nagluksa ang bayan at isa sa pinakamahabàng libing sa
Kamatayan
kasaysayan ang paghahatid sa kaniyang bangkay sa Cementerio
del Norte.

SUKAT
Mayroong labing anim na sukat ang bawat taludtod

SAKNONG
ELEMENTO NG Mayroong walong saknong
Isang
PAGKAKABUO May apat na taludtod sa bawat saknong
Punongkahoy
NG TULA
TUGMA
*Unang Sakanong - Tugma sa Katinig , unang lipon
(b,k,d,g,p,s,t)
Ikalawang Saknong - Tugma sa Katinig , ikalawang lipon
(l,m,n,,ng,r,w,y)
*Ikatlong Saknong -
*Ika-apat, ikalima, at ika-anim na Saknong - Tugma sa Katinig ,
ikalawang lipon (l,m,n,,ng,r,w,y)
*Ikapitong Saknong - Tugma sa Patinig
*Ikawalong Saknong - Tugma sa Katinig , ikalawang lipon
(l,m,n,,ng,r,w,y)

KARIKTAN
Kapighatian - dalamhati
Nagtutumangis - umiiyak
Nunukal - lilitaw

TALINGHAGA
 Ako’y tila isang nakadipang krus (Pagtutulad)
 Parang hinahagkan ang paa ng Diyos (Pagtutulad)
 At tsaka buwang tila nagdarasal
Ako’y binabati ng ngiting malamlam (Pagtatao)
 Naging krus ako ng magsuyong laing (Pagwawangis)
 Sa aking paanan ay may isang batis
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis (Pagtatao)

ANYO
Tradisyunal na Tula - sapagkat mayroon itong sukat, tugma, at
ginamitan ng mga matatalinhagang salita.

TONO
*Paghihinagpis
* Pagsisisi

PERSONA
Unang Panauhan - gumamit ang may-akda ng mga panghalip
panao na pang-isahan tulad ng ako, akin, at ninyo.
Teoryang Realismo
Sinasalamin sa tula ang buhay ng isang tao na namamatay tulad
ng isang punongkahoy.

[...] Ngunit tingin nyo ang aking narating


Natuyo, namatay sa sariling aliw

Teoryang Arkitaypal
Sa tula, hindi naging tuwiran ang paglalahad ng may-akda
tungkol sa kamatayan na sinasapit ng isang tao, bagkus ay
ginamit niya ang ‘punongkahoy’ bilang simbolo.

[...] Isang kahoy ako’y malayo’t malabay


Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay

Bisa sa Isip
*Ang ating buhay ay hiram lamang sa Diyos. Gaano man
kalayo ang ating narating sa buhay, nakapagpundar man tayo ng
mga ari-arian ngunit hindi natin matatakasan ang kamatayan.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa


Panakip sa aking namumutlang mukha
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ni Ibon ni tao’y hindi na matuwa

TEORYA AT * Habang tayo ay nabubuhay pa, sikapin nating mamuhay nang


Isang
BISANG tuwid at gawin ang mga bagay na nais nating gawin nang hindi
Punongkahoy
PAMPANITIKAN nakapagdudulot ng sakit sa iba nang sa gayon ay wala tayong
pagsisihan.

Ngunit tingin nyo ang aking narating


Natuyo, namatay sa sariling aliw
Naging krus ako ng magsuyong laing […]

Bisa sa Damdamin
* Nakalulungkot lamang isipin na ipinararamdam lamang natin
ang ating pagmamahal sa isang tao kapag siya ay lilisan na sa
mundong ito.

Sa aking paanan ay may isang batis


Maghapo’t magdamag na nagtutumangis
Sa mga sanga ko ang nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag ibig

Bisa sa Pangkaugalian
* Ugaliin nating manalangin sa Diyos sa kabila ng ating mga
nakakamit at mga pagsubok na nararanasan sapagkat siya parin
ang ating hantungan at himlayan pagdating ng panahon.
* Huwag tayong mag-impok ng yaman dito sa lupa, bagkus tayo
ay mag-impok ng yaman sa langit.
 Ako’y tila isang nakadipang krus (Pagtutulad)
 Parang hinahagkan ang paa ng Diyos (Pagtutulad)
 At tsaka buwang tila nagdarasal
Isang
TAYUTAY NA Ako’y binabati ng ngiting malamlam (Pagtatao)
PANANALITA Punongkahoy
 Naging krus ako ng magsuyong laing (Pagwawangis)
 Sa aking paanan ay may isang batis
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis (Pagtatao)

Ang tulang “Isang Punongkahoy” ay ginamit na simbolo ng


may-akda tungkol sa kamatayan. Inihalintulad ng may-akda ang
kaniyang sarili sa isang puno. Siya’y nananalangin sa Diyos
habang hinihintay niya ang kaniyang nalalapit na kamatayan at
inaalala ang kaniyang mga pagsisisi sa buhay. Samantala, ang
Isang
BUOD mga taong malalapit sa kaniya ay pilit na nagpapakatatag sa
Punongkahoy
kabila ng kalungkutang nararamdaman.
Nang dumating ang oras ng kaniyang kamatayan ay inihatid
siya sa kaniyang huling hantungan kaya’t labis na naghinagpis
ang mga taong malalapit sa kaniya.

You might also like