You are on page 1of 5

UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

GROUP 4 (LIFE LONG LEARNERS)

BANGHAY ARALIN

I. Layunin
- Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala at natutukoy ang iba’t ibang uri o baryason ng wika na ginagamit
ng karamihan sa kalasalukuyan.
2. Nabibigay ang pagkakaiba ng mga wikang opisyal at wikang balbal o
bagong usbong na mga salita sa panahon ngayon.
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng salita ukol sa LGBTQ na wika at
wika na ginagamit sa larong pampalakasan o isports.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: WIKA/LGBTQ AT WIKA/ISPORTS
B. Kagamitan: Laptop (PPT), Google Meeting, Video presentation, Google
Form
C. Sanggunian: Wika ng Isports, Gay Lingo, Bekimon (Wikang register ng
mga Bakla)
- https://markisblogging.wordpress.com/2019/05/24/105/
https://www.academia.edu/35934561/
BEKIMON_REGISTER_NG_MGA_BAKLA
- https://wikangsports619618895.wordpress.com/2018/10/02/wika-ng-
isports-ang-epekto-ng-wika-sa-larangan-ng-larong-basketbol/

D. Pagpapahalaga:
- Paggalang at Pag-unawa sa mga bagong usbong na Wika

III. Pamamaraan
1) Panalangin
2) Pagbati
3) Pagtala ng Liban sa Klase
4) Pagbibigay ng Patakaran at Regulasyon sa Klase

Mga inaasahan sa Birtwal na Klase:


1. MAGING HANDA
2. MAKINIG
3. IWASAN ANG IBANG MGA AKTIBIDAD O GAWAIN HABANG NASA
KLASE
4. PINDUTIN ANG “RAISE HAND” BUTTON KUNG NAISA MAGTANONG O
SUMAGOT
5. PANATILIHIN NA NAKA-MUTE ANG MIC SA GITNA NG KLASE UPANG
MAIWASAN INTERAPSYON
5) Balik-aral
Ano ang Wika at Kababaihan?
- Ang Wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit sa araw-
araw. Ang wika rin ay isa ring Kalipunan ng mga simbolo, tunog at mga
kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin o kaisipan ng isang
indibidwal.
- Babae ay salitang pangkasariang ginagamit para sa mga tao at hayop.
Kabaliktaran ito ng salitang lalaki. Tinatawag na Kababaihan ang grupo ng
mga babae.

Anu-ano ang mga pamamaraan ng paggamit ng wikang kababaihan?


1. Nagsasalita ng matamis
2. Mas gusto ang interrogative intonantion
3. Ang estilo ng kanilang mga salita ay hindi sigurado
4. Madalas na gumagamit ng mga tukoy na marker o palatandaan
5. Madalas gumagamit ng mabibigyang Ad ad o intensifiers
6. Mas wasto ang pagsasalit ng mga kababaihan kaysa sa kalalakihan.
7. Gumagamit ng labis na magagalang na anyo.

B. Panlinang na Gawain
1) Pagganyak
(Pagpapanood ng Video na may Kinalaman sa Talakayan: WIKA/LGBTQ
AT WIKA/ISPORTS)

Mga Gabay na Tanong:


1. Mga mag-aaral pamilyar ba kayo sa mga salita na nakikita niyo inyong I-
screen?
2. Kung gayon Anu-ano ang mga napapansin niyo sa bawat salitang inyong
nakikita?

2) Talakayan

WIKA/LGBTQ
- Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kultura at kasaysayan ng
isang lugar ang wika. Ito angnagsisilbing tatak at simbolismo ng pagkatao
ng bawat indibidwal na nakatira dito. Sa pamamagitan ng wika ay
naipapahayag ng bawat tao ang kanyang saloobin at opinyon. Angwika ang
siyang tagapag-ugnay at taga pamagitan sa mga tao na bumubuo sa isang
tiyak nalipunan. Hindi matatawaran ang papel nito tungo sa pagtugon sa
pangangailangan ng bawatindibwal.

Sa pagdaan ng panahon, mapapansin natin ang naging mabilis na paglago


ng Swardspeak o Gay Lingo. Ang tinagurian noong “lihim na wika” ng mga
bakla ay madalas na natin ngayong maririnig na ginagamit sa radyo at
telebisyon upang mang-aliw at magpatawa. Maging sa ibang mga lathalain
ay ginagamit na rin ito sa gayunding kadahilanan. Sa ngayon, hindi na rin
lamang mga bakla ang maririnig na nagsasalita ng gay lingo. Ito’y dahil pati
na rin ang mga babae, mga bata at ibang mga kalalakihan ay natututo na
ring gumamit ng kakaibang lenggwaheng ito.

Dahil sa mga pagbabagong ito, masasabi nating may maaaring


maging epekto ito sa ating kultura at lipunan. Kaya naman ang pag-alam sa
kasaysayan at mga pagbabago sa lenggwaheng ito ay kailangan.

Ang wika ng mga bakla sa teknikal na termino ay isa sa mga tinatawag na


sosyolek. Nakakalikhasila ng mga bagong salita na nagpapakita ng
kaniulang pagkamalikhain. Maaari rin namingumiimbento sila ng sariling
wika upang maipakita sa ibang tao ang kanilang kaibahan sa mga ito.Tunay
ngang daynamiko ang wikang Filipino dahil sa pagsibol ng isa na namang
panibagongterminong ginagamit ng marami ang Bekimon. Ang mga lalaking
may pusong mamon aynakaranas ng matinding pang-insulto sa kanilang
pagkatao na nagiging resulta ng diskriminasyonnila sa lipunan. Ito ang
nagtulak sa kanila upang buuin ang kanilang pagkakakilanlan sa
bayan.Dahil dito, nakaisip sila ng paraan kung saan maaari nilang maitago
ang bawat paksang kanilang pag-uusapan.

WIKA/SPORTS:
- Wika ang magsisilbing susi upang magkaintindihan ang mga manlalaro at
kung paano ang gagawin nila sa loob ng court. Mahalaga ang wika sa
paglalaro ng kahit anong palakasan, hindi lamang sa larong basketbol, dahil
dito mas naipapahayag ang galaw ng mga manlalaro at daloy ng sistema na
nais ng coach sa isang koponan. Esensyal ang komunikasyon sa larong
basketbol, kinakailangan mag-usap ng mga magkakampi upang maging
maayos ang pagsasagawa nila ng mga “play”, mahalaga ang pagkakaisa
dito, kaya naman napakalaking parte ng wika dito sapagkat ito lang ang
paraan ng komunikasyon sa gitna ng isang laro.

Pinakilala sa atin ng mga Amerikano ang larong basketbol noong


panahon ng kanilang kolonisasyon sa bansa hindi kataka- taka na may
impluwensya pa rin ng Ingles ang mga terminolohiya na ginagamit sa
paglalaro ng basketbol. Halimbawa na lamang nito ay ang tinatawag na
posisyon sa larong basketbol kung saan ang bawat manlalaro ay may
kanya-kanyang gawain at responsibilidad. Uso rin sa larong Basketbol ang
mga sign language. Ginagamit ito upang hindi malaman ng kalaban ang
stratehiya ng koponan. Halimbawa ng mga sign language na kadalasang
ginagamit ay ang pagsasabi ng bilang gamit ang kanilang kamay bilang
pantukoy kung anong uri ng stratehiya ang kanilang gagamitin.

May malaking epekto ang wika sa larong basketbol dahil sa mga salitang
ginagamit, karamihan dito ay mga salitang Ingles at Espanyol na ginawang
Filipino o di kaya’y mga salitang Filipino talaga. Isang halimbawa nito ang
salitang “baba” na ang ibig sabihin ay mabilis na pagpalit mula sa opensa
papunta sa depensa upang mapigilan ang fast break ng kalaban at miss na
tawag sa free throw na ginagamit bilang pantukoy kung kaninong koponan
mapupunta ang bola.
3) Paglalahat
- Para sa ebalwasyon magpapakita ang guro ng mga salita sa kanilang
mga I-screen at kanilang tutukuyin kung ano ang katumbas na kahulugan ng
mga ito sa ating filipino o sa ating pambansang wika.

1. Chaka - PANGIT
2. Laban - HINDI SUSUKO/IPAGPAPATULOY/IPAPANALO
3. Shokot - TAKOT
4. Karera - TAKBO NG BUHAY
5. Keri - KAYA
6. Jorongay Shonod - BARANGAY TANOD

4) Paglalapat
TANONG: “ANO ANG MASASABI MO SA WIKA/LIGBTQ AT WIKA/SPORTS
PARTIKULAR NA ANG GAY LINGO? SANG-AYON KA BA SA PAGGAMIT
NITO NG NAKARARAMI SA ATIN NGAYON BILANG INRUMENTO SA
PAKIKIPAG KOMUNIKASYON PARTIKULAR NA SA MGA KABATAAN NA
KAGAYA MO?”

C. Pangwakas na Gawain (Pagtataya/Ebalwasyon)

1) Ang wika ng mga bakla sa teknikal na termino ay isa sa mga tinatawag na


______?
a. Sosyolek
b. Intellect
c. Cultural

2) Ang tinagurian noong _______ ng mga bakla ay madalas na natin ngayong


maririnig na ginagamit sa radyo at telebisyon upang mang-aliw at magpatawa.
a. Ladlad na wika
b. Sikretong wika
c. Lihim na wika

3) Sa pagdaan ng panahon, mapapansin natin ang naging mabilis na paglago


ng Swardspeak o tinatawag na ________?
a. Bi Lingo
b. Trans Lingo
c. Gay Lingo

4) Pinakilala sa atin ng mga Amerikano ang larong ______ noong panahon ng


kanilang kolonisasyon sa bansa.
a. Football
b. Baketball
c. Soccer

5) May malaking epekto ang wika sa larong basketbol dahil sa mga salitang
ginagamit, karamihan dito ay mga salitang Ingles at _____ na ginawang
Filipino o di kaya’y mga salitang Filipino talaga.
a. Espanyol
b. Latin
c. Mandarin

6) Ang paggamit ng wika sa larong basketbol ay simbolo ng


pagkakaintindihan, ________ at pagkakaisa ng mga manlalaro, opisyal,
tagasanay at lahat ng mga manunuod.
a. pagkakamabutihan
b. pagkakaintindihan
c. pagmamahalan

7-8
Ano ang ibig sabihin ng Acronynm ng LGBTQ?
a. Lesbian, Guy, Bisexual, Transgender and Queer
b. Lesbian, Girl, Bisexual, Transgender and Queen
c. Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer

9-10)
Saang wika nanggaling ang salitang PANALO at LUTO?
a. WIKA AT LGBTQ
b. WIKA AT KULTURA
c. WIKA AT SPORTS

11-15 (5 PUNTOS)
- ANO ANG MASASABI MO SA WIKA/LGBTQ AT WIKA/SPORTS
PARTIKULAR NA ANG GAY LINGO? SANG-AYON KA BA SA PAGGAMIT
NITO NG NAKARARAMI SA ATIN NGAYON BILANG INSTRUMENTO SA
PAKIKIPAG KOMUNIKASYON, PARTIKULAR NA NG MGA KABATAAN NA
KATULAD MO?

IV. Takdang Aralin


Panuto: Saliksikin at alamin ang katuturan ng mga sumusunod:
- WIKA AT RELIHIYON

You might also like