You are on page 1of 4

Pangasinan State University

Kampus ng Bayambang
Kolehiyo ng Pangguruang Edukasyon
Bayambang, Pangasinan
A.Y 2021-2022

Pangkat:
Room 2

Mga Miyembro:
Alina, Patricia R.
De Roxas, Beverly F.
Lapitan, Marycris L.
Rondon, Neva Jane A.
Tamondong, John Loyd B.

Petsa:
Mayo 11, 2022

Kurso/Taon:
BSE FIL 1-1

Instruktor:
Dr. Ma. Theresa E. Macaltao

Asignatura:
Fil 103 Panimulang Lingguwistika
Panuto: Magbigay ng 5 halimbawa ng diptonggo, klaster, hinto o junctures, pares
minimal, at ponemang segmental.

1. Diptonggo

Tawag sa pinagsamang patinig na (a, e, i, o, u) at katinig na w at y.

Halimbawa:
1. Sisiw (si-siw)
2. Sabaw (sa-baw)
3. Bahay (ba-hay)
4. Tuloy (tu-loy)
5. Beywang (bey-wang)

2. Klaster

Ang kambal katinig o klaster ay mga salitang mayroong magkadikit o kabit na


dalawang magkaibang katinig na matatagpuan lamang sa isang pantig.

Halimbawa ng Kambal Katinig Halimbawa ng Kambal Katinig


sa Unahan sa Gitna

1. Tropa /tr/ 1. Pintura /nt/

2. Trapo /tr/ 2. Eroplano /pl/

3. Gripo /gr/ 3. Kontrata /tr/

4. Plaka /pl/ 4. Pintuan /nt/

5. Droga /dr/ 5. Hagdanan /gd/

Halimba ng Kambal Katinig sa Hulihan

1. Kyutiks /ks/

2. Keyk /yk/

3. Nars /rs/

4. Relaks /ks/

5. Plaslayt /yt/
3. Hinto o Junctures

Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw


ang mensahe na nais ipahayag. Maaaring gumamit ng kuwit (,) , tuldok (.) , dalawang
guhit na palihis (//) , o gitling (-).

Halimbawa:

1. Hindi siya ang bumili ng pagkain.

Hindi, siya ang bumili ng pagkain.

2. Hindi si Maria ang unang natapos sa isinagawang aktibidad.

Hindi, si Maria ang unang natapos sa isinagawang aktibidad.

3. Lea Veronica ang pangalan ng kapatid niya.

Lea, Veronica ang pangalan ng kapatid niya.

4. Si Mary Cris / at ako //

Si Mary/ Cris/ at ako //

5. Magalis.

Mag-alis

4. Pares Minimal

Ang Pares Minimal ay mga salita na magkatulad o magkatunog ang bigkas


ngunit magkaiba ang kahulugan. Narito ang mga halimbawa :

Halimbawa:

1. Iwan-Ewan /i/-/e/
2. Gulong-Bulong /g/-/b/
3. Dali-tali /d/-/t/
4. Bahay-Buhay /a/-/u/
5. Pato-Bato /p/-/b/

5. Morpemang Ponema

Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na


nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit
ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita.

Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil sa pagdagdag ng


ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema.
Halimbawa:

1. Propesor/Propesora

2. Doktor/Doktora

3. Kapitan/Kapitana

4. Abogado/Abogada

5. Kusinero/Kusinera

You might also like