You are on page 1of 5

PANGASINAN STATE UNIVERSITY

San Carlos City, Pangasinan

MALA-SUSING
BANGHAY-ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN
10
(MGA KONTEMPORARYONG ISYU
YUNIT II: ARALIN 1 MIGRASYON)

Ihinanda ni:
Doria, Kristine Joy G.
BSE SS 2C

Inihanda para kay:


Propesor Alona Mae Zacarias
Instructor
PANGASINAN STATE UNIVERSITY
San Carlos City, Pangasinan

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng animanapung (60) minutong talakayan, ang mga mag aaral ay
inaasahan na matatamo ang mga sumusunod:
A. Natatalakay kung ano-ano ang mabuti o masamang epekto ng migrasyon sa aspektong
panlipunan, politika at panlipunan
B. Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampolitika at
pangkabuhayan
C. Nakakabuo ng angkop ng hakbang sa pagtugon ng mga suliraning dulot ng migrasyon
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa:
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Yunit II: Aralin 1: MIGRASYON (Pahina 223-240)
B. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang pang-unawa sa kahulugan ng migrasyon.
C. Kagamitan:
Elektronikong Kagamitan: Laptop, PowerPoint presentation
D. Sanggunian:
MODYUL: Mga Kontemporaryong Isyu Pangalawang Markahan

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagbati sa Guro
- Pagtatala ng liban
B. Panlinang ng Gawain
1. PAGGANYAK
“IDEYA MO, SHARE MO”
Magpapakita ng larawan ang guro kung saan ito ay napapatungkol sa
migrasyon at ibabahagi ng estudyante sa buong klase ang kanyang ideya or pananaw tungkol sa
larawan na ipinakita.
2. PAGLALAHAD
Pipili ang guro ng limang estudyante sa pamamagitan ng pagbunot ng flash
cards at pupunan ng sagot ang graphic organizer sa nakalagay sa screen. Ilagay ang mga dahilan
sa paglipat-lipat ng tao sa ibang lugar upang doon manirahan.
PANGASINAN STATE UNIVERSITY
San Carlos City, Pangasinan

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Anong ang iyong batayan sa mga nailagay na dahilan?
2. Sa iyong sariling pananaw, ano ang salitang migrasyon?

3. PAGTATALAKAY
Paksa: MIGRASYON
MIGRASYON
• ITO AY ANG PAGLIPAT NG TAO MULA SA ISANG POOK PATUNGO SA IBANG POOK UPANG DOON
MANIRAHAN NANG PANADALIAN O PANGMATAGALAN
• TUMUTUKOY SA PROSESO NG PAG- ALIS O PAGLIPAT MULA SA ISANG LUGAR O TERITORYONG
POLITIKAL PATUNGO SA IBA PA MAGING ITO MAN AY PANSAMANTALA O PERMANENTE
MGA DAHILAN KUNG BAKIT MARAMING PILIPINO ANG NANGINGIBANG POOK
 HANAPBUHAY NA MAKAPAGBIBIGAY NG MALAKING KITA NA INAASAHANG MAGHAHATID NG
MASAGANANG PAMUMUHAY
 PAGHAHANAP NG LIGTAS NA TIRAHAN
 PANGHIHIKAYAT NG MGA KAPAMILYA O KAMAG-ANAK NA MATAGAL NANG NANINIRAHAN SA
IBANG BANSA
 PAG-AARAL O PAGKUHA NG MGA TEKNIKAL NA KAALAMAN PARTIKULAR SA MGA BANSANG
INDUSTRIYALISADO
EPEKTO NG MIGRASYONG PANLOOB SA PILIPINAS
MABUTI
 NAGKAKAROON NG PANUSTOS SA PANG ARAW-ARAW NA PANGANGAILANGAN ANG ISANG
TAONG MAKAHAHANAP NG HANAPBUHAY SA KANYANG PAGLIPAT NG LUGAR
PAGLALAHAT
PANGASINAN STATE UNIVERSITY
San Carlos City, Pangasinan

DI MABUTI
 LABIS NA DAMI NG TAO SA IISANG LUGAR AT NAGSISISKIP ANG MGA TAO SA LUNGSOD.
 NAHIHIRAPAN ANG GOBYERNONA MAGBIGAY NG SERBISYO SA DUMARAMING BILANG NG TAO
SA LUNGSOD
 KAKULANGAN NG SPAT NA TRABAHO
EPEKTO NG MIGRASYON SA EKONOMIYA
• AYON SA BANGKO SENTRAL NG PILIPANAS, MALAKI ANG NAITUTULONG NG REMITTANCES NG OFWS
SA PAGLAGO NG EKONOMIYA NG BANSA
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARATAPANG PANTAO
• PAGSASAKRIPISYO NG MGA FILIPINO OFW
• PANG-ABUSO NG MGA RECRUITMENT AGENCY
• ILLEGAL RECRUITER
• NAGIGING BIKTIMA NG INTERNATIONAL SYNDICATE O ORGANIZED CRIME SYNDICATE
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARATAPANG PANTAO
• PAGSASAKRIPISYO NG MGA FILIPINO OFW
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARATAPANG PANTAO
• PANG-ABUSO NG MGA RECRUITMENT AGENCY
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARATAPANG PANTAO
• ILLEGAL RECRUITER
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARATAPANG PANTAO
• NAGIGING BIKTIMA NG INTERNATIONAL SYNDICATE O ORGANIZED CRIME SYNDICATE
EPEKTO NG MIGRASYON SA EDUKASYON
• MALAKING DEMAND PARA SA MGA SKILLED WORKERS AT MGA PROPESYUNAL.
• MARAMING KABATAANG ANG NAHIHIKAYAT NA KUMUHA NG KURSI TULAD NG ENGINEERING,
MARINE TRANSPORTATION, MARINE ENGUNEERING ATBP. DAHIL MATAAS ANG DEMAND.
EPEKTO NG MIGRASYON SA POLITIKA
• POEA –
• R.A. NO. 9189 O ABSENTEE VOTING ACT OF 2003
• R.A. NO. 8042 O MIGRANT WORKER AND OTHER FILIPINOS ACT OF 1995 UPANG LALONG
MAPROTEKTAHAN ANG MGA MIGRATENG OFW

4. PAGLALAHAT
 Bakit magkakaugnay ang mabuti at di mabuting epekto ng migrasyon?
 Ano ang kahalagahan ng epekto ng migrasyon sa ating bansa?
 Bilang isang mamamayan, paano malulutas ang pag-usbong ng migrasyon?

5. Paglalapat
Ang klase ay mahahati sa limang (5) pangkat at bilang paglalapat sa napag-aralan
na Migrasyon, sagotin ang nakatakdang katanongan:
Kung kayo ay mabibigyan ng pagkakataon na pumunta sa ibang bansa, saan at
ano ang posibleng dahilan ng iyong pagpunta doon? Pumili ng isang
representante sa bawat pangkat at ipaliwanag ang sagot sa harap ng klase.
PANGASINAN STATE UNIVERSITY
San Carlos City, Pangasinan

IV. PAGTATAYA
Panuto. Punan ng sagot ang bawat kolum.

MABUTING EPEKTO NG DI-MABUTING EPEKTO NG MGA BANTA O PANGANIB


MIGRASYON MIGRASYON DULOT NG MIGRASYON

V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng isang critical analysis paper sa mga isyu na may kinalaman sa isa sa
migrasyon.

You might also like