You are on page 1of 3

Indibidwal na Gawain!

(Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat sa iba’t-ibang Disiplina)

Pangalan:____________________ Kurso/Taon:_____________
Guro:_______________________ Petsa:___________________
===========================================================
Pangkalahatang Panuto. Ang mga sumusunod na pahayag/tanong ay pag-
alalay sa mambabasa upang lubos na maintindihan ang mga aralin. Basahin
at unawain ang mga sumusunod na pahayag/tanong. Komprehensibong
sagutan ang mga tanong na nakaayon sa unang Kabanata. Isulat ang sagot
sa loob ng kahon. Ang sagot ay hindi dapat bababa sa tatlong pangungusap.

1. Paano nakatutulong ang wika sa holistik na paghubog ng isang tao sa


pamayanan?

2. Ano-ano ang mga positibo ang negatibong naidudulot ng wika sa isang


sosyodad na may paiba-ibang kultura?
PAGSUSURI!
(Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat sa iba’t-ibang Disiplina)

Pangalan:_____________________ Kurso/Taon:_____________
Guro:_______________________ Petsa:___________________
===========================================================
Pangkalahatang Panuto. Ang mga sumusunod na mga gawain ang susuri
sa kaalamang nakalap sa unang kabanata. Basahin at unawain ang mga
sumusunod na pahayag/tanong. Komprehensibong sagutan ang mga tanong
na nakaayon sa unang Kabanata.

I. C.: PAGSALIN. Basahin ang maikling kwento ” Ang Pagmamahal ng Isang


Ina”. Gumawa ng sulatin sa pamamagitan ng pagpili sa tatlong uri ng Sulatin:
personal, transaksyunal, malikhain .Pagsikapang gamitin ang imahenasyon
sa paggwa ng sulatin. Ang sulatin ay hindi bababa sa tatlong talata
(paragraph) na may hindi bababa sa limang pangungusap (sentence) bawat
talata.
(30 puntos)
” Ang Pagmamahal ng Isang Ina”
Isang gabi habang nagluluto ng hapunan ang isang nanay, lumapit sa kanya ang kanyang
sampung taong gulang na anak na lalaki at may ibinigay na papel. Matapos niyang punasan
ang kanyang basang kamay, kinuha niya ang papel upang basahin ang nakasulat dito. Narito
ang nakasulat sa papel:

Nay,
Sa pagtatapon ng basura - P2.00
Sa pagbili sa tindahan - P5.00
Sa pagwawalis sa bakuran - P5.00
Pagkuha ng mataas na marka sa report card - P10.00
Paglilinis sa kuwarto - P5.00
Pagbabantay kay bunso - P5.00
Total: P32.00
Tumingin ang nanay sa kanyang anak, at kita sa mga mata nito ang mga nanumbalik na
alaala mula sa nakalipas. Kumuha ang nanay ng lapis at sa likod ng papel ay isinulat ang
mga sumusunod:
Anak,
Sa siyam sa buwang dinala kita sa aking sinapupunan - WALANG BAYAD
Sa lahat ng gabing binantayan kita, inalagaan at ipinagdasal - WALANG BAYAD
Sa lahat ng paghihirap at luha na idinulot mo sa akin - WALANG BAYAD
Sa lahat ng gabing puno ng pangamba at sa lahat ng kakaharapin kong alalahanin -
WALANG BAYAD
Para sa laruan, pagkain, damit at lakip na ang pagpupunas ko sa ilong mo - WALANG
BAYAD
Anak, ang kabuuan ng pagmamahal ko sa iyo ay - WALANG BAYAD
Matapos basahin ng bata ang isinulat ng kanyang nanay sa papel ay may malalaking luha sa
kanyang mga mata. Tumingin siya sa kanyang nanay at nagsabing, "Nay, mahal na mahal po
kita". Pagkatapos ay kinuha niya ang papel at nagsulat sa malalaking letra: "FULLY PAID".

Source: https://buklat.blogspot.com/2017/06/ang-pagmamahal-ng-isang-ina.html
Pamantayan sa paggawa ng sulatin:
Pagpapakita ng koneksyon sa kwento - 20%
Maistilong pagbalangkas ng sulatin - 10%
Pangkalahatang estruktura ng sulatin - 10%
-40%

Uri ng Sulatin:___________________________

You might also like