You are on page 1of 2

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET

ACTIVITY 1 WEEK 1

Name: _______________________________________________ Score: __________________


Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: __________________________ Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: “Kasing-kahulugan!”
Learning Targets: Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay
References Title: Pinagyamang Pluma 6
Pangunahing Ideya
Ang salitang magkakaugnay ay mga salitang maaaring kaugnay ng isang konsepto o kaisipan o kaugnay na
kahulugan ng isang salita.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga salitang magkakaugnay mas napapalawak ang bokabularyo. Napapalawig
ang ating kaalaman sa mga salita sa pamamagitan ng pagkilala sa mga kahulugan at pagpapangkat o pag-uugnay-ugnay ng
mga salita.

Halimbawa:
Malago- Mayabong ang dahon ng sambong.

Katanungan at Pagsasanay
Panuto: Pagsamahin ang mga salitang magkakaugnay sa kahon batay sa salitang may diin sa bawat pangungusap.

Bantog Sikat Tampo Pagkaligalig

Hinala Pagkabagabag Hinanakit

1. Ang aking kaibigan ay kilalang-kilala ng lahat.

2. Ang pagkabalisa sa pagliban ng kaibigan ay kitang-kita sa kanyang mukha.

3. Hindi nakadama ng katiting na sama ng loob si Eugenio sa magulang kahit mahirap ang kanilang
buhay.

4. Wala siyang nadamang sama ng loob sa magulang kahit nahihirapan.

5. May kutob si Monching na tumutulong ang kaibigan sa kanyang tatay kaya hindi siya pumasok sa
araw na iyon.

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACTIVITY 2 WEEK 1
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: __________________________ Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: “Uri ng Pangungusap”
Learning Targets: Nauuri ang mga sumusunod na pangungusap
References Title: Pinagyamang Pluma 6
Pangunahing Ideya
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang may buong diwa. Binubuo ito ng simuno at panaguri.
Halimbawa:
Uri ng Pangungusap
1. Pasalaysay- Ito ay pangungusap na nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang paksa. Ito ay
nagsasalaysay at nagtatapos sa bantas na tuldok(.).
Halimbawa: Ang kapayapaan ang dapat na maghari sa bansa.
2. Patanong- Ito ang pangungusap na naghahanap ng kasagutan. Nagtatapos ito sa tandang
pananong (?).
Halimbawa: Ilang taon pa ba ang bibilangin bago siya bumalik sa Pilipinas?
3. Pautos- Ang pangungusap na nagsasabing gawin ang isang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa: Ikuha mo nga ako ng tubig sa kusina.
4. Pakiusap- Ito ay isang uri ng pangungusap na pautos. Ito ay pangungusap na nakikiusap o
nakikisuyo. Maaari din itong magtapos sa (.) o tandang pananong (?).
Halimbawa:
Pakitulungan mo nga akong buhatin ito.
Maaari mo ba akong tulungang magluto?
5. Padamdam- Ang pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng galit, tuwa,
lungkot, inis, o gigil. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Halimbawa:
Yehey! Bati na kaming dalawa!

Katanungan at Pagsasanay
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga
sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang.

____________1. Aray! Natalsikan ako ng kumukulong mantika.


____________2. Mahusay ang aming guro sa Matematika.
____________3. Darating kaya siya mamayang gabi?
____________4. Pwede mo ba akong ipaglaba ng damit?
____________5. Ikuha mo ako ng damit sa cabinet.
____________6. Wow! Ang ganda naman ng relo mo.
____________7. Si Jose ang panganay sa magkakapatid.
____________8. Maaari mo ba akong ipagtimpla ng kape?
____________9. Linisin mo ang mga kalat sa kusina.
___________10. Sino ba ang nakaiwan ng payong na ito?

You might also like