You are on page 1of 1

Albertson P.

Pescuela
SPA 10 - Gracefulness
A. BUOD

Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at
dalawang kaban ng mga alahas. Dumating sina Kapitan Basilio, ang anak nitong si Sinang at asawa nito, at si Hermana Penchang
upang mamili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Sinabi rin ni Simoun na namimili rin siya ng alahas
kaya't iminungkahi ni Sinang ang kwintas na agad tinawaran ni Simoun ng limandaang piso nang makilala niyang kay Maria
Clara nga iyon na kanyang kasintahan na nagmongha.

Ngunit ayon kay Hermana Penchang ay hindi daw dapat iyon ipagbili ni Kabesang Tales dahil minabuti pa ni Huli ang
paalila kaysa ipagbili iyon. Isangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon na sinang-ayunan naman ni
Simoun.

Nang lumabas ng bahay si Kabesang Tales ay natanawan niya ang prayle at ang bagong may-ari ng kanyang lupa.
Kinabukasan, wala na si Kabesang Tales sa kanyang tirahan. Nawawala rin ang rebolber ni Simoun at ang naroroon lamang ay
isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkuha niya ng baril ng mag-aalahas dahil
kinailangan niyang sumapi sa mga tulisan at pinag-ingat si Simoun mula sa mga tulisan.

Natuwa naman si Simoun dahil sa wakas ay natagpuan na niya si Tandang Selo nang mahuli ng mga gwardya sibil, isang
pangahas ngunit marunong tumupad sa mga pangako. Samatala, tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon at nag iwan
siya ng papel sa tabi ng bangkay ng babae na may nakasulat na “Tales” na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

B. TALASALITAAN
a. Indulgencia – utang na loob
b. Nagdarahop – naghihirap
c. Narahuyong – naakit
d. Lugmok – nakalubog
e. Lantay – tunay

C. ARAL/MENSAHE NA NAIS IPABATID


Hindi kailanman magiging solusyon ang pagkitil ng buhay sa isang taong mayroon kang matinding galit. Maging makatao
sa iyong mga ginagawa, isipin ang mga bagay na mas makabubuti sa kakilala at kababayan nagawan ka man ng mali o hindi,
laging piliin ang gumawa ng kabutihan para sa kapwa.

D. MGA BISA
a. Bisa sa Sarili - Ako’y nadismaya sapagkat kailanman ay hindi magiging solusyon ang paggawa ng masama o hindi angkop na
bagay sa isang taong mayroon kang matinding galit bagkus mas nais kong pag-usapan ito ng mahinahon at walang gulo.
b. Bisa sa Kapwa - Hindi mapigilan ng karamihan ang ating kapwa na makagawa ng mga hindi kaaya-ayang gawain sa iba dahil
sa puot na kanilang nadarama sa taong ito.
c. Bisa sa Lipunan - Sa ating lipunan ngayon ay marami na ang natatalang kaso ng pagpatay o pagkitil ng ibang buhay dahil
lamang sa galit o alitan ng mga ito.

You might also like