You are on page 1of 2

Committee on Public Accounts Hearing

DOTr Report on 1% Utilization of Funds for Jeepney Drivers and Operators

1. Ilan na bang mga pangalan ng public utility jeepney (PUJ) drivers at operators ang naipasa ng
Department ninyo DSWD para qualified tumanggap ng ayuda? Kasali na ba rito ang mga
beneficiaries ng Service Contracting Program (SCP)? Magkano ba ang natatanggap nilang
ayuda?
If yes new names are included: Ilan po ang natatanggap kada driver o operator?
If not yet included: Bakit hindi pa po kasali? Noong April 2020 pa po yung unang
listahan na yun, yun na po ba yun lahat? Bakit po ang konti lang?
1a. Gusto po naming lahat malaman kung nasaan na po yung remaining P4.21 billion.
Maaari niyo bang ipakita sa amin ang breakdown ng expenditures ninyo from the budget na
nakalaan lamang sa “Temporary Livelihood to Displaced Workers” through SCP?
If with breakdown: Pareho lang po ba na calculations gagamitin niyo kada driver
o operator? So para po sa lahat ng nakalista as of now at sa matatanggap nila, aabot po ng
(number of names listed x amount received by each individual) = “Expenditure.” May matitira
pa pong (4.21 billion – “Expenditure”). Saan po mapupunta yung sobra?
If there is no breakdown: Paano niyo po nacacalculate ang costs para sa ayuda
nga drivers o operators kung wala pong breakdown?

2. Since nairelease ng LTFRB ang kanilang first list na umabot ng 36,000 drivers na
makakatanggap ng ayuda, marami na ring mga PUJ drivers ang nagsubmit ng comprehensive
master list para maparami pa ang makakuha ng ayuda, pero lagi raw silang pinapapunta sa iba’t
ibang ahensya o opisina. Sino po ba talaga ang point person o responsible sa pag-coordinate ng
listahan ng beneficiaries?
If within LTFRB: Pero bakit po lagi silang nire-refer sa opisina ng DSWD o DOLE?
May kailangan po ba silang ipapirma doon?
If there is: Nakalagay po ba ang requirement na pirma sa information campaigns
ninyo?
If there is none: Sa infographic at information dissemination niyo po, ‘di po kasi
‘yan naka-specify. Kaya kahit rin sila, hindi nila alam na kailangan po pala ng pirma para ma-
aprubahan sila.
If not within LTFRB: Since sa kanila naman po pala yung responsibility sa
coordination, hindi ba pwede na sa kanila na diretso ibibigay yung master lists para rin ma-
expedite ang process?

3. Nagkakaproblema na rin po kung ano ba talaga ang batayan para ma-i-consider na sila ay
hindi lamang registered drivers pero “activated” na rin? Naipagpaalam na rin po ba sa mga driver
at operator na ito ang qualification ninyo?
If not: Paano niyo po inaasang tataas ang “participation rate” kung sila mismo hindi
nakakaalam sa ganito? Nasasayang po kasi pagkuha nila ng documents at pagpila sa offices kung
wala po silang kamalayan.

4. Nais po sana naming mas maintindihan ang proseso ng pag-apruba ng ayuda sa jeepney
drivers para makita natin If withroon bang pwedeng ma-expedite. Pwede niyo po bang ibahagi
sa’min ang actual na proseso at kung saang mga opisina ba dumadaan ang pag-apruba ng isang
driver o operator sa pagtanggap ng ayuda? Pati na rin po kung anong responsibilidad ng bawat
opisina sa buong proseso po?

5. [To LTFRB Chair Martin Delgra III] Marami naman pong reports ng mga jeepney drivers and
operators associations and transport groups na gusto talagang makatanggap ng ayuda para
masustentuhan ang mga pamilya nila. Kusa nila mismo sinusubmit ang master list para mas
marami pang makatanggap ng ayuda, pinapasa sa iba ang infographic na pinost ng LTFRB sa
Facebook, at pumupunta pa sa iba’t ibang agencies. Bakit may “low participation rate” pa rin?
If because of drivers/operators: Nagsimula po ba kayo ng mga information campaigns
or service centers (e.g.: one-stop shop) po para doon po pupunta ang mga drivers at operators at
matulungan niyo rin sila kung may kulang o mali po sa mga dokyumento nila?
If not because of drivers/operators: So ano po ang mga course of action niyo diyan?
Kung maaayos po ‘yan, mapapadali rin ba ang proseso para sa mga drivers at operators?

You might also like