You are on page 1of 3

SOLITARYO LYRICS

Pag-ibig sa musika handang manaig

Tubig sa katawan tumulo sa sahig

Kung meron mapapanalunan aking mga sugat na naging puhunan

Sa di kalaunan agarang gagaling

Sa pagsasanay di na nanibago

Hiling ko sana’y isipang mahinahon

Mamalagi ko sanay pinapahinga ko

Ang mentalidad na pag napagod ay magpapaiwan at di na hahabol

Papawiin ang alab ng puso

Palapit sa agarang pagsuko

Sa dagat na di masisid ay hahanap ng masisisi at

Magpapakita ng kahinaan ng may mali ay sarili

Mananatili bang nakapiit

Sa nakaraan mapapapikit

Pag payabangan magpapahigit

Kung malamang higa lang saglit

At titingala babangon ulit

Ipapadama ang taglay na kulit

Lahat ng nanghamak at nainggit

Ay magpapahawak at didikit

Nakadepende lahat sayo ang mangyayari sa buhay mo

Maghahanap magtatanong kung sino ba ang kalaban mo

Pag harap ko sa salamin lumiwanag ang paningin

Walang kalaban na dumating dahil ako rin ang salarin


“Di mahanap ang kalaban dahil ang kalaban ay sarili,

“Di mahanap ang kalaban dahil ang kalaban ay sarili,

“Di mahanap ang kalaban dahil ang kalaban ay sarili,

“Di mahanap ang kalaban dahil ang kalaban ay sarili,

Matagal-tagal na rin nung huli akong sumulat

Malalim-lalim na rin ang tinamo kong sugat

Kahit na anong gawin pilit mang ipasambulat

Sakin ang pait ng nakaraan kong buhay

Ay balot na sa manhid ng sakit na walang lunas

Ako ay nagising sa gabing wala ng bukas

Para akong nalasing sa tamis ng purong ubas

Hindi ko na napansin na tumatakbo ang oras

Mga lapis napurol na sa kakatasa

Sa pagbuno ng panahong ako’y nag iisa

malimit na nakakahon sa pagkabalisa

Kaya’t aking itinuon sa pagkakabisa

Hilong-hilot nangangatal di magawa na magdasal

Di ko matawag may kapal, di pa nakalaya saking asal

Matumal aking mga tamang nagawa

Hinala ko ay nagbabadya pinagdurusa ang mga pekeng may sala

Mga maling dapat maitama palpak na mahanap gumawa

Hamakin man ang karagatan di ko na maiba ang tadhana

Kahit sipatin ang lahat wala kasi ako nagsimula

Ng kasalanang binurda’t puno ng pagtataka

Sinisi ko ang ilan pinalamon ng kasalanan

Nang di namalayan na ako ang dahilan ng aking kahirapan

Isang gabi ng mga daing, Pumalibot ang mga nakaitim


Buhat ang malaking salamin, at duon natanaw ang tanging salarin

“Di mahanap ang kalaban dahil ang kalaban ay sarili,

“Di mahanap ang kalaban dahil ang kalaban ay sarili,

“Di mahanap ang kalaban dahil ang kalaban ay sarili,

“Di mahanap ang kalaban dahil ang kalaban ay sarili,

Digmaan ng puso at utak araw-araw

Takot sa pag panaw nakikipag agaw buhay

sabi nga daw sa mundong ibabaw

ayaw lang natin tanggapin ang tunay

minamaskara ang layaw umaapaw ni walang pagkaumay

kasalukuyan ang ngayon habang ang problema sa kinabukasan

kaso napuyat pag baon abang na sa lupa pagkabukas ng ataol

ay maghabol ng mga alaala pagkat wakas lang ang magtutulak paroon

sa katinuan mong di maranasan

di sumasapit ang bukas ilusyon lang wag kang praning

wag madaliin ang paparating

magiging ikaw rin ang gusto maging

sa kapipilit mo na abutin

lumilikha na ng suliranin

hanggang minsan mapupuna din

na ang hadlang ay ang kaharap mo sa salamin

You might also like