You are on page 1of 8

MAKATI MEDICAL CENTER COLLEGE

Community Health Nursing


2ND LEVEL ASSESSMENT
ASSESSMENT QUESTIONS REMARKS

I. Walang kakayahang kilanin ang mga kundisyon o mga suliranin / problema dahil sa:

A. Kakulangan ng sapat na kaalaman

Ano sa tingin ninyo ang inyong kalagayang pisikal, emosyonal, ispiritwal, kaisipan atbp.?

B. Pagtanggi sa pagkakaroon o kalalaan dahil sa takot sa magiging resulta ng pagsusuri ng


suliranin/ problema, lalung-lalo na:

May nakikita po kayong suliranin na maidudulot nito sa inyong pamilya?


1. Social stigma
2. Economic/cost implications
3. Physical consequences
4. Emotional/ psychological issues/concerns

C. Saloobin o pilosopiya sa buhay na nagiging hadlang sa pagkilala/ pagtanggap sa


suliranin/ problema

Ano ang mga nakagawian/ pamamaraan na ginagawa ng inyong pamilya/komunidad sa


pagpapanatili ng pampamilyang kalusugan?

II. Kawalan ng kakayahang magdesisyon kaugnay ng pagsasagawa ng wastong aksyong


pangkalusugan dahil sa:
A. Kabiguang maunawaan ang kalikasan/ kalalaan ng kundisyon
1. Nakakaapekto po ba sa kalusugan ang inyong problema?
2. Sa inyong pagkakaunawa, paano po kayo nagkaroon nito?
3. Sinu-sino po ba ang apektado sa kalagayang ito?
4. Gaano na po katagal ang kalagayang ito?
5. Ilang beses na po ito nangyari sa pamilya?
Ilang beses po ninyo HINDI tinugon ang problema?
1-2 madalang
3-4 madalas
5 palagi
6. Sa inyo pong palagay, pag dumating ang ganitong pangyayari sa inyong pamilya, ano po ba
ang mga gagawin ninyong hakbang?
B. Di pagpansin sa problema/ kundisyon
1. Sa inyo pong pananaw, kailangan po bang pagtuunan ng pansin ang problema?
OO__ MEDYO__ HINDI__
2. Kung OO /MEDYO, sa 0,1,2 ano po ang antas ng attensyon na igugugol ninyo sa
problema?
Bakit po?...(follow up for MISCONCEPTIONS)
C. Pagkadama ng pagkalito o kawalan ng pag-asa dahil sa/ dala ng problema
1. Ano po ang inyong saloobin tungkol sa inyong kalagayan?
2. Ano po ang inyong mga katanungan tungkol sa inyong kondisyon?
3. Kayo po ba ay nalilito o nawawalan ng pag-asa/kakayanan para gumawa ng desisyon
upang matugunan ang inyong kalagayan?
D. Kakulangan sa kaalaman na makapili ng aksyon na maaari nilang gawin
1. Saan o kanino kayo unang kumonsulta?
2. Mayroon pa po ba kayong nalalaman na ibang paraan upang matugunan ang inyong
problema?
E. Kawalan ng kakayahang magdesisyon kung anong aksyon mula sa listahan/talaan ng
mga pagpipilian ang gagawin
1. Alin po sa mga nabanggit/nalaman ninyong paraan ang inyong balak gamitin?
F. Magkakasalungat na opinion mula sa mga miyembro ng pamilya/ iba pang mahahalaga
tungkol sa gagawing aksyon
1. Ano po ang opinion ng ibang miyembro ng pamilya?
2. Sang-ayon po ba sila sa inyong pananaw?
3. Kung hindi, bakit?
4. Ano po ngayon ang inyong napagdesisyunan?
G. Kakulangan ng kaalaman sa pagkukunan ng mga pangangailangan mula sa pamayanan
na magagamit sa pangangalaga / pag-aalaga
1. Magbanggit po kayo ng mga alam ninyong pwedeng hingan ng tulong sa pamayanan?
H. Takot sa kalalabasan / kahihinatnan / resulta ng aksyon
Ano po ba ang dahilan at atubili kayong gumawa ng hakbang ukol sa inyong kondisyon?
(IF FEAR…)
1. Resultang Panlipunan
-ikahiya ng pamilya, kapitbahay o kaibigan
-pandirihan ng tao
2. Resultang Pang-ekonomiya
-magastos
-baka mawalan ng trabaho
3. Resultang Pisikal
-Baka lumala ang kondisyon
-baka mamatay
-maaaring manghina ang katawan
4. Resultang Emosyonal
-Kaawaan ng iba
-mawalan ng tiwala sa sarili o magbago ang pagtingin ko sa sarili ko
-maapektuhan ang aking pananaw sa buhay
I. Negatibong saloobin hinggil sa kundisyon ng kalusugan
1. Pagsasabi ng pagkakaiba ng palagay tungkol sa kundisyon
2. Mga palatandaang di-berbal: paggalaw ng mga mata, saradong mga braso, pag-iiba ng
lagay ng loob, iba pang pagkilos, magagalitin
J. Mahirap na makuhang mga angkop na pangangailangan para sa pangangalaga / pag-
aalaga lalung-lalo na:
1. Pisikal na pangangailangang mahirap makuha/ maabot
-Mga ilang kilometro o nakakailang sakay po kayo papunta sa health center o hospital?
-Nalalayuan po ba kayo papunta roon?
2. Mga gugulin / gastusin
-Magkano po ang pamasahe balikan papunta ng health center o ospital?
-Meron po ba kayong pampamasahe?
-May bayad po ba ang pagpapakonsulta/ pagpapaospital?
-May nakalaan po ba kayo ng panggastos sakaling may ipabili pong gamot at ibang
ipapasuri sa inyo sa laboratoryo?
K. Kawalan ng tiwala sa mga tauhan / empleyadong pangkalusugan/ tauhan sa ahensya
1. May tiwala po ba kayo sa mga manggagamot o mga taga health center/ ospital/bhs sa
inyong lugar?
2. Ano ho ang sanhi ng kawalan ninyo ng tiwala sa kanila?
L. Maling pagkaunawa /pagpapakahulugan sa impormasyon tungkol sa mga mungkahing
aksyong dapat gawin
III. Kawalan ng kakayahang makapagbigay ng sapat na pangangalaga sa mga maysakit, may
kapansanan, umaasa at mahihina sa mga miyembro ng pamilyang nasa panganib dahil sa:
A. Kakulangan ng sapat na kaalaman tungkol sa sakit/ karamdaman/ kundisyong
pangkalusugan
1. Naging malinaw po ba sa inyo iyong impormasyon na ibinahagi ng nars tungkol sa
ganitong kundisyon?
2. Anung bahagi po ng pagtuturo ang malinaw sa inyo?
3. Ito po ba’y isa sa mga dahilan upang hindi ninyo ipagpatuloy ang pinagkasunduang
solusyon sa problema?
4. Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataon na makapagbasa o makarining ng impormasyon
tungkol s kundisyon?
B. Kakulangan ng sapat na kaalaman tungkol sa pagpapalaki at pag-aalaga ng bata
1. Repeat previous 1-4 Questions in A.
2. Anu-ano na po ba iyong mga itinuro sa inyo ng nars tungkol sa pangangalaga ng bata?
C. Kakulangan ng kaalaman sa kalikasan at saklaw ng pangangalagang pangkalusugan na
kinakailangan
1. Repeat previous 1-4 Questions in A.
2. Anu-ano po ba ang madalas ninyong gawin sa ganitong klase ng karamdaman?
D. Kakulangan ng mga kinakailangang kagamitan at panustos para sa pangangalaga
1. Mayroon na po ba ditong Health Center na malapit?
2. Gaano niyo po ba kadalas puntahan ito?
3. Sa tingin ninyo, kumpleto po ba ang mga gamit/ gamot sa Health Center?
4. Anu-ano po bas a loob ng bahay ninyo ang pwedeng gamitin para sa pang-unang lunas?
E. Kakulangan ng kaalaman at kasanayan sa pagsasagawa ng mga kinakailangang
paggamot/ pamamaraan/ pangangalaga
1. Repeat previous 1-4 Questions in A.
2. Naging malinaw po ba sa inyo yung tamang paraan ng pagagamot at pangangalaga
upang matugunan ang problema?
F. Kakulangan ng kapamilya na mag-aalaga lalung lalo na:
I. Absence of responsible member
1. May iba pa po ba kayong kasama sa bahay upang makatulong sa inyo sa pagtugon sa
problema?
2. Sa tingin ninyo, kailangan niyo po ba ng tulong sa pagtugon sa problema?
II. Financial Constraints
Sa tingin ninyo, sapat ba ang panggastos ninyo para matugunan ang problema?
III. Limitations/ lack of physical resources
Sa tingin ninyo, meron pa po ba kayong mga gamit para makatulong sa pagtugon sa
problema?
G. Di ipinahahayag na saloobin ng mahahalagang tao/ kapamilya na naging dahilan ng
pagkakaroon niya ng kakayahan na makapagbigay ng pangangalaga
1. Meron po ba kayong dinaramdam o saloobin na sa tingin ninyo ay nakakaapekto sa
pagtugon ng problema?
2. Meron pa bang ibang miyembro na may dinaramdam o saloobin na sa tingin ninyo ay
nakakaapekto sa pagtugon sa problema?
H. Pilosopiya sa buhay na tumatanggi / humahadlang sa pangangalaga sa maysakit/may
kapansanan/ umaasa/ mahihina na mga miyembro ng pamilyang nasa panganib
1. Ano nga po ulit iyong pananaw ninyo tungkol sa ganitong kundisyon?
I. Pagiging abala ng miyembro na may kinalaman / kaugnayan sa sariling interest
1. Kayo po mismo, meron po ba kayong personal na problema o pinagtutuunan ng pansin?
2. Nakakasagabal po ba ito?
J. Matagal ng karamdaman/ paglala ng kapansanan na nagdudulot ng kapaguran na
nagiging dahilan ng kawalan ng mga miyembro ng pamilya ng kakayahang sumuporta/
tumulong tukuyin
1. Meron po bang isang miyembro ng pamilya na mayroong malubha/ matagal ng
karamdaman?
2. Gaano ninyo na ba katagal na inaalagaan ang miyembro ng pamilya na may sakit?
3. Kayo po ba’y nahihirapan/ nagsasawa/nabibigatan/nalilito na sa pangangalaga ng isang
miyembro ng pamilyang may sakit?
K. Binagong tungkulin sa paggawa/pagganap
1. Pagtanggi sa tungkulin
2. Pinilit na tungkulin
3. Di kasiyahan sa tungkulin
4. Magkasalungat na tungkulin
5. Nakalilitong tungkulin
6. Labis-labis o sobrang tungkulin
IV. Kawalan ng kakayahan na makapagbigay ng isang kapaligirang pantahanan na
makatutulong sa pagpapanatili ng kalusugan at personal na pag-unlad dahil sa
A. Kakulangan ng mga pinagkukunan ng pangangailangan ng pamilya, lalung-lalo na
• Kulang at limitadong pangangailangang pinansiyal
1. May iba pa po ba kayong pinagkukuhanan ng panggastos sa mga pang-araw-araw na
pangangailangan?
2. Kung sa inyong palagay ay hindi sapat ang kinikita nyo, anu pa ba ang mga ibang
alternatibong paraan para matugunan ang mga pangunahing pangangailanagan?
• Limitadong pangangailangang pisikal halimbawa kawalan ng lugar na paglalagyan ng mga
pasilidad
1. Ano po ba ang masasabi nyo sa inyong pamamahay?
2. Komportable po ba kayo?
3. Kung sa tingin ninyo ay hindi po sapat ang laki, anu po ba ang mga paraan na ginagawa
ninyo para matugunan ang kalagayang ito?
4. sapat po ba ang mga kagamitan ninyo para sa pang-araw-araw na pamumuhay at
gawaing bahay lalo na po tungkol sa aspetong pangkalusugan?
B. Kabiguang magkaroon ng benepisyo (lalo na iyong pangunahing panahon) mula sa
puhunan sa pagpapaayos ng tahanan at kapaligiran
1. Tungkol po sa tanong ko kanina sa kalagayan ng inyong pamamahay, may ginawa po ba
kayong paraan para mapabuti ang inyong tahanan?
2. Kung sa tingin ninyo ay wala po kayong sapat na panggastos para ditto may alam pa ba
kayong dapat baguhin o ibahin para mapabuti ang inyong tahanan?
3. Tungkol po sa sinabi nyo kanina ano po ang mga nakikita n’yong benepisyo para sa
inyong tahanan?
4. May mga paraan pa ba kayong ginawa para maisagawa ang mga pagbabagong nais
n’yong mangyari sa inyong pamamahay
5. Kakulangan ng kaalaman sa kahalagahan ng pangangalagang pangkalusugan at
pangkalinisan
6. Pwede po bang pakipaliwanag ang ibat-ibang paraan ng paglilinis ng inyong
pamamahay?
7. Ano po ba ang mga nakikita ninyong benepisyo sa paglilinis ng inyong bahay?
C. Kakulangan sa kaalaman sa mga hakbang na panlaban sa mga sakit
1. Sa inyo pong kaalaman anu pong mga bagay na dapat ninyong gawin para mawala at
malimitahan ang pagkakasakit at aksidente sa loob at labas ng bahay?
2. Sa inyo pong sinabi ano po ang maidudulot nito sa inyong pamilya?
D. Kakulangan ng kasanayan para maisagawa ang mga hakbang na maisagawa ang mga
hakbang na makakapagsasaayos ng tahanan at kapaligiran
( Refer to question to letters A to D.)
E. Hindi epektibong istilo/ paraan ng Pakikipagtalastasan/ pakikipagkomunikasyon sa
magpapamilya
1. Paano nyo po ba nilulunasan/ nilulutas ang mga suliranin ng inyong pamilya?
2. Paano nyo po ba ito pinag-uusapan?
3. Sino po ba ang nangunguna sa mga usapin tungkol sa suliranin ng pamilya?
4. Paano po ba nagbibigay ng kanilang ideya ang mga ibang miyembro ng inyong pamilya?
5. Nagkaroon na po ba ng suliranin o hindi pagkakaunawan sa inyong pamilya?
6. Paano n’yo po ba ito nilulutas? ( pakipaliwanag po kung paano n’yo po ito nilulutas)
7. May panahon po ba na hindi kayo nagkaunawaan ng inyong asawa o anak at dumating
sa punto na kayo ay nagsigawan, hindi nag-uusap at nagpapakiramdaman?
8. Ano po ang inyong ginawa sa sitwasyong ito?
9. May mga alam pa po ba kayong paraan para mapabuti ang komunikasyon sa bawat
miyembro ng pamilya?
F. Kakulangan ng pagtutulungan sa mga miyembro ng pamilya
1. Bilang isang asawa, anak,anu po ba ang mga ginawa ninyo para suportahan ang
mga Gawain o hilig ng miyembro ng pamilya ( trabaho o pag-aaral)
2. May mga alam po ba kayong paraan para lalong tumibay ang suporta sa inyong
pamilya?

G. Negatibong saloobin / pilosopiya sa buhay na hindi makatutulong sa pagpapanatili ng


kalusugan at personal na pag-unlad (sumangguni sa mga kasagutan sa mga bilang A, B, C,
D at E)

H. Kakulangan ng sapat na kakayahan sapakikipag-ugnayan sa isa’t isa para sa pag-unlad ng


isa sa isa at kahustuhan ng isip (hal. Mababang kakayahan na matugunan ang mga pisikal
at sikolohikal na mga pangangailangan ng iba pang miyembro na resulta ng pagiging
abala ng pamilya sa kasalukuyang problema o kundisyon)
(sumangguni sa mga kasagutan sa mga bilang A, B, C, D at E).
V. Kabiguang magamit ang mga kagamitan ng komunidad para sa pangangalagang
pangkalusugan dahil sa:
A. Kakulangan ng sapat na kaalaman sa mga pangangailangan ng komunidad para sa
pangangalagang pangkalusugan
1. Pag nagkakasakit, saan po kayo nagpapatingin?
2. Alam ninyo po ba na may health center dito sa barangay ? Saan po?
3. Anong araw at oras bukas ang health center?
4. Anu-ano ang mga serbisyo na ibinibigay ng health center?
5. May alam pa ba kayo na ibang klinika dito sa barangay? A.Private B. NGO
B. Kabiguang Makita/ makamit ang mga benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan
1. Ano ang mga benepisyo na natatanggao ninyo sa Health Center o sa inyong barangay?
2. Sa tingin ninyo po ba natutugunan ang mga problemang pangkalusugan at iba pang
serbisyo dito sa komunidad?
C. Kakulangan ng tiwala/ kumpiyansa sa ahensya/ mga tauhan
1. Kilala niyo po ba ang mga tauhan sa health center?
2. Ano po ang masasabi ninyo sa pakikitungo nila sa inyo?
3. May tiwala at naniniwala po ba kayo sa kakayahan nila?
D. Hindi magagandang pangyayari na dati nang nararanasan sa mga tagapangalaga ng
kalusugan
1. Sa loob ng isang buwan, ilang beses po kayo nagpupunta ng health center?
2. Kumusta naman po ang pakikitungo sa inyo? Meron po ba kayong hindi magandang
karanasan sa kanila?
3. Ano po ang ginawa ninyo at ano ang nagging epekto nito sa inyo?
E. Takot sa mga magiging bunga ng aksyong gagawin (prebentib, pampagsusuri, terapyutik,
rehabilitatib)lalo na:
I. Mga bunga o resultang pisikal/ sikolohikal
1. Dinadala ba ninyo ang inyong mga anak sa health center para bakunahan? Bakit?
2. Pumupunta ba kayo sa health center para magpa breast exam, papsmear, vaginal smear,
family planning at prenatal check up?
II. Mga bunga o resultang pinansiyal
1. Ano po ang alam ninyong serbisyo na may bayad?
2. Alin po ang libre?
III. Mga bungan sosyal
Ano ang mga comments/ sinasabi ng mga kaibigan ninyo?
F. Kawalan ng makukuhang kinakailangang serbisyo sa pag-aalaga/ pangangalaga
1. Ano po ang mga sakit na meron sa pamilya?
2. Ano po ang mga serbisyo sa health center na maaring tumugon sa dito?
3. KUmpleto ba ang mga serbisyong panlaboratoryo/ para sa pagsusuri para matugunan
ang mga sakit sa pamilya?
G. Walang maaring malapitan para sa kinakailangan serbisyo sa pag-aalaga
1. Suliranin sa gastusin- Alam ba ninyo ang mga serbisyo sa HC na may bayad?
2. Suliraning Pisikal- gaano kalayo ang HC sa inyong bahay?
H. Kawalan ng sapat na kaalaman sa pangangailangang pampamilya, lalo na ng:
1. Pangangailangan ng magseserbisyong mga tauhan
Sino po ba ang nagdadala sa HC kapag ang isang miyembro ng pamilya ay may sakit?
2. Pangangailangang pinansiyal
Nabibili ninyo po ba ang mga reseta pag walang gamot sa HC na libre?
May nakalaan po ba kayo para sa kalusugan ng pamilya?
I. Pagiging malayo ng damdamin dahil sa kakulangan ng suporta mula sa komunidad/
pamayanan hal. Kapintasan / batik dahil sa sakit na pangkaisipan, AIDS atbp
Meron po ba kayong alam na programa sa komunidad pag ang isang miyembro ay may
sakit? Kung WALA, BAKIT?
J. Negatibong saloobin/ pilosopiya sa buhay na nagiging hadlang sa epektibo/
pinakamaraming oaggamit ng pangangailangang pangkomunidad para sa
pangangalagang pangkalusugan
Ano ang mga kaugalian at paniniwala ninyo tungkol sa kalusugan para hindi na gamitin ang
serbisyo sa komunidad?

Revised by CHN Team, August 2011

You might also like