You are on page 1of 2

Pangalan: Maythel Canecio. Kurso: BS Architecture.

  

Ipinaglaban Mo Noon, Gamit Ko Ngayon.

Wikang Filipino at wikang katutubo, wikang salamin ko. Ano ang mangyayari sa atin?

Ano ang mangyayari sayo kung wala ang barayti ng mga wika at mismong ang wika

pambansa? Krusyal ang wika sa lahat ng larangan ng ating pamumuhay, kung walang wika,

walang ekspresyon kapwa ng nararamdaman at mga personal na emosyon. Sa sensitibo at

magulong sitwasyon, paano mo maipapahayag ang iyong sinasaloob? Sa pamamagitan ng

pagsasalita, na ginagamitan ng wika. Sa oras ng pag-iisa at takot, paano ka makakahingi ng

tulong? Sa pamamagitan ng pagbigkas, matutulungan ka. Sa kaso ng kabuktutan o kamalian,

paano mo pupunain ang iba? Maitatama mo sila sa pagbibigay ng payo. Pasalita man o hindi,

kailangan ko, kailangan mo ng wika. Ito ang ‘marker’ ng isang persona na nagsisilbing tanda ng

kanyang pagkakakilanlan at identidad. Kaya hindi lang pang-indibidwal ang mga wika,

panlipunan rin ito at pambansa. 

Noong nalupig ang mga bansang multi-etniko gaya ng Malaysia, bagaman naging

popular ang paggamit ng Ingles dahil sa kaganapang pagsakop ng mga ‘British’ dito, ibinangon

pa rin nila ang kanilang nasyon sa daang paggamit nila ng kanilang natural na mga wika. Gaya

ng Bahasa Malaysia, Fukien at Tamil. Samantalang sa Indonesia naman, pinakamaraming

tagapag-wika ang Javanese, bagaman sila ay may pambansang wika na Bahasa Indonesia na

naitatag matapos nilang makalaya sa pananakop ng mga Dutch noong kasagsagan ng 1945.

Sa India naman, nang makalaya sila sa kamay ng mga British noong 1947, matatag nilang

konsepto ang hindi paglalagay ng wikang Ingles bilang kanilang wikang pambansa. Bagkus, sila

ay kinukulayan ng mga wikang Indo- Aryan, Dravidian, Ausro-Asiatiko, at Tibeto-Burmese o

Chinese. Sumunod naman ay ang sa Pakistan na sakop at nakalaya noon sa mga British na
may mga wikang Bengali, Urdu, Arabik at Sindhi. Ang Tanzania naman ay nasakop rin ng mga

British ngunit nakalaya at muling pinangunahan ng wikang Swahili bilang kanilang wikang

opisyal at pambansa imbes na wikang Ingles. Sa Algeria naman, sila ay pinamumunuan ng apat

na opisyal na wikang Classical Arabic, Dialectal Arabic, Berber at French. Marami pang ibang

bansa ang nalupig ng mga dayuhan o banyaga ngunit nakamit rin ang kalayaan at hustisya sa

huli dahil sa ipinaglaban nila ang kanilang sariling wika.

Sa ating sariling bansa naman na sinakop ng mga Kastila, Amerikano at mga

Hapon, naging iba-iba ang wikang pambansa na mayroon tayo. Iba-iba ng katawagan. Sa una’y

Pilipino batay sa wikang Tagalog at pagkaraa’y naging wikang Filipino na. Bagaman paggamit

ng wikang Ingles ang namamayagpag sa lansangan at sa sari-saring mga lugar, nabibigyang

atensyon pa rin ang ating wikang Filipino na dapat lamang talaga.

Ano-ano man ang pinagdaanan ng lahat ng bansang nasakop, kabilang na ang

ating sariling bansa, hindi maipagkakaila na napakalaki ng kontribusyon ng wika sa bawat pag-

unlad ng mga bansang nabanggit. Makikita rin dito na kung hindi ipinaglalaban ng sariling mga

tao ang kanilang wika, hindi mananatili ang wikang yaon hanggang ngayon. Ang wika ay hindi

umuusbong at nabubuhay nang basta sa sarili lamang nito. Katuwang tayo sa paglaganap at

pagsalin-salin nito ngayon, bukas at walang hanggan.

You might also like