You are on page 1of 4

PLACIDO DEL MUNDO ELEMENTARY SCHOOL Summative Exam Number: 1

Pangalan: ______________________________________ Baitang/ Seksiyon: _________

UNANG MARKAHAN
(Edukasyon sa Pagpapakatao 3)
I.Panuto: Basahin ang bawat aytem. Isulat ang TAMA kung wasto ang
ipinapakitang damdamin sa pagsasakilos ng kakayahan at MALI naman
kung hindi.

_______ 1. Mahusay gumuhit si Ethan. Marami na siyang naiguhit. Tuwang-tuwa

siyang ipinapakita ang mga ito sa ibang bata. Masaya din siya kapag

nakikitang natutuwa ang mga kaibigan sa ginawa niya.

_______ 2. May iba't-ibang kakayahan ang bawat tao.

_______ 3. Umiiyak si Camille habang sumasayaw dahil kasisimula pa lamang

niyang mag-ensayo at hindi pa niya kabisado ang sayaw.

_______ 4. Matikas ang tindig ni Summer habang umaawit sa harap ng kaniyang

mga kaibigan at kamag-anak.

_______ 5. Matapos pagtawanan nang madapa, bumangon at sumali muli sa

paligsahan sa pagtakbo si Miguel.

_______ 6. Hindi ako sasali sa mga paligsahan sa paaralan upang hindi ko

maibahagi sa aking mga kamag-aral ang aking kakayahan.

_______ 7. Ang pag-awit ng pagpupuri sa Diyos ay isang paraan upang maipakita

ang pagpapasalamat sa Diyos.

_______ 8. Pinagtatawanan ni Princess ang kamag-aral na nakakalimutan ang mga

salita sa tula.

_______ 9. Makikilahok si Bea sa mga organisasyon sa paaralan na makakatulong sa

kanya upang mapaunlad ang mga talentong bigay ng Diyos.

_______ 10. Magsasanay ako nang madalas upang mas malinang ang aking kakayahan.

II. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang SANG-AYON o DI SANG-AYON sa patlang.

_______ 11. Lalakasan ko ang aking loob upang makasayaw ako nang maayos.

_______ 12. Palagi akong lumiliban sa mga pagsasanay sa pagsayaw.


_______ 13. Palagiang pagsali sa mga worksyap sa pag-arte.

_______ 14. Ipapagawa ko sa kaklase ang takdang – aralin na pagguhit.

_______ 15. Susundin ko ang mga suhestiyon ng aking guro tungkol sa pagtula.

II.Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

16. Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit at nagkataon na magaling kang

umawit. Ano ang gagawin mo?

A. Huwag ipakita ang kakayahan

B. Huwag sumali

C. Sumali nang buong husay

D. Mahiyang sumali

17. Si Arnel ay batang pilay subalit napakahusay niyang gumuhit. Kung ikaw ang

nasa kalagayan niya, sasali ka ba sa paligsahan sa pagguhit?

A. Hindi dahil takot ako sa guro.

B. Hindi dahil nahihiya ako.

C. Oo, dahil kailangang patunayan ko sa aking sarili na may taglay akong

talento na ibinigay ng Diyos.

D. Hindi, dahil baka di ako mananalo.

18. Lahat ng iyong kamag-aral ay marunong sumayaw maliban sa iyo.

Nagkataong kailangang magpakita ng talento ang inyong pangkat. Ano ang gagawin mo?

A. Magmumukmok na lang sa isang sulok

B. Sasali ako kahit di marunong

C. Iiyak dahil baka kakantiyawan ka ng iyong mga kaklase

D. Magsasabi ng totoo sa guro at sasabihin ko rin ang taglay kong kakayahan.

19. 4. Umuwi ka ng bahay galing sa paaralan. Nadatnan mo na madaming

pinagkainan sa lababo. Anong gagawin mo?

A. Di na lang papansinin ang nakita.

B. Magdadahilan na masakit ang ulo upang di makapaghugas.

C. Huhugasan ko ng kusa ang mga plato.


D. Ipagpapabukas ko na lang ang paghuhugas.

20. Ano ang dapat mong gawin kapag may mga iniatang na gawain sa iyo ang iyong kapatid?

A. Gagawin ko nang maayos ang gawaing naiatang sa akin.

B. Kay inay lang ako susunod.

C. Hindi ako susunod sa aking kapatid.

D. Hindi ko ito papansinin

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
PLACIDO DEL MUNDO ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHAN
Talaan ng Ispisipikasyon
MTB-MLE I
Summative Exam Number: ____

BILANG KINALALAGYAN NG PERCENTAGE%


LAYUNIN NG AYTEM
AYTEM
Nakatutukoy ng natatanging 15 1-15 75%

kakayahan (ESP3PKP-Ia-13)

Hal. talentong ibinigay ng Diyos

Nakapagpapakita ng mga 5 16-20 25%


natatanging kakayahan nang may
pagtitiwala sa sarili.

((ESP3PKP-Ia-14)

Susi sa Pagwawasto:

1. TAMA 11. SANG-AYON


2. TAMA 12. DI SANG-AYON
3. MALI 13. SANG-AYON
4.TAMA 14. DI SANG-AYON
5.TAMA 15. SANG-AYON
6.MALI 16. C
7. TAMA 17. C
8. MALI 18. B
9.TAMA 19. C
10. TAMA 20. A

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Sinang-ayunan ni:

You might also like