You are on page 1of 5

LESSON SCHOOL GRADE LEVEL 3

EXEMPLAR TEACHER LEARNING AREA MTB-MLE


TEACHING DATE QUARTER UNANG
MARKAHAN
TEACHING TIME NO. OF DAYS 1
UNANG LINGGO

I. OBJECTIVES
A. PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
B. PAMANTAYAN SA
PAGGANAP
C. MGA KASANAYAN SA  Nababaybay nang wasto ang mga salitang nakatala sa talasalitaan at ang
PAGKATUTO mga salita mula sa tekstong binasa (MT3F-Ia-i-1.6 )
(Isulat ang code ng bawat kasanayan)

II. NILALAMAN
Paksa: Kahulugan at Tamang Baybay ng mga Salita

III. KAGAMITANG PANTURO


A. SANGGUNIAN
1. Mga pahina sa Gabay ng  Unpacked Curriculum Guide III pp.373 (MT3F-Ia-i-1.6 )
Guro. 
2. Mga pahina sa Self Learning Material pp. 6-8
Kagamitang Pang Mag- MTB-MLE 3 Unang Markahan Unang Linggo, Kagawaran ng Edukasyon,
aaral. Rehiyon IV-A CALABARZON

3. Mga Pahina sa Aklat


4. Karagdagang Kagamitan MTB-MLE 3 Unang Markahan Modyul 1, Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng
mula sa Learning mga Paaralang Lungsod-Maynila, pp. 1-10
Resource (LR) Portal
Alpabetong Pilipino | Modern Filipino Alphabet Song 
robie317
https://www.youtube.com/watch?v=6Kx64wdJVdE

5. Iba pang Kagamitan Laptop, internet connection


6. Istratehiya Song

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain 1. Panalangin
2. Pagkuha ng Liban

B. Balik-Aral sa nakaraang Pagsasanay


aralin at/o pagsisimula ng bagong Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
aralin. 1. Ilan ang letrang bumubuo sa bagong alpabetong Filipino?
A. 22
B. 24
C. 26
D. 28
2. Ilan ang letrang bumubuo sa orihinal na alpabetong Filipino?
A. 20
B. 22
C. 24
D. 28
3. Ano-ano ang walong (8) letrang nadagdag sa bagong alpabeto?
A. C, J, M, P, A, D, V, W
B. C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
C. A, B, C, D, E, F, G, H
D. S, T, U, V, W, X, Y, Z
4. Ano ang tawag sa isa-isang pagbigkas ng mga letra nang may wastong
pagkakasunod-sunod na kabilang sa isang salita?
A. pagpapantig
B. pagbabaybay
C. pagkikinig
D. pagpapahula
5. Alin ang wastong pagbabaybay sa salitang talasalitaan?
A. t-a-l-a-s-a-l-i-t-a-a-n
B. ta-la-sa-li-ta-an
C. tala-sali-taan
D. Talasa-litaan

Balik-Tanaw
Isulat ang nawawalang letra ng alpabeto.

C. Paghahabi sa layunin ng • Ano-ano ang mga letrang bumubuo sa alpabetong Pilipino?


aralin • Paano ang Pagbaybay ng mga salita?

D. Pag-uugnay ng mga  Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, awitin natin ang Alpabetong
halimbawa sa bagong aralin Filipino

Alpabetong Pilipino | Modern Filipino Alphabet Song 


robie317
https://www.youtube.com/watch?v=6Kx64wdJVdE

E. Pagtalakay ng bagong  Ano ang mga letrang nabanggit sa awit?


konsepto at paglalahad ng  Ang mga letrang ito ay ating ginagamit upang makabuo ng isang salita.
bagong kasanayan #1  Maaari nating malaman o matukoy ang kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng paggamit ng mga larawan, gamit nito sa pangungusap,
at sa tulong ng kontekswal na gabay. Mahalagang malaman natin ang
kahulugan ng isang salita upang mas maunawaan natin ang binabasa
nating pangungusap, talata o kuwento

 Basahin ang kuwento nang may damdamin.

Batang Matulungin
Ria P. Mateo
Isang hapon, habang naghihintay ng traysikel si Manny, may nakasabay
siyang mag-ina na tila nagmamadaling makauwi ng bahay. Nagtaka siya kaya’t
pinagmasdan niya ang mag–ina. Napansin niya na masama ang pakiramdam ng
batang babae na halos ka-edad niya.

Lumipas ang ilang minuto, biglang may humintong traysikel sa harapan


ni Manny. Sasakay na sana siya subalit nakita niyang namimilipit na sa sakit ng
tiyan ang bata. Dali-dali niyang nilapitan ang mag-ina at sinabing “kayo na po
muna ang sumakay sa traysikel.” Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na
makauwi agad kaya’t pinauna niyang sumakay ang mga ito.

“Maraming salamat sa iyo, napakabuti mong bata”, nakangiting wika ng


ina ng bata kay Manny. Masayang naghintay muli si Manny ng dadaan na
traysikel dahil alam niyang nakatulong siya sa kapwa kahit sa maliit na paraan.

 Tingnan kung paano bigkasin at baybayin ang mga salita sa ibaba.

Pagbaybay:
hapon h-a-p-o-n
maliit m-a-l-i-i-t
bahay b-a-h-a-y
masama m-a-s-a-m-a

 Pagbibigay kahulugan ayon sa pangungusap.


1. hapon - paglubog ng araw.
2. bahay - tahanan
3. maliit - munti
4. masama - hindi mabuting gawain
 Masayang manood ng takipsilim sa hapon.
 Kumpleto ang gamit namin sa bahay.
 Ang pamilya namin ay maliit.
 Ang pagtatapon ng basura sa ilog ay masamang gawain.

F. Pagtalakay ng bagong Basahin at unawain mo ang mga larawan. Piliin ang tamang baybay nito sa loob
konsepto at paglalahad ng ng panaklong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
bagong kasanayan #2
1. (nais, mais, maes)
2. (lapis, lipis, lapes)
3. (susi, sosi, sisi)
4. (kawali,kawale,cawali)
5. (soklay, suklay, siklay)

G. Paglinang sa Kabihasan Basahin ang mga hakbang sa pagluluto ng adobong manok. Isulat sa iyong
(Lead to formative sagutang papel ang tamang baybay ng salitang may salungguhit.
Assessment#3)
1. Initin ang kawale at igisa ang sibuyas at bawang.

2. Igisa ang manuk kasabay ng sibuyas at bawang.

3. Ibuhos ang suka, toyo, at tubig. Lagyan ng dahoon ng laurel, paminta, at


pampalasa. (Kung may patatas, ilagay na rin ito para mapakuloan). Pakuluan ito
ng 10 minuto hanggang sa maluto ang manok at patatas.

4. Ilagay ang asokal at paghaluin ito ng maayos.


5. Pakuluan ng limang menuto at tikman kung tama na ang lasa nito. Puwede mo
nang patayin ang apoy ng kalan. Hanguin ang adobo at ilipat sa lalagyan.

H. Paglalapat ng aralin sa pang- Piliin ang pangungusap na may angkop na paggamit ng kahulugan ng salita sa
araw-araw na buhay bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Pito– Tumutukoy sa bagay na gumagawa ng tunog kapag hinipan


A. Pito lang na tao ang maaaring
pumasok sa bangko.
B. Huminto ang lahat ng marinig nila
ang pito ng guwardiya.

2. Paso– Tumutukoy sa bagay na pinagtataniman ng halaman


A. Dinidiligan nila ang mga halaman sa paso.
B. Namamaga ang paso niya sa kamay.

3. Basa– Ito ay nangangahulugang natapunan ng tubig o inumin.


A. Nagkamali siya ng basa sa salita.
B. Basa siya ng ulan nang umuwi ng bahay.

4. Tubo– Tumutukoy sa daluyan ng tubig


A. May tubo na ang halaman ng itinanim ni tatay.
B. Maayos ang daloy ng tubig sa gripo dahil inayos ang tubo.

5. Saya– Ito ay nangangahulugang damit na isinusuot ng mga kababaihan sa mga


espesyal na okasyon.
A. Ang saya ng lahat dahil natapos na ang pandemya.
B. Bagay na bagay sa dalaga ang suot niyang saya.

I. Paglalahat ng Aralin Tandaan


 Ang pagbaybay ay pagsusulat ng salita o mga salita sa pamamagitan ng
lahat ng kinakailangan na letra sa wasto nitong pagkakasunod-sunod. Ito
ay isa sa mga napaka-importanteng bahagi ng wika. Kung ano ang
bigkas ay siyang sulat, at kung ano ang sulat ay siyang basa.
 Ang talasalitaan ay pagbibigay ng kahulugan sa salita upang magamit sa
pagkatuto ng lalo pang maunawaan ang wika o salita.

J. Pagtataya Isulat ang wastong pagbaybay ng salitang tumutukoy sa pangalan ng miyembro
(EVALUATE) ng pamilya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Halimbawa:
lolo l-o-l-o

1. tatay
2. nanay
3. ate
4. kuya
5. bunso

K. Karagdagang Gawain Kumpletuhin ang pangungusap.


(EXTEND)
Ang natutuhan ko sa aralin ay ________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. No. of learners who earned
80% in the evaluation
B. No. of learners who require
additional activities for
remediation
C. Did the remedial lessons
work? No. of learners who
have caught up with the
lesson
D. No. of learners who continue
to require remediation
E. Which of my teaching
strategies worked well?
Why did these work?
F. What difficulties did I
encounter which my
principal or supervisor can
help me solve?
G. What innovation or
localized materials did I
`use/discover which I wish to
share with other teachers?

You might also like