You are on page 1of 1

Week 1- Day 1 Cut and Tell Story - Baby Bird

Ikinuwento ni Kuya Rey


Mga kailangang kagamitan: Bond paper, gunting at Pentel pen

Isang araw si nanay ibon at si tatay ibon ay excited ng magkaroon ng baby bird o
inakay. Kaya ginawa nila sila ay gumawa ng isang pugad. At alam nyo ba ang mga ibon ay
natural recyclers. Ibig sabihin sila ay namumulot ng kung ano-ano at yun ang ginagawa
nilang pugad. Halimbawa yung nahuhulog na dahon sa lupa at yun ang gingawa nilang
pugad.(Ayan Nakagawa na sila ng isang pugad). Makalipas ang ilang araw is nanay ibon
ay nangitlog na. At ang itlog ay kailangan nga limliman sa loob ng pugad. Si nanay ibon
ay inip na inip na sa kadahilanang di sya makalipad. Kailangan nya lang limliman o upuan
ang kanyang itlog para ito ay mapisa. Buti na lang nagkaroon sya ng dalawang bisita. Ito
ay dalawang Ladybugs. Ang mga Ladybug ang kanyang naging kaibigan. Sila ay
nagkkwentuhan parati para hindi mainip si nanay ibon. At isang araw nakarinig sila ng
isang bitak muna sa isang maliit na itlog. Makalipas pa ang ilang araw nakarinig sila ng
malaking bitak ng itlog. At anu kaya ang nangyari? At pagkatapos ng malaking bitak
(crack) ay lumabas na si Baby Bird.                                         

Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat sa patlang ang letra ng


pinakatamang sagot.

______1. Ano ang pamagat ng kwento?


a. Baby Bird b.Lovely Bird c. Little Bird d. Big Bird
______2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
a. Angry Bird b. Baby Bird c. Song Bird d. Tweety Bird
______3. Bakit tinawag na ‘natural recylers’ ang mga ibon?
a. Dahil mahilig mamulot ng kung anu-ano at ginagawang pugad.
b. Dahil mahilig silang mamulot ng mga pagkain sa daan.
c. Dahil mahilig silang mamulot ng mga bulate sa lupa.
d. Dahil mahilig silang mamulot ng mga kabibe sa tabing-dagat.
______4. Ano ang ginawa ni Nanay Ibon nang siya ay nangitlog?
a. Inilaga niya ang itlog.
b. Itinapon niya ang itlog.
c. Ni-lim-liman niya ang itlog.
d. Nilunok niya ang itlog.
_____5. Sa paglabas ni Baby Bird, ano ang ginawa ni Nanay Ibon habang naghihintay?
a. Nakipag-away sa dalawang Lady Bug.
b. Nakipag-kwentuhan sa Lady Bug. 
c. Nakipagpaligsahan sa paglipad sa dalawang Lady Bug.
d. Nakipagsigawan sa dalawang Lady Bug.

You might also like